You are on page 1of 72

Kwentong Bayan

PANGKAT 1
Ano ang kwentong bayan?
Kwentong Bayan
Ano ang kwentong bayan?

Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang


-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mga
mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Kwentong Bayan
Ano ang kwentong bayan?
Ito ay mga kwento na nagmula sa mga tradisyon, kultura, at
kasaysayan ng isang bansa o komunidad.
Ito ay karaniwang ipinapamahagi mula sa henerasyon sa henerasyon
upang magbigay-aral, magbigay-gabay, o magpahayag ng mga
karanasan, kaalaman, at moralidad.
Ito ay isang paraan ng pagpapalaganap ng mga kaugalian,
pagpapahalaga, at pag-identipika sa sariling kultura at kasaysayan.
Ano ang kaibahan ng kwentong bayan
sa maikling kuwento?
Ang pagkakaiba ng kwentong bayan at maikling kwento
ay ang Kwentong Bayan ay mga kwento na sikat lamang
sa isang bayan at hindi kapani-paniwala. Maikling
Kwento-mga maiikling kwento at may kinalaman sa
pang-araw-araw nating buhay.
“Kwento ni Juan Tamad”
Ni: Manuel E. Arguilla

Si Juan Tamad ay isang


tauhan sa mga kuwentong
bayan. Kadalasang
inilalarawan bilang bata, kilala
siya sa kanyang katamaran at
katangahan.
01
BUOD NG KWENTO

“Kwento ni Juan Tamad”


Ni: Manuel E. Arguilla
Ang kwento ni Juan Tamad ay isa sa mga sikat na kwentong bayang itinuturo para sa
mga kabataan. Isinasalaysay nito ang katamaran ni Juan Tamad. Isang araw, siya ay
inutusan ng kanyang ina na bumili ng alimango sa palengke. Nang siya ay pauwi
mula sa palengke, naisipan niya muna matulog sa ilalim ng puno. Pinakawalan niya
ang mga alimango at inutusang umuwi sa kanila at itinuro kung saan ang daan. Nang
siya ay nagising sa kanyang siesta, dali-dali siyang umuwi sa kanila at nakita ang
kanyang ina na iniitay siya. Itinanong ng nanay niya nasaan ang mga alimango at
sinabi nito na pinauwi na niya kanina pa. Ngunit wala ang mga ito. Ang aral ng
kwento ay huwag magiging tamad at sundin agad ang utos ng mga magulang.

01
Mahalaga talaga ang paghihintay ng tamang panahon
lalo na sa mga maseselan na sitwasyon. Sapagkat, lahat
ng mga bagay na hinintay mo ay magbubunga ng
matiwasay na kalalabasan. Kagaya ng bayabas, hinog
lang na may payak na lasa ang nahuhulog dito sa
wastong panahon.

01
MAHALAGANG ARAL NA NAKUHA MULA SA KWENTO
“Ang Matsing at Pagong”
Ni: Jose Rizal

Maaring nagmula sa mga


Ilokano ang kuwento. Ang
bersyong Ilokano ng kuwento
ay isang alamat kung bakit
hindi kumakain ng karne ang
mga unggoy.
02
BUOD NG KWENTO

“Ang Matsing at Pagong”


Ni: Jose Rizal
Ang kwento ay tungkol sa dalawang magkaibigan na sina Matsing at Pagong. Isang
araw may natagpuang halamang saging ang magkaibigan at pinaghatian nila ito
para itanim. Kinuha ni Matsing ang taas na bahagi nito dahil ang akala niya ay mas
bubunga ito kesa sa ugat ng puno na nakuha naman ni Pagong. Namatay ang tanim
ni Matsing at ang ugat naman ay namunga ng mga saging ngunit hindi ito kaya
akyatin ni Pagong. Kaya inakyat neto ni Matsing ngunit siya ay naging makasarili at
kinain lahat ng saging. Bilang paghihiganti, pinaligiran ni Pagong ang puno ng mga
tinik na nakasakit kay Matsing. Ang aral na makukuha sa kwentong bayan na ito ay
huwag maging makasarili at madamot ngunit matutong mapagbigay sa kapwa.

02
Ang pagiging tuso at mapanlamang
ay dapat na maiwasan, dahil sa huli
ikaw rin ang talo.

01
MAHALAGANG ARAL NA NAKUHA MULA SA KWENTO
“Inang Kabundukan”
Ni: Sylvia Mendez Ventura

Nagmula sa Batanes Sa isang isla sa


Batanes, isang balo ang may
dalawang anak na nais lamang
maglaro buong araw. Ang tanging
hiling lang ng nanay sa kaniyang mga
anak ay maghanda ng hapunan sa
oras na umuwi siya galing sa
pagtatrabaho sa bukid.

03
BUOD NG KWENTO

“Inang Kabundukan”
Ni: Sylvia Mendez Ventura
Ang kwento ng Inang Kabundukan ay isang kwentong bayan na nagbibigay aral na mas
maging mabait ang mga anak sa kanilang mga magulang lalo na sa kanilang mga nanay.
Kinukwento nito ang kapalaran ng dalawang batang nais lamang maglaro sa maghapon.
Ang tanging hilig lamang ng kanilang nanay ay sila ay maghanda ng kanilang hapunan sa
oras na siya ay umuwi galing sa trabaho. Ngunit pagkauwi niya ay wala ang kanyang
dalawang anak kaya mag-isa siyang naghain ng hapunan. Nang dumating ang dalawang
anak, hindi nila tinulungan ang kanilang ina sa paghahanda at nagpatuloy lang sa
paglalaro. Dahil dito, tahimik na lumisan ang kanilang nanay. Nang hanapin ng dalawang
magkapatid ang kanilang ina ay huli na, nag-hugis bundok na siya at tinawag na “Bundok
Iraya.” Ang aral ng kwentong ito ay maging mabait at matulungin sa ating mga nanay.

03
Maging mabait at
matulungin sa magulang.

03
MAHALAGANG ARAL NA NAKUHA MULA SA KWENTO
BUOD NG KWENTO

“Naging Sultan si Pilandok”


Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa
dagat. Nagkasala di umano sa kasalanang di nya ginawa. Pagkalipas ng
ilang araw, ang Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makita si
Pilandok. Ang Sultan ay magara ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabak
nito. "Hindi ba't ipinatapon na kita sa dagat?" saad ng nagtatakang Sultan.
"Opo mahal na Sultan" tugon naman ni Pilandok. “Kung gayon, paanong
nangyari na ikaw ay nasa aking harapan? dapat ay patay kana ngayon" saad
naman ng Sultan. Ipinaliwanag ni Pilandok na di sya namatay sapagkat
nakita nya di umano ang mga ninuno sa ilalim nang dagat at siya ay
binigyan ng kayamanan. "Marahil ay nasisiraan kana ng bait" saad muli ng
Sultan "Kasinungalingan po iyan mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa
hawla at ipinatapon sa dagat ay muling naririto. May kaharian po sa ilalim
ng dagat ngunit ang tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at
magpatapon sa gitna ng dagat" mariing saad ni Pilandok
04
KUWENTONG BAYAN NG MARANAW
BUOD NG KWENTO

“Naging Sultan si Pilandok”


Nagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na ng
mga kamag- anak. Ngunit di pa nakakalayo ay pinigilan ito ng
Sultan. Sinabing gusto rin nitong magtungo sa gitna ng dagat
upang makita ang mga ninuno. Pumayag naman si Pilandok at
napagkasunduan nila ng Sultan na sya na muna ang
mamumuno habang wala ito. Pagdating nila sa gitna ng dagat
ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat ang Sultan na nasa
loob ng hawla. Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang
Sultan. Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.
04
KUWENTONG BAYAN NG MARANAW
“Naging Sultan si Pilandok”
Walang mabuting maidudulot sa kahit kanino
man ang paghahangad ng labis. Gaya ng Sultan
sa kwento. Sa paghahangad niya ng mas higit
pang kapangyarihan at kayamanan ay nalinlang
siya ni Pilandok at ang naging kapalit ay ang
kayang buhay.

04
MAHALAGANG ARAL NA NAKUHA MULA SA KWENTO
Manik Buangsi
Ni: Virgilio S. Almario
Nagmula sa Lungsod ng Zamboanga.
Ito ay isang kuwento ng wagas na pag-ibig ng
isang mortal at isang inmortal. Si Manik
Buangsi, isang matipunong prinsipe ng langit,
ay umibig kay Tuan Putli, anak ng isang
sultan.
Ito ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa
buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan,
katatakutan at katatawanan na kapupulutan
ng magandang aral.
Manik Buangsi
BUOD NG KWENTO Ni: Virgilio S. Almario
Si Tuan Putli ang pinakamaganda sa pitong anak ng sultan. Marami ang
nanliligaw sa kanya subalit hindi niya pinapansin ang mga ito sapagkat sa kanyang
pagtulog ay lagi niyang napapanaginipan ang lalaking nakatadhana para sa kanya
sa katauhan ni Manik Buangsi. Ganun din ang nararamdaman ni Manik Buangsi
para sa dalaga. Isang araw, hindi na matiis ng binata ang kanyang pag-ibig para
sa dalaga kaya naman kinausap niya si Allah upang tulungan siyang makababa sa
lupa upang makita ng harapan si Tuan Putli at pumayag naman sa kanyang
kahilingan ang bathala. Isang araw, may nanlimos na isang matandang pulubi kay
Tuan Putli at bilang kapalit sa ibinigay na tulong ng dalaga sa matanda ay binigyan
niya ito ng isang bayabas at sinabi nito kay Tuan Putli na itanim ito sapagkat ito
ang kanyang magiging kapalaran. Sinunod ng dalaga ang payo sa kanya ng
matanda, itinanim niya ito hanggang sa ito ay nagbunga.
Manik Buangsi
BUOD NG KWENTO
Ni: Virgilio S. Almario

Pinili niya ang pinakamaganda sa lahat at inilagay niya ito sa loob ng


kanyang silid. Tuwing gabi habang natutulog si Tuan Putli ang bayabas ay
nagiging makisig at magandang lalaki sa katauhan ni Manik Buangsi. Naaaliw si
Manik Buangsi na pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga. Dapat bago
magtilaok ang manok ay mag-anyong bayabas ulit si Manik Buangsi upang hindi
siya makita ng dalaga. Hindi siya maaaring makita ng dalaga sapagkat siya ay
isang bathala ngunit siya ay nakatulog at hindi nakabalik sa pagiging bayabas
kaya naman ay nakita siya ni Tuan Putli. Masayang-masaya ang dalawa
sapagkat sa wakas ay naging katotohanan na ang lahat. Walang magawa ang
mga bathala kundi maging masaya na lamang sa naging desisyon ni Manik
Buangsi na pakasalan ang magandang dalaga at ang mga bathala ay bumaba
upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Manik Buangsi
BUOD NG KWENTO
Ni: Virgilio S. Almario

Sa sobrang inggit na naramdaman ng mga kapatid ni Tuan Putli ay siniraan


nila ang maganda sanang pagsasama ng mag-asawa hanggang sa dumating ang
panahon na lagi na lang silang nag-aaway ni Manik Buangsi at hindi na nito matiis
ang pagiging selosa ng asawa kaya naman nagdesisyon siyang bumalik na lamang
sa lugar ng mga bathala. Nagmakaawa si Tuan Putli na isama siya ng asawa at
pumayag naman ito. Ibinilin ni Manik Buang si kay Tuan Putli na huwag ididilat ang
kanyang mga mata sapagkat madadaanan nila ang isang mahaba at makipot na
tulay na kung saan sa baba nito ay ang mga nagdurusang kaluluwa. Sa oras na
ididilat niya ang kanyang mga mata ay mahuhulog siya at mamamatay ngunit hindi
ito nagawa ni Tuan Putli sapagkat naidilat niya ang kanyang mga mata ng marinig
niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina mula sa ilalim ng tulay. Si Tuan Putli ay
nahulog at namatay. Walang magawa si Manik Buangsi kundi tanggapin na lamang
ang masakit nakatotohanan.
Manik Buangsi
Ni: Virgilio S. Almario

MAHALAGANG ARAL NA
NAKUHA MULA SA KWENTO

Laging makinig at sundin ang


paalala sa atin ng ating mga
magulang at ng mga taong
nakatatanda sa atin sapagkat sila
ang mas nakakaalam sa kung ano
ang mas makakabuti para sa atin.
Mariang Mapangarapin
Ano pa't masasabing isa na siyang
ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man
ay nangangarap siya. Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising. Dahil dito,
nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin.
Mariang Mapangarapin
BUOD NG KWENTO
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.
Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin
sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa
tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang
ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya. Minsan niregaluhan siya
ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang- tuwa si Maria!
Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.
At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing
manok na magbibigay ng maraming itlog.
Mariang Mapangarapin
MAHALAGANG ARAL NA
NAKUHA MULA SA KWENTO

Mahalaga talaga ang paghihintay


ng tamang panahon lalo na sa mga
maseselan na sitwasyon. Sapagkat,
lahat ng mga bagay na hinintay mo
ay magbubunga ng matiwasay na
kalalabasan. Kagaya ng bayabas,
hinog lang na may payak na lasa ang
nahuhulog dito sa wastong panahon.
“Si Usman, Ang Alipin”
Ni: Efren R. Abueg
Kwentong bayan mula sa Maguindanao Siya ay
hinatulang makulong at ipapatay dahil sa
kakisigan at magandang mukha. Umibig siya at
ipinaglaban sa kanyang amang Sultan ang pag-
ibig niya kay Usman. "Malupit na kamatayan sa
malupit na tao." Hindi nagdalawang-isip si Usman
na tumulong sa mga taong nasugatan at namatay
matapos ang malakas na lindol sa palasyo.

07
BUOD NG KWENTO

“Si Usman, Ang Alipin”


Sa isang malayong Sultanato, may isang lalaking alipin at mahirap na
naninirahan. Siya ay si Usman. Kahit na hindi isang dugong bughaw si
Usman, kapansin-pansin naman siya dahil sa angking kakisigan at
kagandahang lalaki nito. Maliban dito, marami rin ang humahanga sa
kagandahan ng ugali niya. Pinamumunuan naman ang kaharian ng malupit
at hindi na nga kaguwapuhang si Sultan Zacaria. Kung ano raw ang
ikinasama ng ugali nito ay siya ring ikinasama ng mukha niya. Hindi
matanggap ng Sultan ang kaniyang hitsura. Upang maibsan ang suliranin,
ang naging solusyon niya ay ipadakip at ipapatay lahat ng mga lalaking
makahihigit sa kaniyang hitsura.
07
BUOD NG KWENTO

“Si Usman, Ang Alipin”


Nahuli si Usman ng mga tauhan ni Zacaria habang ito ay nasa
palengke. Nang makarating sa palasyo, nakita ng anak ni Zacaria na si
Potre Maasita na huwag nang paslangin si Usman. Ngunit buo na ang
loob ng hari at maging ang anak ay ipinakulong din. Sa mismong araw
na gagawin ang pagkitil sa mga nahuli, isang malakas na lindol ang
yumanig sa buong kaharian. Nawasak ang palasyo at nadaganan ng
malaking bato ang Sultan. Nagkamabutihan naman sina Potre at
Usman at nagpakasal. Sila rin ang namuno sa kaharian at naging
mabuti sila sa kanilang mga nasasakupan.

07
“Si Usman, Ang Alipin”
Maging matapat at mabuting pinuno.
Bilang isang pinuno nararapat lamang
na maging magandang ehemplo sa ating
nasasakupan.

07 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Si Usman, Ang Alipin”
Mahalaga talaga ang paghihintay ng tamang panahon
lalo na sa mga maseselan na sitwasyon. Sapagkat, lahat
ng mga bagay na hinintay mo ay magbubunga ng
matiwasay na kalalabasan. Kagaya ng bayabas, hinog
lang na may payak na lasa ang nahuhulog dito sa
wastong panahon.

07 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Ang Batik ng Buwan”
Kwentong Bayan ng mga Bisaya.
Ang inilahad sa akda ay ang karaniwang
sitwasyon o pangyayaring nararanasan ng mga
mag-asawa sa kasalukuyan at nagdaang panahon.
Kakaiba ang nilalaman ng akdang ito sa rasong
wala itong katulad na kwento at napakaganda ng
ideya at persepsyon ng awtor sa pagtingin sa mga
problemang kinakaharap ng mga mag-asawa at
ang epekto nito sa kanilang mga anak.

08
BUOD NG KWENTO

“Ang Batik ng Buwan”


Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-
gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang
yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw
ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak
kapaglumalapit sa kanya. Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang
maglaba ng marurumingdamit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga
anak ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang
mga anak. Buong kasiyahanniyang pinanood ang mga ito habang
naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi
yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap anglipon ng maliliit na bituin nang
madikit sa kanya ay biglang natunaw.

08
BUOD NG KWENTO

“Ang Batik ng Buwan”


Hindi naman nagtagal at umuwi ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang
asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit
kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niyamatagpuan ang mga anak.
Sa gayo’y sinumabatan niya ang asawa. “Niyakap mo sila? Huwag kang
magsisinungaling!”Hindi na naghihintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot
ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang
kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang
sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis
sa mukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng bakit ang mukha ng
buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at
hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

08
“Ang Batik ng Buwan”
Dapat tayong sumunod sa mga mas
nakakalam at huwag basta bastang
magpadala sa damdamin dapat isipin ang
magiging kakalabasan nang hindi magsisi.

08 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Ang Punong Kawayan”
Ni: Francisco "Soc" Aldana Rodrigo

Ang kwento ay maaaring


nagmula sa mga sinaunang
Pilipino na gumagamit ng
kawayan sa kanilang pang-
araw-araw na buhay.
08
BUOD NG KWENTO

“Ang Punong Kawayan”


Sa isang bakuran, may ilang punong kahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga
ang Santol na mahal ng mga bata, mayabong ang Mangga na kinagigiliwan ng mga
ibon, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan. Minsan, nagpaligsahan ang mga punong
kahoy. Ibinida ng mga punong kahoy ang kaniya-kaniya nilang taglay na katangian
maliban kay Punong Kawayan. Tinuya pa nila ito dahil bukod sa payat, at walang
bulaklak at bunga ay wala rin siyang kakibu-kibo. Pinagtawanan nila ang Punong
Kawayan. Maya-maya'y nagalit si hangin sa narinig niya na usapan ng mga punong
kahoy. Sa loob ng isang oras ay pinalakas niya ng pinalakas ang kanyang pag- ihip
dahilan para malagas ang mga bulaklak, mahulog ang mga bunga, at mabuwal ang
puno ng mayayabang na punong kahoy. Tanging si Kawayan ang nag-iisang nakatayo at
di nasalanta matapos ang pagsunod-sunod niya sa malakas na ihip ng hangin.

08
“Ang Punong Kawayan”
Ni: Francisco "Soc" Aldana Rodrigo

Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal


ng tao. Kaya huwag maging mayabang.
Maging tulad ng kawayan na
mapagpakumbaba.

08 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Ang Engkantada ng Makulot”
Ni: Lualhati Bautista

Ang kwento ay maaaring


nagmula sa mga sinaunang
Pilipino. Hindi tiyak ang tunay
na pinagmulan ng kwento.

09
“Ang Engkantada ng Makulot”
Ang kwento ay tungkol sa isang bayan na pinagpapala ng isang
engkantada, sa kapaligiran at mga uri ng mga tao sa kwento.
Ipinakita dito ang mabuting kalooban ng mga tao sa bayan na
maligaya, matahimik at matatakutin sa Diyos ngunit nagbago at
nakalimot sa maganda at malinis na pamumuhay. Dahil dito ay
tuluyang binawi ng pangunahing tauhan ang kanyang
pagtulong sa mga tao. Naging aral iyon sa kanila at buhat nuon
ay nagbalik-loob sila sa dating magandang buhay.

09
“Ang Engkantada ng Makulot”
Ni: Lualhati Bautista

Maging mabuti sa lahat ng oras at laging


gumawa ng kabutihan. Ang ikasasagana ng
ating kalikasan ay nasa atin ding mga kamay
kaya huwag nating hayaang masira ito dahil sa
ating kapabayaan.

09 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


Bakit mas Maliwanag ang
Araw kaysa Buwan?
Ni: Francisco M. Africa

Ang kwento ay maaaring nagmula


sa mga sinaunang Pilipino. Hindi
tiyak ang tunay na pinagmulan ng
kwento.
Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
Ni: Francisco M. Africa
BUOD NG KWENTO

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni
Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw.
Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban
nito.

Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang
brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang brilyante
ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.
Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
Ni: Francisco M. Africa
BUOD NG KWENTO

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa
lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at
ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang
dalawang brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na
Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.
Bakit mas Maliwanag ang
Araw kaysa Buwan?
MAHALAGANG ARAL NA
NAKUHA MULA SA KWENTO

Iwasan ang pagiging mainggitin sa


kapwa. Maging mabuti sa lahat ng
pagkakataon dahil ito ang nais ng Diyos.
Ang pagiging mainggitin ay walang
mabuting maidudulot bagkus, ito ay
Ni: Francisco "Soc" Aldana Rodrigo magdadala sa atin ng kapahamakan.
“Ang Kuwento ni Mariang Makiling”
Jose P. Santos Ang kwentong ito ay tungkol kay Maria
Makiling, isang diwata o engkanto sa Bundok
Makiling.
Mula sa mga alamat ng mga taga-Laguna sa
Pilipinas.
Ipinapakita nito ang pagiging mapaglaro ni
Maria Makiling at ang kanyang kakayahang
magsanhi ng kabutihan o kaguluhan.
Walang tiyak na manunulat, ito ay narating
mula sa mga oral na tradisyon.

14
BUOD NG KWENTO

“Ang Kuwento ni Mariang Makiling”


Jose P. Santos

Si Mariang Makiling ay isang magandang diwata na


naninirahan sa bundok ng Makiling, malapit sa Los Baños,
Laguna. Siya ay kilala sa kanyang kagandahan at kabutihan
sa mga taong nakatagpo sa kanya. Ngunit sa likod ng
kanyang kabaitan, may misteryo sa kanyang pagkatao.

14
BUOD NG KWENTO

“Ang Kuwento ni Mariang Makiling”


Jose P. Santos
Ang kuwento ay umiikot sa pagmamahalan nina Mariang
Makiling at si Juan, isang guwapong kabataan. Sila ay
nagkaroon ng malalim na pagmamahalan, ngunit sa kabila
nito, ang kanilang pag-ibig ay inaapektohan ng mga
pagsubok at kaganapan. Isa sa mga pangunahing
pangyayari ay ang pagkakasangkot ni Juan sa isang
aksidente. Si Mariang Makiling ay nagbigay ng tulong sa
kanya at iniligtas ang kanyang buhay.
14
BUOD NG KWENTO

“Ang Kuwento ni Mariang Makiling”


Jose P. Santos

Gayunpaman, dahil sa pag-ibig ni Juan kay Mariang


Makiling, nawalan siya ng interes sa isang dalagang taga-
Los Baños na nagngangalang Maria. Dahil dito, nagkaroon
ng alitan at tensyon sa kanilang komunidad. Sa huli, si
Mariang Makiling ay nagpasya na iwanan ang kanyang
mortal na pagkatao at muling bumalik sa kanyang diwata
at kalikasan na anyo.
14
BUOD NG KWENTO

“Ang Kuwento ni Mariang Makiling”


Jose P. Santos

Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng mga temang


tulad ng pag-ibig, pag-aalaga sa kalikasan, at ang
konsepto ng pagiging mausisa sa mga hiwaga ng mga
diwata. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng respeto sa
kalikasan at pagmamahal sa kapwa.

14
“Ang Kuwento ni Mariang Makiling”
Jose P. Santos

Ang kwento ay nagpapakita ng mensahe


tungkol sa pag-aalaga sa kalikasan at
paggalang sa mga espiritu ng kalikasan.

14 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Nakalbo Ang Datu”
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang
Muslim. Ilalahad nito ang ilang
paniniwala ng mga Muslim tungkol sa pag-
aasawa. Sa kanilang paniniwala, ang isang
lalaki ay maaaring magasawa nang higit
sa isa kung may kakayahang sustentuhan
ang pakakasalang babae at ang magiging
pamilya nila.
BUOD NG KWENTO
“Nakalbo Ang Datu”
May isang datu na tumandang binata dahil sapaglilingkod
sa kaniyang mga nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa
pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang
5mag-asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang
tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak
na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu
ng makakasama niya habambuhay.
BUOD NG KWENTO
“Nakalbo Ang Datu”
Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang
datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang
dalagang tunay na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang
itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya
ang dalawang dalaga. Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.
Siya ay batang bata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang
datu, mahal ni Hasmin ang asawa.
BUOD NG KWENTO
“Nakalbo Ang Datu”
Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang
bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. "Ah! Bubunutin ko
ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang
kasinggulang ko lamang siya." Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing
mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.
Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Sadyang
mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at
mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu.
BUOD NG KWENTO
“Nakalbo Ang Datu”
Tuwang tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.Tuwing
tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal
ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu. Tunay na
naging maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi
kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla
nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal
nina Hasmin at Farida.
“Nakalbo Ang Datu”
MAHALAGANG ARAL NA
NAKUHA MULA SA KWENTO

Ang pagmamahal ay
naipakikita sa iba't-ibang
paraan.
“Ang Kalabasa at Ang Duhat”

Walang tiyak na
manunulat, ito ay
narating mula sa mga
oral na tradisyon.

17
BUOD NG KWENTO

“Ang Kalabasa at Ang Duhat”


Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa
at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki
ang mga ito. Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang
lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y
kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong
mamunga.
Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

17
BUOD NG KWENTO

“Ang Kalabasa at Ang Duhat”


Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang
lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang
mamunga. Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng
bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito. Matamang nag-isip
si Bathala. Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na
malaki rin ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay
gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat
lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang. Wika ni Bathala.

17
BUOD NG KWENTO

“Ang Kalabasa at Ang Duhat”


Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng
banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang
mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi
bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t
natatakpan sa malalapad na dahon.
Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya
nasiyahan.

17
BUOD NG KWENTO

“Ang Kalabasa at Ang Duhat”


Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At
napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang
kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay
gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay
magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang
kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang
duhat. Pagkat ito’y malapit sa araw.
At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

17
“Ang Kalabasa at Ang Duhat”

May kanya-kanyang natatanging katangian ang


lahat. Maging masaya sa kung ano ang ipinagkaloob
sa iyo ng Diyos dahil siguradong may dahilan kung
bakit ganyan ang katangiang mayroon ka.

17 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Ang Diwata ng Karagatan”
Kuwentong-Bayan ng Ilococs

Ang Diwata ng Karagatan ay maikli,


ngunit magandang kwentong
bayan. Magandang ibahagi ang
kwentong bayan na ito sa mga bata
dahil mapupulutan ng aral.

18
BUOD NG KWENTO

“Ang Diwata ng Karagatan”


Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang
namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang
pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at
nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon.
Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-
maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit
sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang
maliliit ay namatay.
18 Kuwentong-Bayan ng Ilococs
BUOD NG KWENTO

“Ang Diwata ng Karagatan”


Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay
wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom
ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal
ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang
humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan.
Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at
gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng
anumang makasisira sa kalikasan.

18 Kuwentong-Bayan ng Ilococs
BUOD NG KWENTO

“Ang Diwata ng Karagatan”


Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata
ay bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda. Nanaganang
muli ang kabuhayan ng mga tao.

18 Kuwentong-Bayan ng Ilococs
Kuwentong-Bayan ng Ilococs

“Ang Diwata ng Karagatan”


Ang mensahe ng kwentong bayan na ito ay
kailangan nating pangalagaan ang ating
karagatan at ingatan ang ating mga likas na
yaman.

18 MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO


“Sina Adlaw at Bulan”
Ito ay isang kuwentong
bayan ng Tinggiyan
Walang tiyak na
manunulat, ito ay narating
mula sa mga oral na
tradisyon.

20
BUOD NG KWENTO

“Sina Adlaw at Bulan”


Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting
pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan.
Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng
masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.
Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang
iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni
BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang
pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos
araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya
niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw.
20
BUOD NG KWENTO

“Sina Adlaw at Bulan”


Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa
kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at
hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw)
sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama
ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y
nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan
kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.
20
“Sina Adlaw at Bulan”
Ang puot at galit ay walang
magandang patutunguhan sa
atin. Ito ay magdudulot lamang
kaguluhan, paghihiganti, at ang
malala pa ay hahantong sa
walang humpay na kaguluhan.

20
MAHALAGANG ARAL SA KUWENTO
FM 117 13 September, 2023

Maraming
Salamat!
Mula sa Unang Pangkat...

01

You might also like