You are on page 1of 11

Mga Bahandi: Manlapaynon at Tuburan-on

Catherine Geolin at Renamae Bernal

PANIMULA

Isa sa tinatawag na kataga na “sariling atin” ng mga Pilipino ay ang


salitang Kultura, ito ay kalimitang ipinapasa-pasa para mas yumabong pa sa
susunod na henerasyon. Nagpapatunay ito na natatangi ang isang tao kapag
may sarili itong kulturang pinagmulan. Ayon kina Kroeber at Cluckhohn (1963),
naging inspirasyon ng British anthropologist na si Edward Tylor (1871) na
konseptwalisasyon ng kultura bilang "ang masalimuot na kabuuan na
kinabibilangan ng kaalaman, paniniwala, sining, moralidad, batas, kaugalian, at
anumang iba pang kakayahan at gawi na nakuha ng tao bilang kasapi ng
lipunan” (p. 1). Gayunpaman, sa halip na tingnan ito bilang isang paraan ng
pagtatamo ng sibilisasyon, binabalangkas ni Tylor ang kultura bilang isang
unibersal kundisyon. Ang bawat lipunan ay may kultura.

Ang Kulturang PIlipino ay binubuo ng samo’t saring mga paniniwala,


kaugalian at mga tradisyon na naging parte na ng buhay ng mga tao. Ito ay
nagsisilbing pundasyon ng bawat Pilipino na ipamalas at ipagmalaki ang mga
kinalakihang mga kultura at tradisyon na nagmula pa sa mga sinaunang mga
ninuno ngunit sa kabila ng yamang ito ay hindi maipagkakaila na mayroon pa
ring mga lugar na hindi pa nalalapatan ng pagtuklas sa mga nakatagong
kulturang ito, kaya naman bilang pagkilala at pagbibigay halaga sa Kulturang
Pilipino ay nagsaggawa ang mga mananaliksik ng isang pag-aaral tungkol sa
pagtuklas ng iba’t ibang mga kinagisnang kultura sa piling lugar ng Dalaguete at
Tuburan ng Cebu.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mailahad ang mga paniniwala,


kaugalian, kagawian at iba pang aspeto na may kaugnayan sa kultura ng mga
Manlapaynon sa probinsya ng Dalaguete at Tuburanon sa probinsya ng Tuburan.
Mga Natuklasan at Pagtalakay:
Talahanayan 1: Kultura ng mga Manlapaynon

Demograpikong Kultura Pagpapaliwanag


Propayl

Manlapay, Dalaguete, Cebu

Pangalan/Code Bingka sa Naandan na namo nga matag


Name: Lucy Kalag-Kalag kalag-kalag kay dili gayud
Edad: 59 mawala kining bingka nga
Lugar: Sitio Upper maabtan nalang og liwas, di
Kayapukan, gihapon kini mapan-os. Di usab
Manlapay, Dalaguete, ikalimod nga lami kaayo ni ipares
Cebu sa sekwati labi na panahon sa
tinghalad sa kadlawn. Kini
ginama sa pilit nga humay,
sentral nga kalamay, og tuba nga
mas magpalami niini. Ang
paghalad niining bingkaha
nahimong tilimanon matag
kalag-kalag isip pagpakita og
importansiya og paghandum sa
mga nitaliwan na namong mga
mahal sa kinabuhi ingon man
usab sa mga nitaliwan namong
mga katigulangan.

Pangalan/Code Balikutsa Dili ikalimod sa mga


Name: Luning Manlapaynon ang kamahiligon
Edad: 65 sa mga tam-is nga pagkaon ug
Lugar: Sitio Lower usa niini ang “balikutsa”. Kini
Kayapukan, ginama sa tuno sa lubi og
Manlapay, Dalaguete, kinugay nga kalamay nga sa
Cebu gimix sa kawa sa inanay nga init
sa kalayo hangtud mohagkot kini
og mamahimong kendi. Mao kini
ang nakahiligang idalit sa mga
bata labi nag naay magbirthday.

Pangalan/Code Nilarang na Hugaw man kining paminawon


Name: Beray Baki apan ang nilarang nga baki
Edad: 49 gikahidlwan kini sa mga
Lugar: Sitio Upper Manlapaynon ilabi na ting-ulan.
Kayapukan, Ang baki nga larangon dili sama
Manlapay, Dalaguete, sa mga baki nga makita sa mga
Cebu dalan o sa mga kalibonan o
mamala kundi kini baki sa mga
dagkong sapa busa kini limpyo.
Nahimo usab kining kalingawan
sa kadaghanan tungod kay
managpanon man padulong sa
dagkong sapa og didto manulo
og baki.

Pangalan/Code Kapunungan Hangtod karun aduna gihapoy


Name: Karing bayanihan sa Manlapay og usa
Edad: 62 na niini mao ang kapunungan
Lugar: Sitio diin ang matag Manlapaynon
Kabungbungan, muhatag og kwarta/limos nga
Manlapay, Dalaguete, nagkantidad og 50 pesos matag
Cebu pamilya ngadto sa pamilya nga
namatyan. Kini nagpakita og
pagkamaunungon sa tibuok
banay sa masulub-ong panahon
sa kabanay nga mitaliwan ang
ilang mahal sa kinabuhi.

Pangalan/Code Alayon Usa usab kini sa gipasigarbo sa


Name: Norma Manlapay ang bayanihang
Edad: 74 nadak-an sa matagManlapaynon
Lugar: Sitio Centro, kung diin mao kini ang giingong
Manlapay, Dalaguete, “old but gold” sa mga nakasinati
Cebu niini. Ang “alayon” mao kini ang
panagtapok og panagdungan sa
pag-uma o pag-ubra sa baol/uma
nga gipanag-iya sa silingan, suod
nga higala, o kaliwat sa banay.
Kini mahuman lamang kung
naubrahan na tanang
baol/umahan sa tanang
miyembro o nitabang sa maong
alayon. Kini dili gayod
mahikalimtan bisan kinsa ilabi na
sa mga nakasinati tungod kay sa
takna sa alayon anaa ang
kasadya sa panagtabi,
kataw-anay samtang nagtrabaho
sa umahan.
Sa Pilipinas hindi lang sa Manlapay, ang bibingka ay naging parte sa
anumang pagdiriwang. Sa katunayan, walang pagdiriwang kung wala itong
kakanin na inihahain sa hapag dahil sa katanyagan nito sa mga Pilipino
(Philippines Country Guide,2012). Sinabi ng Department of Tourism at
Department of Agriculture na nabighani ang mga bisita sa lugar at sa pagkaing
inihahain sa kanila. Batay sa kamakailang pag-aaral ng mga bisita ng DOT ay
naghahanap ng mga pasalubong lalo na ang mga native delicacy products na
maaaring maging regalo para sa kanilang pamilya, kaibigan at kamag-anak
DOT(2021). Hindi rin maikakailang likas sa atin ang pagiging mahiligin sa mga
matatamis lalo na ang ating kabataan na mahihilig sa mga kendi. Ayon nga ni
Sherill A. Gilbas, (2014) sa kanyang artikulong “Food for Love: Bicolano’s Culture
in Merlinda Bobis’ Novel (Vol. 6)” na ang balicucha at tira-tira ay mga uri ng
kending minamahal at kinagigiliwan ng mga bata. Kung mga exotic foods naman,
ang pagkain ng mga pagkaing ito ay namana natin sa ating mga ninuno. Sa
Manlapay, Dalaguete, ay may “nilarang na baki” sa mga Kapampangan naman
ito ay “betute”. Isinulat ni Lindsay Bennett sa Globetrotter Island Guide,
"Philippines" na ang pagkain ay higit pa sa simpleng nutrisyon para nating mga
Pilipino kung saan mahilig tayong kumain, ito man ay isang sit-down meal
kasama ang pamilya o mga kaibigan o isang mabilis na meryenda. Ang
pagbabahagi ng pagkain ay isa sa mga magagandang sosyal na kasiyahan para
sa lahat ng klase, at ang kawalan ng pagkain para sa iyong mga bisita ay
itinuturing na pinagmumulan ng ‘hiya,’ kaya ang mga bundok nito ay inihahain sa
mga party at fiesta.

Sa bandang bayanihan naman, kailanman man hindi mabubura sa ating


pagkatao ang pagiging likas na maunawain sa kapwa, at pagiging matulungin sa
paraang alam natin. Ang kapunungan ng mga Manlapaynon ay ay isa na rito na
kung saan ay ang bawat pamilya sa banay ay nagbibigay ng abuloy para sa
pamilyang namatayan. Ang konsepto ng isang Filipino core value na tinatawag
na kapwa o “shared identity” [8]. Ang Pakikipagkapwa o pagbabahagi ng
pagkakakilanlan ng isang tao ay kinabibilangan ng pagtrato sa isa't isa bilang
kapwa o kapwa sa dalawang paraan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan: ang
“ibang-tao”[labas] [9] at ang “hindi-ibang-tao” [isa-sa-tin] [ 10]. Sa konteksto ng
pagluluksa, ang pakikipagkapwa ay makikita sa pamamagitan ng pakikiramay —
pakikiramay at pakikiramay na ipinahahayag mula sa isang kapwa [na
“isa-sa-tin”] patungo sa isa pa — at pakikidalamhati — pakikibahagi sa
pagdadala ng pasanin ng nagdadalamhati o ng matinding kalungkutan sa
pagdanas ng pagkawala ng one-of-us variation ng kapwa (Santiago, 1993;
Pe-Pua at Protacio-Marcelino, 2000). Kaugnay nito ay ang tinatawag na alayon
na kung saan ay mayroong grupo ng mga magsasaka ang sabay-sabay sa
pagsaka ng isang sakahan na maaaring pagmamay-ari ng isang kapitbahay,
kaibigan, o di kaya naman ay kamag-anak. Ito ay lingid sa kaisipan ng mga
Manlapaynon na isang gawaing bayanihan sa paraang matatapos lamang ang
alayon kung ang sakahan sa lahat ng miyembrong o kasaping tumulong sa
nasabing alayon ay naipagawa o nasaka na. Bago dumating ang mga
kolonyalistang Espanyol sa Pilipinas noong 1521, ipinakita ng mga Pilipino ang
mga gawaing komunal ng pagtutulungan na kilala bilang bayanihan. Ito ay
nagpapakita kapag ang mga lalaking miyembro ng komunidad ay tumulong sa
pagbunot ng isang kubo sa isang bagong lokasyon. Ang iba pang mga bersyon
ng bayanihan ay ipinapakita sa mga tuntunin ng pagtulong sa isa't isa sa
panahon ng pag-aani at pagtatanim, (Inocian et.al., 2019). Hindi lamang sa
pagkain mayroon ang Manlapay na nangingibabaw sa kultura nito kundi maging
sa gawi at pagmamalasakit sa kapwa.

Talahanayan 2: Kultura ng mga Tuburanon

Demograpikong Kultura Pagpapaliwanag


Propayl

Lamac, Tuburan, Cebu

Pangalan/Code Pan De Cabra Mao ni ang kasagarang


Name: Lyn-lyn kan-onon sa mga tao labi na
Edad: 41 katong muadto sa darohan. Usa
Lugar: Sitio Lamac, ni siya ka kamoteng kahoy nga
Jagbuaya, Tuburan, giputos sa dahon sa lubi.
Cebu

Pangalan/Code Lamaw Ang paglamaw ug mga prutas


Name: Ninin maoy naandan namo sukad pani
Edad: 61 sauna labi na ug naay mga taga
Lugar: Sitio Lamac, syudad unya mubisita ug bukid
Jagbuaya, Tuburan, unya mu request ug “lamaw” ug
Cebu lubi, way pagduha-duha
magdali-dali dayun mi anag
pamutong para lamawon namo.

Pangalan/Code Lamac Ang kaning amoang sitio kay


Name: Tiya Winnie ginapalibutan kini ug dako kaayo
Edad: 70 nga tubig, labi na ug mag-uwan
Lugar: Sitio Lamac, ug kusog unya mubaha,
Jagbuaya, Tuburan, muporma dayun na ug dako
Cebu kaayo nga tubig nga hangtud
mura nig mahimong dagat
maong gitawag ni namog Lamak
kay lamakan man gud ning
amoang lugar dinhi. Naa guy
mga tawo nga muari sa amoang
sitio kay para mamasol unya
manguha ug isda para
ipanud-an ug kami sad ari rami
manguhag para sud-an kung
wala’y ikapalit.

Pangalan/Code Molobolo Spring Sa Tuburan kay daghan kaayo


Name: Tiyo Paul mig mga tubod nga kaliguanan
Edad: 75 pero ang pinaka nindot gyud
Lugar: Sitio Lamac, adtuon kay ang Molobolo
Jagbuaya, Tuburan, Spring. Diri pwede kaayo ning
Cebu himoong tapukanan sa mga
tawo kung ganahan maligo kay
dili lang ka makaligo sa spring
aduna sad niy dagat silbi doble
imohang kaliguanan. Malingaw
sad gyud ka labi kung kuyog
nimo imong mga pamilya sa
pagpangaligo.

Pangalan/Code Ilog-ilog sa Kini kay usa ka buluhaton namo


Name: Rasil Kalag-kalag nga naandan na gyud namong
Edad: 35 buhaton taga kalag-kalag. Usa
Lugar: Sitio Lamac, mag “Ilog-ilog” kay mangadyi
Jagbuaya, Tuburan, una sa taga balay, inig kahuman
Cebu anha na sugdan ang pag
inilogay sa mga bata sa mga
pagkaon nga gihalad sa lamesa
sa tagsa tagsa ka panimalay.
Malingaw nalang gud ka
magtan-aw nila labi na kung
daghan kaayong mga bata,
unya nagatapok ang isig kaliwat,
ig-agawan ug mga igsuon.

Nababanggit sa isang artikulo sa mga lista ng mga medesinal na mga


pananim ng StuartXChange na sa Pilipinas ang kamoteng kahoy ay kilala sa
malambot nitong dahon kaya ito ay ginagamit bilang pambalot at bilang sangkap
sa mga nilagang gulay. Isa sa mga pangunahing pananim na pagkain sa
maraming rehiyon ng Africa, Asya, at Latin Amerika. Ang kamoteng kahoy ay
karaniwang nakikita sa mga lugar na may malusog na lupa partikular na sa mga
bukirin na mga lugar. Sa Tuburan ito ay isang uri ng pagkain na kung saan isinilid
sa isang dahon ng saging tinatawag nila itong “Pan de Cabra . Karaniwang itong
dinadala ng mga tao sa bukirin kapag nagsasaka sapagkat ito ay isang putahe
na madaling gawin at angkop para gawing panghimagas o di kaka’y
pananghalian sa bukid.

Ang Pilipinas ay sagana sa mga puno ng niyog. Makikita mo ito kahit saan
dito sa ating bansa. Ibinahagi ng Cebu Daily News na karamihan ng mga
‘lamaw’ ay kilala ang mga natirang pagkain na ginagamit sa pagpapakain ng
mga baboy. Ngunit dahil, ang mga Cebuano ay napaka-malikhain sa paggawa
ng iba pang mga pagkain na maaaring tamasahin ng mga tao na may parehong
pangalan, ngayon, ang 'lamaw' ay naging isang pambahay na pangalan para sa
masarap na murang pagkain. Katulad sa ginagawa ng mga tuburan-on ay
nakaugalian na rin nila ang mag-lamaw ng niyog sapagkat naging parte na ito
bilang nakaugalian na pagkain ng mga tao sa Tuburan, Cebu.
Sa aspetong pamumuhay ay kadalasan pagsasaka at panananim ang
namumutawi sa mga lugar ng ibang mga bukirin katulad lang din dito sa Sitio
Lamac ng Jagbuaya, Tuburan ay pagsasaka rin at panananim ngunit dahil sa
napapalibutan ang kapatagan na bahagi ng lupa ng tubig ay kalimitang naging
pangingisda o pamimingwit ang naging paraan nila sa pamumuhay.

Ang mga spring sa lugar ng Tuburan, Cebu ay kilala sa napakaganda at


napakalamig nitong tubig. Ang nakakapreskong tubig ng palanguyan na ito ay
umaakit ng mga bisita mula sa buong probinsya at mga bisita mula sa ibang
lugar. Ibinahagi sa pananaliksik ni Co (2016) sa na hindi kataka-taka na ang
Molobolo Spring ay isa sa mga likas na biyaya ng kalikasan. Mula sa "tubod" ay
umaagos ang malamig at nakakapreskong tubig at napakasariwa ng hangin sa
lugar. Nagtayo ang lokal na pamahalaan ng isang parihabang pool bilang
pang-akit sa mga turista sa magandang hatid ng tubig mula sa bukal. Dito
maaaring lumangoy ang mga bisita sa nagyeyelong tubig.

Nakasaad sa isinulat ni Cayos (2020) na isa sa mga tradisyon ng mga


Pilipino tuwing Undas ay ang pag-aalay ng panalangin para sa mga namayapa
na. Ayon sa ating kinagisnang paniniwala, makakatulong ang panalangin para
magkaroon ng kapayapaan ang kanilang kaluluwa o kaya ay para makaakyat sila
sa langit. Sa paniniwala ng mga taga Tuburan tungkol sa pagdiriwang ng Araw
ng mga Kaluluwa ang pananalangin ay nagpapakita ng relihiyosong kultural na
gawain na kung saan isa ito sa mga mahahalagang katangian ng mga Pilipino
ang pagiging makadiyos. Kaugnay nito ang nakasanayang paniniwala na
magkaroon ng “Ilog-ilog” o ang pagkikipag-agawan, ang terminong ito ay ginamit
hindi para makapadama ng sakit bagkos ito ay isang paraan na ipakita ang
pagkakaisa ng mga tao, lalong lalo na sa mga bata. Sa kaugaliang ito ay
naituturo ang tamang paggabay sa mga bata tungo sa pagkamit ng pagkakaisa.
KONKLUSYON

Ang bawat kulturang inilahad sa ibabaw ay pawang kabuuang kaugalian,


paniniwala, gawi, at tradisyon ng isang ng mga tao ng dalawang probensiya sa
lalawigan ng Cebu na masasabi nating likas Pilipino. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng bawat Manlapaynon at Tuburan-on ang kanilang
pagkakakilanlan, kasaysayan, at halaga.

Bilang kabuuan, ang dalawang lugar ay mayroon mang iba’t ibang


kulturang natuklasan, sa huli, ang bawat lugar ay pawang nagpapakita ng isang
pagkakatulad ang magkaroon ng kulturang naging malaking epekto sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay at tinuturing “bahandi” o kayaman ng dalawang
lugar na siyang ipapamana sa susunod na henerasyon. Ito ang nagtatakda ng
mga kaugalian, paniniwala, at mga batas na sinusunod nila bilang mga
miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sa kanila kundi maging sa ating lahat.
Ayon nga ni Franz Boas (1930) na itinuturing na impluwensya si Taylor, ang
kulturang Tylorean at tinukoy ito bilang "mga pagpapakita ng mga gawi sa
lipunan ng isang komunidad, ang mga reaksyon ng indibidwal na apektado ng
mga gawi ng pangkat kung saan siya nakatira, at ang mga produkto ng mga
gawain ng tao bilang tinutukoy ng mga gawi na ito” (p. 79). Ibig sabihin tayong
lahat ay konektado sapagkat ang kultura ang siyang nagbibigay sa atin ng isang
malalim na pagkakakilanlan bilang tayo, mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas.
Ito ang nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay at nagpapahayag ng ating mga
pinaniniwalaan at kahalagahan. Kaya itanim natin sa ating pagka-Pilipino na sa
pamamagitan ng kultura, natutukoy natin ang ating lugar sa lipunan at
nagkakaroon tayo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan bilang mga mamamayang
Pilipino.
Sanggunian:

Cabazares, S. & Cabazares, J. (n.d.). ‘Kultura’ in the 21st Century Filipino


Language: Revisiting the Western Critique of ‘Culture’.
Cayos, D. (2020). Ano Nga Ba Ang Kahalagahan ng Undas? - Every Nation
Campus. Every Nation Campus.
https://enc.ph/ano-ang-kahalagahan-ng-undas/
Cebu Daily News. (2023). Cebu street food? Here are two lamaws known by
Cebuanos.https://cebudailynews.inquirer.net/512850/cebu-street-food-her
e-are-two-lamaws-known-by-cebuanos#ixzz8KqSbhREM
Co, J. (2016). MOLOBOLO SPRING: THE NATURE’S GIFT OF TUBURAN.
Tourism.
https://hotelecast.wixsite.com/tourism/single-post/2016-1-18-molobolo-spri
ng-the-nature-s-gift-of-tuburan.
Davao, E. (2014, December 17). CULTURE & ARTS - Exotic foods from the
Philippines.
EdgeDavao.https://edgedavao.net/special-feature/2014/12/17/culture-a-art
s-exotic-foods-from-the-philippines/
Food for Love: Bicolano’s Culture in Merlinda Bobis’ Novel. (2014). SHERILL a.
GILBAS, Vol. 6, ISO 9001:2008.
https://www.researchgate.net/profile/Sherill-Gilbas/publication/276441775
_Food_for_Love_Bicolano's_Culture_in_Merlinda_Bobis'_Novel/links/620
211505bdf0f2ef854c742/Food-for-Love-Bicolanos-Culture-in-Merlinda-Bob
is-Novel.pdf
Kamoteng kahoy / Manihot esculenta / Cassava : Herbal Medicine / Philippine
Alternative Medicine. (n.d.).
http://www.stuartxchange.org/KamotengKahoy.html
View of impact of rice delicacies among selected areas in the province of Biliran.
(n.d.). https://www.opsearch.us/index.php/us/article/view/44/36
View of Fostering online communities through pakikiramay and pakikidalamhati
on memorialized Facebook accounts. (n.d.).
https://firstmonday.org/ojs/index.php/fm/article/view/12740/11008
View of Indigenizing and contextualizing the use of cooperative learning
strategies. (n.d.).
https://ojs.upsi.edu.my/index.php/JRPPTTE/article/view/2581/2078

You might also like