You are on page 1of 4

SAN MATEO MUNICIPAL COLLEGE

General Luna St. Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal


Tel. No. (02) 8997-9070
www.smmc.edu.ph

Modyul 2
Ang Kasaysayan ng Panitikan
sa Pilipinas

EED13
PAGTUTURO NG/ SA FILIPINO SA ELEMENTARYA
II (PANITIKAN NG PILIPINAS)

Ipinasa ni:
BANTILAN, ANGILA B. BEED-3
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. ALAMAT

➢ Ang alamat ay ang mga haka-hakang kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan.
Mga haka hakang, palapalagay tungkol sa pinang-galingan ng isang bayan. Ang alamat ay mga
kwentong bayan na isinasalin sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga alamat ay
kapupulutang ng mga aral. Ang mga kwentong ito ay nagsasalamin ng ating kultura.

2. KWENTONG-BAYAN

➢ Ito ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali
at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang
maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa
kasalukuyang pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong pag-uugali at
mga aral na gustong ibigay ng kuwento.

3. EPIKO

➢ Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran


ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi
kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan.
Tinatalakay din dito ang mga sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan
kung saan nagmula ang akda.

4. BUGTONG

➢ Ang bugtong ay kadalasang ginagamit sa laro o libangan ng kahit sino. Isa itong masayang laro na
ginagamitan ng palaisipan. Ito ay hinango sa salitang “pagbasa” sa lumang Ingles na ang
kahulugan ay ipaliwanag o hulaan. Sinisimulan ito sa dobleng salita at sinusundan ng nakakaaliw
na paglalarawan ng mga salita.
5. KASABIHAN

➢ Ang ibig sabihin ng kasabihan ay isang koleksyon ng mga maikling, pahayag na may kaugnayan
sa isang partikular na tao. Karaniwang nang nanggagaling ito sa mga matatalino at makaranasang
mga tao lalung-lalo na ng pinuno ng pulitika o relihiyon. Ang kasabihan ay maaari ding anumang
maayos na pagkakasulat o salitang nagpapahayag na lalong hindi malilimot dahil sa kahulugan
nito o estilo. Ang kasabihan ay mga matatalinong mga salita, payo, at saloobin.

6. SAWIKAIN

➢ Ang sawikain ay kilala rin sa tawag na idyoma (mula sa Ingles na “idiom”). Ito ay isang
pagpapahayag na ang ibig-sabihin ay hindi ang direktang kahulugan nito. Gumagamit ito ng mga
salitang kung titignan sa diksyunaryo ay iba ang kahulugan sa nais na iparating. Maaari rin nating
sabihin na ito ay hindi tuwirang pagbibigay ng kahulugan sa isang tao, bagay, o pangyayari.

7. SALAWIKAIN

➢ Ang salawikain ay tumutukoy sa mga kasabihan na may layuning magbigay aral. Ito ay base sa
mga totoong karanasan o pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay naglalaman ng praktikal na payo o
kaalaman na maaari nating magamit. Madalas, ito ay maikli lamang, at payak ang mensahe. Ang
salawikain ay tinatawag bilang proverbs sa Ingles.

8. DULA

➢ Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay
matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o
isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.
B. Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga sumusunod na halimbawa ng Karunungang
Bayan.

Salawikain Kahulugan
❖ Ito ay kung ano ang natutunan mo mula
“Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay pagkabata ito rin ang madadala mo sa
nadadala sa pagtanda” pagtanda. Halimabawa, ikaw ay tinuruan
ng iyong magulang ng magandang-asal
noong ika’y bata pa, ito ay madadala mo
hanggang sa pagtanda. Ang mga
ginagawa ng bata, mabuti man o
masama, kadalasan ay nadadala nila sa
kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa
lamang, dapat ay iwasto na ang dapat
iwasto.
Sawikain
“Bukas-palad” ❖ Ito ay ang handa ka tumutulong kahit
anong oras o araw. Hindi nagiging
madamot pagdating ng araw na ikaw ay
humihingi ng tulong. Ang isang bukas
palad na tao ay sinusunod ang salita ng
Diyos dahil ito ang pangunahing utos na
maging mabait sa kapwa tao at
magbigay sa iba kung may sobra sa mga
materyal na bagay.
Kasabihan
“Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang ❖ Para sa akin, ito ay ang nagiging dahilan
sukli.” kung bakit nagiging masagana ang
buhay dahil sa pagiging Mabuti ang
ugali. Walang tinatapakan na tao,
pantay-pantay ang pagtrato ito ang
magiging sukli mo ang maging
masagana ang iyong buhay.

You might also like