You are on page 1of 24

Modyul

5
Panahon ng
Pagbabagong Diwa G. Raymark G. Marin
Guro

Email Address:
itsmeisirmac@gmail.com
Contact Number:
09453520055

Tagal ng Modyul:
Oktubre 18 - 30 2021

EED13
PAGTUTURO NG/ SA FILIPINO SA
ELEMENTARYA II (PANITIKAN NG
PILIPINAS)

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda
BALANGKAS NG KURSO AT
PAGTATAYA NG ORAS/PANAHON

Nilalalaman ng Kurso/Paksang-aralin

Linggo 1 Oryentasyon ng Kurso, Regulasyon, Alituntunin at iba pa.

Linggo 2-3 Ang Kasaysayan ng Panitikan sa


Pilipinas
2.1 Ang Panitikan
2.2. Ang Anyo ng Panitikan
2.3.Ang Kahalagahan ng Panitikan
Linggo 4 Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
3.1.Alamat
3.2.Kwentong –Bayan
3.3.Epiko
3.4.Awiting-Bayan
3.5.Bugtong
3.6.Salawikain at Kasabihan

Linggo 5 Panahon ng mga Kastila


4.1.Ang Pasyon
4.2.Karagatan
4.3.Duplo
4.4.Moro-moro o Komedya
4.5.Mga Awiting Panrehiyon
Linggo 6-8 5. Panahon ng Pagbabagong Diwa
5.1.Kilusang Propaganda
5.2.Ang mga Propagandista at ang kanilang mga akda
5.2.1.Dr. Jose Rizal
5.2.2.Marcelo H. Del Pilar
5.2.3.Graciano Lopez Jaena
5.2.4.Antonio Luna
5.2.5.Mariano Ponce
5.2.6.Jose Maria Panganiban
5.2.7.Dr. Pedro Paterno
5.2.8.Fernando Canon

Linggo 9 Mga Manunulat sa Panahon ng Himagsikan at ang kanilang mga akda


6.1.Andres Bonifacio
6.2.Emilio Jacinto
6.3.Apolinario Mabini 8. Panahon ng Hapon
6.4.Jose V. Palma
Linggo 10 Panahon ng Amerikano
7.1.Katangian / Kaganapan
7.2.Mga Manunulat
7.3.Mga Hamak na Dakila
7.4.Bayan Ko
7.5.Isang Punung Kahoy
7.6.Ang Aklasan
7.7.Isang Dipang Langit
Linggo 11-12 Panahon ng Hapon
8.1.Tulang Karaniwan
8.2.Malayang Tula
8. 3.Haiku at Tanaga
8.4.Maikling kuwento
8.5.Ang Nobela
8.6.Ang Dula

Linggo 13 Panahon Mula nang Matamo ang Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyan.


9.1.Maikling Katha
I|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
9.2.Tula
9.3.Dula
9.4.Nobela
9.5.Sanaysay

IMPORMASYON NG KURSO

Pagtuturo ng Filipino sa
Pamagat ng Kowd ng
Elementarya II EED13
Kurso: Kurso:
(Panitikan ng Pilipinas)
Kinakailangan Kredit ng
Tatlong (3) yunit
ng Kurso Kurso

PANGANGAILANGAN SA KURSO Markahang Pagsusulit


 Pagpasok sa Klase 30%
 Mahaba at Maikling Pagsusulit/ Markahang Pagdalo sa Klase
Pagsusulit 5%
 Pakikibahagi sa Talakayan (Resitasyon)
 Pagsakatuparan at Pagsumite ng Portfolio Mahaba at Maikling Pagsusulit
ng Pagkatuto 25%
 Awtput ng Pananaliksik / Proyekto/ Gawain Takdang Aralin
 Takdang Aralin 5%
Proyekto/ Gawain
25%
Sistema ng Pagmamarka
Pakikibahagi sa Klase 10%
Kabuoan 100%

II | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Modyul V
Ang Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong Diwa

PAGTATAKDA NG MODYUL

Ang modyul na ito ay para sa isang linggo na kung saan ay maaaring magsama-sama sa isang klase
upang matalakay ito gamit ang mga minumungkahing pamamaraan:
- Google Meet;
- Facebook Live;
- Messenger Video Chat; at
- Iba pang plataporma para sa Video Conferencing.

Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga mag-aaral gamit
ang mga gawaing nakalakip.

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:


 Naipaliliwanag atnatatalakay angkatangian ng panitikan noongpanahon ng Kastila.
 Nakapagsasagawa ng malayang talayakan tungkol sa paksang tinalakay
 Nakasusulat ng repleksiyon tungkol sapaksa ng mga akda noong panahon Panitikang Kastilla

PAGLALAYAG NG KAALAMAN

PANITIKAN SA PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA

Hindi lang relihiyoso ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito.


Dahil sa pang-aapi ng mga Espanyol sa mga Pilipino, di nagtagal ay
nagpahayag ng pagtuligsa ang mga manunulat. Pangunahin dito ang
mga bayani tulad nina Andres Bonifacio, Marcelo del Pilar, at
Emilio Jacinto. Sa akda ng mga katipunero ay mababatid ang
pagnanasa ng ating mga ninuno na matamo ng tinubuang bayan ang
tunay na kalayaan. Sa akda rin nila malalaman ang uri ng lipunan noong
panahon ng pananakop: pagmamalabis, pang-aalipin, at pagyurak sa
pagkatao ng mga Pilipino. Kaya naman karaniwan sa anumang
panitikang rebolusyunaryo na may pagpapahayag ng kasawian, pati na rin ng pagnanais na
lumayang muli.

III | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA
 Ang paghahangad ng pantay at matuwid na pagtingin.
 Nagsimula ng payagan ng Espanya sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
 Damdaming liberal na nagsimula sa Europeo.
 Kasabay nito ang himagsikansa Espanya noong 1868 at ang pagbubukas ng kanal Sues noong 1869.
DIWANG MALAYA
 Ang paghahangad ng pantay at matuwid na pagtingin.
 Nagsimula ng payagan ng Espanya sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
 Damdaming liberal na nagsimula sa Europeo.
 Kasabay nito ang himagsikansa Espanya noong 1868 at ang pagbubukas ng kanal Sues noong 1869.

MGA NAKAIMPLUWENSYA SA MGA PILIPINO UPANG MAGHANGAD NG BAGONG-BIHIS NA


PAMAHALAAN
 Mga pananaw sa panulat nina Rousseau, Voltaire, Locke at iba pa.
 Ang mga ideolohiya ng mga pag-aaklas ng mga Amerikano at Pranses .
 Sabay na pag-unlad ng Pilipinas sa sistemang pandaigdigan.

KAISIPAN NG MGA ILUSTRADO


 Di pagkakapantay-pantay na pagtingin o pagtrato ng mga Kastila at Pilipino.
 Lantarang pagsasamantala’t paniniil ng mga namumuno.
 Pagkakaroon ng liberal na gobernador. Ang pag-aalsa ng mga manggagawa sa arsenal sa Kabite at
pagbitay kina Padre Gomez, Burgos at Zamora.

IV | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
KASAYSAYAN NG LIBERALISMO SA PILIPINAS.
 Pagkagapi ng Reyna Isabela II at ang pag-akyat sa kapangyarihan ng liberalismo sa Espanya.
 Ang pagiging Gobernador-Heneral ni Carlos Ma. Dela Torre sa Pilipinas.
 Ang pagkatha ni Jose Rizal ng tulang “Ala Jeventud Filipina” (Sa kabataang Pilipino) na inihandog niya
sa kapisanan ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas ,ang Felipe Buencamino.
 1870 – Natalo ang pansamantalang Republika ng Espanya sa mga Monarkista at naging hari si
Amadeo ng Savoy (1871-1873)
 Pumalit kay Hen. Carlos Dela Torre si Rafael de Izquierdo at umusbong ang kaguluhan.
 Enero, 1872 – Nag-aklas ang mga manggagawa sa arsenal sa Kabite na pinamunuan ni Lamadrid,
isang sarhentong Pilipino .
 Pebrero 17, 1872 – Nahatulan ng bitay sa garote sina Padre Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto
Zamora .
 Maraming Pilipino pa ang isinangkot sa kaguluhan sa Kabite at ipinatapon sila sa Hongkong,
Singapore, Barcelona, Madrid, Londres at iba pang pook-banyaga.
 Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda.

KILUSANG PROPAGANDA
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
 Pagkakapantay-pantay na pagtingin sa Pilipino at Kastila sa harap ng batas.
 Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
 Ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
 Italaga ang mga Pilipino bilang mga kura-paroko.
 Kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino, gaya ng makapagpahayag, makapagsalita, kalayaang
makapaglunsad ng pagtitipon at pagpupulong at paghingi ng katarungan sa kaapihan.

ANG MGA PROPAGANDISTA


KATANGIAN NG MGA PROPAGANDISTA:
 Karamihan sa kanila ay may mga angking talino, may damdaming makabayan, may dakilang
katapangan at lakas ng loob, anak ng nakaririwasang pamilya at nagsipag-aral at nakapagtapos sa
mga kilalang unibersidad.
 Naipaabot ang kanilang simulain sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang masonaria.
 Naglathala at nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat, mga artikulong tumutuligsa sa maling
pamamahala tungo sa paghingi ng reporma

DR. JOSE P. RIZAL


 Isinilang noong Hunyo 19, 1861.
 Manunulat,pintor, maglililok, kinilalang manggagamot, paham at siyentipiko sa Europa.
 Makapagsasalita ng 22 na wika.
 Pinagbintangan ng sedisyon at paghihimagsik ng pamahalaang Kastila, nakulong sa Real Fuerza de
Santiago at nahatulang barilin sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre.
ANG MGA TANYAG NA AKDA NI RIZAL
 Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
 El Filibusterismo (Ghent, 1891)
 Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hingil sa Katamaran ng mga Pilipino)

V|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
 Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos (London,Pebrero 22,1889)

MARCELO H. DEL PILAR (1851-1896)


 Isinilang sa nayon ng Kupang n San Nicolas, Bulacan noong ika-30 ng Agosto, 1850
 Anak nina Julian (mambabalarila) at Blasa Gatmaytan na kilala sa tawag na Donya Blasica.
 Nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas,nag-eeskrima, at tumugtog ng biyolin at plawta.
 Itinatag at pinamatnugutan ang Diariong Tagalog (1882)
 Humalili kay Graciano Lopez-Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
 Gumamit siya ng mga ngalang sagisag sa panulat tulad ng “Dolores Manapat,” “ Piping Dilat,”
“Plaridel,” at “Pupdoh.”
MGA KINIKILALANG AKDA NI DEL PILAR
 Caiingat Cayo (Kaingat kayo)
 Ang Cadaquilaan ng Dios (Barcelona,1888)
 Ang Kalayaan
 “La Frailocracia en Filipinas” at “La Soberaña Monacal en Filipinas.”
 “Dupluhan… Dalit…Mga Bugtong” (Malolos,1907)
 Dasalan at Tocsohan
 Isang Tula sa Bayan
 Paciong Dapat Ipag-alab Nang Puso nang Taong Babasa
 Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

 GRACIANO LOPEZ JAENA (1860-1896)


Ipinagmamalaking anak ng Jaro,Iloilo.
 Ipinanganak noong Disyembre 18, 1860.
 Itinuring na isa sa pinakadakilang henyo ng Pilipinas.
 Kritiko ng pahayagang Kastila – Los Dos Mundos.
 Itinatag at pinamatnugutan ang La Solidaridad noong 1889.
 Kabilang sa Associacion Hispano-Filipino, kapisanan ng mga Kastila at Pilipino na tumutulong sa mga
pagbabago.
MGA AKDA NI GRACIANO LOPEZ-JAENA
 La Hija Del Fraile (Ang Anak Ng Prayle)
 Sa Mga Pilipino (1891)
 En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas)
 Mga Kahirapan sa Pilipinas
 En Honor del Presidente de la Assocasion Hispano-Filipino
 Ang Lahat ay Pandaraya
 Fray Botod (Disyembre 17,1856-Enero 20,1896)

ANTONIO LUNA (1868-1899)


 Isinilang sa Urbis, Tondo, Maynila noong Oktubre 29,1868.
 Isang parmasyotikong produkto ng Ateneo.
 Ginamit ang Taga-ilog bilang sagisag sa pagsulat.
 Naging patnugot ng La Independencia.
 Namatay noong Hunyo 7, 1899, di umanoy nabaril sa Kabanatuan, Nueva Ecija.

VI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
ILANG AKDA NI ANTONIO LUNA
 Noche Buena
 Divierten
 Por Madrid (Sa Madrid)
 La Maestra De Mi Pueblo
 Todo Por El Estomago
 La Tertulla Filipina (Ang Piging na Pilipino
 Impresiones

MARIANO PONCE
 Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22,1863.
 Nakasulat ng mga akdang pampanitikan gamit ang wikang kastila, Tagalog at Ingles.
 Nagkubli sa sagisag na Tikbalang, Nanding at Katipulako.
 Tagapamahalang patnugot , mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang propaganda.
 Namatay noong Marso 23, 1918.

MGA AKDA NI MARIANO PONCE


 “Mga Alamat ng Bulakan”
 “Pagpugot kay Longino”
 “Sobre Filipinas”
 “Ang Mga Pilipino sa Indi Tsina”
 “Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda

PEDRO SERANO LAKTAW


 Isa sa mga pangunahing Mason na kasama ni Antonio Luna na umuwi sa Pilipinas upang bunuo ng
Masonarya.
 Itinatag ang Lihiyang “NILAD”
 Sumulat ng unang “Diccionario Hispano-Tagalog” na nalathala noonh 1889.
 Ang kanyang “Estudios Gramaticales” at “Sobre La Lengua Tagala” ang pinagbatayan ni Lope K.
Santos ng balarila ng Wikang Pambansa.

JOSE MARIA PANGANIBAN


 Isinilang sa Mamburaw, Camarines Norte noong Pebrero 19, 1865.
 Kilala sa sagisag na JOMAPA sa kanyang panulat.
 Siya ay nakilala sa pagkakaroon ng Memoria Fotografica
ILANG AKDA NI JOSE MARI PANGANIBAN
 A Nuestro Obispo
 Noche de Mambulao
 Ang Lupang Tinubuan
 Sa Aking Buhay
 El Pensamiento
 La Universidad de Manila
 Su Plan de Estudio

VII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
DR.PEDRO PATERNO
 Isinilang sa mayamang angkan sa Sta. Cruz Maynila noong ika-17 ng Pebrero 1857.
 Napabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino – panahon ng Propaganda, Himagsikan at
Amerikano
 Iskolar at mananaliksik

MGA AKDA NI DR. PEDRO PATERNO


 Ninay
 Sampaguita y Poesias Varias (Mga Sampaguita at Sarisaring Tula)
 El Cristianismo y La Antigua Civilizacion Tagala (1892)
 La Civilizacion Tagala, “El Alma Filipinos” at “Los Itas”
 A Mi Madre (Sa Aking Ina)

PASCUAL POBLETE
 Isinilang sa Naic Kabite noong ika-17 ng Mayo, 1856.
 Tinaguriang “Ama ng Pahayagan.”
 Itinatag at pinamatnugutan ang pahayagang “El Resumen” matapos maghiwalay ni Marcelo Del Pilar
sa pagsusulat sa “Diyariong tagalog.
 Napatapon sa Africa at nagtatag ng “El Grito el Pueblo” na may pangalang “Ang Sigaw ng Bayan.”
 Itinuturing na kauna-unahang nagsalin ng “Noli Me Tangere” ni Rizal sa wikang Tagalog.
MGA AKDA NI PASCUAL POBLETE
 Salin ng nobelang “Konde ng Monte Kristo” ni Alexander Dumas
 Lucrecia Triciptino
 Salin ng “Buhay ni San Isidro Labrador” ni Francisco Butina
 Ang Kagila-gilalas sa buhay ni Juan Soldado
 Ang Manunulat sa Wikang Tagalog

ISABELITO DELOS REYES


 Itinatag ang “Iglesia Filipina Independencia.”
 Nagtamo ng gantimpala sa exposisyon sa Madrid sa kanyang kathang “El Folklore Filipino.”
 May akda ng: Las Islas Visayas En La Epoca de la Cobquista, Historia De Ilocos at La Sensacional
Memoria Sobre La Revolucion Filipina

Ang Pag-Ibig ni Andres Bonifacio


Isa si Andres Bonifacio sa mga bayaning ipinahayag ang kaniyang masidhing pag-ibig para sa
bayan sa pamamagitan ng panulat. Anong alam mo sa buhay ng Supremo? Paanong
naimpluwensiyahan ng kaniyang mga karanasan ang damdamin ng akdang ito?
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa At isa-isahing talastasang pilit
Andres Bonifacio Ang salita’t buhay na limbag at titik
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Ng sangkatauhan ito’y namamasid.
sa pagkadalisay at pagkadakila Banal na pag-ibig! Pag ikaw ay nukal
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Sa tapat na puso ng sino’t alinman,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang,
Ulit-ulitin mang basahin ng isip Nagiging dakila at iginagalang.

VIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Pagpupuring lubos ang palaging hangad Di gaano kaya ang paghihinagpis
Sa bayan ng taong may dangal na ingat; Ng pusong Tagalog sa puring nilait
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat, Aling kalooban na lalong tahimik
Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Walang mahalagang hindi inihandog Saan magbubuhat ang paghinay-hinay
ng may pusong mahal sa Bayang Sa paghihiganti't gumugol ng buhay
nagkupkop; Kung wala ding iba na kasasadlakan
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Kundi ang lugami sa kaalipinan?
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Kung ang pagkabaon n'ya't pagkabusabos
48 Sa lusak ng daya't tunay na pag-ayop,
Bakit? Alin ito na sakdal laki, Supil ng panghampas, tanikalang gapos
na hinahandugan ng buong pagkasi, At luha na lamang ang pinaaagos?
Na sa lalong mahal nakapangyayari, Sa kaniyang anyo'y sino ang tutunghay
At ginugugulan ng buhay na iwi? Na di aakayin sa gawang magdamdam?
Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan, Pusong naglilipak sa pagkasukaban
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan Ang hindi gumugol ng dugo at buhay.
Ng kawili-wiling liwanag ng araw Mangyayari kaya na ito'y malangap
Na nagbigay-init sa lunong katawan. Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap Sa naghihingalong inang nasa yapak
Ng simoy ng hanging nagbibigay lunas Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?
Sa inis ng puso na sisinghap-singhap Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap. Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Baya'y inaapi, bakit di kumilos
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal At natitilihang ito'y mapanood?
Mula sa masaya't gasong kasanggulan Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Hanggang sa katawa'y mapasalibingan. Sa pag-asang lubos na kaginhawahan
Ang nangakaraang panahon ng aliw, At walang tinamo kundi kapaitan
Ang inaasahang araw na darating Hayo na't ibigin ang naabang Bayan.
ng pagkatimawa ng mga alipin Kayong natuyan na sa kapapasakit
Liban pa sa Bayan saan tatanghalin? Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
At ang balang kahoy at ang balang sanga MuIing pabalungi't tunay na pag-ibig
Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya, Kusang ibulalas sa Bayang piniit.
Sukat ang makita’t sasaalaala Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak,
Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya. Kahoy n'yaring buhay na nilanta't sukat
Tubig n’yang malinaw an anaki’y bubog, Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok, MuIing manariwa't sa Baya'y lumiyag.
Malambot na huni ng matuling agos, 50
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot. Kayong mga pusong kusang niyurakan
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Ngayon ay magbango't Baya'y itangkakal,
Walang alaala't inaasam-asam Agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kundi ang makita'y lupang tinubuan. Kayong mga dukhang walang tanging
Pati ng magdusa't sampung kamatayan palad
Wari ay masarap kung dahil sa bayan Kundi ang mabuhay sa dalita't hirap,
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Kung ang bayang ito'y masasapanganib Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
At siya ay dapat na ipagtangkilik, Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. Ito'y kapalaran at tunay na langit.
49
Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan
Ay linapastangan at niyuyurakan
Katuwiran, puri niya’t kamahalan
Ng sama ng lilong taga-ibang bayan

ANG PAHAYAG NI EMILIO JACINTO


“Isa iyong gabing madilim. Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbalgimbal na
gabing iyon. Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng isang tinghoy, na
kukurap-kurap at ang liwanag ay nanganganib nang kusang panawan ng búhay. 51 Sa yugtong halos isuko na
IX | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang gumigiyagis sa
kaniyang puso, na waring nakabaón sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito
niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinàng tinig,
matamis at malungkot, na nag-uusisa: "Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso
at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?" Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas:
may kapíling siyá at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na waring
nababálot ng maputîng ulap ang kabuuan. "Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang
katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang halaga. Bakit
kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking paghibik?" "Hanggang kailan," sagot ng anino,
"ang kamangmangan at ang katunggakan ay magiging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng mga
bayan?” "Hanggang kailan kayó makasusunod magbangon pabalikwas mula sa kabulagan ng pag-unawa
tungo sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilála at hanggang kailan kayo
magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking píling ay maaaring matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo
sa kapayapaan ng sangkalupaan?" "Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na kapangyarihan
at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?" "Ay, sa abá ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang
ngayon? Ngunit hindi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon magmula nang dalawin ko
ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo
ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapuwa mo nilikha, at kung kaya naglahò sa inyong mga gunita ang
pagkakilala sa akin ...” "Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig: Ako ay ang simula ng
mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring
matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa akin ay
nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay
nabigo at namatay ang sigâ ng Santa Ingkisisyon na ginamit ng mga fraile para busabusin ang libo at libong
mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa ang
pansariling pakinabang at walang nakikíta 52 kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay
natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at napugto ang
kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na panginoon; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng
mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga ay may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot
ko sa Hapon, Amerika, at ibang pook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin
ang mga hiwaga ng siyensiya, saanmang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at nakasisinghap
nang daglian ang dibdib na nalulunod sa pang-aalipin at kabangisan. Ang pangalan ko ay KALAYAAN."
Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nitó at pagkaraan ng ilang saglit ay saka nakapangusap:
"Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o kataas-taasang Kalayaan! Papawiin ko ang
pighati na nagpapabalong ng labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba sa mga
pagdaralita ng aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo ang mga alipusta, mga pangangailangan,
mga kautusang dapat tiisin at pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at muling
kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking
mga kapatid!” “‘Ako,’ sabi nila, ‘ay nagugutom’, at siyang nagturo sa akin na pakainin ang nagugutom ay
tumugon: ‘Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang
hapag:’” “Sabi ng aking mga kapatid: ‘Ako'y nauuhaw,’ at siyang nagturo sa akin na painumin ang nauuhaw ay
tumugon: ‘Lagukin ang inyong mga luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga
nita:” "Hibik ng aking mga kapatid: 'Wala akong damit, ganap na akong hubad', at siyang nag-utos sa amin na
damitan ang hubad ay tumugon: ‘Ngayon di'y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga
tanikala:’” "Sabi ng aking mga kapatid: 'Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng isang Kastila, ng isang
mariwasa,' at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya ay tumutugon: 'Ang taong iyan ay tulisan, isang
bandido at isang masamang tao: ikulong sa piitan!'” "Sasabihin ng aking mga kapatid: 'Kaunting awa at
kaunting lingap,' at mabilisang tutugon ang mga maykapangyarihan at pinunong makatwiran at mabuting loob
kung mamahala: 'Ang taong iyan ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!'”
"Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin kung dapat magdamdam ang aking
puso at kung may sanhi ang pagluha ...” 53 "Dapat magdamdam at lumuha," tugon ni KALAYAAN sa himig na
nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita."Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang
may sugat ay walang dugong maitigis, kung ang mga sukab ay wala nang buhay na maaaring putulin, kung
tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora,
sa pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na maaaring
mabuhay sa píling ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan.
Lumuha sa sariling tahanan, sa katahimikan at kadiliman ng gabi, ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang
nararapat para sa isang kabataan ... hindi ito ang nararapat." "Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat
gawin? Kaming mga Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay naturuan na
kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat
naming gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa." "Hindi lahat ng
naugalian ay mabuti," paliwanag ni KALAYAAN, "may masasamang kahiligan at ang mga ito'y dapat iwaksi
lagi ng mga tao." Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang sasabihin at walang
maapuhap na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag. "Ang ipinahayag ko
sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring ang
wasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay binaluktot. Samakatwid, makinig ka.
Noong unang panahon, noong ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang
X|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
naugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking pangangalaga, at
siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy na nagdudulot sa kaniya ng buhay at lakas ng katawan;
tinatanglawan ng aking liwanag ang kaniyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang
araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang
katwiran, at ang karampatan, at nangako ng luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kaniya.” "Dumating man
siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kaniyang mga
paggalaw at pagkilos, ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay nagwakas na;
na ganap nang napako sa kaniya ang kapuspalad na bayan ... at inalayan siya ng mga kapatid ng papuri at
halos pagsamba ... at ako ay nakalimutan at halos itakwil nang may pagkamuhi at...Umabot sa akin ang iyong
mga hinagpis at natigib ako sa labis-labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayo'y dapat
na akong umalis kaya't paalam na." 54 "Huwag muna, Kalayaan," pakiusap ng kabataan nang makita siyang
tumalikod at nakahandang lumisan. "Pagbigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang
mga pagmamalabis na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan. Hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik
sa iyong pangangalaga?" "Unawain akong mabuti. Bagama’t hindi mo nababanggit, walang ibang naririnig ang
aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam
ng aking puso at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing may naririnig
na dumaraing. Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya
pumipintuho sa akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa aking adhika.
Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa." Halos katatapos wikain ito, noon
lumamlam ang sinag ng tinghoy, na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis ... Kinaumagahan,
nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga
mata ng kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.”

ANG HULING PAALAM NI DR. JOSE RIZAL

Tagalog Version of taas na ang noo't walang kapootan,


"Mi Ultimo Adios" walang bakas kunot ng kapighatian
PAHIMAKAS ni Dr. Jose Rizal gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Sa kabuhayang ko ang laging gunita


Lupang iniirog ng sikat ng araw, maningas na aking ninanasa-nasa
mutyang mahalaga sa dagat Silangan, ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Masayang sa iyo'y aking idudulot pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
sa kagalingan mo ay aking ding handog. akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
Sa pakikidigma at pamimiyapis bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib, Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
matamis sa puso at di ikahapis. sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
Saan man mautas ay dikailangan, sa kaluluwa ko hatik ay igawad.
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan, At sa aking noo nawa'y iparamdam,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
sa likod ng luksang nagtabing na ulap. ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
Ang kulay na pula kung kinakailangan magalaw na sinag at hanging hagibis.
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang Kung sakasakaling bumabang humantong
ng kislap ng iyong maningning na ilaw sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
Ang aking adhika sapul magkaisip at dalitin niya payapang panahon.
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
sa dagat Silangan hiyas na marikit. ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
XI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil; Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
kung tungkol sa akin ay may manalangin Katagalugang ko pinakaliliyag,
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing. dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
mangagatiis hirap na walang kapantay; Ako'y patutungo sa walang busabos,
mga ina naming walang kapalaran walang umiinis at berdugong hayop;
na inihihibik ay kapighatian. pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa; Paalam, magulang at mga kapatid
dalanginin namang kanilang makita kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
ang kalayaan mong, ikagiginhawa. mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
At kung an madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't Pag pasasalamat at napahinga rin,
tanging mga patay ang nangaglalamay, paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
huwag bagabagin ang katahimikan. paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!
Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting, Sa salin ni Andres Bonifacio
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.

Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat


at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

At mga buto ko ay bago matunaw


maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin


na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,

b. Ang Salawikain
XII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda


















XIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda



k. Ang Mga Sawikain
   
  
      
   
     
  
 





d. Ang Mga Kasabihan


XIV | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda





 
e. Ang Palaisipan






   
   
  
      
   

XV | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
    
 






g. Ang Mga Unang Dulang
Pilipino






   
     
 
XVI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
   
 
  
   








b. Ang Salawikain






XVII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda















k. Ang Mga Sawikain
   
  
      
XVIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
   
     
  
 





d. Ang Mga Kasabihan







 
e. Ang Palaisipan
XIX | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda






   
   
  
      
   
    
 






XX | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
g. Ang Mga Unang Dulang
Pilipino






   
     
 
   
 
  
   




XXI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda



GAWAING PANGKAISIPAN:
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

A. Panuto: Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang mahihirap na
salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga ito sa loob ng kahon, at isulat
sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo
ng isang talata na may kaugnayan sa tula, pagkatapos mong magbasa. Gawin sa isang buong papel.

B. Panuto:Magsaliksik tungkol sa iba pang anyo ng panitikan na lumaganap noong Panahon ng


mga Espanyol. Ibahagi sa klase ang mga nasaliksik. Anong mga tema at damdamin ng mga
akdang nasaliksik ninyo?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

XXII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
PAGTATAYA
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, ang gagamitin ay ang Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular ay may ilalakip na mga talatanungan sa huling bahagi
ng modyul na ito

B. Panuto: Bumuo ng isang maikling sanaysay tungkol sa paanong nagbago ang inyong mga pananaw at
naunawaan tungkol sa panahong ito ng ating kasaysayan? Paanong nasalamin ng mga akda noong
panahong ito ang kalagayang panlipunan?

Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit 40%
Kalinawan at Kawilihan 20%
Kabuoang bahagdan 100%

TAKDANG-ARALIN

Magsaliksik ng iba pang akda na nagmula sa ating mga bayanni. Itala ang mga ito sa inyong e-
notebook.

SANGGUNIAN

Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.
Alma
M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House, Inc., 2009

Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko. National Book Store.
Mandaluyong City, 1991

Austero, Cecilia S. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. UNLAD Publishing House. Pasig
City.
2007

Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. C & E Publishing,
Inc. Quezon City. 2008

XXIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda

You might also like