You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

ISABELA STATE UNIVERSITY


Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

SY 2017-2018
MID-YEAR SEMESTER

Course No.: MAJOR 14


Course Title: OBRA-MAESTRA NG PANITIKANG FILIPINO
No. of Units: 3
Course Description:
Ang kurso ay sumasaklaw sa pagbabasa, pagsusuri at pagpapahalaga ng mga
mag-aaral sa mga literaturang Filipino na bumago sa tunguhin at kasaysayan ng literatura sa
Pilipinas at gayundin sa kasaysayan ng bansang Pilipinas bilang isang lahi. Layunin din ng
asignaturang ito na magkaroon ng kahandaan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa
Filipino sa pagkilala at pagsuring mabuti sa mga Obra maestrang Filipino nang sa gayon ay higit
nilang mapahalagahan, mapayaman at maipamana nang may lubos na pagpapahalaga,
pagmamahal at pagmamalaki sa kanilang mag-aaral sa darating na bukas ang mga akdang
nabanggit.

General Objectives:
Makalipas ang isang buong semestreng talakayan, pananaliksik at pagkaklase, ang mga
estudyante ay inaasahang:
1. Natatalakay ang iba’t ibang katangian ng isang akdang pampanitikang maaaring
ituring na obra-maestra.
2. Nakababasa at nakasusuri ng iba’t ibang obra-maestrang panitikang Filipino mula sa
iba’t ibang panahon.
3. Napag-uugnay ang panitikan, kasaysayan, kultura at agham batay sa mga obra-
maestrang Filipino na babasahin.
4. Nakabubuo ng tula, sanaysay, komiks at iba pang likhang sining na nakabatay sa
obra-maestrang Filipino na binasa at sinuri.

Course Outline
1. Kalikasan ng Obra-Maestrang Filipino
2. Ang Noli Me Tangere
3. Ang El Filibustersimo
4. Ang Florante at Laura
5. Ang Ibong Adarna

Page 1 of 7
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Mga Pangangailangan sa Kurso


1. Atendans at partisipasyon sa klase
2. Pagpasa sa maiksi at mahabang pagsusulit
3. Kalipunan ng mga pagsusuri

Pinal na Kahingian
Pagsusuri ng Obra-Maestrang Filipino batay sa sumusunod na genre:
1. Nobela at Maikling Kuwento
2. Tula at Dula
3. Pelikula at Drama sa Radyo

PAALALA:
1. Bawal ang magkatulad na akda o piyesa UPANG MAIWASAN ANG ANOMANG
URI NG DAYAAN
2. Kailangang maisumite ang mga bago 12:00ng sa Hulyo 20, 2018

Grading System:
Major Examination
a. Preliminary Examination 15%
b. Mid-Term Examination 25%
c. Final Examination 25%
Class Standing
a. Attendance 10%
b. Quiz 10%
c. Suring Papel 15%
KABUUAN 100%

MGA MUMUNTING PAALALA AT PALIWANAG UKOL SA


MAGIGING SET-UP NG KLASE SA MAJOR 14

1. Ang mid-year class ay gaganapin sa loob ng anim (6) na linggo para sa kabuuang 54 na
oras, isang (1) araw bawat linggo na nakatakda tuwing Miyerkules mula 7:30nu
hanggang 12:30nt at 1:00nh hanggang ika-5nh para sa kabuuang siyam (9) na oras bawat
pagkaklase. Magsisimula ang klase ika-13 ng Hunyo hanggang ika-18 ng Hulyo.

Page 2 of 7
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

2. Mahigpit na mamanmanan o i-che-check ang atendans ng bawat mag-aaral sapagkat 10%


ng kabuuang grado ang magmumula rito. Magsisimula ang klase sa ganap na 7:30nu at
1:00nh at ituturing na late ang sinomang dumating makalipas ang 15 minuto ng klase.
bawat atendans ay bibigyan ng kaukulang sampung (10) puntos. Sa unang 15 minuto, ang
mahuhuli ay kakaltasan ng dalawang (2) puntos. Samatala, 0.5 na puntos ang ibabawas sa
bawat minutong mahuhuli ang mag-aaral makalipas ang unang 15 minuto ng pagkahuli.
Samakatuwid, makalipas ng 31 minuto ng pagkahuli o late, ituturing na itong isang araw
na absent. Sa panuntunan ng Unibersidad, kapag umabot sa 40% ng kabuuang 54 na oras
ang absent o pagliban ng mag-aaral sa klase, ituturing na itong drop. Ang 40% ng 54 oras
ay 21.6 na oras, samakatuwid, ang dalawa’t kalahating (2.4) araw na pagliban sa klase ay
makatatanggap na ng drop na grade.
3. Sa loob ng anim (6) na linggo, magbabasa at magsusuri lamang ang gagawin ng mga
mag-aaral. Ito’y sa layuning higit na mapahalagahan ng iba’t ibang obra-maestra ng
panitikang Filipino. Dahil sa kakapusan ng oras, ang pagbabasa sa mga akdang nakatala
ay gagawaing takdang-aralin. Sa bawat pagkaklase, inaasahang nabasa na ng bawat mag-
aaral ang mga nakatakdang obra.
4. Ang estilo ng pagkaklase ay panel discussion, pangkatang pagsusuri, peer tutoring at
interaktibong diskurso na pamumunuan ng isang mag-aaral bilang tagapagpadaloy o
facilitator.
5. Ang mga mag-aaral ay bubuuin ng apat na uri: tagapagpadaloy, tagapagpayaman, kalihim
at tagasuri. Bawat mag-aaral ay inaasahang gagampanan ang lahat ng uring ito. Inaasahan
sa bawat uri ang sumusunod:
a. Tagapagpadaloy
1) Magsisilbing facilitator ng talakayan. Siya ang mamumuno para sa
partikular na session.
2) Bilang tagapamuno, inaasahang nabasa at ganap niyang
naunawaan ang tekstong tatalakayin. Siya ang pangunahing tagapagbahagi
sa kaalaman at impormasyon sa session batay sa itinakdang pormat ng
presentasyon.
3) Maaaring gumamit ng power point presentation para ibahagi ang
awtput.
b. Tagapagpayaman
1) Bubuuin ito ng lahat ng mag-aaral maliban sa tagapagpadaloy,
kalihim at tagasuri sa partikular na session.
2) Maaaring susugan o kontrahin sa makatuwirang pamamaraan ang
mga ideya at impormasyong ibinabahagi ng tagapagpadaloy. Sa

Page 3 of 7
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

sitwasyong, walang nais sumusog o magtanong, bubunot ang guro ng


pangalan upang maisagawa ito.
c. Kalihim
1) Siya ang magtatala ng lahat ng mga karagdagang impormasyon at
ideyang magmumula sa mga tagapagpayaman kaakibat ng wastong
paliwanag at mga batayan.
d. Tagasuri
1) Siya naman ang magsisilbing editor ng kabuuang papel ng
tagapagpadaloy makalipas idagdag ng kalihim ang mga ideya at
impormasyon ng tagapagpayaman. Susuriin niya ang lohika ng
pagkakasunod-sunod ng mga ideya, balarila at mekaniks ng awtput.

6. Bagaman ang tagapagpadaloy lamang ang inaasahang magbabahagi ng malaking


karunungan para sa isang session, inaasahan ding binasa at inunawa din ng
tagapagpayaman ang tekstong binasa ng tagapagpadaloy sapagkat sa teksto ding yaon
magmumula ang kanilang mga ideyang payayamanin.
7. Tanging ang tagapagpayaman lamang ang may karapatang maghayag ng kanyang
saloobin kaugnay ng presentasyon ng tagapagpadaloy. Ang kalihim at tagasuri ay hindi
maaaring magkomento.
8. Kailangang encoded ang mga awtput lalo na ng tagapagpadaloy. Ibibigay ng
tagapagpadaloy ang soft copy sa kalihim at mula rito’y ipapasok ng kalihim ang mga
dagdag na ideya at impormasyon ng mga tagapagpayaman. Mula sa kalihim, ipapasa
naman niya ang soft copy sa tagasuri upang iedit na isusumite naman ng tagasuri sa guro
sa susunod na araw ng pagkaklase.
9. Bawat session, ang awtput ng tagapagpadaloy at tagapagpayaman ay ituturing na quiz.
Para sa tagapagpadaloy, 20 puntos. Samantalang 10 puntos para sa tagapagpayaman.
Kung sa isang araw, nakagawa ng tatlong (3) session, mayroong kabuuang 30 puntos para
sa quiz ng tagapagpayaman. Kung walang maibabahaging anoman ang tagapagpayaman,
wala siyang puntos sa quiz para sa partikular na session.
10. Bawat, wastong sagot ng tagapagpayaman ay makakukuha ng apat (4) na puntos.
Sampung (10) puntos ang ibibigay kung dalawang (2) tamang sagot ang maibibgay nito.
11. Ang 20 puntos ng tagapagpadaloy ang ibibigay kung lahat ng kaalamang ibabahagi niya
batay sa pormat na itatalaga ay mabibigyan niya ng kaukulang mga paliwanag at patunay.
Sa bawat pagkukulang, babawasan ang kabuuang puntos ng dalawa (2).
12. Ang kalihim at tagasuri ng session ay bubunutin bago ito magsimula.

Page 4 of 7
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Para sa paghahati ng session, gamitin ang sumusunod:

1. Noli Me Tangere. TATALAKAYIN SA JUNE 13, 2018


a. Kaligiran : Rodel Guzman
b. Chapter 1-3 : Nick Jargon Nacion
c. Chapter 4-6 : Jhonas Dumon
d. Chapter 7-10 : Ariane Calderon
e. Chapter 11-13 : Kevin Mark Jimenez
f. Chapter 14-16 : Raquel Lime
g. Chapter 17-20 : Mary Jean Matias
h. Chapter 21-24 : Cezza Mae Pinkgihan
i. Chapter 25-27 : Mike Jimbo Baloran
j. Chapter 28-30 : Princess Mae Bulusan
k. Chapter 31-33 : Ana Katrina Esquela
l. Chapter 34-37 : Karen Gonzaga
m. Chapter 38-40 : Jane Antonette Juguilon
n. Chapter 41-43 : Razel Dian Mariano
o. Chapter 44-47 : Maritchu Marquez
p. Chapter 48-50 : Richard Pasat
q. Chapter 51-53 : Novelyn Abalos
r. Chapter 54-57 : Jenen Allera
s. Chapter 58-60 : Nerissa Alvarado
t. Chapter 61-64 : Joesa Sinon
2. El Filibusterismo
a. Kaligiran : Rodel Guzman
b. Chapter 1-5 : Joesa Sinon
c. Chapter 6-10 : Nerissa Alvarado
d. Chapter 11-15 : Jenen Allera
e. Chapter 16-20 : Novelyn Abalos
f. Chapter 21-30 : Richard Pasat
g. Chapter 31-35 : Maritchu Marquez
h. Chapter 36-39 : Razel Dian Mariano
3. Florante at Laura
a. Kaligiran : Mary Jean Matias

Page 5 of 7
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

b. Chapter 1-4 : Jane Antonette Juguilon


c. Chapter 5-8 : Karen Gonzaga
d. Chapter 9-12 : Ana Katrina Esquela
e. Chapter 13-16 : Princess Mae Bulusan
f. Chapter 17-20 : Mike Jimbo Baloran
g. Chapter 21-24 : Cezza Mae Pinkgihan
h. Chapter 25-27 : Raquel Lime
4. Ibong Adarna
a. Kaligiran : Kevin Mark Jimenez
b. Chapter 1-4 : Ariane Calderon
c. Chapter 5-8 : Jhonas Dumon
d. Chapter 9-12 : Nick Jargon Nacion

PORMAT NG PAGSUSURI PARA SA BAWAT SESSION


I. Pamagat
II. Buod (bullet form). Ihahanda lamang ng tagapagpadaloy
Halimbawa:
1. Dumating si Crisostomo Ibara mula sa Europa makalipas ng ilang taon ng pag-aaral
doon
2. Nagtungo siya sa tahanan ng kasintahang si Maria Clara
3. Nang malaman ni Padre Damaso na darating si Ibarra sa tahanan ni Kapitan Tiago,
agad niyang tinungo si Maria Clara upang pagsabihan
4. Nagpang-abot sina Ibarra at Padre Damaso sa tahanan ni Kapitan Tiago
5. Hiniya ni Padre Damaso si Ibarra. Nagalit ang binata at inundayan niya ito ng saksak.
Namatay ang pari.
6. Nakulong hambambuhay si Ibarra dahil sa kasalanan.
III. Mga Suliraning Tinatalakay sa Akda. Maaring pampamilya, panlipunan, pambansa at
iba pang uri ng suliranin.
a. Ano ang suliraning ito?
b. Ano ang patunay sa suliranin?
c. Ano ang pananaw ng may-akda sa suliranin?
d. Ano ang iyong pananaw ukol sa suliranin?
Halibawa:
Ipinakikita sa akda na kadalasan, ang mga kumikilos at nag-iisip ng taliwas sa
ikinikilos at iniisip ng karamihan ay itinuturing na kakatwa o baliw- hindi iginagalang at
binibigyang ng pagkakataon (ITO ANG SULIRANIN). Si Pilosopo Tasyo, bagaman,

Page 6 of 7
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

mayroong silbi at makatuwiran ang kanyang mga pananaw sa lipunan at politika ay


binsagan pa ring baliw at iniiwasan ng bayan sapagkat ang kanyang mga paniniwala ay
taliwas na nagaganap sa lipunan at taliwas sa tinatanggap na mga katotohanan at
pagpapahalaga sa bayan. Halimbawa na lamang dito ay ang paniniwala niyang ang tunay
na kalaban ng lipunan ay hindi nagtatago sa ilang o gubat kundi nasa pusod mismo ng
bayan (ITO ANG PATUNAY). Ipinakikitang ang mga tagapamuno sa panahong iyon
ang tunay na nagsasanhi ng lahat ng uri ng paghihirap ng mamamayan at hindi ang mga
tulisan (ITO ANG PANANAW NG MAY AKDA). Naniniwala ako sapagkat
_____________________________.
IV. Katangian at Pagpapahalagang Pilipino
a. Katangian ay tumutukoy sa mabubuting gawi, pag-uugali, tradisyon ng mga
Pilipino.
b. Pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga ideya, konsepto, paniniwala, pilosopiya na
sadyang mahahalaga sa mga Pilipino.
Halimbawa:
a. Katangian. Masipag at matyaga ang mga Pilipino. Patunay dito ang patuloy na
pag-aaral ng mga Pilipino sa kabila ng hirap at pasakit ng buhay.
b. Pagpapahalaga. Ang mga Pilipino ay nagpapahalaga sa edukasyon. Naniniwala
silang sa pamamagitan ng edukasyon, mababago ang estado nila sa buhay kaya
kahit hirap at hikaos sila sa buhay ay pilit iginagapang ang pag-aaral ng mga
anak.
V. Repleksiyon.
a. Ano ang reaksyon mo sa kuwento? Bakit mo ito nasabi?
b. Ano ang aral ng akda? Ipaliwanag ito.

GOOD LUCK

Inihanda ni:

RODEL B. GUZMAN
Guro
Binigyang Pansin ni:

LOVERINA P. SANCHEZ
Chair, BEEd Department

Page 7 of 7

You might also like