You are on page 1of 26

lOMoARcPSD|11812788

LP Rubio, Carla Marie T. Lesson Plan

General Education (Mindanao State University – General Santos City)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V


(Ikatlong Markahan, Unang Linggo)

I. LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng pang-abay at pang-uri.
 Natutukoy ang ang iba’t-ibang uri at gamit ng pang-abay at pang-
uri sa paglalarawan.
 Nagagamit nang wasto at angkop ang pang-abay at pang-uri sa
paglalarawan. F5WG-IIIa-c-6, F5WG-IIId-e-9
 Nabibigyang halaga ang paggamit ng pang-abay at pang-uri sa
paglalarawan sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay.

II. PAKSANG ARALIN


A. Aralin: Gamit ng Pang-abay at Pang-uri sa Paglalarawan.
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang
kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang ulat o
panayam.
Most Essential Learning Competencies (MELCS): Nagagamit
ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. F5WG-IIIa-c-6
Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan.
F5WG-IIId-e-9
B. Kagamitan: Laptop, Mga Larawan, PowerPoint Presentation,
BookWidgets (Worksheet at Crossword Puzzle).
C. Sanggunian: K to 12 Most Essential Learning Competencies with
Corresponding CG Codes, pahina 163, Filipino- Gabay-
Pangkurikulum-Baitang-1-10, pahina 70-71, Learner’s Packet
(LeaP) – Filipino – G5 – Week 1 – Q3.
D. Stratehiya: Multi-sensory Approach, “Ating Kaalaman ay
Balikan!” “Ilarawan Mo!” “Ating Ipahayag!” “Ating Talakayin!”
Differentiated Activities (Ikwento Mo! Munting Awitin! Ating
Isadula!), Ibigay Mo! Buuin Mo!
E. Itinalagang Oras: 60 minutos
F. Integrasyon: ESP at MAPEH

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

G. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang wasto at angkop na


paggamit ng pang-abay at pang-uri sa paglalarawan sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
III. PAMAMARAAN
1. Kumustahan (3 minuto)
 Bago simulan ng guro ang pagtalakay sa
panibagong paksa, magsasagawa muna ng mga
paunang gawain na pinapalooban ng pagdarasal,
checking of attendance, pagkukumustahan, mga
alintuntunin sa online na klase at mga paalala
patungkol sa dapat na gawin sa panahon ng
pandemya. Ang mga paunang gawain ay gagawin
lamang sa loob ng tatlong minuto.

 Sa kumustahan ng guro at mga mag-aaral, ang guro


ay magpapakita ng isang bidyo ng kumustahan,
“Kamusta Song” na kung saan ay sasabayan ng mga
mag-aaral ang awit at ang galaw nito. Matapos
awitin ang bidyo ng kumustahan, kukumustahin ng
guro ang mga mag-aaral at tatanungin nito kung
ano ang kanilang mga nararamdaman, kung sila ay
nasa mabuting kalagayan at kung ano ang kanilang
mga inaasahan para sa gagawing talakayan
tungkol sa bagong paksa.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Kamusta Song | Pinoy BK ChannelPH | TAGALOG FOR


KIDS (AWITING PAMBATA):
https://www.youtube.com/watch?v=ZPE3Ldk3g3k
 Sa mga alintuntunin sa online na klase at sa mga
paalala na dapat gawin sa panahon ng pandemya
naman, ang guro ay siyang magprepresenta at
tatalakayin ito ng ilang sandali sa mga mag-aaral.

2. Balik-aral (3 minuto)

“ATING KAALAMAN AY BALIKAN!”


 Dahil ang paksang tatalakayin ay ang unang paksa
para sa unang linggo ng ikatlong markahan, ang
guro ay magtatanong patungkol sa natutunan ng
mga mag-aaral mula sa kanilang mga naging
talakayan o napag-aralan sa ikalawang markahan
at kung ang kanilang mga natutunan ba ay may
kaugnayan sa bagong paksang tatalakayin. Ang
pagtatanong na ito ay gagawin lamang sa loob ng
tatlong minuto.

 Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan na


itatanong ng guro sa mga mag-aaral.

1. Anu-ano ang inyong mga natutunan sa


mga naging talakayan noong ikalawang
markahan?
2. Paano nakatulong ang inyong mga
natutunan sa pag-unlad ng inyong
kaalaman at bilang isang mag-aaral?
3. Sa tingin niyo, ano kaya ang ating bagong
paksang tatalakayin ngayon at ano ang
kaugnayan nito sa naging talakayan noong
nakaraang markahan?

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

 Ang guro ay hihiling o tatawag ng ilang mag-aaral


na makilahok at ibahagi ang kanilang mga ideya at
mga kasagutan.

IV. PAGGANYAK (4 minuto)

“ILARAWAN MO!”
 Ang guro ay magpapakita ng iba’t-ibang larawan.
Sa bawat larawan, tatanungin ng guro ang mag-
aaral tungkol sa kung ano ang kanilang
naoobserbahan o nakikita. Sa bawat larawan na
ipapakita ay hihilingin ng guro na bigyan ito ng
sariling paglalarawan. Matapos makapagbigay ang
mga mag-aaral ng kanilang sariling paglalarawan ay
susunod naman ang pagbibigay ng wastong
paglalarawan sa mga ito. Ibibigay ng guro ang
tamang paglalarawan sa bawat larawan na
naipakita. Ang gawain na ito ay gagawin lamang sa
loob ng apat na minuto.

Pinagmulan ng Larawan: Pinagmulan ng Larawan:


https://www.thechurchnews.com/ https://ar.pinterest.com/

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Pinagmulan ng Larawan:
https://staging.shared.com/

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.alamy.com/

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.gettyimages.com/

PAGLALARAWAN

1. Taimtim na nanalangin ang isang


pamilya.

2. Mabagal kumilos ang pagong.

3. Mainit ang kape.

4. Niyakap nang mahigpit ng batang


babae ang kanyang ina.

5. Sumigaw ang batang babae nang


malakas.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

 Matapos magawa ang aktibidad, tatanungin ng


guro ang mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang
paksang tatalakayin sa panibagong araw.

V. PAGLALAHAD NG ARALIN (5 minuto)

“ATING IPAHAYAG!”
 Sa paglalahad ng aralin, magkakaroon ang mga
mag-aaral ng panimulang aktibidad. Sa panimulang
aktibidad sa pagkatuto, ilalapat ng guro ang
multisensory approach. Sa ganitong paraan, mas
tataas ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral
ng paksa, higit na mapapahusay ang memorya at
kakayahan nila sa pagkatuto at higit sa lahat,
mabibigyang diin din ang kahalagahan ng
pagpapahayag sa mga bagay na ating nakikita,
naririnig, naamoy, natitikman at nararamdaman sa
pang-araw-araw na pamumuhay gamit ang
paglalarawan.

 Sa aktibidad sa pagkatuto na gagawin sa


paglalahad ng aralin, ang guro ay magpapakita ng
larawan at animated video clip (Paningin/ Sense of
Sight), magpapatugtog ng isang audio ng isang
batang umiiyak at tatanungin ang mga mag-aaral
tungkol sa kung ano ang paglalarawan nila sa
kanilang naririnig sa kanilang paligid (Pandinig/ Sense
of Hearing). Gayundin, hihilingin ng guro sa mga
mag-aaral na kumuha ng isang bagay na kanilang
hahawakan o hahawakan nila ang isang bagay na
malapit sa kanila (Pansalat/ Sense of Touch) at
pagkatapos ay ilarawan ito. Hihilingin din ng guro sa
mag-aaral na amoyjn ang kanilang mga sarili (Pang-
amoy/ Sense of Smell) at pagkatapos ay ilalarawan.
Gayundin, ang guro ay magtatanong sa mga mag-

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

aaral tungkol sa pabortio nitong pagkain (Panlasa/


Sense of Taste) at gayundin, ilarawan.

Pinagmulan ng Larawan: Pinagmulan ng Animated Video Clip:


https://clipartix.com/ https://www.youtube.com/watch?v=
d-MYK3bXuBw

Pinagmulan ng Audio clip:


https://www.youtube.com/ Pinagmulan ng Larawan:
watch?v=j3glwtXrj0c https://wikiclipart.com/

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.pinterest.ph/

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.vectorstock.com/

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.dreamstime.com/

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.vectorstock.com/

Pinagmulan ng Larawan:
https://www.pinpng.com/
https://toppng.com/

 Sa aktibidad ay tatawagin ng guro ang mga mag-


aaral na nais makilahok at bibigyan ng pagkakataon
sa pagpapahayag ng kanilang paglalarawan.
 Pagkatapos, ang guro ay magtatanong sa mga
mag-aaral base na rin sa naisagawang aktibidad.
Ang aktibidad din na ito ay may nakalaang limang
minuto upang maisagawa. Ang mga sumusunod ay
ang mga tanong para sa mga mag-aaral.
 Base sa ginawang aktibidad, anu-
ano ang iyong mga napansin o
naobserbahan? Ipahayag ang mga
ito.
 Sa iyong palagay, ano ang
kinalaman o kaugnayan ng ginawa

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

nating aktibidad sa paksa natin


ngayon?
 Sa iyong palagay, ano ang ating
paksang tatalakayin ngayong araw?

VI. PAGTATALAKAY (15 minuto)


Pagpapaunlad sa Talasalitaan (3 minuto)
 Pang-abay - bahagi ng pananalitang
nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay.
 Pang-uri - ay salitang nagsasaad ng katangian
o uri ng tao, hayop, bagay, lunan
atb., na tinutukoy ng pangngalan
o panghalip na kasama nito sa
loob ng pangungusap.
 Pandiwa - bahagi ng pananalita o wika na
nagsasaad ng kilos, aksyon o
galaw ng isang tao, bagay o
hayop.
 Pangngalan- pananalita na ito ay mga
salitang nagsasaad ng pangalan
ng tao, bagay, hayop, pook,
pangyayari, at maraming pang
iba.
 Panghalip - salitang humahalili o pamalit sa
pangngalan na nagamit na sa
parehong pangungusap o
kasunod ng pangungusap.

“ATING TALAKAYIN!” (12 minuto)

Alam niyo bang kulang ang isang pahayag kapag hindi


tayo nakapaglalarawan? Kailangan nating mailarawan
ang mga mga bagay na ating nakikita, naririnig,
naaamoy, natitikman, at nahahawakan upang higit na
maging epektibo ang ating pagpapahayag. Kagaya ng

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

ating isinagawang gawain o aktibidad kanina, nabigyan


natin ng pagkakataong maipahayag ang ating mga
paglalarawan sa mga bagay na ating nadadama.

Bukod sa mga nabanggit, maaari nating ilarawan ang


ating mga ginagawa at ang mga mismong bagay na
binibigyan natin ng paglalarawan. Sa paglalarawan ng
mga ito ay gumagamit tayo ng mga pang-uri at pang-
abay.

PANG-ABAY
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang
naglalarawan kung paano, saan, at kailan
ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos o
galaw na isinasaad ng pandiwa. Ito ay mga
salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o
sa kapwa pang-abay.

Iba’t ibang Uri ng Pang-abay:


Pang-abay na Pamaraan, Pang-abay na
Panlunan, at Pang-abay na Pamanahon.

1. Pang-abay na Pamaraan- ito ay sumasagot sa


tanong na “paano” isinasagawa, isinagawa, o
isasagawa ang isang kilos. Ginagamit itong
panuring sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
Halimbawa:
a. Panuring sa Pandiwa
Si Dea ay taimtim na nanalangin
para sa mga biktima ng
Pandemya.
b. Panuring sa Pang-uri
Sadyang masigla ang pananaw
sa buhay ng Lolo at Lola niya.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

c. Panuring sa kapwa Pang-abay


Talagang mabilis umunlad ang
buhay ng mga taong
matitiyaga.

Mapapansin mo na ang mga inilalarawan ng


mga salitang nakasalungguhit ay ang mga
ginawa ng mga tauhan sa pangungusap.

2. Pang-abay na Panlunan- ito ay sumasagot sa


tanong na “Saan” isinasagawa, isinagawa, o
isasagawa ang isang kilos. Ito ay
pinangungunahan ng katagang sa.
Halimbawa:
1. Ang malapalasyong bahay ay
itinayo sa gilid ng bundok.
2. Sa paaralan ko natutuhan ang
pagiging mapagbigay.
3. Kinuha ko sa kabinet ang aking
mga lumang damit at laruan.

Hindi ba’t inilalarawan ng mga salitang may


salungguhit kung saan ginawa ang kanilang
mga ikinilos? Ang palatandaang sa ay
makatutulong din sa pagtukoy kung ang mga
salita ay pang-abay na panlunan.

3. Pang-abay na Pamanahon- ito ay sumasagot sa


tanong na “Kailan” isinasagawa, isinagawa, o
isasagawa ang isang kilos. Ito ay may apat na uri:
a) Payak – tulad ng bukas, mamaya, ngayon
b) Maylapi – tulad ng kagabi, samakalawa
c) Inuulit – tulad ng araw-araw, gabi-gabi,
taon-taon

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

d) Parirala – tukad ng sa Linggo ng umaga,


Halimbawa;
1. Darating ang aking mga kapatid
sa Linggo ng umaga.
2. Taon-taon ay pumupunta kami sa
Cebu upang mamasyal.
3. Malakas ang ulan kagabi.
Sa paggamit ng pang-abay na pamanahon,
gumagamit ng mga salitang nagtatakda ng
panahon.

PANG-URI
Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-
turing o ginagamit sa paglalarawan o
naglalarawan sa pangngalan o
panghalip. Maaari nitong ilarawan ang isang
tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Halimbawa:
Kulay- pula Hitsura- maganda
Bilang- lima Laki- maliit
Dami- isang kaban Hugis – bilog

Pansinin ang mga pangungusap na may


pang-uri:
1. Pulang -pula ang nabiling damit ni Leo
para sa nanay niya.
2. Sila ay limang magkakapatid.
3. Hugis bilog ang tinapay na
natanggap ng mga bata.

Sa unang halimbawa, ang pang-uri ay Pulang


pula sapagkat ito ay naglalarawan sa damit.
Sa pangalawa namang halimbawa ay ang
salitang lima sapagkat ito ay naglalarawan sa
magkakapatid.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Pangatlo ay ang Hugis bilog, sapagkat ito ay


naglalarawan sa salitang tinapay.

Tatlong Uri ng Pang-uri:


Pang-uring Panlarawan, Pang-uring Pantangi,
at Pang-uring Pamilang

1. Pang-uring Panlarawan – Ito ang mga pang-


uring naglalarawan sa kulay, hugis, laki, ugali,
at iba pang katangian ng panggalan o
panghalip.
Halimbawa:
Tahimik na lugar ang Sagada.
2. Pang-uring Pantangi- Ito ang pang-uring nasa
anyo ng pangngalang, pantangi at
naglalarawan ng pangngalan. Nagsisimula ito
sa malaking letra.
Halimbawa:
Mahusay siyang magsalita ng
wikang Filipino.
3. Pang-uring Pamilang – Ito ang pang-uring
naglalarawan sa bilang o dami ng
pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Mayroon akong dalawang kuya
at isang ate.

Sa paggamit ng pang-uri, tiyaking angkop ang


salita sa inilalarawan nito. Halimbawa,
maaaring sabihing “matangkad” ang isang
tao, ngunit hindi ang isang gusali. Ang angkop
na pang-uri para sa isang gusali ay “mataas.”

Ang pang-abay at pang-uri ay parehong mga salitang


naglalarawan. Ang pang-abay naman ay naglalarawan

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

sa pandiwa, pang-uri, at isa pang pang-abay samantalang


ang pang-uri ay naglalarawan sa mga pangngalan at
panghalip.

Sa pagkakataong ito, iyo namang pansinin ang


pagkakagamit ng mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap sa ibaba.

A. Mahusay sumagot ang bata.


B. Mahusay ang bata sa Matematika.

Ang salitang mahusay ba ay pareho ang gamit sa


pangungusap sa letrang A at B? Paano nagkaiba ang
gamit ng salitang mahusay?

Sa letrang A naman, ang salitang mahusay ay ginamit


bilang pang-abay dahil binigyang-turing o inilarawan nito
ang salitang sumagot na isang pandiwa. Inilarawan dito
kung paano sumagot ang bata.

Sa letrang B, ang binigyang -turing o inilarawan ng salitang


mahusay ay ang bata, na isang pangngalan. Ang gamit
ng salitang mahusay ay bilang pang-uri.

Kaya ang isang salita ay maaaring gamitin bilang pang-


abay o pang-uri. Ang pagkakaiba ng gamit ay maipakikita
sa pangungusap.

Narito pa ang ilang halimbawa ng pagkakaiba ng gamit


ng pang-abay
at pang-uri:
1. Malakas: (pang-abay) Hinila niya nang malakas ang tali.
(pang-uri) Malakas ang katawan ng mga
manlalaro.
2. Mabilis: (pang-abay) Tumakbo siya nang mabilis.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

(pang-uri) Mabilis sa pagsulat ang mga mag-


aaral.

VII. PANGKATANG GAWAIN (DIFFERENTIATED ACTIVITIES) 11 minuto


 Ang mga mag-aaral ay ipapangkat ng guro sa tatlo,
magiging basehan sa pagpapangkat ang listahan
ng mga pangalan sa klase. Ang guro ay magibibigay
ng mga salita (limang (5) salita na pang-abay at
limang (5) salita na pang-uri). Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng itatalagang malikhaing gawain na kung
saan ang mga salitang ibibigay ng guro ang siyang
gagamitin ng wasto at angkop sa paglalarawan na
magiging nilalaman ng kanilang output.
 Sa kadahilanan na nagbago na ang modalidad sa
pagkatuto, online learning na ang naging
pangunahing modalidad. Dahil dito, ang paglikha at
paglalahad ng output ng itinalagang malikhaing
gawain ng bawat pangkat ay gagawin ng bawat
mag-aaral ng mag-isa. Ang lilikhaing malikhaing
gawain o output ng bawat mag-aaral ay
nakadepende sa kung anong pangkat siya
nabibilang. Gayunpaman, ang bawat pangkat o
bawat mag-aaral ay bibigyan ng walong minuto
upang makapagplano at makapaghanda.
Magbibigay ng tatlong minuto naman sa
presentasyon. Ang guro rin ay magbibigay ng
Pamantayan sa Pangkatang Gawain.

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at bawat pangkat ay may


sariling naitalagang gawain. Ngunit sa paglikha nito, gagawin
itong mag-isa ng bawat miyembro ng kinabibilangang pangkat.
Magbibigay ng mga salita (Pang-abay at Pang-uri) na siyang
gagamitin nang wasto at angkop sa paglalarawan na magiging
nilalaman ng inyong output. Bibigyan kayo ng walong minuto
upang makapagplano at makapaghanda. Gawing basehan sa
paglikha ang pamantayang ibibigay. Pagkatapos ay ilalahad
ang output sa loob ng tatlong minuto.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Unang Pangkat – “Ikwento Mo!”


Ang unang pangkat ay gagawa ng isang
maikling kwento. Gagamitin nang wasto at
angkop ang mga salitang pang-abay at pang-
uri sa paglalarawan sa paglikha ng kanilang
kwento.

Ikalawang Pangkat – “Munting Awitin!”


Ang pangalawang pangkat ay gagawa ng
isang kanta kung saan gagamitin nila ang mga
salitang pang-abay at pang-uri sa
paglalarawan na siyang magiging liriko ng
kanta. Maaaring gamitin ng pangkat ang mga
mga himig o tono ng ibang kanta at maari rin
silang lumikha ng sarili nilang himig o tono.

Ikatlong Pangkat – “Ating Isadula!”


Ang ikatlong pangkat ay gagawa ng talata na
naglalaman ng sariling paglalarawan sa
pamamagitan ng wasto at angkop na
paggamit ng mga pang-abay at pang-uri.
Pagkatapos gumawa, kakailanganin nilang
isadula ang mga paglalarawang nagawa.

MGA SALITA
PANG-ABAY PANG-URI

NAGLALAKAD MASAYA

SUMAYAW MAINGAY

MAGBABASA MAPAGBIGAY

BUMILI MALAKAS

UMUWI MABIGAT

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG PANGKATANG


GAWAIN

VIII. PAGLALAHAT (3 minuto)


 Sa paglalahat, ang guro ay magtatanong sa mga
mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay. Ang
pagtatanong ay may nakalaang tatlong minuto.
Ang mga sumusunod ay ang mga tanong na
ibibigay sa mga mag-aaral.
1. Ano ang pang-abay at pang- uri?
2. Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng pang-abay at
pang-uri?
3. Ano ang gamit ng pang-abay at pang-uri?

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

LAGOM NG TALAKAYAN
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang
naglalarawan kung paano, saan at kalian gnawa,
ginagawa, o gagawin ang kilos o galaw na isinasaan
ng pandiwa, pang-uri, o sa kapwa nitongf pang-
abay. Samantala, ang pang-uri naman ay
tumutukoy sa mga salitang nagbibigay turing o
ginagamit sa pagllarawan o naglalarawan sa
pangalan o panghalip. Maari ring mailarawan ng
pang-uri and isang tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.

May iba’t-ibang uri ang pang-abay at ang pang-uri.

Sa pang-abay, ito ay may tatlong uri: Pang-abay na


Pamaraan, Pang-abay na Panlunan at Pang-abay na
Pamanahon. Ang pang-abay na pamaraan ay
sumasagot sa tanong na “paano,” ang pang-abay
na panlunan naman ay sumasagot sa tanong na
“saan,” at ang pang-abay na pamanahon naman
ay sumasagot sa tanong na “kalian” isinagawa,
isinasagawa o isasagawa ang isang kilos.

Gayundin, ang pang-uri ay may tatlong uri: Pang-


uring Panlarawan, Pang-uring Pantangi at Pang-uring
Pamilang. Ang pang-uring panlarawan ay ang pang-
uring naglalarawan sa katangian ng pangngalan o
panghalip, ang pang-uring pantangi naman ay ang
pang-uring nasa anyo ng pangngalan, pantangi at
naglalarawan ng pangngalan. Ito rin ay nagsisimula
sa malaking letra at ang pang-uring pamilang
naman ay ang pang-uring naglalarawan sa bilang o
dami ng pangngalan o panghalip.

Gayunpaman, ang pang-abay at pang-uri ay


parehong mga salitang ginagamit sa paglalarawan.

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

IX. PAGLALAPAT (5 minuto)


 Ang guro ay magbibigay ng mga salita na kung saan
ang mga mag-aaral ay gagawan ito ng
paglalarawan. Ang bawat salita ay gagamitin
upang gawan ng dalawang pahayag na
naglalarawan. Ang mga salita ay gagamitin ng mag-
aaral bilang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan
para sa paglikha ng mga pahayag. Ang mga mag
aaral ay bibigyang laya sa kung anong uri ng pang-
abay at pang-uri ang gagamitin. Sa gawain ding ito,
hihilingin ng guro na bilugan ng mga mag-aaral ang
salita sa bawat pahayag, kung ano ang nilalarawan
ng salita, at tukuyin din kung anong uri ng pang-abay
at pang-uri ang nagawang pahayag.

Panuto: Gamitin ang mga salitang nasa loob ng kahon. Gumawa ng


dalawang uri ng pahayag na naglalarawan. Ang mga
salitang nasa loob ng kahon ay gagamitin niyong pang-abay
at pang- uri sa paglalarawan upang makagawa ng
dalawang pahayag. Bilugan ang salita na ginamit sa
pahayag at ang nilalarawan nito. Tukuyin din kung ano ang
uri ng pang-abay at pang-uri ang nagawang pahayag.
Bibigyan kayo ng limang minuto sa paggawa at pagkatapos
ay ilalahad ito sa klase.

MALAKAS MAGALING

MAHUSAY

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

X. PAGTATAYA (11 minuto)


Gawain 1 – IBIGAY MO! (BOOKWIDGETS- Worksheet)
Panuto: Basahin ang mga tanong at ibigay ang inyong sagot. Sa
bawat tanong, bibigyan kayo ng dalawang minuto
upang sumagot kaya may kabuuang apat na minuto
kayo upang sagutan ang mga katanungan. Buksan ang
kalakip na link o gamitin ang code upang makita ang
unang gawain ng pagsusulit.
Gawain 1: “IBIGAY MO!”
Link: https://www.bookwidgets.com/play/lZdMDO03-
iQAEGWIFAgAAA/SC2RXSB/pagtataya-
gaw?teacher_id=6624185640550400
Shortcode: 0SC2RXS•

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Gawain 2 – BUUIN MO! (BOOKWIDGETS-CROSSWORD PUZZLE)


Panuto: Tukuyin ang tamang salitang bubuo sa crossword puzzle na
may kaugnayan sa paksang tinalakay. Gawing gabay ang
bilang ng mga kahon at ang paglalarawan na ibinigay sa
pahalang (across) at pahaba (down). Piliin ang pahalang
(across) o pahabang (down) salita, pagkatapos ay isulat
ang iyong sagot o salita. Isulat ang mga ito sa loob ng puzzle.
May pitong minuto lamang kayo upang buuin ang puzzle.
Matapos mabuo ang puzzle ay pindutin ang sobre
(envelope) sa kanang itaas upang isumite ang iyong sagot.
Buksan ang kalakip na link o gamitin ang code upang
makita ang ikalawang gawain ng pagsusulit.
Gawain 2: “BUUIN MO!”
Link: https://www.bookwidgets.com/play/lZdMDO03-
iQAEGWIFAgAAA/SC2RXSB/pagtataya-
gaw?teacher_id=6624185640550400

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Shortcode: 0CC26LC•

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

XI. KARAGDAGANG GAWAIN (TAKDANG ARALIN)


Panuto: Bilang isang mag-aaral at upang mabigyang halaga sa
ating sariling pang-araw-araw na pamumuhay ang naging
talakayan (paggamit ng pang-abay at pang-uri sa paglalarawan),
gumawa ng isang ulat na naglalaman ng paglalarawan tungkol sa
iyong ginawa sa panahon ng Pandemya. Sa inyong ulat,
kinakailangan na nabibigyang halaga ang wastong paggamit ng
pang-abay at pang-uri sa iyong paglalarawan. Bilugan din ang mga
salitang nabibilang sa pang-abay at pang-uri. Gawing gabay sa
paggawa ang pamantayan na ibibigay. Matapos gawin ang ulat,
sumulat na isang talata tungkol sa kahalagahan ng wasto at angkop
na paggamit ng pang abay at pang uri sa paglalarawan. Ang
inyong takdang aralin ay ilalagay sa Microsoft Word. Ang nagawang
takdang aralin ay ilalahad sa susunod na iskedyul ng ating online na
klase at ang soft copy ng inyong takdang aralin ay isusumite o i-
uupload sa ating google drive.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG ULAT

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

XII. SARILNG EBALWASYON AT MGA PUNA SA ITINURONG ARALIN

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|11812788

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
College of Education

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT

Inihanda ni: Ipinasa kay:

CARLA MARIE T. RUBIO BB. HONEY JANE DIAMANTE


Pre-service Teacher GED 106 Instructor

Downloaded by John Erroll Gesmundo (johnerroll.gesmundo@deped.gov.ph)

You might also like