You are on page 1of 6

Learning Area  

FILIPINO 4    
Learning Delivery Modality   MODULAR DISTANCE LEARNING
LESSON Paaralan Baitang  4
EXEMPLAR Guro Asignatura  FILIPINO
Ikalimang Linggo Petsa Markahan Unang Markahan
LE-1 Oras Bilang ng Araw 2

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nakasusulat ng kuwento tungkol sa natatanging tao sa
pamayanan, tugma o maikling tula.
 Nakasusulat nang malinaw at may wastong bantas ang mga
pangungusap.
 Nakabubuo ng isang kuwento tungkol sa kilalang tao sa
kanilang pamayanan.

A. Pamantayan Pangnilalaman Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri


sulatin.

B. Pamantayang Pagganap Nakasusulat ng sariling kuwento o tula.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging ta


Pagkatuto sa pamayanan, tugma o maikling tula. (F4PU-la-2, F4PU-lc-
(MELC) 2.2)

D. Pagpapaganang Kasanayan
II.NILALAMAN Aralin : Pagsulat ng Kuwento

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO G4, PIVOT 4A BOW pah. 28 Patnubay ng Guro
mp.19-20,83
b. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino Ikaapat na Baitang
Pangmag-aaral PIVOT IV-A Learner’s Material, Unang Markahan,Unang Edisyon mg
pahina 22

c. Mga Pahina sa Teksbuk Wika at Pagbasa sa Filipino 4 p. 10


Modyul para sa Mag-aaral p. 22

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Graphic Organizer, larawan


Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan Activity Sheet

1
IV.PAMAMARAAN

A. Panimula May alam ka bang kuwento tungkol sa mga taong kilala sa


(unang araw) inyong pamayanan o barangay?
Sino ito? Kaya mo bang sumulat ng maikling kuwento tungkol sa
kaniya?

 Pasusulatin ang mag-aaral sa Gawain Pagkatuto A sa


inihandang activity sheet ng guro.

*Karagdagang Gawain A

Panuto: Sumulat ng maikling kuwento na may lima hanggang walong


pangungusap tungkol sa mabait mong guro sa ikatlong baitang.

B. Pagpapaunlad Babasahin ng mga mag-aaral ang kuwento at pasasagutan ang Gawain


sa Pagkatuto Bilang 1 na matatagpuan sa modyul ( p. 22)

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.


Simpleng pamumuhay ang kinagisnan ni Juan Miguel. Lumaki siya
na kapiling ang kanyang mga magulang. Noong panahon na siya ay nag-
aaral, kasabay nito ang pagtulong niya sa kanyang mga magulang sa
pagtitinda ng isda sa palengke. Ang ilan sa kanilang kinikita ang siyang
baon niya sa pagpasok. Nagtapos siya sa elementarya at sekondarya na
may mataas na karangalan. Ito ang naging puhunan niya upang maging
iskolar ng bayan. Natapos niya ang kursong Political Science. Sa
kasalukuyan, siya ay isang mahusay na alkalde ng ating bayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong?


1. Ano ang inilalahad ng kuwento?
2. Sino ang itinampok sa kuwento?
3. Saan naganap ang kuwento?
4. Paano siya nakapag-aral sa kolehiyo?

C. Pagpapalihan Pasusulatin ang mga mag-aaral ng maikling kuwento para sa Gawain


(ikalawang araw ) Pagkatuto Bilang 2 na matatagpuan sa modyul (p. 22)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Sumulat ka ng kuwento tungkol sa iyong nanay o tatay.


Isalaysay ang magagandang katangian ng nanay o tatay mo.

Ipagagawa sa mga mag-aaral ang Karagdagang Gawain B na

2
matatagpuan sa activity sheet.

* Karagdagang Gawain B

Panuto: Isulat sa graphic organizer ang wastong pagkakasunod-sunod


ng kuwento na nasa ibaba.

Nanimbang sa Katig
Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugto na
ang mga mata at tahimik na humihikbi.
Mayamaya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si
Roylan. Tumayo siya nang walang hawak. Nagpalakpakan ang lahat.
Ang tapang ni Roylan! Hindi nila pinansin ang malaking alon na
dumarating.
Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bankang
may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga
paa. Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. Tuwang-
tuwa sila lalo kapag may malaking along sumasalpok sa kanilang
bangka.

D. Paglalapat  Ipagawa sa mag-aaral bilang pagsasanay sa gawaing pagkatuto


bilang 5 na matatagpuan sa modyul p. 22.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Pumili ng isang larawan at sumulat ng isang kuwento tungkol sa kanila.


Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

V.Pagninilay Pagsusulat ng journal ng mga mag-aaral hinggil sa repleksyon ng


natutunan nila sa aralin

Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng kanilang


repleksyon gamit ang sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________.

3
Ibabahagi ko sa iba ang aking natutuhan sa pamamagitan ng
__________________

4
FILIPINO__4___
ACTIVITY SHEET- Ikalimang Linggo LE-1

Pangalan:________________________________ ____ Baitang:_4_

MELC :Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging


tao sa pamayanan tugma o maikling tula.
Paksa:_Pagsulat ng Kuwento

Susing Konsepto:

Sa pagsulat ng kuwento, mayroong pamagat at tatlong bahagi:

Simula- bahaging nagsasaad ng suliranin ng kuwento mga tauhan at


tagpuan.
Gitna- ay bahaging naglalaman ng mga sumusunod;
saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan
Kasukdulan o wakas- ay bahaging naglalaman ng magiging solusyon ng
kuwento. Ito ay maaring masayabunga ng pagwawagi o
pananaig at malungkot bunga ng pagkatslo o pagkabigo.

*Karagdagan Gawain A

Panuto: Sumulat ng maikling kuwento na may lima hanggang walong pangungusap tungkol
sa mabait mong guro sa ikatlong baitang.

* Karagdagang Gawain B

Panuto: Isulat sa graphic organizer ang wastong pagkasunog-sunod ng kuwento.

Nanimbang sa Katig
Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugto na ang mga mata at
tahimik na humihikbi.
Mayamaya buong pagmamalaking nanimbang sia katig si Roylan. Tumayo siya nang
walang hawak. Nagpalakpakan ang lahat. Ang tapang ni Roylan! Hindi nila pinansin ang
malaking alon na dumarating.
Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bankang may motor. Nag-aawitan
sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at
pagbaba ng alon. Tuwang-tuwa sila lalo kapag may malaking along sumasalpok sa kanilang
bangka.

Nanimbang sa Katig

Rubrik para sa pagsulat ng kuwento.


Naibigay ang buong Nagamit ng tama Nagamit nang wasto May kalinisan at
linaw ang hangarin ang mga ang mga bantas kaayusan sa pagsulat
sa pagsulat (5) salita (4) (3)
(3)

Sanggunian:

Yaman ng Lahi Filipino 4, Patnubay ng Guro p. 83

You might also like