Professional Documents
Culture Documents
2. Jesus Balmori
3. Rosauro C. Almario
4. Amado V. Hernandez
5. Faustino Aguilar
7. Andres Bonifacio
Bahay Kubo
Maikling Kwento
Kwentong Bayan
Isang araw ay hindi na nakatiis ang dagat kaya't sinabuyan niya nang sinabuyan ng tubig ang langit.
Tumaas nang tumaas ang langit upang umiwas sa isinasabog na tubig ng dagat. Bilang ganti sa ginawa sa
kanya ng dagat ay binagsakan ito ng maraming bato ng langit. Ang mga batong ibinagsak ng langit ay
natipon at naging pulo ng bato. Pagod na pagod na ang dalawa kaya't tumigil na sila sa pag-aaway.
Tuwang-tuwa naman ang ibon sapagkat may mapagpapahingahan na siya. Buong kasiyahan siyang
namahinga at nang dumating ang gabi ay natulog nang mahimbing. Sa pagdaraan ng mga araw ay may
tumubong mga halaman sa batuhan. Lalong natuwa ang ibon sapagkat higit niyang ibig dumapo sa mga
halaman.
Isang hapon na siya'y nakadapo sa punong kawayan ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa loob niro.
Tinuka nang tinuka ng ibon ang kawayan at lumabas ang unang lalaki na tinawag na si Silalak. Pamaya-
maya ay nakarinig siyang muli ng mararahang katok sa katapat na punong kawayan kaya't tinuka nang
tinuka din ng ibon ang naturang kawayan. Mula rito y lumabas naman ang unang babae na tinawag na si
Sibabay. Sina Silalak at Sibabay ang mga unang tao sa mundo.
Tula
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
sa pagkadalisay at pagkadakila ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? sa inis na puso na sisinghap-singhap,
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal Ang nangakaraang panahon ng aliw,
sa tapat na puso ng sino’t alinman, ang inaasahang araw na darating
imbit taong gubat, maralita’t mangmang ng pagka-timawa ng mga alipin,
nagiging dakila at iginagalang. liban pa ba sa bayan tatanghalin?
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad At ang balang kahoy at ang balang sanga
sa bayan ng taong may dangal na ingat, na parang niya’t gubat na kaaya-aya
umawit, tumula, kumatha’t sumulat, sukat ang makita’t sa ala-ala
kalakhan din nila’y isinisiwalat. ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
na hinahandugan ng buong pag kasi gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
na sa lalong mahal kapangyayari walang ala-ala’t inaasam-asam
at ginugugulan ng buhay na iwi. kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
siya’y ina’t tangi na kinamulatan wari ay masarap kung dahil sa Bayan
ng kawili-wiling liwanag ng araw at lalong maghirap. O! himalang bagay,
na nagbibigay init sa lunong katawan. lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib sa naghihingalong Inang nasa yapak
at siya ay dapat na ipagtangkilik ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-
Tagalogan Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
ay nilalapastangan at niyuyurakan sa pag-asang lubos na kaginhawahan
katwiran, puri niya’t kamahalan at walang tinamo kundi kapaitan,
ng sama ng lilong ibang bayan. kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Nobela
Neli
Balagtasan
Ni Jesus Balmori
Sanaysay