You are on page 1of 21

Modyul

3
Panahon Bago Dumating
ang mga Kastila G. Raymark G. Marin
Guro

Email Address:
itsmeisirmac@gmail.com
Contact Number:
09453520055

Tagal ng Modyul:
Oktubre 4 – 9, 2021

EED13
PAGTUTURO NG/ SA FILIPINO SA
ELEMENTARYA II (PANITIKAN NG
PILIPINAS)

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda
BALANGKAS NG KURSO AT
PAGTATAYA NG ORAS/PANAHON

Nilalalaman ng Kurso/Paksang-aralin

Linggo 1 Oryentasyon ng Kurso, Regulasyon, Alituntunin at iba pa.

Linggo 2-3 Ang Kasaysayan ng Panitikan sa


Pilipinas
2.1 Ang Panitikan
2.2. Ang Anyo ng Panitikan
2.3.Ang Kahalagahan ng Panitikan
Linggo 4 Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
3.1.Alamat
3.2.Kwentong –Bayan
3.3.Epiko
3.4.Awiting-Bayan
3.5.Bugtong
3.6.Salawikain at Kasabihan

Linggo 5 Panahon ng mga Kastila


4.1.Ang Pasyon
4.2.Karagatan
4.3.Duplo
4.4.Moro-moro o Komedya
4.5.Mga Awiting Panrehiyon
Linggo 6-8 5. Panahon ng Pagbabagong Diwa
5.1.Kilusang Propaganda
5.2.Ang mga Propagandista at ang kanilang mga akda
5.2.1.Dr. Jose Rizal
5.2.2.Marcelo H. Del Pilar
5.2.3.Graciano Lopez Jaena
5.2.4.Antonio Luna
5.2.5.Mariano Ponce
5.2.6.Jose Maria Panganiban
5.2.7.Dr. Pedro Paterno
5.2.8.Fernando Canon

Linggo 9 Mga Manunulat sa Panahon ng Himagsikan at ang kanilang mga akda


6.1.Andres Bonifacio
6.2.Emilio Jacinto
6.3.Apolinario Mabini 8. Panahon ng Hapon
6.4.Jose V. Palma
Linggo 10 Panahon ng Amerikano
7.1.Katangian / Kaganapan
7.2.Mga Manunulat
7.3.Mga Hamak na Dakila
7.4.Bayan Ko
7.5.Isang Punung Kahoy
7.6.Ang Aklasan
7.7.Isang Dipang Langit
Linggo 11-12 Panahon ng Hapon
8.1.Tulang Karaniwan
8.2.Malayang Tula
8. 3.Haiku at Tanaga
8.4.Maikling kuwento
8.5.Ang Nobela
8.6.Ang Dula

Linggo 13 Panahon Mula nang Matamo ang Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyan.


9.1.Maikling Katha
I|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
9.2.Tula
9.3.Dula
9.4.Nobela
9.5.Sanaysay

IMPORMASYON NG KURSO

Pagtuturo ng Filipino sa
Pamagat ng Kowd ng
Elementarya II EED13
Kurso: Kurso:
(Panitikan ng Pilipinas)
Kinakailangan Kredit ng
Tatlong (3) yunit
ng Kurso Kurso

PANGANGAILANGAN SA KURSO Markahang Pagsusulit


 Pagpasok sa Klase 30%
 Mahaba at Maikling Pagsusulit/ Markahang Pagdalo sa Klase
Pagsusulit 5%
 Pakikibahagi sa Talakayan (Resitasyon)
 Pagsakatuparan at Pagsumite ng Portfolio Mahaba at Maikling Pagsusulit
ng Pagkatuto 25%
 Awtput ng Pananaliksik / Proyekto/ Gawain Takdang Aralin
 Takdang Aralin 5%
Proyekto/ Gawain
25%
Sistema ng Pagmamarka
Pakikibahagi sa Klase 10%
Kabuoan 100%

Modyul III
II | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Panahon Bago Dumating ang mga
Kastila

PAGTATAKDA NG MODYUL

Ang modyul na ito ay para sa isang linggo na kung saan ay maaaring magsama-sama sa isang klase
upang matalakay ito gamit ang mga minumungkahing pamamaraan:
- Google Meet;
- Facebook Live;
- Messenger Video Chat; at
- Iba pang plataporma para sa Video Conferencing.

Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga mag-aaral gamit
ang mga gawaing nakalakip.

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:


 Naipapamalas ang ang pagkakakilanlan sa mga akdang pampanitikan ng bansa
 Napapahalagahan ang akdang lumaganap bago dumating ang mga Kastila.
 Nakakabuo ng isang “commercial” na humihikayat sa mga kabataan na magbasa at magsulat ng
mga akdang lumaganap bago pa man dumating ang mga Espanyol
 Nakagagawa ng isang pagtatanghal gamit ang ibat-ibang kasanayan (pagdula,pagsulat,pag-
sasalita)

PAGLALAYAG NG KAALAMAN

Kaligirang Kasaysayan

Noong pa mang hindi pa dumarating sa ating kapuluan ang mga


Kastila, at maging ang iba pang mga dayuhan, ang ating mga ninuno ay
may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi.
Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi
itong wika ng Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at
bakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan,
kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at maikling kuwento.
Mayroon na rin ang ating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang ginagamit na
dinala ng mga Kastila.
Ito ay ang alibata –ang abakadang kahawig ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno.
Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay sinunog lahat ng mga naturang pari sa paniniwalang
ang mga iyon ay likha ng diyablo. Maliban sa katuwirang’ yun, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal
ang mga talang nakuha nila sa madaling pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko. Subalit mayroong
mga talang di pa rin nasunog. Kabilang sa mga ito ay ang mga kantahing bayan na siya naming
magpapatunay ng pagkakaroon natin ng sariling kalinangan. Mabilis itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga
katutubong mamamayan hanggang sa dumating ang mga palimbagan na nagkaroon ng interes na ipalimbag
ang mga napulot na talang pampanitikan ng matatandang Pilipino.
Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog, at dahoon at balat
ng mga punungkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at
matutulis na bato at bakal. Kahit na ang bumbong na pansalok ng inumin ay tinatalaan nila ng mahahalagang
pangyayari sa buhay. Pinatutunayan ng mga Kastilang nanakop sa Pilipinas na ang ating mga ninuno ay
talagang mahihilig sa mga tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan na magpahanggang ngayon ay
nagdudulot pa sa atin ng kasiyahan at nagiging tagapagbadya sa salinlahi ng tunay na kalinangan at kultura
ng ating lahi. Mga Bahagi ng Panitikang Filipino Bago Dumating ang mga Kastila Bago pa dumating ang mga
III | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
kastila, ipinalalagay na ang ating mga ninuno ay mayaman na sa mga alamat, kuwentong bayan, epiko,
awiting bayan, mga karunungang bayan ng bugtong, sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong. Mayroon na
rin silang tula at dula noong panahong’ yon. “

1. Ang mga negrito o Ita


Ang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o Ita. Walang sariling kulturang
masasabi ang mga Ita. Wala silang nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa
sining, sa pagsusulat at sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalaman kundi ilang awitin at
pamahiin.

2. Ang Pagdating ng mga Indonesyo


Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukao kaya’t sila’y mapuputi at
manilaw-nilaw ang mga balat. Walang masasabi gaanong kultura ang kanilang dinala rito liban sila’y
marunong nang mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga halaman at marunong nang magisda.
Pagkaraan ng 4000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit. Iba ang mga hitsura nito kaysa mga
unang Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mga Indonesyong ito’y nakahihigit ng kalinangan kaysa
doon sa una. Sila’y may sarili nang sistema ng pamahalaan, may mga hanapbuhay, marunong magluto
ng pagkain at may dalang panitikang gaya ng epiko, kuwentong bayan, mga alamat, mga pamahiin at
pananampalatayang pagano. Sila ang mga ninuno ng mga Ipugaw.

3. Ang Pagdating ng mga Malay


Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay nakarating
dito noong kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo.
Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon.
Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at
Tinguianes.
Ang ikalawang pangkat ay dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni
Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika,
alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Sila ang nagdala
ng Baranggay.
Ang ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat,
kuwentong bayan at ng pananampalatayang Moslem.

4. Ang mga Intsik


Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na
ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong,
Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik.

5. Impluwensiya ng mga Bumbay


Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko.
Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y, guro,
bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.

6. Mga Arabe at Persiyano


Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.

7. Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit


Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay naging
napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo Tsina,
Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng
mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at
Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.

8. Ang Imperyo ng Malacca


Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Sinasabing ang karaniwang
pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.

IV | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila

1. Panahon ng mga Alamat at Mga Katangian Nito


Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat ng
mga Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kuwentong
bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya’y sumasamba sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang
mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.

Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Ang alamat ay isang uri ng panitakan o isang kwentong bayan na tinatawag folklore o
legend sa wikang Ingles. Ito ay nanggaling pa sa ating mga ninuno at ginagamit upang isalaysay ang
pinagmulan ng iba’t ibang bagay katulad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, halaman, pangyayari, o hayop
sa bansa. Sinasalamin nito ang kulturang Pilipino at kinapupulutan ng maraming aral. Ito ay isang
pagsasalaysay na kumalat mula sa paglipat-lipat sa bibig ng mga tao.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG ALAMAT

Ang tema at nilalaman ng mga alamat noong panahong bago dumating ang impluwensiya ng
kultalamaturang dayuhan ay umiikot sa paniniwala sa mga bathala, anito at mga ispiritong supernatural. Nang
dumating ang mga Kastila, nagbago ang tema at nilalaman ng mga alamat. Ito ay nakatutok na sa mga
karaniwang karanasan at pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ang mga tauhang gumaganap ay
kumakatawan sa mga makatotohanang pangyayari sa lipunang ginagalawan ng mga tao nang panahong iyon.

Isa sa mga karunungan ng ating mga ninuno, na karaniwang tinatawag na mga Ita, Negrito, Baluga, o
Aetas, ang mga alamat. Ito ay bumabalik noon pa mang 1300 AD. Nakalikha sila ng mga alamat dahil sa
kanilang palipat lipat na lugar sa mga bansa sa Asya at dahil sa kakulangan sa mga gamit sa pagsusulat,
sining, at siyensa, ang mga alamat ay napalaganap mula sa paglilipat-dila lamang.

Matapos ang 4,000 taon ay dumating naman ang mga Indones sa ating bansa. Nagdala sila ng
panibagong sistema sa pamahalaan, sining, siyensya, at relihiyong pagano. Nalaman nila ang mga sinaunang
alamat ng ating mga ninuno na tumutukoy sa mga anito, santo, santa, kay bathala at sa Lumikha.

Ang sumunod naman ay mga Malay at kagaya ng mga Indones ay mayroon silang paganong
pananampalataya. Bukod sa sarili nilang mga alamat ay tinuruan nila ang ating mga ninuno ng alpabeto na
kilala bilang Alibata o Alifbata. Ito ang nagsilbing paraan upang maisulat ng ating mga ninuno ang mga kauna-
unahang alamat sa bansa gamit ang mga iba’t ibang bagay na makikita sa paligid tulad ng dahon, kahoy, o
bato na dati ay naipapakalat lamang nila mula sa salita.

Sumunod na naging dayuhan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe, at Persyano sa ating mga lupain na
nakapag ambag sa mabilisa na paglago ng mga alamat at karunungan sa bansa. Isa sa mga pinakamalaking
impluwensya na nandayuhan sa bansa ay ang mga Espanyol. Sila ang nagpalaganap ng Kristyanismo at dahil
dito ay ipinautos ng mga prayle ang pagsunog sa mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno na karamihan
ay tungkol kay bathala. Subalit nanatili pa rin ang mga alamat sa pamamagitan ng pagsalin-salin sa bibig ng
mga tao na patuloy na ipanapamana sa mga kabataan hanggang ngayon.

MGA HALIMBAWA NG ALAMAT


Alamat ng Pinya
Alamat ng Pilipinas
Alamat ng Saging
Alamat ng Ampalaya
Alamat ng Mangga
Alamat ng Sampaguita
Alamat ng Lansones
Alamat ng Rosas
Alamat ng Bayabas
Alamat ng Butiki

V|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
2. Ang Mga Kuwentong Bayan
Bago pa lumaganap ang panitikang paulat ay laganap na sa Pilipinas ang kuwentong bayan. Ito’y
isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga kuwentong baying
Pilipino ay tungkol sa kanilang mga Diyos, at mga ispiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.
Ang mga kuwentong bayang ito’y naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan ng panahong yaon. Kahit na ang mga kuwentong ito’y may mga kababalaghan at di
kapanipaniwalang mga pangyayari, marami ang nagbibigay ng aral.
ng kuwentong-bayan (folklore) ay mga kwento at mga salaysay na hinggil sa mga likhang-isip o kathang-isip
na ang mga tauhang kumakatawan sa mga uri at pag-uugali ng mga mamamayan sa isang lipunan. Kadalasan
at karaniwan na ang kuwentong-bayan ay may kaugnayan sa isang tiyak na pook o sa isang rehiyon ng isang
bansa o lupain.
Ang kahalagahan ng kuwentong- bayan ay ang pananatili ng sining, panitikan, tradisyon, at kultura ng
isang lahi. Ang kuwentong-bayan ay repleksyon ng pag-uugali at mga pinahahalagahan ng mga tao sa isang
lipunan. Ang isang halimbawa ng kuwentong bayan ay "Ang Munting Ibon" ng mga Maranao. Isa itong
kwentong bayan ng Mindanao.
Ang kuwentong- bayan ay isang anyo ng panitikan na naging bahagi ng ating katutubong panitikan
bago pa man tayo sakupi ng mga Espanyol. Sino-sino ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan bago
dumating ang mga espanyol?,

KATANGIAN NG KUWENTONG – BAYAN

May apat na katangian ng Kuwentong-bayan:

 Lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang sanlahi sa pamamagitan ng pagsalin-dila sa mga


kuwento.
 Nasa anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian, kultura, at tradisyon ng lipunang pinagmulan ng
kuwento.
 Naglalahad ng misteryo o mahihiwagang bagay o pangyayari.
 Mayroon itong gintong aral.

URI NG KUWENTONG – BAYAN

May mga uri ng Kuwentong-Bayan:

 Alamat - Ito ay ang mga kuwentong tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook, hayop, o pangyayari.
Marami sa mga alamat ay talagang nagmula pa sa mga kathang-isip ng ating mga ninuno at / o
katutubo.
 Mito - Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o
mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga
likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang
mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa
mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
 Pabula - Ang mga pabula ay mga makabuluhang kuwento na ang mga karaniwang nagtatampok sa
kuwento ay ang mga hayop bilang mga tauhan.
 Parabula - Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.  Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral
o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang
pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang
Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
 Maikling Kwentong-Bayan- Ito ay mga maiikling kwento na hindi maikakategorya sa alinman sa
naunang apat na uri. Basta ito ay may kuwentong -bayan na may aral.

Ang Mayamang Kuwentong- Bayan ng Pilipinas

Sa katunayan, maraming kuwentong bayan ang matatagpuan sa iba't ibang panig at / o pulo ng
Pilipinas. Bilang isang arkipelago at may napakaraming pangkat etniko, ang mga kuwentong bayan sa
Pilipinas, sa sobrang dami ay mahirap maperpekto ang koleksyon.

Iilan sa mga kuwentong-bayan ang nagmula pa sa panahon ng mga ninuno nating Aeta o mga Negrito.
Halos magkakapareho na lang din naman ang karamihan sa ating mga kuwentong bayan at nagkakaiba-iba na
lamang sa mga tagpuan, tauhan, at sa ilang mayoryang kaganapan. Ito ay dahil sa pagpapasalin-salin ng

VI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
kuwento na may kinalaman sa pagsalindila ng mga ito sa iba't ibang lugar at henerasyon. Nababago ang ilang
mga bahagi ng kwento pero hindi ang gintong aral ng mga ito.

Dahil sa pagkukwento nga ng pasalindila, minsan ay nababawasan o nadadagdagan ang ikinukwento


hanggang sa magkaroon ng iba't ibang bersyon ng mga kwento. Parang tsismis, ganyan. Pero ang mga
kuwentong-bayan ay may prinsipyong dapat isalin sa iba ang natutunan dito kaya hindi ito mai-kakategoryang
fake news.

3. Panahon Ng Mga Epiko


a. Mga Katangian ng Panahong Ito
Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang alpabeto na tinatawag na Alibata. Sila
ang
mga Malay na Muslim na maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong Arabe na hanggan ngayon ay
ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu. Hinalinhan ng Kastila ang tawag sa alpabetong ito
at
tinawag na Baybayin at ngayon ay siyang tinatawag na Abakada.
Ang epiko’y isang tulang pasalaysay na ang karaniwang paksa’y tungkol sa pakikipagsapalaran,
katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. May mga pangyayari ditong hindi
kapani-
paniwala at maraming kababalaghan. Maraming mga epikong isinalin ng mga misyonerong Kastila,
gayon din ng mga pokloristang Amerikano nguni’t marami pa rin ang hindi naisalin sa kakulangan ng
mga mag-aaral sa lingguwistika. Kaya’t ang marami sa epikong Pilipino ay nakikilala lamang sa
pamagat.

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko.
Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong
unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa
anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga
Kanluraning epiko.

KATANGIAN NG EPIKO
Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao


 Mga inuulit na salita o parirala
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan
(halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang,
anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring
tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

HALIMBAWA NG EPIKO
Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng epiko ng Pilipinas.

 Epiko ng Luzon
 Biag ni Lam-ang (Ilocos)
 Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
 Epiko ng Visayas
 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon (Panay)
 Labaw Donggon (Bisayas)
 Maragtas (Bisayas)
 Epiko ng Mindanao
 Bantugan
VII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan

4. Ang mga Awiting Bayan


Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Maraming mga uri ng mga
awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang Bathala, pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit
upang sumagana ang mga ani, pag-awit tungkol sa katapatan ng pag-ibig, pag-awit sa pakikidigma, pag-awit
sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga
ninuno. May mga awit namang malaswa ang sinasabi at may kagaspangan ang mga pananalita.

Ang awiting bayan ay isa sa mga kultura na pinangalagaan mula sa ating mga ninuno. Ito rin ay
tinatawag na “kantahing bayan” ng iilan. Nasa anyo ito ng patula ngunit may kasama itong tugtog na inaayon
sa karanasan, damdamin at kaugalian ng sinumang gumawa nito. Ang awiting bayan na ginawa ng ating mga
ninuno ay patungkol sa iba’t ibang pamumuhay, pag iisip, ugali, at damdamin ng mga tao.

Ang mga naturang katutubong awitin ay napangkat ayon sa tinutukoy nito gaya ng sumusunod:

 Soliranin: awit ng mangingisda


 Talindaw: awit ng mga bangkero
 Oyayi: ginagamit pampatulog ng mga bata
 Diona: para sa mga kinakasal
 Kumintang: awit sa digmaan
 Sambotani: inaawit kapag tagumpay ang pakikipagdigma
 Dalit: awit sa simbahan
 Kundiman: awit ng pag-ibig

Ang mga awiting bayang ito ay napapangalagaan sa pamamagitan ng saling-dila o ang pagpapasa nito
sa mga sumusunod na henerasyon. Ito ang isa rin sa nagpapatuloy ng ating kalinangan bilang isang Pilipino
kung kaya’t dapat nating pahalagahan at siguraduhing hindi ito mapuputol at mamatay sa atin.

5. Ang mga Karunungang Bayan


Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain, sawikain, kasabihan at
palaisipan. Karamihan ang mga ito’y nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mga mahahabang tula. Ang
mga unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ng Indiya, Indonesya, Burma at Siyam.
Ito’y nagpapatunay lamang na noong unang panahon ay nagdala ang mga bansang nabanggit ng
impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas.

Noon pa man ang tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng kanilang damdamin tungkol sa
ibat ibang bagay sa daigdig,sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang
kaluluwa. Ang panitikan din ang nagiging daan upang mabatid ang kaugalian, tradisyon at kultura. Mayroog
ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan.

Ang ibig sabihin ng karunungang bayan ay ang sumusunod:


 Ito isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na
napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
 Ito ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikanng idinadaan sa pamamagitan ng pagsasagot o
paghuhula .
 Kailangan din ng karunungang bayan malalim na pag iisip.
 Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kesa sa literal na kahulugan nito.
 Ito ay ginagamit upang mapatalas ang kaisipan.
 Ito ay hango sa karanasan ng mga matatanda
 Nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala.

MGA HALIMBAWA NG KARUNUNGANG BAYAN


1. Bugtong- Ito ay uri ng laro na may kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilalarawan.
patugmang pahayag upang ipasagot sa iba

VIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Halimbawa:

Isang balong malalim, puno ng patalim

Ito namang pinsan ko, Saka lng kikilos kung pinapalo

Isang princesa, Nakaupo sa tasa

Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa

2. Salawikain- Ito naman ay ang pagpapahayag ng mga matatalinghagang aral na batayan sa


magandang pag-uugali. Ito ay nakaugaliang sabihin sapagkat ito ay nagsisilbing tagapagpaalala ng
mga
tuntunin ng kagandahang asal.

Kung walang tiyaga,

walang nilaga

Sa paghahangad ng kagitna,

isang salop ang nawala.

3.Sawikain/Idyoma- Ito ay ang mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging magada ang paraan ng pagpapahayag. Ito ay nagpapahayag ng kaisipan o magandang
mensahe sa buhay. Ang kaibahan lng nito , ito ay tiyak at madaling matukoy ang mensahe nais nitong
tukuyin.

Anak-pawis- Mahirap

Alilang kanin- Utusang walang sweldo, pagkain lng

Dalawa ang bibig-madaldal

Namamangka sa dalawang ilog

4. Kasabihan/Kawikaan-Ito ay ang katangian,ugali,gawa/gawi, kilos.Ito ay patalinghagang pahayag na


kinapapalooban ng makabuluhang pilosopiya sa buhay.Ito ay ginagamit ng mga matatanda noong
unang
panahon para akayin ang mga kabataan sa wastong pag-uugali at kilos

Nasa Diyo's ang awa, nasa tao ang gawa

Kung ano ang itinanin ay siyang aanihin

Sa panahon ng kagipitan, Nakikita ang kaibigan

5. Palaisipan Ito ay isa sa paraan ng pagpukaw ng isipan ng tao. May suliraning binibigkas ng tuluyan
at
naghahanap ng kasagutan. Ito rin ay laro na humahamon sa isipan ng tao upang mag-isip ng
kasagutan.Ito ay karaniwang nasa anyong tuluyan bagamat mayroon din palaisipan na nasa anyong
patula.

Bahag ang buntot- Takot

Kape at gatas- Maputi at maiitim

Sinasabing batgo pa man dumating sa Pilipinas ay mayroon nang panitikan ang mga Pilipino. Isa sa
mga ito ay ang karunungang bayan.
Ang mga nasabing karunungang bayan noon ay pasalin-dila lamang. Mayroon ring nakasulat sa piraso
ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Iilan lamang ang natagpuan ng mag arkeologo sapagkat

IX | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
ayun sa kasaysayan pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang sila ay dumating sa bansa sa paniniwalang
ang mga ito ay gawa ng masama.

b. Ang Salawikain

















X|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda



k. Ang Mga Sawikain
   
  
      
   
     
  
 





d. Ang Mga Kasabihan


XI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda





 
e. Ang Palaisipan






   
   
  
      
   

XII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
    
 






g. Ang Mga Unang Dulang
Pilipino






   
     
 
XIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
   
 
  
   








b. Ang Salawikain






XIV | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda















k. Ang Mga Sawikain
   
  
      
XV | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
   
     
  
 





d. Ang Mga Kasabihan







 
e. Ang Palaisipan
XVI | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda






   
   
  
      
   
    
 






XVII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
g. Ang Mga Unang Dulang
Pilipino






   
     
 
   
 
  
   




XVIII | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda



GAWAING PANGKAISIPAN:
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na parirala.


1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
2. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
3. May balbas ngunit walang mukha
4. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
5. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
6. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito
ay naging tatsulok. Ano ito?
7. Baboy ni Pedro, balat ay pako.
8. Sinampal muna bago inalok.
9. Ate mo, ate ko, ate ng lahat.
10. Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si Uno, sino ang bunso sa kanila?
11. Tinaga ko ang puno, sa dulo ang pagdurugo.
12. Isang lupa - lupaan sa dulo ng kawayan.
13. Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao.
14. Hawakan mo at naririto, hanapin mo ay wala ito.
15. Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng globo.  

B. Panuto: Magbigay ng tig-limang (5) halimbawa ng Bugtong, Salawikain at Kasabihan at


bigyan ito ng sariling pagpapakahulugan.

XIX | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
PAGTATAYA
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, ang gagamitin ay ang Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular ay may ilalakip na mga talatanungan sa huling bahagi
ng modyul na ito

B. Panuto: Bumuo ng isang maikling kuwentong-bayan tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng ating


bansa. Ilahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pinakamasining na paraan..

Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit 40%
Kalinawan at Kawilihan 20%
Kabuoang bahagdan 100%

TAKDANG-ARALIN

Magsaliksik tungkol sa iba pang mga uri ng panitikan bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Isulat ito sa isang buong papel.

SANGGUNIAN

https://pinoycollection.com/alamat/ )

(https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalogversion-of-legends-mga-alamat-mga-alamat-ng-
pilipinas_1142.html )

(https://www.slideshare.net/janebrylh/filipino 10-mitolohiya

https://philnews.ph/2018/12/20/bugtong-bugtong-20-halimbawa-ng-bugtong-palaisipan/

XX | P a h i n a Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda

You might also like