You are on page 1of 10

“Mga Bahandi: Manlapaynon at Tuburan-on”

Mananaliksik
Bb. Catherine Geolin
Bb. Renamae Bernal

PANIMULA

Isa sa tinatawag na kataga na “sariling atin” ng mga Pilipino ay ang salitang Kultura,
ito ay kalimitang ipinapasa-pasa para mas yumabong pa sa susunod na henerasyon.
Nagpapatunay ito na natatangi ang isang tao kapag may sarili itong kulturang
pinagmulan. Ayon kina Kroeber at Cluckhohn (1963), naging inspirasyon ng British
anthropologist na si Edward Tylor (1871) na konseptwalisasyon ng kultura bilang "ang
masalimuot na kabuuan na kinabibilangan ng kaalaman, paniniwala, sining, moralidad,
batas, kaugalian, at anumang iba pang kakayahan at gawi na nakuha ng tao bilang
kasapi ng lipunan” (p. 1). Gayunpaman, sa halip na tingnan ito bilang isang paraan ng
pagtatamo ng sibilisasyon, binabalangkas ni Tylor ang kultura bilang isang unibersal
kundisyon. Ang bawat lipunan ay may kultura.

Ang Kulturang PIlipino ay binubuo ng samo’t saring mga paniniwala, kaugalian at


mga tradisyon na naging parte na ng buhay ng mga tao. Ito ay nagsisilbing pundasyon
ng bawat Pilipino na ipamalas at ipagmalaki ang mga kinalakihang mga kultura at
tradisyon na nagmula pa sa mga sinaunang mga ninuno ngunit sa kabila ng yamang ito
ay hindi maipagkakaila na mayroon pa ring mga lugar na hindi pa nalalapatan ng
pagtuklas sa mga nakatagong kulturang ito, kaya naman bilang pagkilala at pagbibigay
halaga sa Kulturang Pilipino ay nagsaggawa ang mga mananaliksik ng isang pag-aaral
tungkol sa pagtuklas ng iba’t ibang mga kinagisnang kultura sa piling lugar ng
Dalaguete at Tuburan ng Cebu.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mailahad ang mga paniniwala, kaugalian,


kagawian at iba pang aspeto na may kaugnayan sa kultura ng mga Manlapaynon sa
probinsya ng Dalaguete at Tuburanon sa probinsya ng Tuburan.
Mga Natuklasan at Pagtalakay:
Talahanayan 1: Kultura ng mga Manlapaynon

Demograpikong Propayl Kultura Pagpapaliwanag

Manlapay, Dalaguete, Cebu

Pangalan/Code Bingka sa Kalag-Kalag Naandan na namo nga


Name: Lucy matag kalag-kalag kay dili
Edad: 59 gayud mawala kining
Lugar: Sitio Upper bingka nga maabtan
Kayapukan, Manlapay, nalang og liwas, di gihapon
Dalaguete, Cebu kini mapan-os. Di usab
ikalimod nga lami kaayo ni
ipares sa sekwati labi na
panahon sa tinghalad sa
kadlawn. Kini ginama sa
pilit nga humay, sentral
nga kalamay, og tuba nga
mas magpalami niini. Ang
paghalad niining bingkaha
nahimong tilimanon matag
kalag-kalag isip pagpakita
og importansiya og
paghandum sa mga
nitaliwan na namong mga
mahal sa kinabuhi ingon
man usab sa mga
nitaliwan namong mga
katigulangan.

Pangalan/Code Balikutsa Dili ikalimod sa mga


Name: Luning Manlapaynon ang
Edad: 65 kamahiligon sa mga tam-is
Lugar: Sitio Lower nga pagkaon ug usa niini
Kayapukan, Manlapay, ang “balikutsa”. Kini
Dalaguete, Cebu ginama sa tuno sa lubi og
kinugay nga kalamay nga
sa gimix sa kawa sa
inanay nga init sa kalayo
hangtud mohagkot kini og
mamahimong kendi. Mao
kini ang nakahiligang idalit
sa mga bata labi nag naay
magbirthday.
Pangalan/Code Nilarang na Baki Hugaw man kining
Name: Beray paminawon apan ang
Edad: 49 nilarang nga baki
Lugar: Sitio Upper gikahidlwan kini sa mga
Kayapukan, Manlapay, Manlapaynon ilabi na ting-
Dalaguete, Cebu ulan. Ang baki nga
larangon dili sama sa mga
baki nga makita sa mga
dalan o sa mga kalibonan
o mamala kundi kini baki
sa mga dagkong sapa
busa kini limpyo. Nahimo
usab kining kalingawan sa
kadaghanan tungod kay
managpanon man
padulong sa dagkong sapa
og didto manulo og baki.

Pangalan/Code Kapunungan Hangtod karun aduna


Name: Karing gihapoy bayanihan sa
Edad: 62 Manlapay og usa na niini
Lugar: Sitio mao ang kapunungan diin
Kabungbungan, Manlapay, ang matag Manlapaynon
Dalaguete, Cebu muhatag og kwarta/limos
nga nagkantidad og 50
pesos matag pamilya
ngadto sa pamilya nga
namatyan. Kini nagpakita
og pagkamaunungon sa
tibuok banay sa masulub-
ong panahon sa kabanay
nga mitaliwan ang ilang
mahal sa kinabuhi.

Pangalan/Code Alayon Usa usab kini sa


Name: Norma gipasigarbo sa Manlapay
Edad: 74 ang bayanihang nadak-an
Lugar: Sitio Centro, sa matagManlapaynon
Manlapay, Dalaguete, kung diin mao kini ang
Cebu giingong “old but gold” sa
mga nakasinati niini. Ang
“alayon” mao kini ang
panagtapok og
panagdungan sa pag-uma
o pag-ubra sa baol/uma
nga gipanag-iya sa
silingan, suod nga higala,
o kaliwat sa banay. Kini
mahuman lamang kung
naubrahan na tanang
baol/umahan sa tanang
miyembro o nitabang sa
maong alayon. Kini dili
gayod mahikalimtan bisan
kinsa ilabi na sa mga
nakasinati tungod kay sa
takna sa alayon anaa ang
kasadya sa panagtabi,
kataw-anay samtang
nagtrabaho sa umahan.

Sa Pilipinas hindi lang sa Manlapay, ang bibingka ay naging parte sa anumang


pagdiriwang. Sa katunayan, walang pagdiriwang kung wala itong kakanin na inihahain
sa hapag dahil sa katanyagan nito sa mga Pilipino (Philippines Country Guide,2012).
Sinabi ng Department of Tourism at Department of Agriculture na nabighani ang mga
bisita sa lugar at sa pagkaing inihahain sa kanila. Batay sa kamakailang pag-aaral ng
mga bisita ng DOT ay naghahanap ng mga pasalubong lalo na ang mga native delicacy
products na maaaring maging regalo para sa kanilang pamilya, kaibigan at kamag-anak
DOT(2021). Hindi rin maikakailang likas sa atin ang pagiging mahiligin sa mga
matatamis lalo na ang ating kabataan na mahihilig sa mga kendi. Ayon nga ni Sherill A.
Gilbas, (2014) sa kanyang artikulong “Food for Love: Bicolano’s Culture in Merlinda
Bobis’ Novel (Vol. 6)” na ang balicucha at tira-tira ay mga uri ng kending minamahal at
kinagigiliwan ng mga bata. Kung mga exotic foods naman, ang pagkain ng mga
pagkaing ito ay namana natin sa ating mga ninuno. Sa Manlapay, Dalaguete, ay may
“nilarang na baki” sa mga Kapampangan naman ito ay “betute”. Isinulat ni Lindsay
Bennett sa Globetrotter Island Guide, "Philippines" na ang pagkain ay higit pa sa
simpleng nutrisyon para nating mga Pilipino kung saan mahilig tayong kumain, ito man
ay isang sit-down meal kasama ang pamilya o mga kaibigan o isang mabilis na
meryenda. Ang pagbabahagi ng pagkain ay isa sa mga magagandang sosyal na
kasiyahan para sa lahat ng klase, at ang kawalan ng pagkain para sa iyong mga bisita
ay itinuturing na pinagmumulan ng ‘hiya,’ kaya ang mga bundok nito ay inihahain sa
mga party at fiesta.
Sa bandang bayanihan naman, kailanman man hindi mabubura sa ating pagkatao
ang pagiging likas na maunawain sa kapwa, at pagiging matulungin sa paraang alam
natin. Ang kapunungan ng mga Manlapaynon ay ay isa na rito na kung saan ay ang
bawat pamilya sa banay ay nagbibigay ng abuloy para sa pamilyang namatayan. Ang
konsepto ng isang Filipino core value na tinatawag na kapwa o “shared identity” [8]. Ang
Pakikipagkapwa o pagbabahagi ng pagkakakilanlan ng isang tao ay kinabibilangan ng
pagtrato sa isa't isa bilang kapwa o kapwa sa dalawang paraan ng pakikipag-ugnayan
sa lipunan: ang “ibang-tao”[labas] [9] at ang “hindi-ibang-tao” [isa-sa-tin] [ 10]. Sa
konteksto ng pagluluksa, ang pakikipagkapwa ay makikita sa pamamagitan ng
pakikiramay — pakikiramay at pakikiramay na ipinahahayag mula sa isang kapwa [na
“isa-sa-tin”] patungo sa isa pa — at pakikidalamhati — pakikibahagi sa pagdadala ng
pasanin ng nagdadalamhati o ng matinding kalungkutan sa pagdanas ng pagkawala ng
one-of-us variation ng kapwa (Santiago, 1993; Pe-Pua at Protacio-Marcelino, 2000).
Kaugnay nito ay ang tinatawag na alayon na kung saan ay mayroong grupo ng mga
magsasaka ang sabay-sabay sa pagsaka ng isang sakahan na maaaring pagmamay-
ari ng isang kapitbahay, kaibigan, o di kaya naman ay kamag-anak. Ito ay lingid sa
kaisipan ng mga Manlapaynon na isang gawaing bayanihan sa paraang matatapos
lamang ang alayon kung ang sakahan sa lahat ng miyembrong o kasaping tumulong sa
nasabing alayon ay naipagawa o nasaka na. Bago dumating ang mga kolonyalistang
Espanyol sa Pilipinas noong 1521, ipinakita ng mga Pilipino ang mga gawaing komunal
ng pagtutulungan na kilala bilang bayanihan. Ito ay nagpapakita kapag ang mga
lalaking miyembro ng komunidad ay tumulong sa pagbunot ng isang kubo sa isang
bagong lokasyon. Ang iba pang mga bersyon ng bayanihan ay ipinapakita sa mga
tuntunin ng pagtulong sa isa't isa sa panahon ng pag-aani at pagtatanim, (Inocian et.al.,
2019). Hindi lamang sa pagkain mayroon ang Manlapay na nangingibabaw sa kultura
nito kundi maging sa gawi at pagmamalasakit sa kapwa.

Talahanayan 2: Kultura ng mga Tuburanon

Demograpikong Propayl Kultura Pagpapaliwanag


Lamac, Tuburan, Cebu

Pangalan/Code Pan De Cabra Mao ni ang kasagarang


Name: Lyn-lyn kan-onon sa mga tao labi
Edad: 41 na katong muadto sa
Lugar: Sitio Lamac, darohan. Usa ni siya ka
Jagbuaya, Tuburan, Cebu kamoteng kahoy nga
giputos sa dahon sa lubi.

Pangalan/Code Lamaw Ang paglamaw ug mga


Name: Ninin prutas maoy naandan
Edad: 61 namo sukad pani sauna
Lugar: Sitio Lamac, labi na ug naay mga taga
Jagbuaya, Tuburan, Cebu syudad unya mubisita ug
bukid unya mu request ug
“lamaw” ug lubi, way
pagduha-duha magdali-
dali dayun mi anag
pamutong para lamawon
namo.

Pangalan/Code Lamac Ang kaning amoang sitio


Name: Tiya Winnie kay ginapalibutan kini ug
Edad: 70 dako kaayo nga tubig, labi
Lugar: Sitio Lamac, na ug mag-uwan ug kusog
Jagbuaya, Tuburan, Cebu unya mubaha, muporma
dayun na ug dako kaayo
nga tubig nga hangtud
mura nig mahimong dagat
maong gitawag ni namog
Lamak kay lamakan man
gud ning amoang lugar
dinhi. Naa guy mga tawo
nga muari sa amoang sitio
kay para mamasol unya
manguha ug isda para
ipanud-an ug kami sad ari
rami manguhag para sud-
an kung wala’y ikapalit.

Pangalan/Code Molobolo Spring Sa Tuburan kay daghan


Name: Tiyo Paul kaayo mig mga tubod nga
Edad: 75 kaliguanan pero ang
Lugar: Sitio Lamac, pinaka nindot gyud adtuon
Jagbuaya, Tuburan, Cebu kay ang Molobolo Spring.
Diri pwede kaayo ning
himoong tapukanan sa
mga tawo kung ganahan
maligo kay dili lang ka
makaligo sa spring aduna
sad niy dagat silbi doble
imohang kaliguanan.
Malingaw sad gyud ka labi
kung kuyog nimo imong
mga pamilya sa
pagpangaligo.

Pangalan/Code Ilog-ilog sa Kalag-kalag Kini kay usa ka buluhaton


Name: Rasil namo nga naandan na
Edad: 35 gyud namong buhaton
Lugar: Sitio Lamac, taga kalag-kalag. Usa mag
Jagbuaya, Tuburan, Cebu “Ilog-ilog” kay mangadyi
una sa taga balay, inig
kahuman anha na sugdan
ang pag inilogay sa mga
bata sa mga pagkaon nga
gihalad sa lamesa sa
tagsa tagsa ka panimalay.
Malingaw nalang gud ka
magtan-aw nila labi na
kung daghan kaayong mga
bata, unya nagatapok ang
isig kaliwat, ig-agawan ug
mga igsuon.

Nababanggit sa isang artikulo sa mga lista ng mga medesinal na mga pananim


ng StuartXChange na sa Pilipinas ang kamoteng kahoy ay kilala sa malambot nitong
dahon kaya ito ay ginagamit bilang pambalot at bilang sangkap sa mga nilagang gulay.
Isa sa mga pangunahing pananim na pagkain sa maraming rehiyon ng Africa, Asya, at
Latin Amerika. Ang kamoteng kahoy ay karaniwang nakikita sa mga lugar na may
malusog na lupa partikular na sa mga bukirin na mga lugar. Sa Tuburan ito ay isang uri
ng pagkain na kung saan isinilid sa isang dahon ng saging tinatawag nila itong “Pan de
Cabra . Karaniwang itong dinadala ng mga tao sa bukirin kapag nagsasaka sapagkat ito
ay isang putahe na madaling gawin at angkop para gawing panghimagas o di kaka’y
pananghalian sa bukid.
Ang Pilipinas ay sagana sa mga puno ng niyog. Makikita mo ito kahit saan dito
sa ating bansa. Ibinahagi ng Cebu Daily News na karamihan ng mga ‘lamaw’ ay kilala
ang mga natirang pagkain na ginagamit sa pagpapakain ng mga baboy. Ngunit dahil,
ang mga Cebuano ay napaka-malikhain sa paggawa ng iba pang mga pagkain na
maaaring tamasahin ng mga tao na may parehong pangalan, ngayon, ang 'lamaw' ay
naging isang pambahay na pangalan para sa masarap na murang pagkain. Katulad sa
ginagawa ng mga tuburan-on ay nakaugalian na rin nila ang mag-lamaw ng niyog
sapagkat naging parte na ito bilang nakaugalian na pagkain ng mga tao sa Tuburan,
Cebu.
Sa aspetong pamumuhay ay kadalasan pagsasaka at panananim ang
namumutawi sa mga lugar ng ibang mga bukirin katulad lang din dito sa Sitio Lamac ng
Jagbuaya, Tuburan ay pagsasaka rin at panananim ngunit dahil sa napapalibutan ang
kapatagan na bahagi ng lupa ng tubig ay kalimitang naging pangingisda o pamimingwit
ang naging paraan nila sa pamumuhay.
Ang mga spring sa lugar ng Tuburan, Cebu ay kilala sa napakaganda at
napakalamig nitong tubig. Ang nakakapreskong tubig ng palanguyan na ito ay umaakit
ng mga bisita mula sa buong probinsya at mga bisita mula sa ibang lugar. Ibinahagi sa
pananaliksik ni Co (2016) sa na hindi kataka-taka na ang Molobolo Spring ay isa sa
mga likas na biyaya ng kalikasan. Mula sa "tubod" ay umaagos ang malamig at
nakakapreskong tubig at napakasariwa ng hangin sa lugar. Nagtayo ang lokal na
pamahalaan ng isang parihabang pool bilang pang-akit sa mga turista sa magandang
hatid ng tubig mula sa bukal. Dito maaaring lumangoy ang mga bisita sa nagyeyelong
tubig.
Nakasaad sa isinulat ni Cayos (2020) na isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino
tuwing Undas ay ang pag-aalay ng panalangin para sa mga namayapa na. Ayon sa
ating kinagisnang paniniwala, makakatulong ang panalangin para magkaroon ng
kapayapaan ang kanilang kaluluwa o kaya ay para makaakyat sila sa langit. Sa
paniniwala ng mga taga Tuburan tungkol sa pagdiriwang ng Araw ng mga Kaluluwa ang
pananalangin ay nagpapakita ng relihiyosong kultural na gawain na kung saan isa ito sa
mga mahahalagang katangian ng mga Pilipino ang pagiging makadiyos. Kaugnay nito
ang nakasanayang paniniwala na magkaroon ng “Ilog-ilog” o ang pagkikipag-agawan,
ang terminong ito ay ginamit hindi para makapadama ng sakit bagkos ito ay isang
paraan na ipakita ang pagkakaisa ng mga tao, lalong lalo na sa mga bata. Sa
kaugaliang ito ay naituturo ang tamang paggabay sa mga bata tungo sa pagkamit ng
pagkakaisa.

KONKLUSYON

Ang bawat kulturang inilahad sa ibabaw ay pawang kabuuang kaugalian,


paniniwala, gawi, at tradisyon ng isang ng mga tao ng dalawang probensiya sa
lalawigan ng Cebu na masasabi nating likas Pilipino. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng bawat Manlapaynon at Tuburan-on ang kanilang pagkakakilanlan,
kasaysayan, at halaga.
Bilang kabuuan, ang dalawang lugar ay mayroon mang iba’t ibang kulturang
natuklasan, sa huli, ang bawat lugar ay pawang nagpapakita ng isang pagkakatulad
ang magkaroon ng kulturang naging malaking epekto sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay at tinuturing “bahandi” o kayaman ng dalawang lugar na siyang ipapamana
sa susunod na henerasyon. Ito ang nagtatakda ng mga kaugalian, paniniwala, at mga
batas na sinusunod nila bilang mga miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sa kanila
kundi maging sa ating lahat. Ayon nga ni Franz Boas (1930) na itinuturing na
impluwensya si Taylor, ang kulturang Tylorean at tinukoy ito bilang "mga pagpapakita
ng mga gawi sa lipunan ng isang komunidad, ang mga reaksyon ng indibidwal na
apektado ng mga gawi ng pangkat kung saan siya nakatira, at ang mga produkto ng
mga gawain ng tao bilang tinutukoy ng mga gawi na ito” (p. 79). Ibig sabihin tayong
lahat ay konektado sapagkat ang kultura ang siyang nagbibigay sa atin ng isang
malalim na pagkakakilanlan bilang tayo, mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas. Ito ang
nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay at nagpapahayag ng ating mga pinaniniwalaan
at kahalagahan. Kaya itanim natin sa ating pagka-Pilipino na sa pamamagitan ng
kultura, natutukoy natin ang ating lugar sa lipunan at nagkakaroon tayo ng pagkakaisa
at pagkakakilanlan bilang mga mamamayang Pilipino.
Sanggunian:
Cayos, D. (2020, November 1). Ano Nga Ba Ang Kahalagahan ng Undas? - Every
Nation Campus. Every Nation Campus. https://enc.ph/ano-ang-kahalagahan-ng-undas/
Cebu street food? Here are two lamaws known by Cebuanos | Cebu Daily News. (2023,
June 29). INQUIRER.net. https://cebudailynews.inquirer.net/512850/cebu-street-food-here-are-
two-lamaws-known-by-cebuanos#ixzz8KqSbhREM
Co, J. (2016). MOLOBOLO SPRING: THE NATURE’S GIFT OF TUBURAN. Tourism.
https://hotelecast.wixsite.com/tourism/single-post/2016-1-18-molobolo-spring-the-nature-s-gift-
of-tuburan
Davao, E. (2014, December 17). CULTURE & ARTS - Exotic foods from the Philippines.
EdgeDavao.https://edgedavao.net/special-feature/2014/12/17/culture-a-arts-exotic-foods-from-
the-philippines/
Food for Love: Bicolano’s Culture in Merlinda Bobis’ Novel. (2014). SHERILL a.
GILBAS, Vol. 6, ISO 9001:2008.
https://www.researchgate.net/profile/Sherill-Gilbas/publication/276441775_Food_for_Love_Bic
olano's_Culture_in_Merlinda_Bobis'_Novel/links/620211505bdf0f2ef854c742/Food-for-Love-
Bicolanos-Culture-in-Merlinda-Bobis-Novel.pdf
Kamoteng kahoy / Manihot esculenta / Cassava : Herbal Medicine / Philippine
Alternative Medicine. (n.d.). http://www.stuartxchange.org/KamotengKahoy.html
View of impact of rice delicacies among selected areas in the province of Biliran. (n.d.).
https://www.opsearch.us/index.php/us/article/view/44/36
View of Fostering online communities through pakikiramay and pakikidalamhati on
memorialized Facebook accounts. (n.d.).
https://firstmonday.org/ojs/index.php/fm/article/view/12740/11008
View of Indigenizing and contextualizing the use of cooperative learning strategies. (n.d.).
https://ojs.upsi.edu.my/index.php/JRPPTTE/article/view/2581/2078
Cabazares, S. & Cabazares, J. (n.d.). ‘Kultura’ in the 21st Century Filipino Language:
Revisiting the Western Critique of ‘Culture’.

You might also like