You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARRASCAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Nat’l. Highway, Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur
PANGALAN: ___________________________________________ ANTAS: STEM/HUMMS/TVL 11
DESKRIPSYON: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ASIGNATURA: FILIPINO PAKSA: Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura
Markahan: Una PETSA: Enero 18-22, 2021 (Ikatlong Linggo)

LEARNING ACTIVITY SHEET

Magandang Araw! Ako ang sasama


sa iyo sa araw na ito.Handa ka na ba?

Sabay Nating Tuklasin!


Ang ugnayan ng wika at kultura ay ang mga sumusunod:
 Ang kultura ay hindi maipapasa o maipapahayag sa ilang henerasyon kung wala ang wika.
 Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo sa diwa at saloobin kung wala ang wika.
 Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling
naiintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang Kultura at Ang Wika.
 Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa lipunan, mundo, at kapaligiran.
Ang mga pananaw ng mga tao ay hango sa mga:
 Paniniwala, Tradisyon, Uri ng pamumuhay, Mga bagay na nagbibigkis ng pagkakaisa na
nagpapalaganap sa pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.
 Ang wika ay: simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, o damdamin behikulo o paraan ng
pagpapahayag ng ideya, pananaw, opinion, o lohika instrumento sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan . Kahalagahan ng wika at kultura. Nagkakaroon ang mga tao ng pagkakaisa at
pagkakaintindihan. Bawat bansa ay may sariling pagkakakilanlan.

KAALAMAN NG BAYAN BILANG KULTURA NG PAMAYANAN:


Ang kaalamang bayan ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi at tradisyon ng mga
mamamayan sa isang pamayanan, kalinangan na nagpasalin-salin sa iba’t-ibang lahi at pook dahil sa ito’y
bukambibig ng taumbayan.
 Iba’t-Ibang Uri ng Kaalamang Bayan:

A. AWITING BAYAN
Mga Uri ng Awiting Bayan:
1. Ang KUNDIMAN ay awiting may tema ng pag-ibig
na malungkot at mabagal. Mula noong panahon ng
Espanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito
para maipadama ang pagmamahal sa iniibig o
pagmamahal para sa bayan o bansa.
2. Ang KUMINTANG ay dating sayaw ng digmaan na
ngayon ay naging awit ng pag-ibig.

3. Ang DALIT o
IMNO ay awit
ng papuri,
luwalhati,
kaligayahan, o
pasasalamat.
Karaniwan
itong inaawit
bilang papuri
sa Diyos
sapagkat nagpapakita at nagpaparating ito ng
pagpapasalamat.
4. Ang OYAYE o HELE ay awitin para sa pagpapatulog ng
bata at karaniwang naglalaman ng mga bilin.
5.Ang TALINDAW ay awit sa pamamangka.
6.Ang DIONA, tulad ng Kundiman, ay awit ng pag-ibig ngunit madalas itong ginagamit sa kasalan.
7.Ang DUNGAW o DUNG-AW ay makalumang tula at
tradisyon ng mga Ilokano na inaawit bilang panaghoy
ng isang taong namatayan.
B. Ang ALAMAT ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa
pinagmulan ng isang bagay, tao o pook. Ang alamat
ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin
na legendus na ang ibig sabihin ay "upang mabasa".
C. Ang PABULA ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong
at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May
natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga
batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.

D. Ang EPIKO ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa
ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma. Ang
salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan.
E. Kuwentong Kababalaghan - isang uri ng kuwento na tungkol sa mga kaganapang hindi maipaliwanag nang
maayos o mahirap intindihin dahil kakaiba, hindi kapanipaniwala at ukol sa hindi normal na pangyayari.
F. Ang PISTA (mula sa Espanyol na fiesta) ay isang malaking pagdiriwang bilang paggunita sa isang
mahalagang araw, karaniwang sa kaarawan ng patron ng baryo o bayan. Bahagi ng pagdiriwang ang
prusisyon, parada, paligsahan at palaro, sayawan, kainan, programang kantahan, palabas na dula, at
pagnonobena sa ngalan ng patron na ipinagdiriwang.Ayon sa kasaysayan, ang pistá ay bahagi ng sinaunang
pasalámat para sa pangangalaga ng mga diwata at espiritu ng mga ninuno. Isinalin ito ng mga Espanyol sa
pagdiriwang ng mga santo”t santang patron ng Simbahan. Tradisyonal na gawaing pampista noon ang misa,
nobena, prusisyon, at handaan. Nadagdag na kasayahan ang mga parada, palaro, at palabas. Nagiging
Gawain 1

Panuto: Batay sa iyong mga nabasang kaalaman tungkol sa Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura,
sagutin ang sumusunod na nga katanungan. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng wika at kultura?
2. Ano ang ugnayan ng wika at kultura?
3. Bakit posibleng hindi pareho ang paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa magkakaibang lugar?

Gawain 2

Panuto: PAGLINANG NG SALITA. Sa mga sumusunod na Kaalamang Bayan, magbigay ng isang salita na
natatangi para sa mga katawagan. Isulat ito sa sagutang papel.

Uri ng Kaalamang Bayan Natatanging Paglalarawan

1. Pabula

2. Epiko

3. Alamat

4. Pista

5. Kuwentong Katatakutan

Isang malakas na palakpak


para sa iyo! Mahusay!
Binabati kita.Natapos mo
ang mga gawain.
Hanggang sa muli.

Inihanda ni: Winasto at Sinuri ni:

GLORY ROSE P. ERAZO EMMA A. COMA


Guro sa Filipino Koordineytor

Pinagtibay ni: Sinang-ayunan ni:


ALBERTO C. ESTAMPA FLUELLEN L. COS, PhD
External Validator Punongguro IV

You might also like