You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Secondary
Panghuling Pagsusulit
LIT 106 ( Panulaang Filipino)

Name : Catherine Gines Year & Sec: BSED-2B FILIPINO Time: 11:30-2:00

I.PAGBIBIGAY SA HINIHINGI:Ibigay ng walang labis walang kulang ang mga hinihingi


ng
bawat bilang.Iwasan ang pagbubura.

1.Iba’t ibang elemento ng tula

Sukat
✓ tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong at
tumutukoy rin ito sa sukat ng pagbabasa

Pantig
✓ Ito ay paraan ng pagbasa

Saknong
✓Ito ay tumtukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
taludtod

Tugma
✓Katangian ng tula na hindi angkin ang mga akda sa tuluyan

Kariktan
✓ Kailangang magtalagay ng tula ng marikit na salita

Talinhaga
✓ Tumutukoy naman ito sa mga bagay at isang sanggapnng tula na nagbibigay kahulugan
2.Mga Uri ng Tula at pag-ibahin ang mga ito

TULANG DAMDAMIN O TULANG LIRIKO

✓Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula.
Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri
nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:

Awit

✓ Ito ay katumbas ng kasalukuyan ng awit o ang mga kantang mayroong liriko.


Soneto

✓ Tumatalakay Naman Ito sa kaisipan at diwa ng makata.

Oda

✓ Ito ay nakatuon sa tao,bagay o anumang elemento.

Elehiya

✓ Ito ay tulang nakatuon sa malungkot na tema tuoad ng pagluluksa o kamatayan

Dalit

✓Ito naman ay tumutukoy sa mga diyos o pinaniniwalaang panginoon upang magpakita


ng pagsamba. Karaniwan din itong isang saknong lamang.

TULANG PASALAYSAY

✓Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y kadalasang


ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang buong istorya ay
nasusulat sa may sukat na taludtod.

Epiko

✓Isang mababang tula mula sa makalumang paraan ng mga pananalita

Awit/Korido at Kantahin

✓ tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.

TULANG PATNIGAN

Isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong
kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.
Balagtasan

✓Ito ay tumutukoy sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa.

Karagatan
✓ Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula

Duplo

✓Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa Bibliya na


binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.

Fliptop o Battle Rap

✓Ito uri ng mga Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol
sa isang paksa.

TULANG PANTANGHALAN O PADULA

Tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.

3.Talakayin ang anim na sangkap ng tula.

Sukat

✓ Ito ay isang bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,

Pantig

✓ Ito isa sa paraan ng pagbasa

Saknong

✓Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod

Tugma

✓Ang tugma ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng


bawat linya.

Kariktan

✓Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang
damdamin at kawilihan
Talinhaga

✓ Tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.

4.Magbigay ng mga halimbawa ng bawat anyo ng tula at talakayin ito.

Tulang nasa anyong Tradisyonal na Taludturan

Sa Huling Silahis

ni: Avon Adarna

Inaabangan ko doon sa Kanluran,

Ang huling silahis ng katag-arawan,

Iginuguhit ko ang iyong pangalan,

Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Aking dinarama sa hanging habagat,

Mga alaala ng halik mo’t yakap,

Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,

Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap

Paliwanag:

Ang tula ni Avon Adarna ay nasa anyong Tradisyunal sapagkat ito ay may sukat at
tugma. May tuntunin din na sinunod ang may akda na siyang mapapansin sa anyo, istilo at
estraktura ng tula. at mayaman din ito sa madamdamin na mga salita tulad ng mga
halik,yakap at dinarama.
Tulang nasa anyong Berso Blangko

Sandalangin

Joey A. Arrogante

Heben, mulang ikosa Mo ako,

sa pagkaklase ba.

Pero nang magdisaper Ka,

nagkawatak-watak lahat Kasalanan ko!

Sinira ng pagwawala ko ang pagtitiwala Mo

Pati ng barkada kaya sising-alipin ako.

Ang laki ng naging kapalit

sa binalewala kong pakikisama Mo,

nasugapa lalo ang buhay ko,

nasira pati ulo ko sa kamalasan,sa problema;

naging demonyo ako, kaaway ng lahat

ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.

Ayoko na!

Hindi na kaya ng aking konsiyensiya.

Ang hirap palang wala Ka!

Sori Among!

Patawad!

Alam kong di-mapipiyansahan ang mga atraso ko sa 'Yo.

Alam ko ring walang duda matutukso pa ako


dahil di-mabunot-bunot ang damo

na tumubo at sumakal sa kalooban ko, sa mundo ko

na nagpapadilim sa tinatakbuhan ko,

kaya nagbabalik-luhod ako Sa’yo

kahit basag na ang pula ko,

kahit basa na ang papel ko.

Isang pakiusap

pakinggan Mo sana:

pabawiin Mo naman ako,

minsang tsansa na lang ba?

Itong-ito na lang!

kailangang-kailangan ko kasi at wala na akong matatakbuhang iba

na makikinig,

na makakaintindi.

Ikaw na lamang.

Sige na naman!

pagbigyan Mo na ako

para naman mahulug-hulugan ko

ang mga atraso ko

Sa’yo at sa kanilang lahat.

Kung gusto Mo, para mabawasan ang galit Mo

pulbusin Mo ang dibdib ko

nang maisuka ko na rin


ang lason sa katawan kong ito

Maawa Ka na, Manong!

Tulungan Mo ako!

Pagalingin Mo ako!

Baguhin Mo ako!

Ang toyo’t talangka sa ulo ko

pakialis Mo!

kahit papaano makalakad

lang uli ako nang diretso.

Maawa Ka na, Manong!

Tanggapin

Mo uli ako kahit di na kakosa,

Maski kakilala na lang basta.

Sige na naman! I

bigay Mo na sa ‘kin ang adres Mo

at hahanapin ko ang bahay Mo

at oras na makita ko ipinangangako ko Sayo:

Sasambahin ang ngalan Mo,

Susundin ang loob Mo,

Dito sa lupa…para… Patawad Diyos ko!

Paliwanag:

Ang tulang berso blangko ni Joey Arrogante na Sanadalingan ay sakto lamang ngunit Ang
kanyang mga tugma ay hindi kaano ka tugma ito.
5.Anong panahon sumikat ang tula?sino-sino ang mga nakilala sa panulaan sa bawat panahon?
✓Sa palagay ko sa panahon ng Hapon dahil sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
bansang Ito dahil ipinagbabawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika ng bansa.

MGA KILALANG MANUNULAT SA BAWAT PANAHON

PANAHON NG KASTILA

✓ Dr. Jose P. Rizal

✓Graciano Lopez Jaena


✓ Marcelo H. Del Pillar
✓Andres Bonifacio
✓Antonio Luna
✓Jose Palma
✓ Pascual Poblete
✓ Francisco Baltazar
✓ Emilio Jacinto
✓Apolinario Mabini
✓Julian Felipe

PANAHON NG AMERIKANO

✓Sergio Osmeña
✓Claro M. Recto
✓Lope K. Santos
✓Jose Corazon de Jesus
✓Cirio H. Panganiban
✓Amado V. Hernandez
✓ Pascual Poblete
✓ Rafael Palma
✓Severino Reyes
✓ Aurelio Tolentino
✓ Juan Abad
✓Cecilio Apostol
✓Fernando Ma Guerrero
✓ Jesus Balmori
✓ Manuel Bernabe
✓ Tomas Remegio
PANAHON NG HAPONES

✓Liwayway Arceo
✓Edgar Allan Poe
✓Jose Ma. Hernandez
✓Francisco “Soc” Rodrigo

PANAHON NG REPUBLIKA

✓Alejandro G. Abadilla
✓Teodoro Agoncillo
✓ Genoveva Edroza Matute
✓Efren Abueg
✓Pedro S. Dandan
✓ Elpidio P. Kapulong
✓Dionisio Salazar

KASALUKUYANG PANAHON

✓ Roberto Anonuevo
✓Doreen G. Fernandez
✓ Romel N. Angara
✓ Francisco Soc Rodrigo
✓ Vicente Sotto
✓ Horner Flores
✓ E. Dela Pena

IV.PAGSUSURI: Suriing mabuti ang tula;


Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON
Pedro L. Ricarte

May bakas pa sa tubig ng mga pinitak


Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw
Hindi n asana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipiagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.

Nasisiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.


Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya, walang anak, walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero ditto na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.

Tumanaw siya siya sa gawing silagan:


Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili nan g may-ari.
May mga bukid na nasimulan ng tambakan.
Ang patubig ng gobyerno.

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;


Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano-
Nadarama lamang niya- ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan , kay timyas bungkalin!

A.  Pagkilala sa May Akda:

Si Pedro L Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata.


Kasalukuyan isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ng
sampung taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ng
LCBA Graduate School sa Calamba, De la SalleUniversity-Manila, Don Bosco at ibang
University. Siya ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng Makabagong Tulang
Tagalog”. Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabi din na
siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula. Naging kilala si Pedro Ricarte noong
1950-1960’s. Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay: Boy Nicolas, Siyam na Langit (1962),
Samahang Siyete, Aawitan kita, Ala-Suwerte (1959), Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961),
Lagablab sa Silangan (1961) at iba pang mga maikling istorya at nobela.

B.   Estruktura

I. Sukat, Saknong at Taludtod

✓Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon” ay nasa Malayang Taludturan

II. Teoryang Pampanitikan

✓Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon” ay may teoryang


Eksistensiyalismo dahil ito pag-iisa ng bawat karanasan

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda

✓Ang tula ay ito ay patungkol sa mga magsasaka nabinibigyan nila mg halaga ang
kanilang Inaalagan
IV.Talinghaga
✓Tanong Retorikal: pahayag na anyong patanong

✓Salantunay: Nagpapahayag ng isang katotohanan

✓Pagdaramdam: nagsasaad ng pangdamdamin

V.Imahen o Larawang Diwa

✓Ito ay pangungulila,kalungkutan dahil sa pag ka ala ng kanilang lupain

VI.Tono

✓Nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona ng tula

VII. Persona

✓Ang persona ng paksang Ito ay na ng nanghihinayang ang magsasaka dahil sa wala na


ang lupaing maberde na kanilang na kanilang sinasaka noon

VIII. Reaksyon/Komento

Ang tula ito ay nakakalungkot dahil iyon lamang ang kanilang tanging ala ala at pinag kukunan
ng pera ngunit Ito ay nawala kaya siya nag hihinayang maganda pa naman itong pagmasdaan .

V.PAGBUO:
Bumuo ng isang Tuluyang tula na imiikot sa paksang “Kalidad ng Edukasyon, Lalong
Patatagin sa Gitna ng Pandemya”  .

Laban sa Para sa Pangarap

Ngayong Pandemya halo halong emosyon ang aking nadama


Online class Ang naisip na solusyon ng ating gobyerno
Na Hindi man Lang naisip Ang mga ibang studyante at guro

Guro't istudyante na naghihirap na noon


Ay mas lalong maghihirap ngayon
Ang edukasyon ay napakahalaga

Kaya't mag aral Ng mabuti upang may matutunan


Mahirap man at kaylangan Ng pasensya
Ay dapat parin Tayo'y magsikap para sa ating kinabukasan

Pag-aaral ngayung panahon Ng pandemya


Mahirap sa karamihan,madali sa iba
Pero edukasyon nga ba Ito?
Matuto ba Tayo?

Inihanda ni:Gng.Lhea T.Castro


Guro

Sinuri Ni:Gail G. Gumilet,Ed.D


Department Chair

Inaprobahan Ni: Sanny J. Dangis,Ph.D.


Dean

You might also like