You are on page 1of 7

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________ Baitang/Pangkat: ______________________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: _____________________

1
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1
- Mga nagaganap sa kuwento

KAUGALIAN
 paniniwala o gawi na ipinamana mula sa isang
henerasyon hanggang sa susunod

KALAGAYANG PANLIPUNAN
 katayuan, estado, kondisyon at sitwasyon sa
lipunang kinabibilangan

 kabilang dito ang paninirahan, paraan ng


pananamit at antas sa lipunan

HINUHA
 pagbuo ng wastong paghuhusga, konklusyon o paghatol sa pamamagitan ng makabuluhang
interpretasyon sa mga datos o impormasyong nakasaad sa teksto

 pagtukoy sa ipinahihiwatig ng may - akda batay sa mga binanggit na detalye

 prediksiyon sa mangyayari gamit ang mga impormasyon at mga pangyayari

MGA PAHAYAG SA PAGHIHINUHA NG MGA PANGYAYARI


Di kaipala Siguro Tila Yata Baka Di malayo Marahil

2
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1
Narito ang ilang halimbawa sa pagbibigay hinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan
ng lugar na pinagmulan ng kuwentong – bayan.

Pangyayari mula sa kuwentong bayang “Ang Pilosopo” ng Maranao


Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor o tinatawag na
pantanghaling pagdarasal.

Kaugaliang mahihinuha sa pangyayari:


 Siguro ang mga Maguindanaon ay mga madasalin at may malakas na
pananampalataya

Pangyayari mula sa kuwentong bayang “Ang Pilosopo” ng Maranao


Nang makita ni Abed ang liit ng nakuhang lupa ni Subekat, sinabi niya rito na
nangyari iyon dahil sa hindi ito sumusunod sa mga pinag – uutos at kanyang
patakaran.

Kaugaliang mahihinuha sa pangyayari:


 Marahil ang mga pinuno ng Maguindanaon ay mahigpit sa pagpapatupad ng mga pinaiiral na batas

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:


Naibibigay mo ang hinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan
ng lugar na pinagmulan ng kuwentong- bayan batay sa mga pangyayari at
usapan ng tauhan.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

3
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1
PANUTO: Basahin ang kasunod na kuwentong – bayan.

Nakalbo ang Datu


(Kuwentong-bayan ng Maranao)

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan.
Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-asawa. Dahil dito,
pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag - asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang
datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng
matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang
iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang
wala siyang itulak - kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang - bata at totoong napakalambing. Kahit na
matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa
kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag - isip si Hasmin ng paraan upang
magmukhang bata ang asawa. “Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang
datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa. Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at
mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok
ng datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na
buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay
ang datu. Tunay na naging maligayang-maligaya siya at pinagsisihan niya kung bakit hindi kaagad siya nag-
asawa. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kaniyang sarili. “Kalbo! Kalbo, ako!” sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at
Farida.

Panitikang Rehiyonal 7, p. 12

Gawain 1: Alamin Mo!


PANUTO: Tukuyin kung kaugalian o kalagayang panlipunan ang detalyeng

4
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1
nakasaad sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa talahanayan.

- Pag – aasawa ng higit sa isa - Pagtatakda ng magiging asawa - Pag – islam


- Pananampalataya kay Allah - Maasikaso sa pamilya - Bayanihan
- Nakatira sa paligid ng lawa ng Lanao - May positibong pananaw
- Maligayang pagsasama ng mag – asawa - Mga dugong bughaw
- Humihingi ng opinyon sa kamag – anak o nakatatanda
- Pagsusuot ng tradisyonal na kasuotan na “malong”
- Pagtira sa tradisyunal na bahay na tinatawag na “Torogan”

KALAGAYANG
KAUGALIAN
PANLIPUNAN

Gawain 2: HINUHA KO!

PANUTO: Ibigay ang mahihinuhang kaugalian o kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kuwentong “Nakalbo ang Datu” batay sa mga pangyayari
at usapan ng mga tauhan. Gamitin ang angkop na pahayag sa
paghihinuha. Isulat ang sagot sa talahanayan sa susunod na pahina.

5
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1
MGA PANGYAYARI SA AKDA HINUHA KO!

May isang datu na tumandang binata dahil sa


paglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan.

Pinayuhan siya ng matatandang tagapayo na mag –


asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana

Dahil sadyang wala siyang itulak kabigin kung sino sa


dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang
dalawang dalaga.

“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng Datu. Sa


ganitong paraan, magmumukhang kasinggulang ko
siya.”

Kalbo! Kalbo, ako! Sigaw ng Datu. Nakalbo ang datu


dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida

Shout out sa iyong husay at galing! Nagawa mo ang lahat ng gawain, kaya ibigay ang iyong pinakamatamis
na Smile . Upang maipamalas ang lubos na kaalaman sa aralin, ilahad mo ang iyong Pulot of the Day sa
pamamagitan ng pagdugtong sa mga pahayag na nasa ibaba 

Ang ______ ay isang salaysay na likhang – isip lamang na lumaganap at nagpasalin –


salin ang mga ito sa pamamagitan ng ______________. Gumaganap na
mahahalagang karakter o mga ___________ ang magpapatakbo ng istorya habang
_______ para sa kabuoang kaganapan sa kuwento.

Samantala, tinatawag na _______ ang paniniwala o gawi na ipinamana mula


sa isang henerasyon hanggang sa susunod samantalang _____________,
__________ naman ang tawag sa katayuan, estado, kondisyon at sitwasyong
kinabibilangan.

Sa pag – aaral ko ngayon ay naging kapaki – pakinabang sa akin ang


pagkatuto

SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain 1
MGA KAUGALIAN:
6
Pag – aasawa ng higit sa isa
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1
Pagtatakda ng magiging asawa
Pag – islam
KALAGAYANG PANLIPUNAN:
Mga dugong bughaw
Nakatira sa paligid ng lawa ng Lanao
Pagsusuot ng tradisyonal na
kasuotan na “malong”
Pagtira sa tradisyunal na bahay
na tinatawag na “Torogan”

SANGGUNIAN
Panitikang Rehiyonal 7, p. 12
Filipino – Baitang 7 Kwarter 1 Modyul 1
Filipino 7 Kontekstuwalisadong Banghay - Aralin

Inihanda ni:
ARLIN A. JARDIN
MT I

Sinuri:

MARITES C. CLEOFE
Puno ng Kagawaran VI, Filipino

Tiniyak ang Kalidad

MARIE GRACE B. MANLAPAZ


Pansangay na Superbisor sa Filipino

7
ROV_Filipino_Baitang7_K1_LP1

You might also like