You are on page 1of 4

ST.

MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA


PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2
PANGALAN
BAITANG AT SEKSYON
GURO Ms. Roselle A. Laylo
MODYUL BILANG 10 TRACKING NUMBER

MODYUL 10 PAKSA: ALAMAT,PAGKIKLINO, AT PAGHAHAMBING

A. PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


PANGNILALAMAN pampanitikan ng Kabisayaan
B. PAMANTAYANG Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang
PAGGANAP wika ng kabataan
Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang
alamat ng Kabisayaan; F7PB-IIc-d-8
Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga
salitang paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang
C. MOST ESSENTIAL
digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di-pamilyar na
LEARNING COMPETENCIES
salita mula sa akda, at mga salitang nagpapahayag ng
damdamin; F7PT-IIc-d-8 F7PT-IIe-f-9
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing
(higit/mas, di-gaano, di-gasino, at iba pa); F7WG-IIc-d-8
YUNIT 2 PANITIKANG BISAYA: REPLEKSIYON NG KABISAYAAN

POKUS NA ARALIN
Ang Alamat ay halimbawa ng isang kuwentong bayan na napatutungkol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay. Iilan lamang ang sumusunod sa katangian ng isang
alamat: (1) nagsasalaysay tungkol sa mga tao o lugar; (2) hindi purong katotohanan at may
halong kathang-isip o gawa ng imahinasyon; (3) kapupulutan ng aral; at (4) tungkol sa mga
kaugalian at kultura ng sinaunang tao. Mahalagang malaman ang kaligirang
pangkasaysayan sa pagsusuri ng isang alamat. Ang kaligirang pangkasaysayan ay ang
pagtingin ng mambabasa sa kalagayan ng lugar at panahon kung saan at kailan naisulat
ang alamat. Sa pamamagitan nito ay napag-uugnay-ugnay sa isip at pang-unawa ng
mambabasa ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa dito – ang kilos, hilig, at
takbo ng mga pangyayari.

GAWAIN 1: “PICTURE ANALYSIS”


Panuto: Masdan ang larawan at sagutan ang katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel

Ano ang nais ipahayag ng larawan?

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
__________

KASANAYANG PAMPANITIKAN: ALAMAT NG MGA DATU


Ayon sa mga kinukwento ng mga katutubong Cebuano, ang bawat isa sa kanila’y
naniniwala sa isang partikular na alamat na nagpapakita ng pinanggalingan ng matinding
pagmamahal at pagkakaisa sa loob ng pamilyang Pilipino, at ito ang alamat ng mga Datuputi.

Bago pa man isinilang ang mga ninuno ng tanyag na bayaning si Lapu-Lapu, may isang
napaka-makapangyarihang magkakapatid ang naninirahan sa mga isla ng Cebu. Sinasabi raw
na ang mga magulang ng magkakapatid na ito’y sina Buwan, ang tatay, at Ulap, ang nanay. Ang
bawat isa sa mga magkakapatid ay may sari-sariling talento at kakayahan. Si Leon, ang

PAHINA 1 MODYUL 10
ST. MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA
PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2
panganay na lalaki, ay kasinlakas ng limampung mga leong pinagsama-sama. Si Liksi naman,
ang sumunod na lalaki’y kasimbilis ng hangin, at ang bunsong si Dunong, kahit na siya’y mahina,
ay matalino’t palaging umiisip ng mga brilyanteng paraan upang solusyonan ang mga problema.
Walang makatatalo sa kani-kanilang mga aspekto sa buong Cebu, kung kaya’t lumaki
ang mga ulo nila. Ang pakiramdam nila bawat isa sa kanila’y pinakamagaling sa tatlo. Nag-
away-away sila hanggang dumating ang panahon na hindi na sila nagkausap-usap. Pagdaan ng
isang taon, aba’y, dumating ang isang higanteng mas malaki pa sa mga sandaang taong gulang
na punong buko ng Cebu. Kumakain ng kung ano-ano, tao man o hayop, wala siyang pakialam.
Dambuhala ang kaniyang pangalan. Libu-libo ang mga Cebuanong kinalaban niya, wala ni isa sa
kanila ang nakapatay sa higante.
Naging desperado na ang mga mamamayan ng Cebu at ang unang nilapitan nila ay si
Leon. Ang mayabang na Leon ay hindi humingi ng tulong sa kaniyang mga kapatid. Para sa
kaniya, sisiw lamang ang problemang ito. Sa sumunod na araw, hinanap niya si Dambuhala. Sa
katotohanan, hindi ito gaanong mahirap, ang ulo niya’y makikita na isang oras bago niya
nasalubong ang higante. Hindi na nagsayang ng oras ang panganay at binanatan niya ang paa
ng higante, dahil ito lamang ang kaniyang maaabot na parte ng katawan ni Dambuhala. Malakas
na humalakhak ang higante, “Malakas man ang iyong banat ay hindi naman masakit. Ako’y mas
mabigat pa sa bundok na iyon,” sabi ni Dambuhala, sabay tingin sa pinakamalapit na bundok sa
kanila, at nagpatuloy, “..kung kaya’t tumigas na ang aking mga pata at paa.
Akala mo ba’y madadaig mo ako sa lakas lamang ng limampung leon? Ika’y aking
magiging hapunan ngayon!” Hindi makapaniwala si Leon. Hindi lang tumatayo ang higanteng ito,
tumatawa pa! Agad siyang nagtago sa mga puno ng kagubatan, at pagkatapos ng ilang oras ng
paghahanap, sumuko na si Dambuhala’t tumungo sa susunod na baryo. Ang mga Cebuano’y
humingi naman ng tulong kay Liksi, ang sumunod na kapatid. Pagkatapos marinig ni Liksi ang
mga naganap, siya’y natuwa lamang sa pagkakataong maipakita na mas magaling siya kay
Leon. Agad na tumakbo si Liksi patungo sa kinaroroonan ng Higante, may dalang mahaba at
makapal na lubid na ginagamit sa mga bapor. Sinugod niya si Dambuhala at siya’y umikot nang
umikot sa mga higanteng paa ni Dambuhala, bawat ikot ay kumakapal ang tali sa paa niya.
Pagkatapos maubos ang lubid ay hindi na makagalaw ang higante. Nakita ito ni Liksi at ngumiti.
Ngunit, pagkatapos nito’y biglang nanginig ang lupa, at nakita ni Liksi na hindi tatagal ang
kaniyang mga lubid. Totoo ito dahil biglang napunit ang mga lubid na kasingkapal ng mangga, at
muling tumayo si Dambuhala. Ang pinaghirapan ni Liksi ay nagbunga lamang ng pag-init ng ulo
ng higante. Hindi mahuli ni Dambuhala si Liksi, kung kaya’t inilabas na lang niya ito sa mga
malapit na baryo. Hindi nagtagumpay si Liksi. Ang mga desperadong katutubo ay lumapit sa
bunsong kapatid, at humiling ng tulong. Hindi rin nagtagumpay si Dunong. Kahit ano mang mga
bagong armas at mga malalaking mga bato ang inihahagis niya kay Dambuhala gamit ang
tirador, hindi pa rin tumigil ang higante.
Isa na lamang ang magagawa ng magkakapatid, at ito’y nakamit nang sila’y muling
nagkita at nagkausap. Ano ang hihigit pa sa kanilang yabang at paniniwala sa sarili? Ito’y ang
kanilang pagmamahal sa kanilang mga asawa’t anak na naninirahan sa mga baryong susunod
na susugurin ni Dambuhala. Napilitan ang magkakapatid na pag-usapan ang problemang si
Dambuhala, at may isang planong nabuo.
Dumating na si Dambuhala sa lugar kung saan pinlano ng mga magkakapatid na
salubingin. Patawa-tawa pa si Dambuhala nang nakita niya sila. Para sa kaniya, walang kuwenta
ang mga magkakapatid. Tinalo na niya silang tatlo. Nang makita ng mga magkakapatid ang
sobrang pagyayabang niya, agad silang kumilos. Umatake agad sila habang may pagkakataon
at hindi alintana ng higante. Si Liksi ang unang kumilos. Patakbo-takbo siya paikot sa mga paa ng
higante na may hawak na malaking lubid. Sa bilis niya kasama pa ang determinasyon niyang
iligtas ang pamilya niya sa pinsala, natali niya ang mga paa ng higante bago nalaman ng higante
na may nangyayari na. Dito nagsimulang mawala ang balanse niya. Muntik matumba si
Dambuhala, at habang hindi pa siya nakatayo nang husto ay sumunod na kumilos ang dalawa
pang ibang kapatid. Si Dunong, gamit ang kaniyang talino, ay nakagawa na napakalakas at
napakalaking tirador. Agad na sumakay si Leon sa tirador at dito inilabas ng mga magkakapatid
ang huli nilang pamalo, ang tatapos sa lahat. Dahil sa takot nilang baka masaktan pa ang
kanilang mga pamilya, ibinigay na nila ang lahat. Ang tirador ay kasinlakas ng kidlat at ang tunog
nito ay kasinlakas ng kulog. Ang suntok sa ulo na buong bigat na inilabas ni Leon ay isang suntok
na tila ba hindi mo kailanman nakita o makikita uli. Pagkatapos ng isang segundo, naging
sobrang tahimik. Ang higante ay napatay na.
Mula sa karanasang ito, natuklasan ng mga magkakapatid ang kahalagahan ng
pagmamahalan at pagkakaisa bilang isang pamilya. Ito ang alamat ng mga Datuputi.

GAWAIN 2: “PILAPIL NG KATANUNGAN”


Panuto: Sagutin ang mga tanong ukol sa pagsusuri sa kaligirang kasaysayan ng alamat
na binasa. Maaaring gumamit ng isa o higit pang pangungusap sa pagpapaliwanag ng sagot.
Isulat ang mga sagot sa sagutan papel o notbuk.

PAHINA 2 MODYUL 10
ST. MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA
PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2

1. Sa anong panahon naisulat ang alamat na binasa batay sa mga kaisipang binanggit dito?

2. Sino ang mga Datuputi batay sa alamat na binasa? Ano ang kaugnayan ng “datu” sa mga
Cebuano?

3. Anong klase ng pamumuhay mayroon ang mga Cebuano batay sa mga bagay na
nabanggit sa alamat?

4. Anong pagpapahalaga ng mga Cebuano na kanila nang isinasabuhay mula pa noon ang
nasasalamin sa alamat na binasa? Magbigay ng dalawa.

5. Anong kaugalian ng mga Cebuano ang naipakita sa tatlong magkakapatid sa binasang


alamat?

KASANAYANG PANGWIKA: PAGHAHAMBING AT PAGKIKLINO

A. Ang pagkiklino ay tumutukoy sa teknik na pag-uugnay-ugnay ng antas o tindi ng


mga salita. Ito ay madalas na nababatay sa damdaming o emosyong nais ipahayag.
Tingnan ang halimbawang ibinigay:
hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol
Paliwanag: Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung ikaw ay humihikbi
lamang. Ang mga salita sa halimbawa ay mababatid na magkakatulad lamang ang
kahulugan ngunit may angking tindi o antas ng emosyon ang bawat isa rito gaya na lamang
ng ayos sa mga ito.
Maaari itong isaayos sa pamamagitan ng: (1) di-gaano; (2) karampatang sukdulan; (3)
sukdulan; at (4) pinakasukdulan.

B. Ang paghahambing ay paglalarawan sa katangian ng dalawang tao, hayop, bagay,


lugar o kaisipan. Ito ay may dalawang uri: ang paghahambing na magkatulad at di-
magkatulad.
Ito ay ginagamitan ng mga salita, kataga, o pantig tulad ng:

MAGKATULAD ‘DI-MAGKATULAD
ka- (halimbawa: kamukha) ‘di tulad
kasin-/kasing-/kasim- higit na
magkasin-/magkasing-/magkasim- mas… kaysa
magsin-/magsing-/magsim- ‘di-lubhang
kapwa ‘di-gaanong

Tignan ang iilang halimbawa gamit ang mga salita, kataga o pantig na ginagamit sa
paghahambing:

(magkatulad) Ang pagmamahal ng isang ina at isang ama ay magkasingtindi.


(‘di-magkatulad) Ang pagmamahal ng aking ina ay mas matindi kaysa aking ama.

Paliwanag: Ang paghahambing sa unang pangungusap ay magkatulad – pareho


lamang ang antas ng dalawang kaisipang inihahambing. Samantala, sa pangalawang
pangungusap ay magkaiba ang antas na inilalarawan o ipinaghahambing.

GAWAIN 3: “HAMBING LINING”


Panuto: Paghambingin ang mga tauhan sa alamat na binasa. Punan ng tamang salita
o kataga ang bawat patlang. Pumili ng sagot sa nakakulong na mga salita o kataga. Sunod
na tukuyin kung ito ay PM – paghahambing na magkatulad o PD – paghahambing na di-
magkatulad. Isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.

(magsing-, kasing-) 1. ______-determinado ang tatlong magkakapatid sa


pagpatay sa higante. ____
(‘di-gaanong, higit na) 2. Si Dunong ay ______ matalino sa dalawa niyang

PAHINA 3 MODYUL 10
ST. MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA
PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2
kapatid. ____
(kapwa, ka-) 3. ______ mapagmahal ang tatlong magkakapatid. ____
(di-tulad, higit na) 4. ______ malakas si Leon kay Liksi. ____
(mas…kaysa, magsin-) 5. ______ magaling ang magkakapatid nang
magkakasama _____ kani-kaniya. ____

PAGYAMANIN
GAWAIN NATIN ITONO”
4: “KLINO
Panuto: Balikan ang alamat na binasa. Pansinin ang mga nakasalungguhit na mga
salita. Gawan ng pagkiklino ang mga ito. Gumamit ng apat na tatlo hanggang apat na salita.
Maaaring gumamit ng tusod o arrow o kaya naman ay guhit ng hagdan sa pagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng antas o tindi ng damdamin o emosyon ng mga salita. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel o notbuk.

Halimbawa ng paraan sa pagsagot: maganda marikit mayumi

PAGYAMANIN
PANGWAKAS NANATIN
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
sagutang papel o notbuk.

1. Ang sumusunod ay katangian ng isang alamat MALIBAN sa isa.


A. kapupulutan ng aral B. nagsasalaysay tungkol sa mga tao o lugar
C. purong katotoohanan at may halong D. tungkol sa mga kaugalian at kultura ng
kathang-isip sinaunang tao
2. Ang kaligirang pangkasaysayan ay ang pagtingin ng mambabasa sa kalagayan ng
lugar at panahon kung saan at kalian naisulat ang alamat.
A. makatotohanan B. di-makatotohanan
C. wala sa nabanggit
3. Sa pagsusuri ng kaligirang pangkasaysayan, isinasaalang-alang ang sumusunod
MALIBAN sa isa.
A. panahon B. Lugar
C. batas
4. Ito ay isang teknik sa pag-uugnay-ugnay ng antas o tindi ng mga salita.
A. pagpapakahulugan B. pagkiklino
C. paghahambing
5. Tukuyin ang wastong pagkiklino.
A. hikbi → iyak → hagulgol B. hagulgol → iyak → hikbi
6. Tukuyin ang wastong pagkiklino.
A. galit → poot → inis B. inis → galit → poot
7. Alas’ onse na ng gabi nang siya ay makakain ng hapunan.
A. pagkain sa umaga B. pagkain sa hapon
C. pagkain sa gabi
8. Ninakaw niya ang pitaka dahil desperado na siya.
A. walang pag-asa B. walang ibang paraan
C. lahat ay tama
9. ____ ang marka ng kaniyang kaklase sa isinagawang pagsusulit kanina.
A. di-gaanong mataas B. di-gasinong mataas
C. kasintaas
10. Ang guhit ni Jiro ay ____ lamang ng guhit ni Jordrich.
A. kasing-ganda B. kamukha
C. higit na maganda

________________________
LAGDA NG MAG-AARAL
Mga Sanggunian:
Jose V. Panganiban, et. al, Panitikan ng Pilipinas (Manila: Rex Bookstore, 2008), pp. 7,
https://books.google.com.ph/books. (Alamat)

PAHINA 4 MODYUL 10

You might also like