You are on page 1of 10

1

FILIPINO 9
KUWARTER 1, LINGGO 3

Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto 3


NOBELA (BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?)

Pangalan: ___________________________________ Seksiyon:___________________


Paaralan: ___________________________________ Petsa: ______________________

Mga Kasanayang Pampagkatuto

 Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan,


kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela.
F9PN-Ic-d-40
 Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela. F9PB-Ic-d-40
 Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.
F9PT-Ic-d-40

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakauuri ang mga tiyak na pangyayari sa akda na nagpapakita ng


katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang nobela;
2. Nakasusuri ang tunggaliang tao laban sa sarili mula sa binasang akda;
3. Nakabibigay ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda;
4. Nakasusulat ng sariling karanasan na maiuugnay sa nobelang
napakinggan.

Batayang Konsepto:

Matapos nating lakbayin ang maikling kuwento mula sa Singapore,


maglalakbay tayo ngayon sa sarili nating bansa, ang Pilipinas. Tatalakayin
natin ang bahagi ng nobela na isinulat ng batikang babaeng manunulat na
si Lualhati Bautista noong 1988 ang ‘Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?’
hinggil ito sa papel ng mga kababaihan at sa pagbabagong ginagampanan
nila sa lipunan. Mahalagang pag-aralan ang akdang ito dahil mula sa
nakaugaliang babae na umiikot lamang ang buhay sa loob ng tahanan
patungo sa isang babaeng naghahatid ng mabuting impluwensya sa kapuwa
o sa mamamayan ang ating masasaksihan. Makikita sa nobelang ito ang
pagkaroon ng lugar ng mga kababaihan sa pakikibaka para mapakinggan
ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan at na may tinig
sila sa loob at labas man ng tahanan.

Bago natin talakayin ang nasabing akda, pag-aralan muna natin ang
nobela at ang iilan sa saklaw nito.

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
2

Ano ang Nobela?

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na


binubuo ng iba't-ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300
pahina. Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito
ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata
-maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.

Layunin ng nobela

1. gumising sa diwa at damdamin


2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagba

Katangian

1. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay


2. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
7. malinis at maayos ang pagkakasulat
8. maganda
9. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga
tauhan

Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay ang mga tanong ng mga tao sa kanilang
mga sarili. Sa Ingles, maaari itong tawaging na “self-conflict”. Ito yung tawag mo sa
pangyayari na may gusto kang gawin pero hindi ka sigurado kung gagawin mo ba o
hindi.

Halimbawa:
1. “Lalabas ba ako o hindi? Sobrang lakas ng ulan at nakita ko sa balita kanina
na may paparating na bagyo, baka magkasakit ako”.
2. Masama ang magnakaw, pero wala na akong magagawa.

Handa ka na bang tuklasin ang bagong aralin? Narito ang isang bahagi ng
nobelang Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?.

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
3

Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?


ni Lualhati Bautista

Tauhan:
 Lea Bustamante – ang bida
 Maya – anak na babae ni Lea na nanalo
 Ojie – anak na lalaki ni Lea
 Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
 Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
 Johnny – kaopisina at matalik na kaibigan
 Elinor – pangalawang asawa ni Raffy

UNANG KABANATA:

At sa wakas, tumugtug ang graduation march at nagmartsa papasok ang mga batang
magsisipagtapos.
“Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled by Mrs.
Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”
Palakpakan.
Itinaas ni Lea ang nakahanda nang kamera, isinentro sa anak na nasa kalagitnaan ng
linya. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at
ngumiti nang maluwang. Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang
kamay ng kaklase. Pinandilatan sila ni Mrs. Macasaya.
“Coming next is kindergarten class, section two led by their adviser, Miss Elvina Sagun.
Ladies and gentlemen, please give them a big hand!”
Martsa papasok ang section two. Oo nga’t tinuruan sila ng titser ng mga chest out,
stomach in, pero sa oras na ito’y wala na sa mood ang mga bata. May dumaragdag na,
may nagkakalkal nang ulo. Aba nga naman, alas siyete ang usapang mag-uumpisa ang
programa’y alas-otso pasado na ngayon. Mataas na’t mainit ang araw. At sa school
ground lang, sa open air, idinaos ang graduation. Pati ang manonood ay ngayon lang
napirmi. Kanina’y nagkisaw-kisaw na ang mga tao, reklamuhan kabi-kabila, paypayan,
singhalan. Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mga magpipitong taon.
Pinapawis nga naman sila sa suot nilang toga. Hindi na yata nakatiis ang isa, sa
kalagitnaan ng pila’y hinablot ang toga niya at ginawang pamaypay. “Sst! Balik ‘yan.
Balik!” gigil na singhal ni Miss Sagun sa bata. Bubulong-bulong na isinalpak ng bata
sa ulo ang toga. Humingi rin ng palakpakan ang tagapagsalita para sa dumarating na
section three. Inihatid din ng adviser ang mga ito sa kanilang takdang upuan. Isang
batang mukhang pilyo ang huminto sa tapat ng titser at nagsabi:
“Tser, may I go out!”
Napahindig ang titser. “Mamaya!”
“Iihi ako!”
“Mamaya sabi.”
Nagbanta ang bata. “Ba’la kayo”
“Ssh!”

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
4

Bahala nga naman kayo. Pagdating sa upuan (nakatayo pa ang lahat habang hindi pa
kompletong nakakapasok ang mga ga-graduate) inilabas ng pilyong bata ang ano niya
at sinabayan ng ihi. Lingunan ang mga batang babaeng natilamsikan. Gimbal sa
“pagkadungis” ng kanilang mga “dangal!”
“Ma’am, si Roderick, dito umiihi!”
Tawanan ang mga tao. Natukso si Lea, itinaas ang kamera at isinentro sa batang
umiihi. Klik!
Inanawns ng tagapagsalita ang pagsisimula ng programa sa pamamgitan ng
Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magliw, perlas ng
silanganan…mabilis
Pagkatapos nito, opening speech ng principal. Na sinabayan ng mabilis na pagkilos ng
maraming ina. Puntahan sila sa kanya-kanyang anak para hubaran ang mga ito ng
toga, magbibilad ng suot nilang bikini suit. Ito ang mga batang kasali sa pilian ng Miss
Kinder sa fashion show na gaganapin sa stage. Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit
ni Maya. Iyon ang usapan nina Lea at Ding: si Ding, katulong si Flor na pamangkin ni
Lea, ang mag-aasikaso kay Maya dahil si Lea ang kukuha ng mga retrato ng anak.
Teka, hindi pa pala ‘yong bikini ang kailangan. Iyon muna pa lang gown. Sinuutan ni
Flor ng gown si Maya. Sinuklayan. Kinabitan ng dekorasyon sa buhok.
Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa kanilang anak
kundi pati make-up at lipstick. Pinulbuhan nila nang makapal ang mga anak nila,
nilagyan ng eye liner, pinapahiran ng pampapula sa pisngi. May sinasabi si Ding kay
Flor at batay sa pagsulyap nito sa paligid ni Lea na, nahulaan nito na itinatanong nito
kung si Maya ba ay hindi nila pipintahan din.
Hindi. Mahigpit ang order ni Lea na h’wag lalagyan si Maya kahit lipstick. Para kay
Lea, maruming tingnan ang isang batang naka make-up at lipstick. Imbis na
makaganda’y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng
kamunduhan at karanasan. Inihanda nang mga hurado ang papel at lapis nila. Mag-
uumpisa na silang bigyan ng kaukulang marka ang personalidad ng mga batang
kandidato. Maya-maya’y umaakyat na sa stage ang mga bata; idinidisplay ang gown
nila, lumalakad nang nakapameywang, nagpa-pause, nagpo-pose, habang sinasabi ng
tagapagsalita ang mga pangalan nila sa sinasagot naman ng palakpakan ng mga tao.
Panay ang klik ng mga kamera, na sinisingitan pa ng kislapan ng mga flush bulbs. Ke
tatanga nila, sa loob-loob ni Lea. Sa kainitan ng araw, hindi ka gagamit ng flush bulb.
“Arlina de los Santos!”
Isang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang nagpapalahaw
dahil ayaw umakyat sa stage. Hatak-hatak ito ng ina, pinipilit, pinapalo pa man din.
Nagtatawanan na ang marami, nanghihinayang ang ilan.
“Gagang bata ‘yan, ang ganda-ganda pa naman ng suot!”
“Ay, mahal ‘yan, mare! Mahigit isang libo angg ginasta ni Corazon diyan!”
‘Yong Corazon siguro ang ina.
Nag-concentrate si Lea sa pagkuha ng retrato ni Maya. Sa parisukat na camera lens,
aaminin niyang maganda nga ang anak niya. Manang-mana sa ina, sabi niya sa sarili.
Pero hindi iyon ang kahanga-hanga dito kundi ang tiwala sa sarili na masasalamin sa
mga hakbang nito, sa mga pa-cute nito. Puwedeng mag-artista paglaki, sabi nga ng
iba. Puwedeng mag-leader. Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos,
naisip ni Lea. Kung hindi siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. Nanay,
nagkakalkal ng ulo si Ojie sa tabi ni Lea. Kanina pa nga naman siya tinatawag ni Ojie.
Sumiliip ili sa lens ng kamera si Lea. “Ano?” tanong niya.
“Gusto ko ng soft drinks.”
“Don ka humingi ng pera sa tatay Ding mo. Wala akong dala dito”.
“Malayo siya, e!”
“Lapitan mo.”
“Hindi ako makadaan!”
“Di mamaya ka na mag-soft drinks, pag makakadaan ka na!”

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
5

Dumaragdag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding. Tatay Ding. Ba’t may
Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no’ng bagong lipat pa lang sila sa lugar
na ito. Ba’t hindi basta tatay na lang?
To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang Tatay Raffy.
Nag-anawns ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa. Sayaw mula sa
isang grupo ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw. Bumanat ng kanta si Florante,
Abakada… egahaila… manangaopa.. rasatauwaya! Umentra sa stage ang grupo at
sinayawan ang kanta ni Florante. Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang
kasali sa contest. Ngayon, ang iniwan nila sa katawan ay ang saplot na bikini.
Kinambatan ni Lea ang tatanga-tangang pamangkin. Mabilis naming tinulungan ito ni
Ding sa pag-iintindi kay Maya.
Iyong ibang ina, nireretoke ang make-up ng anak nila. Lumapit si Flor kay Lea at
ibinulong:
“Tita Lea, si Maya lang ang walang make-up. Lalagyan ko siya maski lipstick.”
“Wala akong lipstick.”
“Tumigil ka.”
Isa pang palabass at pabalik sa stage ang mga kandidato sa pagka-Miss Kinder.
Dumarami ang mga batang nagmamarakulyo. Ang isa’y nagpoposing nga pero halatang
napipilitan na lang. Halatang malapit nang umiyak. Ginulo naman ng isa pa ang
buhok niya bago nag-fashion show… isang maliwanag na paninirya sa ina’t titser.
Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing
taon sa mga beauty contest? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro
gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.
Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang
ito sa magaganda, maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya’n mo maibilad siya
sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ng tropeo, gusto ng
nanay ng karangalan.
Dear asawa ko na nasa Saudi: padalhan mo agad ako ng isang milyong dolyar pambili
ng gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba, baka hindi mo nalalaman,
kandidato ang anak mo sa pagla-Miss Kinder!
Naturalmente, kailangang pinakamaganda ang suot niya sa okasyong iyon. H’wag
mong sabihin maitim siya, hindi na mapapansin ang kulay niya pag napansin ang suot
niya. At susuutan ko siya ng gold, sasabugan ko ng sequence para kumislap. Pag
nagmarakulyo siya, hahatakin ko siya. Babanatan ko. Ku, makikita ng batang yan
pagdating naming sa bahay.
Naisip ni Lea na kung anong banat kaya ang aabutin ng bata sa suot na gold pag-uwi
nila ng bahay. T’yak na maraming kurot at amba ng suntok at mura. Sayang ang
gown, e. Biro mo, isang milyon ang halaga, hindi naidisplay?
Iniisip ni Lea kung hindi kaya si Maya ang napaiba sa pagkakataong ito. Si Maya
mismo ang pinagdesisyon niya kung gusto niyang sumali.
“S’yempre naman!” tiyakang sagot sa kanya ni Maya.
“Magpapagod ka sa kare-rehearsal. Siyempre araw-araw me praktis kayo.”
“S’yempre!” “Baka mamaya, iiyak ka?”
“Baka ikaw ang iiyak, Nanay?”
“Bakit ako?”
“Bibili mo ‘ko ng toga saka gown saka bikini. Maraming perang kailangan do’n.”
May mga pumunta sa kanya sa pagkumporme niya na sumali si Maya sa nasabing
beauty contest. Lalo na’t nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniniwala
na ang mga pagandahan ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.
Pero gano’n din naman ang damdamin niya. Ang totoo’y nagalit na siya nang makita
niya ang ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling praktis kahapon,
hanggang sa mag-umpisa na ang programa kanina ay gusto na niyang i-withdraw sa
contest ang anak… gusto na niyang iuwi! May lagnat na ito kahapon. 38.2. Nag-aalala
siya na tumaas pa iyon.

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
6

Kaso’y disidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi ito papayag
na mag-pull out. Ano man ang dinaramdam ni Maya ay ginagawa pa rin nito ang
kanyang the best.
Sports siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa nanay. At kakambal ng
nararamdaman niyang pag-aalala’y nakadarain siya ng pagmamalaki.
“Ngayon naman po, ang mga bata natin ay magpapakita ng kanilang talino sa
pamamagitan ng pag-awit, tula, at sayaw!”
Unang bata, ala-Celeste Legaspi sa mga angat ng balikat, liyad ng katawan at lukot ng
mukha:
“Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe!…”
Pangalawang bata, nagpakuha pa man din ng gitara’t upuan: “Nang isilang ka sa
mundong ito, laking tuwa ng magulang mo!…”
“Talo’ng anak mo ro’n,” biro niya kay Ding na tumabi sa kanya. “Marunong siyang
maggitara.”
Seryoso’t may kaba si Ding sa panonood. Naisip ni Lea kung napakahalaga ba kay
Ding ng paligsahang iito. Kung matter of life and death ba sa kanya ang na manalo ang
anak.
Huminga nang malalim si Lea.. Wala kang magagawa, sabi niya sa sarili. Simpleng tao
lang si Ding… sing-simple ng karaniwang ama’t ina.
“Oh, Captain, my captain!” banat ng ikatlong bata.
Nagpayanig din ang ikaapat na bata sa pamamagitan ng pagbabali-bali ng katawan
nito sa saliw na tugtuging rock.
“Talo na nga yata ang anak mo,” bulong ni Ding kay Lea. Na-insecure na nga si Ding.
Hindi na yata huminga si Ding nang pumagitna si Maya at magbandila ng tula niya:
“Ang tiyan ng nanay, malaki’t mabilog.
Ano ‘yon? Tanong ni Ojie sa nanay.
Bola? Bola ng basketball?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan?
Hindi at may laman.
Ano’ng laman, ha ‘Nay?
Sorpresa, sorpresa!
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Pa’nong ang bola ay nagging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
Paglaki mo na, Ojie, saka mo malalaman!
Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng tao kay Maya.
May kasama pang malakas na tawanan.
Pero hindi pumapalpak ang prinsipal. Hindi natawa. Kundi napahindig.
“Que barbaridad!”
Natawa uli ang tao sa reaksyon ng prinsipal.
Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi malaman kung matatawa o mapapahiya. Ngayon
lang narinig ni Ding ang tula ni Maya. Pag tinatanong kasi nito ang anak kung ano’ng
gagawin sa stage, ang laging sagot ni Maya: “Malalaman mo.”
Nalaman nga niya ngayon.
“Sinong nagturo sa anak mo no’n?” usig ni Ding kay Lea.
Nakangiti si Lea. “Sino pa!” at nagmamalaki pa!
Tumalim ang ngiti ni Ding kay Lea. “Talagang wala kang turong mabuti!”
Babaan na naman ang mga bata para isuot uli ang kanilang toga. Mag-aabutan muna
ng diploma habang nagde-deliberate ang mga hurado.
Isa-isang tinawag ang mga ga-graduate. Sa huli na raw ibibigay ang medalya ng
karangalan. Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sino-sino ang mag-
uuwi ng medalya. Nakabitin sa suspense ang mga magulang.

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
7

“Una muna po, pagkaraang pagtibayin natin ang pag-graduate ng bata, hihingiin natin
ang pasiya ng mga hurado sa ating paligsahan bago natin iproklama ang mga honor
students natin.”
At least may sapat na isip naman sila na ilagay sa huli ang pagsasabi ng honor
students. At least alam nila na ang pinakaimportante sa umagang ito’y hindi kung sino
ang pinakamaganda kundi sino ang pinakamarunong. Tulad sa lahat ng beauty
contest, nagpilian muna ng Miss Photogenic, Miss Talent, at kung ano-ano pang Miss.
Naubos na ang tropeo sa pagka-Miss. Kung anu-ano ay wala pang nakukuha si Maya
“Wala pang nakuuha si Maya,” ninenerbiyos nang bulong ni Ding.
“May makukuha ‘yan,” pampalakas-loob ni Lea. “’Yong pinakamalaki,” iyong
pinakamalaking trophy ang nakalaan sa Miss Kinder.
Third Princess!
Second Princess!
Wala pang hawak si Maya at na-insecure na rin pati si Lea. Minumura na niya nang
pabulong ang mga hurado. Ipinagngingitngit na niya ang tila pagpapakaseryoso ng
mga ito sa pamamahagi ng trophy.
Kung siya ang hurado, titiyakin niya na bawat bata’y may iuuwing tropeo. Na wala sa
kanilang uuwi nang bigo.
At nahihiya. Dahil sa gano’ng edad, ang pagkabigo’y laging may nakakabit na
pagkapahiya.
“Tinatawagan po sa entablado ang Miss Kinder ng nakaraang taon para siyang
magpatong ng korona sa ating Miss Kinder ’83. Ladies and gentlemen, Miss Kinder ’82
Dolores Villafuerte! Let’s give her a big hand, please!
Sabog ang palakpakan. Taas-noo, aral na aral ang lakad, tulad ng isang Miss sa
pandaigdig na pagandahan, naka-gown ng kulay rosas na tinatya ni Lea na
nagkakahalaga na rin ng libo, kuntodo naka-guwantes at parang isinubsob sa make-
up, dala ang makislap na koronla, ang nakaraang Miss Kinder.
Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos ko, ano’ng ginagawa nila sa mga bata?
“And now, Miss Kinder ’83, ladies ang gentlemen… because of her simplicity, her
freshness, poise ang total personality…” pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting
hininga. “Maria Nataia Gascon!”
Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si Lea. Pati puso
yata niya’y tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre di dapat malimutan ang kamera
lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka, ang likot ng kamera! Nanginginig ba ang
kamay niya? Klik! Lumalabo ang lens sa mga mata niya. Ano ‘to, umiiyak ba siya? Klik!
Habang sa tabi niya’y hindi rin makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko ‘yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narinig n’yo ba?
Anak ko ‘yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. ‘Yong batang muntik ko nang tinunaw no’ng araw. Kundi ko lang
naisip na lahat ng bata’y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
Klik!Maya, naririnig mo ba, anak? Si Raffy ang naging katumbas mo! Alam mo ba kung
sino si Raffy? Iyon ang pinakamalaking pag-ibig ko!
Klik! Klik!
“Ding, ‘yong film! Sagad na ‘to, Ding ‘yong film!”
“Eto, eto!”
“Diyos ko, matagal pa ba bago malagay ‘yan! Mae-expose ‘tong nauna!”
“Misis, isi ka lang. Eto’ng kamera ko, me film pa!”
Inagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandang-loob.
Klik! Naloko na, fixed focus. Malabo ang kuha! T……….. mama ito, mumurahin ang
kamera!
Umiiyak siya… P….. ‘na, pati leeg niya, basing-basa na sa luha!
Diyos ko, e alam mo namang hindi ako mahilig sa mga beauty contest e bakit
nagkakaganito ako?

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
8

Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng karangalan.
Dito sana dapat mapaiyak sa tuwa si Lea. Pero by that time e wala na siyang luha…
kung paanong wala na ring film ang kamera ng lalaking nagmagandang-loob sa kanya,
at binayaran na lang niya ang commercial photographer na gumagala sa school ground
para kunan ang mga dagdag na retrato ang kanyang anak.

Mga Gawaing Pampagkatuto:

Gawain 1. PANGYAYARING K-K-K!

Panuto: Matapos basahin ang akda, uriin ang mga pangyayaring napapaloob sa
nobela na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bata, Bata…
Pa’no Ka
Ginawa?

Katotohanan: Kabutihan: Kagandahan:


_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________

Gawain 2. LABAN SELF!


Panuto: Bawat isa ay may kinakaharap na mga hamon ng buhay. Mula sa mga
tauhan sa binasang akda, alamin at suriin nang mabuti ang tunggaliang tao laban
sa sarili. Isulat ang iyong sagot sa isang sagutang papel.

2.
_____________
_____________
1. _____________ 3.
______________ ____________
______________ ____________
___________. ____________

TAO VS. SARILI

Gawain 3. PAHIWATIG MO, AALAMIN KO!

Panuto: Sa isang kuwento, likas na may mga pangyayari o kataga na tumatatak


sa ating isipan kagaya ng mga bida o kontrabidang napapanood natin sa
telebisyon. Sa gawaing ito, bigyan ng sariling interpretasyon ang mga
sinalungguhitang pahiwatig na ginamit sa akda.

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
9

1. Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mga magpipitong


taon.
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

2. Para kay Lea, maruming tingnan ang batang naka make-up.


_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

3. Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos. Kung hindi


siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan.
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

4. Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng tao


kay Maya.
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
5. Ang lahat ng bata’y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Repleksiyon:

Kanya-kanya ang interpretasyon ng mga mag-aaral sa nobelang Bata,


Bata… Pa’no Ka Ginawa?. Masasabing lahat ng mga magulang ay kinakaya
ang mga pagsubok sa buhay lalo na ang maitaguyod ang kinabukasan at
pangarap ng kanilang mga anak. Kompletong pamilya man, single dad o
single mom, lumaki sa lolo at lola o sa mga tito at tita, tayo ay nagagalak at
lubusang nagpapasalamat sa kanilang natatanging sakripsiyo at kabutihan.
Ikaw, kanino at bakit ka nagagalak?

_________________________________________
_________________________________________
IBAHAGI MO! _________________________________________
_________________________________________
_______________________________________.

Batayan ng Pagwawasto/Rubrics

Mga Pamantayan Laang Bigay ng Guro


Puntos
Malinaw na pagpapahayag ng mensahe 40%
Magkaugnay at maayos ang kaisipan 30%
Makatotohanan 30%
Kabuuan 100 %

Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO


Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
Email Address: agusan.norte@deped.gov.ph
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
Paaralan: SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Manunulat: JUPHIL MATIN-AO MORANO
larawan, Hunyo 16,2021
bata bata paano ka ginawa - Google Search ,
Bata, Bata Paano ka Ginawa? (tagaloglang.com) Hunyo 16, 2021,
halimbawa/ Hunyo 16, 2021,
https://philnews.ph/2020/10/28/tunggaliang-tao-laban-sa-sarili-kahulugan-at-
https://www.wikiwand.com/tl/Nobela Hunyo 16, 2021
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ano-ang-nobela.html Hunyo 16, 2021
Hunyo 16, 2021
https://tl.wikipedia.org/wiki/Bata,_Bata...Pa%27no_Ka_Ginawa%3F
MELCS 2020-2021, pahina 177-178
Sanggunian:
Gawain 1. Gawain 2.
Mga posibleng sagot Mga posibleng sagot
Katotohanan: May mga nagwawagi at natatalo sa 1. Ipinakita ni Lea na kahit wala silang yaman ay
isang patimpalak. makakaya niyang suportahan ang kanyang pamilya.
Kabutihan: Sa hirap at pagod, may mga magulang 2. Kahit na hindi binanggit sa nobela ang kaba at
na tinataguyod ang kinabukasan ng kanilang anak takot ni Maya sa beauty contest, ipinagpatuloy niya
kagaya ni Lea. ito at siya ay disidido
Kagandahan: Nananatili ang pagmamahal at respeto 3. Kahit na matagal nagsimula ang programa,
ng mga anak sa kanilang mga magulang. mataas pa rin ang pasensya ng mga guro kahit ang
mga bata’y malilikot at palaging nayayamot.
Gawain 3
Nakadepende sa guro ang pagbibigay ng puntos sa mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
10

You might also like