You are on page 1of 2

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS

Pamantasang Bayan, Hilagang Samar


Mahabang Pagsubok
sa Fil 2 (Panitikan ng Pilipinas)

Ikalawang Semestre 2021-2022


ABLAZO, MYLA P.
BEED-1B

Ipaliwanag nang may karunungan: (10 puntos bawat sagot)

1. Magbigay ng ilang pahayag tungkol sa “Urbana at Felisa.”

"Ang kabaitang di-hamak na ipinakikita mo sa eskuwela na tinitipid mo ang gawi ng kabataang


kalaro sa kapuwa-bata, ang kahinhinan ng iyong asal na di-makikitaan ng kagaslawa't
katalipandasang magpahangga ngayo'y di-malilimutan ay nagagalak ang loob ko't nagnasang
mahuwaran ang magandang kaasalan mo."

"Mapalad ang mga anak na may magulang na marunong magturo ng mga katungkulan ng isang
anak sa kanilang Diyos."

"Pakatantuin ng ina na ang kalinisan ng isang dalaga ay parang bubog na kahit di nagkalamat,
kahit di mabasag, mahingahan lamang ay nagdurungisan."

2. Ano ang inyong naramdaman pagkatapos basahin ang akda ni Graciano Lopez
Jaena na “Ang Fray Botod”? Bakit?

Lungkot, galit, at pagkadismaya ang aking naramdaman matapos kong mabasa ang akda ni
Graciano. Inilalarawan sa akda ang pang-aabuso, pagiging korupt, masamang ugali,
pananamantala, panggigipit, at di makataong gawain ng isang prayle ng mas kilala sa tawag ng
Botod. Ang aking pagkaunawa sa prayle ay mabait at may takot sa Diyos ngunit ng mabasa ko
ang " Ang Fray Botod" biglang nagbago ang aking pananaw. Ako'y nalungkot sapagkat hindi ko
lobos maisip na kayang gawin ng isang prayle ang ganoong hindi makataong gawain. Galit din
ang aking naramdaman dahil ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan upang makapanakit at
makapang-abuso katulad na lamang ng kanyang pang-aabuso sa mga batang babae. At dismaya
dahil hindi ito ang aking inaaasahang mangyari–kabaliktaran sa aking inaasahan bago ko
basahin ang akdang ito.

3. Bakit kaya binago o pinalitan ng ibang salita ni Marcelo H. Del Pilar ang mga
dasal?

Pinalitan ni Marcelo H. Del Pilar ang mga dasal dahil nais niyang isiwalat sa mga Pilipino ang
mga ipokrisyang gawain ng mga paring Espanyol. Inilalantad ng "Dasalan at Tocsohan" ang mga
panlilinlang, pananamantala, pag-abuso sa kapangyarihan at ang mga masasamang gawi at asal
ng mga prayle.

4. Bakit Ang Panahon ng Hapon ang tinaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang


Pilipino”?

Tinaguriang "Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino" ang panahon ng hapon dahil sa mga
panahong ito ang mga Pilipino ay malayang gumamit ng wikang tagalog sa pagsulat ng panitikan
at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwala Pilipino sa mga ito.

Paki-send ng inyong mga sagot sa email (raquel.alaman.1971@gmail.com).

Ang pagpasa ng sagot ay hanggang Sabado.

Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAMAN, PhD

You might also like