You are on page 1of 9

Philippine Normal University

National Center for Teacher Education


Mindanao
Multicultural Hub

Masusing Banghay Aralin sa


Pagtuturo ng Filipino sa
Baitang 10

Ipinasa nina:
Pagumpana, Lovejoy

Ipinasa kay:
Prof. Fe S. Bermiso
Banghay Aralin sa Filipino
Baitang 10

I.Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Makatutukoy sa katangian at kakanyahan ng akdang binasa.
2. Makapagpapaliwanag sa binuong mapa/grapikong representasyon tungkol sa
naunawaan sa binasang parabula.
3. Makabubuo ng isang masining na presentasyon tungkol sa tema/mensahe ng
parabulang binasa.
II.Paksang-Aralin:
Parabula: Ang Tusong Katiwala (Lukas 16: 1-15) Philippine Bible Society
Sanggunian: Panitikang Asyano Kagamitan ng mga mag-aaral sa Filipino, pp. 47-55.
Kagamitan: Laptop, projector, LCD, larawan, tsart, pentel pen, cartolina

III. Pamamaraan/ Istratehiya


a. GMA (Group Mapping Activity)
PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
Magandang umaga, klas. Magandang umaga din po, titser.
Kumusta kayo sa araw na ito? Mabuti po, titser.
Mabuti naman kung ganun.
Ngayon bago ko simulan ang ating talakayan
ay manalangin muna tayo.
Maraming salamat, maaari na kayong umupo.
May liban ba sa klase ngayon klas? Wala po, titser.
Mabuti kung ganun, sana ipagpatuloy ninyo
ang hindi pagliban sa klase.

YUGTO NG PAGKATUTO
A. TUKLASIN

Ngayon, bago tayo magsimula sa ating talakayan Opo titser!


ay may hinanda muna akong isang gawain. Ang
klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Bawat
pangkat ay pipili ng tig-dadalawang representante
na siyang bubuo sa mga ginupit-gupit na larawan.
Ang unang makabuo ang siyang panalo.
Naintindihan ba klas?
Para sa unang pangkat, ano ang inyong nakikita o Ipinapakita po sa larawan na
nahinuha sa nabuo ninyong larawan? mayroong isang hari, isang kawal na
mayrrong hawak na bata at dalawang
babae- ang isa’y alalang-alala at ang
isa’y tila walang pakialam. Sa tingin
ko po, ang larawan po hango sa isang
parabula na kung saan may dalawang
ina na pilit inaangkin ang isang
sanggol.
Magaling! Sa tingin mo, ano kaya ang pamagat ng Sa tingin ko po ang parabula ay
nasabing parabola? pinamagatang “Ang Matalinong
Haring si Solomon”. Ito ay tungkol sa
pag-aagawan ng dalawang ina sa
isang sanggol. Hindi sila magkasundo
kaya komunsulta sila sa hari na si
Solomon. Napagpasyahan ng hari na
hatiin ang bata. Tumutol ang isa sa
mga ina dahil ayaw niyang masaktan
ang bata. At doon nalaman ng hari
kung sino ang tunay na ina ng bata at
ibinigay ito sa kanya.

Tama! Isa itong parabula na pimagatang “Ang


Matalinong Haring si Solomon”. Sa tulong ng hari
ay nalaman kung sino talaga ang tunay na ina ng
sanggol.

Para naman sa panglawang pangkat, ano naman Ang larawan ay nagpapakita ng isang
ang nahinuha ninyo sa nabuong larawan? pastol na may maraming alagang
tupa.
Tama! Saan kaya patungkol ang larawan? Ito po ay kwento tungkol isang pastol.
Iniwan niya ang 99 na tupa sa ligtas
na lugar at hinanap ang nawawalang
tupa. Hindi siya tumigil hangga’t
hindi niya ito nahahanap.
Magaling! Ang larawan ay hango sa isang parabula
na pinamagatang “ Ang Pastol at ang nawawalang
Tupa”.
B. LINANGIN

1. Presentasyon

Ngayon, kaugnay sa ginawang aktibiti, saan kaya Tungkol po sa parabula titser.


patungkol ang ating tatalakayin ngayon?

Tama! Ano ba ang parabula? Ang parabula ay mga kwento na


hango sa bibliya.
Magaling! Ano pa? Ang parabula ay mga kwentong
nagbibigay ng magandang aral.
Tama! Ang parabula ay maikling salaysay na
nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa Banal
na Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga
tauhan ay tao.

Ngayon ay may babasahin tayong isang parabula


na pinamagatang “Ang Tusong Katiwala”

2. Paghahawan ng Balakid

Bago natin basahin ang parabula ay mayroon


akong inihandang gawain na makakatulong upang
higit ninyong maintindihan ang tekstong
babasahin.

Panuto: Hanapin sa kahon ang kasingkahulugan ng ng salitang sinalungguhitan.

winawaldas kinasusuklaman nanudyo

sisidlan ng tubig o langis trabaho

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay
nito ang kanyang ari-arian.”
2. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa.”

3. Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.

4. Sumagot ito, ‘isang daang tapayang langis po’.

5. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap
naman sa akin sa kanilang tahanan.

3. Pamantayan

Bago natin basahin ang parabula, ano ba dapat Umupo po nang maayos at huwag
ang kailangang gawin ng isang mabuting mag- makipag-usap sa katabi.
aaral?

Ano pa? Unawain po ang binabasa.


Magaling! Maaasahan ko ba iyan sa inyo klas? Opo, titser!

4. Pagbasa

Mabuti naman, ngayon ay babasahin na ninyo


ang parabula.

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16: 1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kanyang mga alagad, “ May taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian. 2) Kaya’t tinawag
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo
ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng
katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa.
Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4)Alam ko na ang
aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una,
‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto
ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu, ‘sabi
ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito,
‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya, ‘Isulat mo,
walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat
ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit
ng mga bagay ng mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. 11) kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan sa mundong ito, sino
ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) “ Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng
mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Naunawaan ba ninyo ang kwento klas? Opo, titser!


Magaling! Ngayon, sa parehong grupo, gusto
kong ipakita ninyo ang inyong interpretasyon sa
kwento sa pamamagitan ng isang mapa. Ang
mapa ay isang drowing o dayagram na
nagpapakita ng inyong sariling palagay tungkol
sa nilalaman ng kwento. Malaya kayong mag-isip
ng sarili ninyong mapa. Maaari kayong gumamit
ng mga salita, guhit, bilog, triangulo, parisukat o
iba pang hugis sa inyong mapa.

Maaaring ganito ang gawin ninyong mapa. Opo, titser!


(Magpakita ng ilang halimbawa at hayaang
tingnan ito ng ilang Segundo.) Tandaan, Malaya
kayong makabubuo ng sarili ninyong mapa.
Pumili kayo ng isang representante upang ilahad
ang nabuong mapa. Naintindihan ba klas?
Sige, maaari na kayong magsimula. Bibigyan
ko lamang kayo ng tatlong minuto para
gumawa ng inyong sariling mapa.

Tapos na ang inyong tatlong minuto, maaari


niyo nang idikit sa pisara ang inyong mga
nabuong mapa at ipaliwanag ito.

C. PAGNILAYAN

Batay sa parabulang binasa, ano ba ang suliraning Tatanggalin na po siya ng kanyang amo
kinakaharap ng katiwala? sa pangangasiwa dahil nilustay niya
ang pera nito.
Magaling! Ano ang nais patunayan ng katiwala Para po may tumulong at tumanggap sa
nang bawasan niya ang utang ng mga taong may kaniya kapag tinanggal na siya ng
obligasyon sa kaniyang amo? kanyang amo sa pangangasiwa.

Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo Hindi po titiser kasi maaaring siya po
ba ang ganitong uri ng katiwala para sa inyong ang maging dahilan ng pagkalugi ng
negosyo? Bakit o Bakit hindi? aking negosyo.
Magaling! Sino ang may iba pang sagot? Ako po titser. Para sa akin hindi ko din
po tatanggapin ang ganoong klase ng
katiwala dahil gaya nga po ng sinabi sa
parabula ang taong hindi
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay
ay hindi mapgkakatiwalaan sa
malaking bagay.
Tama! Kaya dapat ay maging mapanuri tayo sa
pagpili ng katiwala upang maiwasan ang hindi
magandang pangayayri at bilang isang katiwala
ay dapat maging tapat ka rin sa iyong
pinaglilingkuran.

Kung ikaw naman ang amo, ano ang iyong Tatanggalin ko din po siya sa trabaho
gagawin kung mabalitaan mong nalulugi na ang titser.
iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong
katiwala?

Mayroon pa bang ibang sagot? Para sa akin, bibigyan ko pa po siya ng


isa pang pagkakataon para baguhin ang
kanyang masasamang gawain.

Ano ang pangunahing menshe ng parabula? Dapat maging tapat po sa paggawa ng


mga nakaatas na tungkulin sa iyo para
hindi mawala ang tiwala sa iyo ng
iyong amo.
Tama! Dapat maging tapat tayo sa lahat ng
pagkakataon.

D. ILIPAT

Ngayon ay bubuo kayo ng isang presentasyon Opo, titser!


kaugnay sa tema o mensahe ng parabulang binasa.
Maaari itong ipakita sa pamamagitan ng isang
roleplay, slogan, awit o tableau. Naintindihan ba
klas?

Para magabayan kayo sa inyong gawain, narito


ang GRASPS.

GRASPS

Goal Ang inyong goal ay makabuo ng isang roleplay, slogan, awit o tableau na
nagpapakita sa mensahe ng parabulang “Ang Tusong Katiwala”

Role Kayo ay isang artista, manunulat, mang-aawit

Audience Kapwa mag-aaral at guro.

Situation Mayroong gaganaping Culmination Program sa Values Education.

Product Roleplay, slogan, awit o tableau.


Standard Pagkamasining ---------------------------------------------5
Kaugnayan sa tema/mensahe ----------------------------5
Kooperasyon -----------------------------------------------5
Kabuuan --------------------------------------------------- 15

Narito ang pamantayan upang maging gabay sa pagmamarka ng inyong Gawain.

RUBRICS

PAMANTAYAN Lubos na Naipamalas Hindi gaanong


naipamalas naipamalas
(3)
(5) (2)

Pagkamasining

Kaugnayan sa
tema/mensahe

Kooperasyon

IV. TAKDANG ARALIN


Magsaliksik at magbasa ng isang parabula. Bumuo ng sariling grapikong representasyon
tungkol dito. Ilahad sa klase sa susunod na tagpo.

You might also like