You are on page 1of 4

FILIPINO 10

UNANG MARKAHAN

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Pagsusuri sa tiyak na bahagi ng parabula

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ang parabula ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa
matuwid na landas ng buhay. Nagtuturo ito ng moral at relihiyosong aral na naglalarawan ng
katotohanan o tunay na nagyayari sa ating buhay.
Kadalasan, ang mga parabula sa Bibliya ay ang mga talinghagang binanggit ni Hesus na
nagtuturo ng katangian ng kaharian ng Diyos.
Ang salitang parabula ay buhat sa salitang Griyegong parabole na nangangahulugang
pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Samakatuwid, ang isang parabula ay
gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyang-diin ang kahulugan nito. Di tulad ng pabula,
ang parabula ay gumagamit ng tao bilang mga tauhan. Kung ito’y gumagamit ng hayop bilang
tauhan, ito’y nananatili sa kani-kanilang kaanyuan.
Ang mga detalye at mga tauhan sa parabula ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan
sapagkat ang binibigyang-pansin ay aral sa kuwento. Marami ang nais iparating ng mga parabula sa
atin kaya dapat natin itong isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang asal (F10PN-Ib-c-63)

PANUTO
Basahin at unawain mabutig ang isang halimbawa ng parabula. Pagkatapos, sagutin ang mga
kasunod nitong gawain nang buong husay at katapatan.

PARABULA NG SAMPUNG DALAGA


mula sa Mateo 25:1-13

1 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang
sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan. 2 Ang lima sa kanila'y hangal at
ang lima nama'y matatalino. 3 Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi
nagbaon ng langis. 4 Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga
ilawan. 5 Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa
paghihintay.

6 “Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na
kayo upang salubungin siya!’ 7 Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang
ilawan. 8 Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis.
Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’

9 “‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa tindahan at
bumili ng para sa inyo,” tugon naman ng matatalino. 10 Kaya't lumakad ang limang dalagang iyon
upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda
ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.
11 “Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo
kami!’ pakiusap nila.

12 “Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.’”

13 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam
ang araw o ang oras man.”

Gawain 1
Suriin ang parabulang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gabay na
tanong.

1. Paghambingin ang mga dalagang hangal at matatalino sa tulong ng venn diagram.

Mga dalagang
Mga dalagang
hangal
matatalino

Pagkakatulad

2. Ibigay ang kahulugan ng mga simbolismong ginamit sa akda.


SIMBOLISMO KAHULUGAN
1. Ilawan

2. Langis

3. Kaharian
3. Paano sinalubong ng mga dalagang matatalino ang lalaking ikakasal at paano nila napaalis
ang mga dalagang hangal?

4. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Hesus na “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi
ninyo alam ang araw o ang oras man”?

Gawain 3
Itala sa talahanayan ang bahaging para sa iyo ay naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahang-asal ng isang tao sa parabulang binasa.

Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal

Gawain 4
Bumuo ng isang islogan tungkol sa mensahe ng parabulang binasa.

Pangwakas/Repleksiyon

Natutunan kong

You might also like