You are on page 1of 8

Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 1


FILIPINO 9

NORTHERN MINDORO ACADEMY, INC.


Poblacion, San Teodoro, Oriental Mindoro

Ms. Aica A. Plopenio


Subject Teacher

Contact No.: 09453449517

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

MODYUL Mga Akdang Pampanitikan Mula sa TIMOG-SILANGANG ASYA


3.1 Panitikan: Ang Mayamang Lalaki at si Lazaro (Parabula)
Retorika: Tayutay

Pamantayan sa Pagganap:
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing
Naipamamalas ng mga mag-aaral ng pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampatinikan ng Timog-Silangang Asya. pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


1. Napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

Target ng pag-aaral: Ang mga mag-aaral ay inaasahang……….


1. Matutukoy ang uri ng Tayutay na ginamit sa ibinigay na bahagi ng isang tula.
2. Makabubuo ng pangungusap na gumagamit ng tayutay.
3. Makapagbabahagi ng karanasan sa buhay tungkol sa pagsasabuhay ng aral mula sa Bibliya.

MOTIBASYON
Basahin ang ilan sa mga aral sa Bibliya. Suriin ang ipinaaabot na mensahe ng mga ito.

“Huwag kayong padaya: ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.” 1


Corinto 15:33

“ Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagkakampi, ay doon mayroong kaguluhan at


lahat ng gawang masama.” Santiago 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t. ibinigay niya ang
kanyang kaisa-isang Anak,upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo ng Diyos ang kanyang
Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao,kundi upang iligatas ang mga ito sa
pamamagitan niya” Juan 3:16-17

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

Ang Mayaman at Si Lazaro


(Lucas 16-19:31)
Salin ni Oliver Z. Manarang

Mayroong isang mayamang lalaki na nakasuot ng


kulay ube at pinong lino na namumunay nang
napakagara. Sa tarangkahan ng kaniyang tahana'y
masisilayan ang isang pulubi na nagngangalang Lazaro.
Si Lazaro ay puno ng sugat sa katawan at takam na
takam sa mga pagkaing nahuhulog mula sa mesa ng
mayamang lalaki. Maging mga aso y Iumalapit sa kaniya
upang dilaan ang kaniyang mga sugat.

Dumating ang araw kung saan si Lazaro ay namayapa na at itinaas ng mga anghel tungo sa
lugar na kinaroroonan ni Abraham. Ang lalaking may marangyang pamumuhay ay pumanaw na rin at
inilibing. Sa Hades, kung saan ang mayamang lalaki ay nakaranas ng matinding pagdurusa, siya'y
tumingala at nakita sa malayo si Abraham kapiling si Lazaro. Kaya naman ang mayamang lalaki ay
tinawag ang pansin ni Abraham at winika na, "Amang Abraham, maawa ka nawa sa akin at padala si
Lazaro sa aking kinaroroonan upang isawsaw ang kaniyang dulong daliri sa tubig upang mapalamig
ang aking dila sapagkat ako'y nasa sa matinding paghihirap sa init ng apoy rito."

Ngunit tumugon si Abraham, "Anak, alalahanin mo na yaong ika'y nabubuhay pa ay sadyang


naranasan mo na ang marangyang pamumuhay samantalang si Lazaro naman ay pawang mga
pasakit lamang sa Dunay ang natamasa. At ngayon, Si Lazaro naman ang nasa mabuting kalagayan
at ikay nasa nito.

Bukod pa rito, ang pagitan natin ay Isang malaking bangin, kaya naman sinomang naghahangad
na pumaroon sa iyong kinalalagyan ay hindi makatatawid gayundin sa sinomang nagmula diyan na
nagnanasang makapunta rito.

Siya'y sumagot, "Kaya naman ako'y nagmamakaawa sa iyo, Ama, isugo mo si Lazaro sa aking
pamilya sapagkat ako'y may lima pang kapatid na lalaki, siyay magbigay nawa ng babala, upang
sila'y hindi na matulad sa akin.

Winika ni Abraham na, "Naroon si Moises at ang mga propeta, hayaan mong sila'y makinig sa
kanila.

"Hindi, Amang Abraham," ika ng mayamang lalaki. Dagdag pa niya'y, "Sila ay maniniwala't
magsisisi kung may darating na nagmula sa mga patay"

Sinagot naman ni Abraham na, "Kung sila'y hindi rin makikinig kay Moises at sa mga propeta,
sila'y hindi maniniwala kahit bumangon pa ang mga matagal nang namayapa."

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

LEKTURA

1 P A R A B U L A

Ang parabula ay nagmula sa salitang Latin na parabula na nangangahulugang "pagtutulad.”


Ang mga kuwentong parabula ay tinatawag ding metaporikal o matalinghagang kuwento. Ang mga
kuwento ay hinango mula sa Bibiliya o sa Banal na Kasulatan. Kapani-paniwala ang mga kuwentong
kinapapalooban nito sapagkat kinikintal nito ang tamang asal sa buhay.

Ang parabula ay maaaring nasa anyong prosa o patuluyan. Nangangaral sa pamamagitan ng


salita ng Diyos.

llang halimbawa ng mga tanyag na parabula ay ang mga sumusunod:

1. "Ang Alibughang Anak"

2. "Si Job sa Bayan ng Ur"

3. "Ang Mabuting Samaritano"

4. "Ang Taong Hindi Marunong Magpatawad

5. "Ang Pariseo at ang Kolektor"

6. "Ang Banga"

7 "Ang Nawawalang Tupa"

8. "Ang Magkapatid"

9. "Ang Nawawalang Barya"

10. "Ang PulubI"

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

LEKTURA

2 MGA URI NG TAYUTAY

Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang uri ng tayutay:

1. Patulad/Pagwawangki - tahasang pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay, gumagamit ng


mga salitang parang, wari, animo, anaki'y, katulad ng, gaya o kagaya, paris ng, mistulang, mandin, at
tila.

Halimbawa:
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!
(U.C. de Jesus, "Isang Punong-kahoy)

2. Talinghaga o Metapora - paglilipat ng katangian ng isang bagay sa ibang bagay na talagang


kaiba sa una, na nagbubunga ng kahulugang kaiba sa pangkaraniwang kahulugan ng dalawang
salita.

Halimbawa:

Ang mga tao'y


uod sa bunganga ng simbahang Quiapo
isang uri ng natungkab na nitso;
sa loob,
naagnas na bangkay
ang bawat pari at santo.
(L. E. Antonio, "Ang Unang Sulyap sa Taong 1967)

3. Personipikasyon o Padiwantao - pagturing o pakikipag-usap sa isang bagay bilang tao-sa galaw,


pag-isip, o pagdama; paglalapat ng katang ian ng tao sa mga bagay

Halimbawa:

Bunying langgam,
Tumigil kang
saglit lamang,
nais kitang
pagpugayan.
(A. V. Hernandez, "Ang Langgam")

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

4. Parikala o Ironiya - paggamit ng isang salita o pahayag upang tukuyin ang kabaligtaran o
kasalungat nito.

Halimbawa:
Wala nang imposible
ngayon sa siglo beinte
(anung dunong ng taol)
kahit na elepante'y
sasayaw sa aspile.
(Rio Alma, "Sa Harap ng Telebisyon")

5. Pauroy o Patudyo - pagpapasaring, sukdulang palabasing katawa-tawa ang bagay o taong


tinutukoy na tiyakang magagalit.

Halimbawa:
O, Irma, sa gabing ulingin ang langit,
Wangis mo'y estrelyang may kislap ng plastik;
O, tangan sa gabing nag-aalumpihit,
Larawan mo, Irma, sambakol na tamis;
Ampalayang pagkakinis
ang sukat mong makaparis.
(Romulo Sandoval, "Serenata kay Irma, Matrona")

6. Kabalintunaan o paradoha - deklarasyon o sitwasyon na sa unang tingin ay kasalungat ngunit


may elemento ng katotohanan.

Halimbawa:
Nais kong maikuwadro
Kasama ang anino sa kaniyang pag-isa
Hanggang manalamin ang dilim at liwanag
Sa kaluluwa ng magdamag
(Eugene Evasco, "Anino sa Salamin")

Reperensya: De Guzman, Nestor C. Catacutan, Marvin Negoy. et. al. Bukal ng mga Kasanayan sa Filipino.
Bright House Publishing.2020
Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

ASSESSMENT 3.1.1
(To be submitted next meeting)

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________


Lebel at Seksyon: _______________________________ Iskor: ________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga bahagi ng dalawang tula sa ibaba. Tukuyin ang uri ng tayutay na
ginamit sa bawat tula, pagkatapos ay bumuo ng pangungusap na gumagamit ng tinukoy na tayutay.
Isulat ang sagot sa mga nakalaang espasyo.

1. Mapapalad ang mahirap,


Libre buwis, may ampunan, at karidad,
Pagdating ng Pasko at dumadapo ang kalamidad;
Mapapalad ang katulong,
Naghihintay lang ng utos-panginoon,
Kahit pagod, may pagkain paggutom.
(Rio Alma, “Mapapalad ang Mahirap”)

Uri ng Tayutay: ___________________________________________________________


Pangungusap:_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Ngunit ang pag-ibig ay parang bulaklak,


Lalong bumabango kapag nalalaga;
Katulad ng araw, na kapag inulap,
Lalo pang maganda sa muling pagsikat;
At yaong dalawang ibong sawimpalad,
Nang muling magkita’y kapwa umiiyak.
(Jose Corazon de Jesus, “Pagkatamis-tamis”)

Uri ng Tayutay: __________________________________________________________


Pangungusap:_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

________________________ ________________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Mag-aaral

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
Baitang 9 – Modyul ng Pag-aaral sa Filipino Ikatlong Markahan

ASSESSMENT 3.1.2
(To be submitted next meeting)

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________


Lebel at Seksyon: _______________________________ Iskor: ________________

Panuto: Bubuo ka ng repleksyon hinggil sa kung paano mo ihahanda ang sarili mo tungo sa tagumpay
at sa pangarap na minimithi.

________________________ ________________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Mag-aaral

Mga Paalala sa Paggamit ng Modyul


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.

You might also like