You are on page 1of 28

Sa loob ng kalahating oras na talakayan, ang mga mag-aaral

ay inaasahang:
a.Nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito.
b.Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng
tayutay batay sa kanilang sariling pang-unawa.
c. Nagagamit ang ilang tayutay sa isang
simpleng tulang Malaya na may temang
pag-ibig.
d. Napahahalagahan ang buong paksa.
Basahin ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ubod siya ng gara kung lumabas! Napakagulo naman ng
bahay.
2. Ang ganda ng kanyang mga kamay, pwede mong gawing
pangkudkod sa semento sa bahay.
3. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay
kanyang makamtan.
4. Tiktak ng orasan ay naghahabulan.
• Ano ang napansin ninyo sa mga salitang bumubuo sa
pangungusap?

• Kaaya-aya ba itong pakinggan?

• Bilang isang Pilipinong mag-aaral, maganda bang


gamitin ang mga salitang ito sa kasalukuyang
panahon?
ANO NGA BA ANG TAYUTAY?

Ang tayutay ay isang


matalinghagang
pahayag na nagbibigay
ng mabisang
kahulugan upang
lalong maging mabisa
at makulay ang isang
paglalarawan.
1. PAGTUTULAD
Ito ay simple at lantad na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay . Ginagamitan ito ng mga salitang panulad
tulad ng mga sumusunod:
a. tulad ng mistulang kamukha ng
b. tila parang tulad ng
c. anaki’y gaya ng kawangis
d. mala
MGA HALIMBAWA NG
PAGTUTULAD
1.Mala-porselana ang kutis ng mga gumagamit ng
sabon na ito.
2.Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng
isang tao.
3.Ang mga pangako mo ay parang hangin.
MGA HALIMBAWA NG
PAGTUTULAD
1.Mala-porselana ang kutis ng mga gumagamit ng
sabon na ito.
2. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng
isang tao.
3. Ang mga pangako mo ay parang hangin.
II. PAGWAWANGIS
Naghahambing ng dalawang magkaibang
bagay sa tuwirang paraan. Hindi na ito
gumagamit ng mga salitang panulad.
MGA HALIMBAWA NG
PAGWAWANGIS
1.Si Elena ay isang magandang bulaklak.
2.Si Miguel ay hulog ng langit.
3.Ang buhay ng tao ay isang gulong.
III. PAGSASATAO
Ito ay pagsasalin ng katangian ng
tao sa mga bagay na abstrakto o mga
walang buhay. Gumagamit ito ng
pandiwa.
MGA HALIMBAWA NG
PAGSASATAO
1. Lumuha ang kalangitan nang dumaan ang parada para sa
libing ng aking mga magulang.
2. Pinagkalooban ng langit ang kanyang pamilya ng maraming
regalo.
3. Sumayaw ang mga dahon sa saliw ng malambot na pag-ihip
ng hangin.
IV. PAG-UYAM
Gumagamit ito ng pag-uyam sa pamamagitan
ng mga salitang parang pumupuri o
dumadakila. Subalit ang tunay na layunin
nito ay mangutya ayon sa himig o paraan ng
pagkakasabi.
MGA HALIMBAWA NG
PAG-UYAM
1. Ubod siya ng gara kung lumabas! Napakagulo naman ng bahay.
2. Ang ganda ng kanyang mga kamay, pwede mong gawing
pangkudkod sa semento sa bahay.
3. Kaya nga… sobrang talino mo walang nakakaintindi sa
pinagsasabi mo.
V. PAGMAMALABIS

Ito ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na


imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o
pangyayari.
“Sobra-sobrang paglalarawan.”
MGA HALIMBAWA NG
PAGMAMALABIS
1. Namuti ang kaniyang buhok kahihintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si
Seman.
PAGBUBUOD NG TALAKAYAN
TAYUTAY- Paggamit ng matatalinhagang salita upang kawili-wili ang
pagbabasa ng isang akda.
Mga Uri:
1.Pagtutulad- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang
mga panulad na salita (gaya ng katulad ng at iba pa)
2. Pagwawangis – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay nang
hindi gumagamit ng mga panulat na salita o parirala.
3. Pagsasatao –pagbibigay katauhan sa mga agay na walang
buhay.
4. Pag-uyam – paggamit ng mga papuring mga salita upang
mangutya.
5. Pagmamalabis – sobra-sobrang pagpapahayag.
Bakit mahalaga ang paggamit ng
mga tayutay sa pagpapahayag?
KATANUNGA
N?
PANUTO : Suriin kung anong uri ng tayutay ang ginamit
sa mga sumusunod na mga pahayag.

Karera sa Paliparan.ppt
GAWIN NATIN!
¼ Cw
Panuto : Gumawa ng isang simpleng tulang Malaya
gamit ang mga tayutay at talinghagang salita na may
temang pag-ibig.
PAMANTAYAN SA PAGTATASA

Nilalaman -10
Kawastuhan-10
Talinhaga- 10
30 puntos
TAKDANG ARALIN

Sa isang kalahating (1/2) papel, magtala ng isang


sikat na tula ng iyong hinahangaang manunulat.
Salungguhitan ang mga tayutay na makikita sa tula.

You might also like