You are on page 1of 4

FILIPINO 10

UNANG MARKAHAN

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag. Sa ating
wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng
mga detalye ng mga pahayag o maging interaksyunal. Narito ang mga halimbawa ng mga
salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag:
1. Kung nais ating ipakita ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon,
maaari nating gamitin ang mga salitang una, pangalawa, pangatlo, noon, pagkatapos,
sumunod, samantala, at nang.
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod: dahil ditto, resulta
ng, kung gayon, dulot nito, bunga nito, sa mga pangyayaring ito, samakatuwid, at sa
gayon.
3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kotradiksyon, maaaring gamitin ag
mga salitang sa halip na, di tulad ng, higit pa rito, sa kabilang dako, sa kabilang
banda, at sa magkatulad na dahilan.
4. Kung nais ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga salitang
kabilang pa ditto, at saka, karagdagan ditto, at bukod ditto.
5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod: sa madaling salita,
higit sa lahat, sa totoo lang, at tunay na.
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay maaring
gamitin: bilang karagdagan, dagdag pa rito, at kabilang dito ang sumusunod.

Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig.


3. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala, o sugnay na
makatatayong mag-isa.
at ngunit ni datapwat
saka pero maging subalit
o pati

4. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa


kung kaya pag kapag
dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunuod-sunod ng mga pangyayari
(F10WG-Ie-f-60)

PANUTO
Basahin, unawain at suriin ang mga gawaing tiyak na lilinang sa iyong kasanayan sa
Filipino. Sagutin ang mga ito nang buong husay at katapatan.

Gawain 1
Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari. (sa
madaling sabi, saka, dahil, kung, bukod sa )

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay


na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong
dekada ’70 sa ilalim ng Batas Militar. (1) isang babae, kumikilos siya bilang isang ina
(sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si
Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag
ng damdamin (2) kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa
nangyayari sa lipunan. (3) dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang
panganay na si Jules, (4) naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa
musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy
bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) nanatiling matatag ang
pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang
katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton
ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.

Gawain 2
Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag ang teksto
upang mabuo ang diwa nito.

Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may 1.


epiko. Mababasa sa kasaysayan na ang 2. epiko na naisulat ay ang Epiko ni
Gilgamesh. Sa Europa, 3. ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece 4.
800 BC. 5. ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng
epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius. Ang estilo ng pagsulat
ng epiko ay dactylic hexameter. 6. , hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y
karaniwang nagsisimula sa isang panalangin sa isang musa 7. naglalaman ng
masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. 8. ang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of
Man, at iba pa.
Ang mga tauhan nito ay maharlika. Sinasabing noong panahon ng Medieval,
napakaraming epiko ang naisulat, 9 ito’y madalas basahin. Ang bawat bansa ay
nakalikha ng kanilang dakilang manunulat ng epiko. Sa Italya, 10. kay Virgil ay
mayroon din silang Dante.
Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng
maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11. , si T.S. Eliot ay
nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay
dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga epikong Espanyol ng
Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni
Rodrigo Diaz de Vivar at sa French naman ay ang Chanson de Roland na kuwento ni
Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778.
12. ang dalawang epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan
sa pakikidigma. 13. , may dalawang epikong German naman ang nakilala sa buong
mundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa lumang
saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. ay kuwento ni Seigfried, Brunhild,
Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the hun, 15. ganda ng pagkakasulat ng mga ito, ito
ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.

Gawain 3
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panandang pandiskurso o hudyat sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay ng isang napanood na palabas.
1. magsisimula ako sa
2. huwag lang
3. bunga nito
4. sakali
5. sa ibang salita

Gawain 4
Sumulat ng 2-3 pangungusap na na nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari/kaisipan tungkol sa mga napapanahong paksa sa ibaba. Isaalang-alang ang
paggamit ng mga angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Nilalaman: 10 Wastong Gamit ng mga salita: 10 Hikayat: 10

134
PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Natitiyak kong sa pamamagitan ng mga gawaing ito, sa lubos na
naunawaan ang kahalagahan ng mga pananda. Nakasalalay sa mabisang
paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag.
Sa ating wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang
maging mabisa ang paglalahad ng mga detalye ng mga pahayag.
Nawa ay magagamit mo ang mga ito sa pang-aaraw-araw na gawain lalo
na sa pagbuo ng mga iba’t ibang anyo ng panitikan.

You might also like