You are on page 1of 5

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

Pangalan:
Oras/Araw ng Klase:

 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay.

Pagnilayan at Unawain
Gawain 1. ANO SA PALAGAY MO?
1. Pumili ng isang akdang pampanitikan na nagmula sa ibang bansa at humanap ng akdang
Filipino na may halos kaparehas ang tema. Isulat ang mga pagkakapareho ng mga
napiling akdang pampanitikan. (10 puntos)

Maihahalantulad ko ang pampanitikang Ingles na Romeo and Juliet sa ating


pampanitikang Pilipino na Florante at Laura. Ang dalawang akdang ito ay halos
magkapareha ng daloy ng istorya at pati na rin ang temang magkaiba ang kultura at estado
ng buhay.
Isama sa naging kasagutan na banggitin ang pamagat, may-akda at lugar na pinagmulan ng akdang
pampanitikan.

2. Ano ang panitikan? Magbigay ng kahulugan ng panitikan ayon sa paborito mong


manunulat at ipaliwanag ang kaniyang pakahulugan. (tatlo hanggang limang pangungusap)

Ang panitikan ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at malalim na kahulugan. Para
sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o
representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan. Zeus Salazar- Noong 1995,
inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa
niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rinitong kakaibang karanasang pantaong
natatangi sa sangkatauhan.

3. Ano ang kasaysayan? Paano nagkakaugnay ang panitikan sa kasaysayan? Ipaliwanag.


(tatlo hanggang limang pangungusap)

Ang kasaysayan natin ay naisa titik at tunay na nangyari kaya’t ito’y makatotohanang
panitikan. Ang lahat ng pangyayari sa ating kasaysayan ay naisulat at nailathala sa
pamamgitan ng panitikan, kaya malaki ang gampanin nito sa ating pang araw-araw na buhay
lalo’t higit sa kasaysayan o historya. Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

4. Bakit mahalagang pag-aaralan ang baybayin sa kasalukuyang panahon? Ano ang


kaugnayan nito sa Panitikang Pilipino? (tatlo hanggang limang pangungusap)

Ang baybayin ay mahalagang pag-aralan sa kasalukuyang panahon dahil ito ay bahagi na n


gating kasaysayan at malaki ang ambag nito sa kasalukuyan nating wika. Bilang pagbabalik
tanaw at pagpapahalaga sa ating panitikang Pilipino ay malaki ang ambag ng abybayin kaya
nararapat lang na pag-aralan ito at bigyang pansin. Dahil kung wala ito ay wala din an gating
mga wika at panitikan sa ngayon.

5. Magiging maunlad parin kaya ang Panitikang Pilipino kung baybayin ang naging batayan
sa paglalathala ng iba’t ibang akdang pampanitikan? Ipaliwanag. (tatlo hanggang limang
pangungusap)

Sa aking palagay ay maunlad pa rin ngunit hindi kasing unlad n gating panitikan ngayon.
Dahil malaki ang ambag at pagkakaiba nito sa kasalukuyan dahil naniniwala ako na malaki
ang pangangailangan ng kaunlaran ng wika upang maisakatuparan o mailathala ang isang
panitkan Sa paglipas ng panahon ang bawat bagay kahit ang wika ay kinakailangan ng
pagbabago kaya naaayon lang ang pagpapalit ng baybayin dahil malaki ang tulong ng
pagayon sa pagbabago ng wika.

 PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Kilalanin at suriing mabuti ang tinutukoy ng pahayag. Ilagay ang sagot sa dulo
ng bawat tanong. (10 puntos)

1. Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng


pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. __Elehiya__
2. Naglalarawan sa akdang ito ang pamumuhay ng mga tao sa Espanya. _El Cid
Campeador_
3. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Humalili rin
ito sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
___Duplo__________
4. Karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera.
__Melodrama___
5. Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
___Trahedya____
6. Akdang nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng lahing itim at
pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya. _Uncle Tom’s
Cabin_
7. Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na
ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y
isang kwento ng mga hayop o mga bata. __Anekdota__
8. Naglalaman ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol
sa mga kababalaghan. __Epiko____
9. May sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
___Korido____
10. Mahabang salaysay ng mga kawing-kawing at masalimuot na pangyayari na
naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa kabanata. ___Parsa____

II. Panuto: Tukuyin kung A. Paglalahad, B. Pangangatwiran, C. Paglalarawan, at D.


Pagsasalaysay ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng wastong sagot. (10 puntos)

_C__ 1. Mamula-mula ang kanyang pisngi nang makasalubong niya ang lihim na
mangingibig.
_B__ 2. Ang apyan ay nakasasama sa kalusugan kaya’t nararapat na ito’y ipagbawal.
_B__ 3. Wala pa siyang pitong taong gulang, hindi ako dapat sisihin, maraming iba’t
ibang sasakyan ang nagdaraan. Bigla siyang tumawid na di manlang
lumilingon… kaya’t hindi ko kasalanan…
_A__ 4. Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 32, 1987, ang tungkol sa patakarang
Edukasyong Bilingual.
_C__ 5. Maalinsangang panahon ang nararanasan ng Timog Katagalugan.
_D__ 6. Dalawang dekada na ang nakakaraan nang mangyari ang mapayapang
rebolusyon o People Power sa Edsa.
_A__ 7. Namagitan noon ang Estados Unidos upang magkaroon ng ganap na
kapayapaan.
_A__ 8. Ayon sa Saligang Batas, ang lalaki at babae ay kinakailangang nasa wastong
gulang bago magpakasal.
_D__ 9. Papauwi na noon si Clodet nang makakita ng ahas na pula patungo sa
kanyang
direksyon.
_C__ 10. Maliwanag ang buwan, malapit nang magbukang liwayway, dalawang
matipunong lalaki, nakamaong, mahaba ang buhok, may mga hawak na
baril…

III. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita na nakasulat sa paraang
Baybayin. (5 puntos)

MGA SALITA SAGOT

1. Kasaysayan

2. Pahayagan

3. Sistema

4. Makaluma

5. Wikain
IV. Panuto: Isulat sa paraang baybayin ang mga sumusunod na mga salita at pahayag.
(15 puntos)

A.
1. Francisco Lopez
2. Oktubre
3. Spelling
4. Pinanggalingan
5. Aklatan

B.
 “Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng
tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaring tawaging
panitikan.”

-Webster
(Paki-insert photo nalang ng inyong isinulat na Baybayin)

You might also like