You are on page 1of 29

PAGBUO, PAG-UUGNAY,

AT PAGBUBUOD NG MGA
IDEYA
Abot- Tanaw
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbuo, pag-
uugnay, at pagbubuod ng mga ideya sa isang akademiko
at mapanuring sulatin;
2. natutukoy ang mga katagian at kalikasan ng mga anyo
ng pagbuo, pag-uugnay, at pagbubuod ng mga ideya; at
3. Nakapagbubuod ng iba’t ibang sulating akademiko.
Iba- iba ang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa.

Buod
 Hawig

Lagom o synopsis
Persi
Sintesis
 At Abstrak
Boud
 Siksik at pinaikling bersisyon ito ng teksto.
Ang teksto ay maaring nakasulat, pinapanood,
o pinakinggan. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang
ideya o datos.
Pangunahing mga katangian ng pagbubuod ang
mga sumusunod:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit
ng sarilig pananalita. Isa itong “muling pagsulat” ng binasang akda sa
maikling salita. Inahahalili sa mga salita ng may-akda ang mas
pangkalahatang termino gaya ng kasuotan sa halip na saya, pagtuturo
sa halip na palelektyur; at iba pa.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
Narito ang mga hakbang sa pagbubuod:

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan,
tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang
mga susing salita (key words).
3. Pag-ugnay ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o
tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag
gumagamit ng mga salita o pangungusap mula sa teksto.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensiya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o
salitang nagbibigay transisyon sa mga ideya gaya ng
gayumpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa
kabilang dako, bilang konklusosyun, bilang pangwakas, at
iba pa.
7. Huwag magsisingiit ng mga opinion.
8. Sundin ang dayagram sa ibaba.
BOUD

Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Konklusyon
 Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta, at iba
pa, maaring gumawa muna ng story map o graphic
organizer upang malinaw ang daloy ng pangyayari.
 Narito ang ilang halimbawa ng story map:
BANGHAY

TAGPUAN ISTORYA TAUHAN

KALUTASANN
PROBLEMA
G PROBLEMA
Hawig
Tinatawag itong parapharase sa Ingles. Galing ito sa sa salitang
Griyego (sa pamamagitan ng Latin) na paraphasis, na ibig
sabihi’y “ dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.”
Ang hawig ay inilalahad sa isang bagong anyo o estillo.
Sa hawig, ginagamit ang mga kataga at pandiwa na parang nag-
uulat ng sinabi ng may-akda ngunit nilalagyan naman ng panipi
ang naiiba at mahalagang pagkakailanlan sa may-akda.
NARITO ANG HALIMBAWA
 Sinasabi rin sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na dapat gumawa
ng nararapat na hakbang ang gobyerno upang simulan at
subaybayan ang paggamit ng wikang pambansa bilang
midyum na opisyal na komunikasyon at wikang panturo sa
sistemang edukasyonal, alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng
kongreso.
(Ma. Ella Atienza, “Ang Pulitika ng
palisi ng Wika sa Konstitusyon ng 1987”, nasa
Constation, P. at M. Atienza. 1996)
Lagom o Sinopsis
 Pagpapaikli ng mga pangunahing punto,
kadalasan ng piksyon.
 Karaniwang di-lalampas ito sa dalawang pahina.
 Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas
ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na
jacket blurb.
Hakbang sa pagsulat ng sinopsis
1. Basahin ang bawat kabanata

2. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata.

3. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata. Bubuuin ito ng


mahahalagang puntos at impormasyon tungkol sa tauhan.

4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap ng


buod, storyline, o tema.

5. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata.

6. Sundin ang kronolohiya ng istorya.


Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom

 Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na


gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong
na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante
na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa
palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama,
at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.
 Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang
Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton.
Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni
Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at
inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.
 Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo
at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya
ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon
ang kwintas niyang diyamante. 
Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng
gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si
Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa
mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa
kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham
tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si
Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa
Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong
kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo
ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa
ibang bayan.
Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas
ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni
Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si
Laura.
Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng
relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran
ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si
Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na
nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at
Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin
si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay
nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya
ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
 Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa
lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante.
Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya
at pagdadala sa gubat.
 Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na
ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat
sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay
na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida,
pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni
Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya

 Boud ng Florante at Laura


Presi
 Galing sa salitang prise (precis) sa lumang
Pranses na ibig sabihi’y pinaikli.
 Ito ang buod ng buod. Higit itong maikli
kaysa sa buod at halos ang pinakatesis ng
buong akda ang tinatalakay.
 Ito ang pinaikling buod ng mahahalagang
punto, pahayag, ideya, o impormasyon.
Mga katangian ng isang Presi
1.Malinaw ang paglalahad.
2.Kompleto ang mga ideya.
3.May kaisahan ang mga ideya.
4.May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
5.Siksik sa dalawa hanggang tatlong pangungusap
ang pangkalahatang puntos.
Halimbawa ng presi ng naunang ibinuod na
artikulo ni Dante Ambrosic:

Presi A – ay walang
komento na nagsulat ng
presi

Presi B – ay may
komento
SINTESIS
Mula sa salitang Griyego na syntithenai (syn = kasama;
magkasama; tithenai = ilagay; sama-samahang ilagay) ang salitang
sintesis.

Sa larangan ng pilosopiya, bahagi ito ng metodong diyalektikal ni


Georg Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.

Mula sa tesis o argumento, iniuugnay ang antithesis o kontra-


argumento, at sa huli, ang sintesis o rekonsilasyon ng mga ideya
na nakapaloob sa naunang dalawa. Ang buong proseso ay
nakabubuo ng bagong tesis.

kabaligtaran ng analisis ang sintesis.


Narito ang illustrasyon ng proseso:
(Sintesis)

Datos Kabuuang Datos


Datos
Datos Pangkala
Ideya Datos Ideya Ideya hatang
Datos Ideya
Ideya

Ideya
Paksang
Paksa
Datos Datos
Ideya Ideya
Narito ang ilang hakbang at mungkahi sa
maayos na pagbuo ng sintesis.
1. Introduksyon
Simulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa
pinakapaksa ng teksto. Banggitin din ang mga sumusunod kaugnay ng
teksto.
 Pangalan ng may-akda
 Pamagat
 Impomasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa
2. Katawan
a. Orginasasyon ang mga ideya upang masuri kung may magkakapareho.
b. Sundin ang konklusyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing ideya.
c. Suriin sa pangungusap o kataga ang bawat talata. Naglalahad ang
pangungusap o katagang ito ng paksang talata
d. Ibgay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis (tao, libro, at
iba pa) o iba-ibang paksa o opinyon sa isang paksa.
e. Gumamit ng angkop na mga transisyon (hal: gayundin, sa kabilang
dako, gayunman, at iba pa) at paksang pangungusap. Banggitin din
ang pinagkunan (Hal. “na ayon sa Daluyan Journal, Vol Vi, 2009”)
f. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho
at pagkakaiba ng mga ideya, opinyon, paniniwala, reaksiyon, at iba
pa
g. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas maikli, mas mabuti
ngunit may laman, lalim, at lawak
h. Maging matapat sa teksto , kinapanayam, o pinagkunan ng
impormasyon.
3. Kongklusyon Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang
koneksiyon ng iba-ibang pinagsamang ideya. Maaring magbigay-komento
dito o kaya'y magmungkahi.
Isinasagawa ang sintesis para sa mga sumusunod:
1. Introduksyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o journal.
2. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, komprensiya o panel discussion.
3. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o ideya ukol sa isang
paksang may maraming may-akda na sinagguni para sa sinusulat na tesis o
disertasyon
4. Report ng isang dokumentaryo ukol sa isang paksa na may iba't ibang tao
kinapanayam
5. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular na
paksa.
Abstrack
 Isa itong maikling buod ng pananaliksik,
artikulo, tesis, disertasyon, rebyu,
proceedings, at papel- pananaliksik na
naisumite sa komprehensiya at iba pang
gawain na may kaugnay sa dispilana upang
mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
HALIMBAWA NG ABSTRAK
(PDA- Public Display of Affection)
Ang pananaliksik-papel na ito ay naglalayon na maipakita ang
impresyon ng mga estudyante ng unang taon ng College of
Nursing ng UST sa mga taong nagpi-PDA sa loob ng paaralan. Ito
ay sa dahilang nais ng grupo na maipahatid sa mga mambabasa
kung ano ang tumatakbo sa isipan ng ibang tao sa PDA. Sa
ganitong paraan ay mabigyan ng karampatang aksyon ang mga
problema sa PDA. Upang makalap ang mga kinakailangang
impormasyon, ang grupo ay nagsagawa ng sarbey sa mga
estudyante sa unang taon ng UST College of Nursing. Mula dito,
nahinuha ng grupo na hindi maganda ang tingin ng mga nasabing
respondente sa mga taong nagpi-PDA. Ngunit, karamihan sa
kanila ay walang reaksyon sa pagbibigay ng parusa sa mga ito.
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like