You are on page 1of 15

KAHULUGAN, KALIKASAN

AT KATANGIAN BILANG
AKADEMIKONG SULATIN
SA SINING AT DISENYO
Paglinang- proseso ng pagpapayaman,
pagpapaabong, at pagpapaunlad sa sining at
disenyo

DISENY
O

SININ
G
KAHULUGAN NG AKADEMIKONG
SULATIN SA SINING AT DISENYO
 Ito’y nakabatay sa kurso ng mga Sining at Disenyo tulad ng:

a. Pinong Sining at Arkitektura f. Landscaping


b. Adbertisment (Print) g. Flower Arrangement

c. Interior Design h. Culinary Arts

d. Industrial Arts i. Multimedia Arts

e. Pagpipinta j. Musika at Sayaw

Ibalik sa Sining at
Disenyo
KALIKASAN NG AKADEMIKONG
SULATIN SA SINING AT DISENYO

Likas o taglay ng akademikong sulatin kaugnay


sa sining at disenyo ang maglaman ng iba’t ibang
kaalaman. Epektibo ang pagpapahayag kung
kaugnay nito ang kasiningan at kabisaan gamit
ang diskurso ng pagsulat.
Mga ilang gabay bilang
hulwaran kung paano ang
angkop na paraan ng
akademikong sulatin sa mga
kurso ng sining at disenyo
PORMAL O HINDI PORMAL NA
PAGSULAT?
Dahil ang uri ng sulatin sa sining at
disenyo ay madalas matagpuan sa mga
sanggunian at batayang aklat, teknikal na
babasahin, dyornal ,pahayagan atbp.,
ginagamit ang kapormalan ng anyo ng
pagsulat nito
PAKSA: PAHAYAG NA TESIS AT
PAKSANG PANGUNGUSAP
Ito ay esensiyal sa akademikong sulatin
sa sining at disenyo. Tinutukoy nito ang
mga terminolohiyang gagamitin kung ano
ang maaring gawin, sabihin, o layunin ng
sulatin. Samakatwid, ito ang dadaloy at
iikutan ng nilalaman ng iyong tesis.
INTRODUKSIYON HANGGANG
KONKLUSYON: UMPISA AT WAKAS
NG SULATIN
Sa panimula tampok dito ang paksa,
layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sa
katawan o nilalaman ay tampok ang
masinop na pagtatalakay o paghimay-
himay na paksa
Sa panghuling bahagi ay
makikita ang buod o lagom,
konklusyon at
rekomendasyon.
 Ang impormasyong ilalahad sa akademikong sulatin sa
sining st disenyo ay kinakailangnag mayroong kaisahan,
ugnayan, at diin. Hindi mabibigyang halaga ang
impormasyong nais ilarawan, ilahad, isalaysay o bigyan ng
katuwiran kung hindi ito naipahayag sa mabisa at masining
na paraan.

KAISAHAN, UGNAYAN, AT DIIN


NG IMPORMASYON
KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN SA SINING
AT DISENYO

A.Pili at pino
Pinipili ng isang manunulat ang mga paksang may kaugnayan sa
sining at disenyo na kapupulutan ng kaalaman, kasanayan, at
kapangyarihan. Upang maging pino naman ang isang akademikong
sulatin, nasa kakayahan ito ng manunulat na ayusin at pagandahin
ang akademikong sulatin tulad ng anumang sining o disenyo.
Nakapaloob ditto ang ugnayan ng nilalalaman, paraan, at wika. Ang
maayos na pagsasangkapan ng mga ito ang daan sa komprehensibo
at epektibong pagsulat ng akademikong sulatin kaugnay sa sining at
disenyo.
B. May pakinabang at gamit
Walang saysay ang isinulat na akademikong sulatin sa
sining at disenyo kung walang magbabasa nito. Upang ito ay
mapansin at bigyan ng oras ng mga mambabasa, marapat na
ito ay may maigting na kaugnayan sa makukuhang pakinabang
ng mga mambabasa.
MGA KATANUNGAN:

1. BAKIT MAHALAGANG ALAMIN ANG KAHULUGAN,


KALIKASAN, AT KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN
KAUGNAY NG SINING AT DISENYO?

2. ANO ANG KAUGNAYAN NG KAALAMAN SA MITHIIN NG


AKADEMIKONG SULATIN SA SINING AT DISENYO NA
MANGHIKAYAT, MAGPAMULAT, AT MAGPALAYA?

3. PAANO MAGIGING ANGKOP ANG PAGPILI NG PAKSA,


PAGBUO NG PANIMULA, NILALAMAN, AT WAKAS SA
AKADEMIKONG SULATIN SA SINING AT DISENYO?
MGA KATANUNGAN:

4. PAANO MAGIGING MAIGTING ANG UGNAYAN NG


NILALAMAN, PARAAN, AT WIKA SA AKADEMIKONG
SULATIN SA LARANGAN NG SINING AT DISENYO?

5. PAANO MAGIGING ISANG MANUNULAT NG


MAHAHALAGANG KAALAMAN AT IMPORMASYON SA
KURSO SA SINING AT DISENYO?

You might also like