You are on page 1of 4

FILIPINO 10

UNANG MARKAHAN

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Pagpapaliwanag sa alegoryang ginamit sa akda

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Mahilig ka bang magbasa o manood ng mga kwentong Bibliya? Sa pagbabasa ng
Bibliya, madali niyo bang naintindihan ang mga malalalim na salitang ginamit dito? Ito ay
tinatawag na alegorya o simboliko.

Ang alegorya ay isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay
nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan.

Ang salitang alegorya ay galing sa salitang Latin na “allegoria” na ibig sabihin ay


“veiled language or figurative”. Ito ay isang uri panitikang may talinghaga o metapora na
gumagamit ng mga karakter, lugar o pangyayari na representasyon ng mga isyu sa mundo.

Ang alegorya ay nababasa sa dalawang paraan: literal at simboliko o masagisag. Ang


layunin nito ay upang magturo ng mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o
kasamaan.

Halimbawa:
ligaw na tupa - napahamak o napariwarang tao
Golgota - kadalasang sumasagisag sa paghihirap o kamatayan Bundok
- pakikipagtagpo sa Diyos (sampung utos)
Krus - pasyon at pagkamatay ni Jesus
Prutas - tukso o panlilinlang ( Kay Eba)

Ang mga sumusunod na gawain ay idinesenyo upang mas mapalalim ang pag- unawa
sa mga salitang alegorya o simboliko.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda (F10PT-Ie-f-6

PANUTO
Basahin ang tulang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” na nasulat noong panahon ng
bagong kaharian ng sinaunang Egypt. Pagkatapos, sagutin ang mga kasunod na gawain.
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak

Ako’y hawak ng iyong pag-


ibig, hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,


subalit kay ina’y anong masasabi?

Sa araw-araw ako’y umuuwi,


karga ang aking mga huli

Di ko inilagay ang bitag


sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag.

Gawain 1
Piliin sa kahon ang dalawang salitang magkasingkasingkahulugan. Pagkatapos,
gamitin ito sa sariling pangungusap.

Nakulong Naloko Mailap Mabagal

Silo Pain Takas Nabihag


Mahirap hulihin Bilanggo Preso Makupad na pag-usad

Gawain 2
Ilarawan ang damdaming ipinahahayag ng mga sumusunod na taludtod ng tula.
Tukuyin kung ito ay paghanga, pagkagulat, pagkatuwa, pag-asa at pagkainis o pagkagalit,
pagtangis, pagkalungkot at pagtataka.

Taludtod ng tula Damdamin


1. Nahulog sa pain, umiyak
2. Hindi ako makaalpas
1. Lambat ko ay aking itatabi subalit kay ina’y
anong masasabi?
2. Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag
Gawain 3
Suriin ang ilang simbolismong ginamit sa akda sa pamamagitan ng pagsusuri sa literal
at simbolikong kahulugan ng mga ito.

LITERAL NA SIMBOLIKONG
SIMBOLISMO
KAHULUGAN KAHULUGAN
Ligaw na gansa
Bihag
Pain

Gawain 4
Bumuo ng isang tula tungkol kalagayan ng ating buhay ngayon – ang tinatawag na
“new normal” dulot ng CoViD-19. Isaalang-alang ang paggamit ng alegorya. Bubuin ito ng 4
na saknong may tig-aapat na taludtod, maaring may sukat o tugma, o malayang
taludturan.Tatayain ito batay sa mga sumusunod na pamantayan:
Nilalaman -10
Wastong gamit ng salita at alegorya -10
Hikayat -10
Elemento ng tula -10

Pamagat
PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Sa mga isinagawang gawain, higit mong naunawaan ang gamit at
kahalagahan ng mga alegorya sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.
Nagagamit mo ito sa pagbuo ng pahayag lalo na sa pagkatha ng tula at higit sa
lahat, nalinang ang iyong pagkamalikhain sa pagpapaliwanag at
pagpapakahulugan.

You might also like