You are on page 1of 33

Panuto:

Tukuyin ang kilos o galaw na makikita sa bawat larawan at kung


anong pamantayang moral o kabutihang-loob ang ipinahihiwatig nito.

2
1.Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipakikita ang pagkakaroon ng
kabutihang loob sa labas o sa loob
ng paaralan?
2.Mahalaga ba ang pagkakaroon ng
kabutihan sa isang pamilya?

Layunin:
Nasusuri ang tiyak na bahagi ng
napakinggang parabula na naglalahad
ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal.
ANG TUSONG
KATIWALA
(Lukas 16: 1-15)
Philippine Bible Society

5
https://www.youtube.com/watch?v=Z-mzQmahLsw
1.Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, ano ang
iyong gagawin kung mababalitaan mong
nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay
ng iyong katiwala.
2.Sa iyong palagay, ano ang pangunahing
mensahe ng parabula.
3.Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa
parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan?
PARABULA
ANO NGA BA ANG PARABULA?
Ang salitang parabula ay hango sa wikang Griyego na parabole.
Gumagamit ng tayutay na pagwawangis at pagtutulad upang bigyang-
din ang kahulugan at kaisipang nais ipabatid sa mambabasa o
tagapakinig.
Ito rin naglalaman ng mga salitang guhit na gumagamit ng imahe o
kuwento upang mailarawan ang katotohanan at ang mga aral sa
buhay. Itinuturing na kathang-isip lamang ngunit may mahalagang
mensahe na kapupulutan pang-araw-araw na buhay. Nagtataglay ito
ng mga talinhaga at karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa
Banal na Kasulatan.
Subukin niyo!
Panuto: Ang gawaing ito ay isang pangkatan at paramihan ng mga
puntos, may tatlong kategorya ito mula sa Madali, Katamtaman, at
Mahirap. Sa madaling bahagi bawat aytem ay may katumbas na
dalawang (2) puntos. Sa Katamtaman na kategorya, ito ay may
katumbas na tatlong (3) puntos at ang Mahirap na kategorya ay may
limang (5) puntos bawat aytem.
HANDA NA BA?
MADALING KATEGORYA
DALAWANG PUNTOS BAWAT AYTEM
1.Saan sa Bibliya makikita ang kwento ng ang Tusong Katiwala?
a.Lukas 16:1-5
b.Lukas 18:1-5
c.Lukas 19:1-5
d.Lukas 20:1-5

SAGOT: A
2.Sino ang nagkwento ng Ang Tusong Katiwala?
a.David
b.Hesus
c.Moises
d.Pedro

SAGOT: B
3. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ­________ ng mundong ito
sa paggawa ng kabutihan.” Ano ang tamang salitang bubuo sa diwa
ng pangungusap na ito?
a.Buhay
b.Katawan
c.Kayamanan
d.Utak

SAGOT: C
KATAMTAMANG
KATEGORYA
TATLONG PUNTOS BAWAT AYTEM
4. Ano ang titulo ng parabulang napakinggan o nabasa?
a.Super book
b.Mensahe ng Butil ng Kape
c.Ang Tusong Katiwala
d.Abot kamay na Pangarap

SAGOT: C
5. Bukod sa tonong mapagmungkahi, ano pa ang mga sumusunod na
sangkap ng isang parabula.
a.kasawian
b.katatakutan
c.katatawanan
d.misteryo

SAGOT: D
6. Sa parabulang Ang Tusong Katiwala, paano natuklasan ng amo na
niloloko siya ng kanyang katiwala?
a.napanaginipan
b.may nagpadala ng liham
c.may nagsumbong sa amo
d.sinabi ng kanyang asawa

SAGOT: C
MAHIRAP NA
KATEGORYA
LIMANG PUNTOS BAWAT AYTEM
7. Sa tampok na parabula, ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng
amo?
a.ibinigay
b.inilustay
c.pinundar
d.itinago

SAGOT: B
8. Sa parabulang Ang Tusong Katiwala, magkano ang utang ng Una sa
kanya?
a.isandaang kabang bigas
b.isandaang kabang trigo
c.isandaang tapayang alak
d.isandaang tapayang langis

SAGOT: D
9. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
pamagkakatiwalaan din sa malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig
ng pangungusap?
a.ibigay ang para sayo
b.huwag maging sakim sa kapwa
c.maging masunirin sa lahat ng oras
d.maging matapat ka sa lahat ng bagay

SAGOT: D
10. Anong uri ng panitikan ang matatagpuan sa Banal na Kasulatan
at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral?
a.Epiko
b.Pabula
c.Parabula
d.sanaysay

SAGOT: C
Talas ng isip!
Panuto: Sa parehong pangkat, suriin ng maigi ang
binasa o napanood na parabula. Bawat pangkat ay
bubunot at magtala ng mga pangyayari sa parabula
kung ito man ay KATOTOHANAN, KABUTIHAN at
KAGANDAHANG-ASAL. Ipaliwanag ito sa klase.
Ugnayang Pangyayari (5 minutes)
Panuto: Isulat mo sa tsart ang pangyayari sa parabula na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan o kagandahang-asal na maaaring maiugnay sa iyong
sariling karanasan o sa tunay na buhay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sarili mong Buhay


Kaya mo bang magtiwala
sa ibang tao?
Suriin ang akda gamit ang iyong
kasanayan sa pagbabasa.

“TALINHAGA
TUNGKOL
SA TATLONG
ALIPIN”

(Mateo 25:14-30)

30
Panuto: Batay sa nabasang parabula, magtala ng mga
kaganapang nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal ng isang tao. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-ASAL

1.
2.
3.
4.
5.
Panuto: Tukuyin ang mga pamantayang moral na
makikita sa parabulang “Ang Tusong Katiwala” kung
ito ay KATOTOHANAN, KABUTIHAN at
KAGANDAHANG-ASAL.
1. Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong malimos.
2. Nang narinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi.
3. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito,
‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali!
Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala.
4. At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung
maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
5. At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung
maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.

You might also like