You are on page 1of 4

Saint John School

San Ildefonso, Bulacan


UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
School Year 2019-2020

Pangalan: Seksyon: Date:


Guro: Ms. Michaella P. Peralta Lagda ng Magulang: Score:

TEST I. MULTIPLE CHOICE (1 point each)


Basahin ng mabuti ang pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan at
damdamin ng bawat kultura ng mga tao o ng isang tribo.
a. Salawikain c. Matalinhagang Pahayag
b. Karunungang Bayan d. Sawikain
2. Ito ay isang uri ng Karunungang Bayan na hango sa mga matatalinhagang salita ng mga matatanda. Ito
ay naglalayon na mangaral o magbigay pangaral sa mga kabataan tungo sa mabuting pag-uugali.
a. Sawikain c. Salawikain
b. Kasabihan d. Bugtong
3. Isang uri ng Karunungang Bayan na pinahuhulaan. Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli
at may sukat at tugama.
a. Sawikain c. Bugtong
b. Kasabihan d. Salawikain
4. Bolang kristal tinusok ng espada. Anong uri ng Karunungang Bayan ito?
a. Sawikain
b. Salawikain
c. Kasabihan
d. Bugtong
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Anong uri ng Karunungang Bayan ito?
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Bugtong
6. Ito ay nagpapahayag ng mga paniniwala kaugnay ng nangyari sa buhay mula sa isang pangkat ng mga
tao.
a. Sawikain d. Kasabihan
b. Bugtong
c. Salawikain
7. Isang uri ng Karunungang Bayan na pumupukaw at humahasa sa kaisipan ng tao. Ito ay isang
matalinhagang salita na naglalarawan sa isang tao.
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Bugtong
8. Balat sibuyas ang bata na iyon. Anong uri ng Karunungang Bayan ito?
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Bugtong
9. May pakpak ang balita, may tenga ang lupa. Anong uri ng Karunungang Bayan ito?
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Bugtong

10. Masamang mag-uwi ng pagkain galing sa patay dahil susundan ka daw ng kaluluwa ng namatay. Anong
uri ng Karunungang Bayan ito?
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Bugtong

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


1
TEST I. IDENTIFICATION (1 point each)
Basahin ng mabuti ang pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

____________________1. Ito ay isang uri ng tayutay na direktang naghahambing. Mayroon ito mga
pariralang tulad ng; gaya ng, parang, tila, tulad, animo atbp.
____________________2. Ito ay isang uri ng tayutay na ginagaya ang katangian ng mga walang buhay ng
may buhay.
____________________3. Isang uri ng tayutay na binibigay ng isa ang para sa kabuuan o para sa lahat.
____________________4. Pagtawag sa mga bagay o emosyon na walang na parang kaharap lamang.
____________________5. Pahayag na ginagamit upang bigyan-diin ang isang kaisipan o damdamin.

____________________6. Isang di tuwirang paghahambing at hindi na ginagamitan ng mga pariralang tulad


ng sa simili

____________________1. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.

____________________2. Munting palay, puno ang buong bahay.

____________________3. Dala mo, dala ko, dala ka ng iyong dala.

____________________7. Ginagamitan ng pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga


salita na kung pakikinggan ay tila kapuring-puring pangungusap.

____________________8. Ang mga salitang pinag-uugnay rito ay pinagsasalungatan sa kahulugan.

____________________9. Ito’y ang paraan ng paggamit ng magkakatulad na mga unang titik o pantig sa
dalawa o higit pang mga salitang magkakasunod.

____________________10. Isang uri ng pag-uulit na ang unang salita sa bawat pangungusap ay nauulit.

____________________11. Isang uri ng pag-uulit na ang hulihang salita sa bawat pangungusap ay nauulit.

____________________12. Isang uri ng pag-uulit na ang pahayag ay baligtad na inuulit.

____________________9. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan

____________________10. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

____________________13. Ang tayutay na ito’y bumabanggit sa isang bagay para tukuyin ang kabuuan.

____________________14. Ang pansamantalang pagpapalit ngalan o pagbibigay ng ibang katawagan ng


mga bagay na magkakaugnay.

____________________15. Ito’y nagbibigay ng lagpas-lagpasang kalabisan o kakulangang angkin ng mga


bagay, tao, pangyayari, kalagayan o katayuan.

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


2
TEST II. IDENTIFICATION (1 point each)
Sagutin ang mga sumusunod na bugtong. Isulat ang sagot sa patlang.

____________________4. Di hari, di pari, nagsusuot ng sari-sari.

____________________5. Binaltak ko ang baging, nagkakarang ang matsing.

____________________6. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.

____________________7. Ang manok kong pula, umakyat sa puno ng sampaka, ng umuwi ay gabi na.

____________________8. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.

TEST III. TRUE OR FALSE (2 points each)


Basahin ng mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tama at M kung ito ay
mali. Guhitan ang salita o mga salita na nagpamali sa pahayag.

__________1. Ang pahayag na “Aahin mo ang damo, kung patay na ang kabayo” at “Nasa Diyos ang awa, nasa
Tao ang gawa” ay mga halimbawa ng kasabihan.
__________2. Ang butas ang bulsa ay isang halimbawa ng sawikain.
__________3. Ang kasabihan ay isang paniniwala o sawikain na nagpapahayag ng mga karanasan ng mga
matatanda noong unang panahon.
__________4. Ang bugtong ay naglalarawan ng tao. Ito rin ay ginagamit para mangaral.
__________5. Ang Karunungang Bayan ay ang mga pahayag at mga karanasan ng matatanda noong unang
panahon na nagbibigay payo at aral sa mga kabataan ngayong panahon.

TEST IV. ESSAY


1. Ano ang apat na uri ng Karunungang Bayan? Ipaliwanag ang bawat isa. (10 points)

2. Sa loob ng 3 pangungusap, ipaliwanag ang salawikain na ito. “Kapag maiksi ang kumot, matutong
mamaluktot.” (3 points)

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


3
3. Sa loob ng 3 pangungusap, ipaliwanag ang salawikain na ito. “Ang wastong edukasyon ay
pahalagahan, ito ay susi sa iyong kinabukasan.” (3 points)

4. Sagutin ang bugtong. Puno ay baku-bako, Dahon ay abaniko, Bunga ay parasko, Perdegones ang
mga buto. (2 points)

5. Sagutin ang bugtong. Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang nagsihanap, iisa lamang
ang nagkapalad. (2 points)

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


4

You might also like