You are on page 1of 19

ASBURY COLLEGE, INC.

Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

MALAWAKANG PAGBABASA

Iniulat nina:

MELODY ABUAN
MARK VALENTENE CELESTE
ROSENDA NAPOLITANO

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Natutukoy ang mahahalagang konsepto hinggil sa makrong kasanayan sa pagbasa,


2. Nalilinang ang interes sa pagbabasa sa pamamagitan ng mga ginamit na halimbawa, at
3. Nakakasulat ng reaksyong papel batay sa isang tekstong binasa gamit ang tiyak na format.

Pamukaw-sigla:

Panuto: Tayo’y tumayo at umindak

Pagganyak:

PANUTO: KUMPLETUHIN ANG PANGUNGUSAP

Tumawag ng ilang estudyante na kukumpleto sa mga sumusunod na pahayag batay sa kanilang opinyon at dating
kaalaman.

1. Isa ang Pagbasa sa makrong kasanayan na kung saan ______.


2. Para sa akin ang pagbasa ay ______ dahil ito'y _______.
3. Kapag nagbabasa, dapat na ______ upang _____.

Pagtalakay:

MALAWAKANG PAGBABASA

Panimula

1
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

Nais kong simulan ang pagpapakilala sa aralin gamit ang kuwentong hindi man kailanman nailathala sa
Bibliya ngunit isa lamang produkto ng malikhaing at malikot na imahinasyon ng may-akda. May
pagkakapareho ito sa idea ni John Milton sa kaniyang epikong "Paradise Lost" na nailathala noong 1667. Ang
kaniyang pagdaragdag sa Genesis ng mga kathang-isip na kuwento ay nagpaniwala sa mga mambabasang
bahagi ng Bibliya ang kaniyang akda.

Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng pagtatangka ang may-akda sa parehong estilo ng kaniyang gawa.
Handa ka na ba? Simulan nating basahin ang kuwento sa susunod na pahina.

Ang Bunga ng Kasanayan sa Puno ng Kaalaman

Sa ikaanim na araw unang nilikha ng Diyos ang mga hayop bago ang tao Ito ang nasusulat at nakasaad sa
Genesis 1:25.

Sa proseso ng kaniyang paglikha, hawak Niya ang limang likido bilang misteryosong sangkap o pormulang
nagtataglay ng limang kasanayan. Lumikha Siya ng mga hayop gamit ang mahiwagang lupang Kaniyang
hinuhulma at inaarkitektura. Kakaunting patak lamang ng unang tatlong likido ang kaniyang ibinuhos.

Kung pagmamasdan, mailalarawan Siyang tila isang Dakilang Manlililok na nagagawang buhayin ang mga
obra. Ang samot-saring uri ng hayop na nalilikha ay Kaniyang isinisilid sa ginawang daigdig. Ang mga hayop
ay may kakaunting kakayahang makaramdam, makarinig, makapagmasid, at makapaglikha ng tunog sa
pakikipag-ugnayan nito sa kapaligiran.

Ang natitirang likido naman ay inilaan Niya sa paglikha ng natatanging obrang kawangis ng Kaniyang
imahen. Tatawagin itong "tao" na siyang mamamahala at mangangalaga sa Kaniyang mga nilikha.

Minsan sa kaniyang proseso ng paggawa, aksidente Niyang natapon ang dalawang likido sa lupa. Kakaunti
lamang ang natira ngunit ipinagpatuloy lamang ang Kaniyang paggawa. Ibinuhos niyang buo ang tatlong likido
gayundin ang dalawang may kaunting natitira. Dahil matalino at mapamaraan ang Dakilang Manlililok, naisip
niyang ibaon ang isang punla upang maging pataba ang natapong likido sa lupa. Hanggang sa isang araw ang
punla ay tumubo, naging isang matayog, at napakagandang puno.

Sa panahong iyon ay ganap na Niyang parehong natapos ang kauna- unahang taong hinulma sa
mahiwagang putik na pinangalanang sina Adan at Eba. Nanatili sila sa isang napakagandang paraisong kung
tawagin ay hardin ng Eden.

Sa harding iyon ay naroon din ang isang pinakagandang punong tumubo at nabuhay mula sa natapong
likido ng Dakilang Manlililok. Kaniyang mahigpit na ibiniling maaari nilang kainin ang lahat ng pagkain sa
paraiso maliban sa bunga ng pinakamaganda ngunit ipinagbabawal na puno. Hindi na niya binanggit pa ang
dahilan ngunit iyon ang dalawang likidong nararapat bumuo sa kanilang pagkatao.

2
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

Dahil ang tatlong likido ay naibuhos nang buo ng Dakilang Iskultor, sina Adan at Eba ay nakakahigit sa mga
hayop sapagkat maayos nilang nagagawa ang kakayahang makinig. magsalita, at magmasid nang bahagyang
nag-iisip.

Dahil taglay nila ang kakayahang ito, minsang nakita ni Eba ang isang serpiyente sa ipinagbabawal na
puno. Tinawag siya nito at nagsalita

"Eba hangad mo bang malaman ang katotohanan?" ang tanong ng ahas

Tumugon si Eba, "Ano ang katotohanang kailangan kong malaman?"

"Halika rito at kunin mo itong bunga. Kainin ninyong dalawa ni Adan." ang panghihikayat ng ahas kay Eba.

Sa simula ay tumanggi si Eba dahil naaalala niya ang mahigpit na bilin ng Dakilang Iskultor ngunit sa kalaunan
ay nadaig pa rin siya ng tukso. Kinuha ang bunga ng ipinagbabawal na puno, iniabot kay Adan, at
magkasabay nilang kinain.

Pagkatapos nilang kumain ay biglang lumiwanag ang kamalayan ng

dalawa at tumingin sa isa't isa.

"Eba, bakit may malaking saging na nakasabit sa iyong harapan at ano itong nakikita ko sa 'yong damuhan?
Ang pagtatakang tanong ni Adan habang minamasdan ang kay Ebang pangangatawan.

May pagtataka ring tumugon si Eba. "Adan, ano naman itong nakikita kong nakasabit sa iyong animo'y
talong?"

Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan sa isa't isa bago ganap na mapagtanto na sila ay kapuwa hubad.
Nagsitakbo at nagsitago ang dalawa upang maghanap ng pambalot sa kanilang katawan.

Ang pagkakataong iyon, ang pagsisimulang matuto at ganap na umunawa. Ang makita at mapagtantong
pareho silang hubo't hubad ang kauna-unahang pagbasa ng sangkatauhan. Ito ang pang-apat na kasanayang
kulang na sangkap sa proseso ng paglikha kina Eba at Adan. Gayunpaman, ang kanilang pagtamo ng
kaalaman at kasanayan ay katumbas ng kasalanan sapagkat nilabag nila ang mahigpit na bilin ng Dakilang
Manlililok.

Bilang kaparusahan, pinalayas sila sa hardin ng Eden. Nanirahan sa daigdig malayo sa Diyos. Sila ay
naging mga mortal. Ito ang dahilan kung bakit natutuhan nilang magsulat upang maipamana ang kaalaman sa
mga anak na lilikha ng sangkatauhan.

Pinagkaitan man sila ng paraiso ng dulot ng nagawang kasalanan, ngunit katumbas lamang ito ng
pagkakaloob ng kalayaan. Sa kasalukuyan, taglay na ng sangkatauhan ang limang likido ng kasanayan at
3
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

alam ng Diyos na kaya nilang tumayo sa sariling mga paa. Ang kasanayang magbasa ay bunga ng sumpa
ngunit sa sangkatauhan ito rin ang magpapalaya. Kalayaan itong tuklasin ang tama at ang mali nang marating
muli ang paraisong minimithi.

Sa sandaling ito, ginamit mo na ang bunga ng kasanayang hatid ng puno ng kaalaman. Natutuwa akong
naabot ang layunin kong magbasa ka ng aking inihandang kuwento. Marahil nagtataka ka kung totoo o hindi
ang mga bagong rebelasyon sa iyong nabasa? Simple lamang ang sagot kaibigan. Kailangang gamitin mo ang
iyong kasanayan sa pagbasang namana mo pa kina Eba at Adan. Ang kasanayang ito lamang ang paraan
upang malaman o matuklasan mo ang tama sa mali o ang katotohanan sa kasinungalingan.

Sa araling ito nais kong iabot sa 'yo ang mga bagong pitas na prutas mula sa puno ng kaalaman. Dahil kinain
na rin naman ito noon nina Eba at Adan at matagal mo na ring alam na hubad ka kasama ang sangkatauhan,
kainin mo na ito nang matuklasan pa ang mga bagong kaalaman hinggil sa iyong kasanayan sa pagbasa.

Ano pang hinihintay mo? Sabay nating kagatin, ay este basahin!

10 Kasabihan Kaugnay sa Makrong Kasanayan sa Pagbasa

Ang pagbabasa ang kasanayang bahagi ng ating pangangailangan ngunit madalas nakakaligtaan o
nakakalimutan ng karamihan. Bigyan ka ba naman ng pagpipilian, libro o selpon? Tiyak alam ko na ang
isasagot mo lalo na kung ang selpon ay bagong modelo ng iPhone na dahilan kung bakit ang iba nag-iipon.

"All in one ang selpon." wika nga nila. Makakapag-add to cart ka sa Lazada, makakapagpost sa Insta,
makakapag-vlog ng buhay-plantita, at makakapag-video call sa barkada. Bonus na lamang kung gagamitin mo
ito sa pagbabasa. Ang lahat talagang magagawa mo na.

Sa kabila nito, iilan lamang marahil ang talagang ginagamit ang teknolohiya para magbasa. Wika nga ng
isang kanta, "O tukso layuan mo ako... Isang hamon sa bawat isa ang makawala sa bilangguan ng gadget
upang ang oras ay magawang mabadyet. Isang halimbawa ng bilanggo sa teknolohiya itong si Marites. Sa
Tiktok bigay-todo siya kung kumembot, kaya milyong views kaniyang nahahakot samantalang tambak na ang
trabaho sa kusina at gabundok pa ang labada.

Balikan natin ang usapin ng pagbabasa. Sa katunayan, karaniwang obserbasyon na sa ating bagong
henerasyong maraming tin-edyer ang nagbabasa dahil may kailangang ipasa. lilan na lamang ang nagbabasa
dahil ito ay pangangailangan at hindi sapilitan o puwersahan. Magtataka ka pa ba kung bakit mababa ang
antas ng pag-unawa ng kabataang Filipino pagdating sa kasanayang ito.

Kung muling babalikan ang naging ulat ng Philippine Daily Inquirer noong 2019, ang Filipinas ay nasa
pinakahuling ranggo ng 79 bansa pagdating sa maunawang pagbasa. Ito ang resulta ng ginawang survey ng
2018 Programme for International Student Assessment (PISA). Ang resultang ito ay manipestasyon ng
kahirapan ng ating bayan hindi lamang sa ekonomikong kalagayan gayundin sa kapasidad ng ating isipan. Sa

4
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

mga mababanggit na kasabihan hinggil sa makrong kasanayan sa pagbasa, mapukaw sana ang iyong interes
at masagot sa tanong na, "Bakit kailangan mong magbasa?"

Una, "Kung ang pagbabasa ay iyong matututuhan, magiging malaya ka magpakailanman, mula sa pananaw
ni Frederick Douglass. Ang kamangmangan ay maituturing na namamanang sumpa sa sangkatuhan ngunit
bawat isa sa atin ay binigyan ng kalayaang gamitin ang isip upang tayo mismo ang pumutol sa tanikala nitong
sumpa Nakakalaya ang tao sa mga maling impormasyon kapag siya ay palabasa.

Ikalawa, "Magsulat nang maunawaan; magsalita nang mapakinggan, at magbasa nang matamo ang
kaganapan," ayon naman kay Lawrence Clark Powell. Ang kaganapang nabanggit ay tumutukoy sa pag-abot
sa rurok ng kapasidad ng isip ng tao. Ang pagbabasa ang tanging paraan upang maaabot ang tinatawag na
intellectual maturity na hindi lamang maaaring matamo mula sa sariling karanasan kundi maaaring magmula
sa karanasan ng iba sa pamamagitan ng pagbabasa. Hindi ka magiging ganap na LPT kung hindi ka
magbabasa.

Ikatlo, "Gaano man karami ang iyong mababasa, ganoon din karami ang iyong malalaman, Gaano man
karami ang iyong malalaman, ganoon din ang lugar na iyong mapupuntahan." Ito ang paniniwala ni Dr.
Theodor Seuss Geisel. Nagpapatotoo itong sa pagbabasa ay nagkakaroong oportunidad tayo upang
makapaglakbay. Bukod sa nalikot natin ang daigdig, naaabot din natin ang kalawakan. Malaya tayong
nakapaglalakabay sa mundo ng pantasya at realidad. Isa itong biyaheng tanging ang kaalaman ang gasolina
upang malayo ang marating nang libre at walang gaanong gastos. Pasaporte ang pagbabasa para magalugad
ang mga lugar na nais nating maabot.

Ikaapat, "Isipin bago sabihin, basahin bago isipin," ayon din kay Fran Lebowitz. Ang pahayag na ito ni
Lebowitz ay isa lamang gabay sa paggawa ng tamang desisyon sa buhay. Maihahalintulad ito sa pagsagot sa
pagsusulit na Tama o Mali. Ang taong nagbabasa o nag-aaral ay masasagot ito nang tiyak, kampante, at
wasto. Sa anumang pagpapasiya sa buhay, ang pagsisisi ay laging nasa huli ngunit ang paghahanda ay laging
nasa simula. Sa pagbasa halimbawa ng love letter, mas nakakakilig at masarap itong namnamin kung
babasahin muna saka na lamang uulit-uliting isipin.

Ikalima, Taglay ng mambabasa ang sanlibong buhay bago mamatay.... Ang taong hindi kailanman nagbasa
isang beses lamang mabubuhay, "mula naman kay George R.R. Martin. Isang misteryo sa utak natin kung
paano magkakaroon ng sanlibong buhay ang tao bago mamatay na sa literal nating pag-unawa, isang beses
lamang tayong mabubuhay. Gayunpaman, nais lamang iparating ng pahayag na ang pagbabasa ng tao ng
napakaraming aklat ay katumbas ng pagkuha ng kaluluwa ng iba't ibang buhay. Kung iisiping literal
kahalintulad ito ng pagsapi ng napakaraming kaluluwa sa isang katawan. Ang kaluluwang ito ang
representasyon ng mga ideolohiya, karanasan, at buhay ng mga awtor na magiging panibagong buhay ng
mambabasa. Sabi nga ni Cordero (2021) sa isang webinar, kailangan nating makipag-usap sa patay. Sa
paano itong paraan? Simple lamang Magbasa. magbasa, at magbasa lagi at sa tuwina.

Ikaanim, "Magbasa ka ng libo-libong aklat, at ang iyong salita dadaloy o bubulwak na tila isang ilog," mula
kay Lisa See. Sa ibang halimbawa, ang pagbabasa ay katumbas ng pag-lipon ng tubig, may mga taong isang
5
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

baso lamang ang naipon, ang ilan naman ay isang balde, at may ilan na isang ilog na ang naimbak. Sa
panahon ng pangangailangan, ang isang baso at balde ay tiyak na mauubos samantalang ang ilog ay
mananatiling tuloy-tuloy ang pagdaloy. Isipin na lamang natin na ang pagdaloy na iyon ay ang ating
pangangailangan sa pagsasalita. Kung sa RRL, ang daming hirap na hirap sa ikawalang bahaging ito ng
pananaliksik dahil isa lamang ang matinding dahilan, tuyot na tuyot ang kanilang utak sa pagpapabaha ng
nabasang aklat.

Ikapito, "Ang pagbabasa ng mahuhusay na aklat ay tila pakikipag-usap sa maniningning na kaisipan ng


nakaraan," mula rin kay Rene Descartes May kasabihan tayo sa Ingles na "You are what you eat."
Nangangahulugan itong kung kumakain ka ng masustansiyang pagkain, magiging malusog ang iyong
pangangatawan. Gayundin sa pagbabasa, ang pagpili ng mahuhusay na akda sa nakaraan ay magdudulot ng
malusog at maniningning na kaisipan. Tanungin mo ang mga pinakadakilang manunulat ng kanilang dakilang
lihim, ang isasagot ay ang balon o lalim ng daming nabasa at/o binasang angkin.

Ikawalo, "Ang pagbabasa ay para sa isipan, ang pag-eehersisyo ay para sa katawan," mula sa idea ni
Joseph Addison. Isa ring pagsuporta ang kasabihang ito sa nabanggit na pagpapaliwanag sa ikapitong
pahayag. Bahagi ng pangangailangan ng tao pagkakaroon ng malusog na pangangatawan gayundin ang
isipan. Kung ang mahinang pangangatawan ay dinadapuan ng sakit, higit na nakakatakot ang mahinang pag-
iisip dahil ito ang nakakahawang sakit na nagiging kanser ng ating lipunan. Sa mga Miss o anumang pageant,
walang saysay ang ganda kung bokya sa Q and A. Sayang. Thank you but goodbye.

Ikasiyam, "Ang nagbabasang mambubukid na maralita, isang prinsipeng nakatakda" mula kay Walter
Mosley. Sa ating lipunan, maraming kuwento at karanasan ng mga taong mula sa pagiging basahan ay
natamo ang karangyaan at karurukan ng mailap na tagumpay. Ito ang kapalarang hindi maaaring iasa na
lamang sa suwerte, kung sa buhay ay walang deskarte. Gaano ito katotoo? Maaaring tingnan nating tiyak na
halimbawa ang mga taong nakaahon sa kahirapan bunga ng dedikasyon sa pagbabasa, pag- aaral, at
pagtitiyaga. Marami nang palabas at dokumentaryong magpapatunay na mga salaysay mulang putik na
nakarating sa taluktok ng langit dahil nag-aral, naniwala sa kabuluhan ng edukasyon, at nagbasa bilang isang
mahalagang ritwal sa pagtatamasa ng tagumpay sa buhay.

Ika-10. "Walang libangang kasingmura ng pagbabasa o kasiyahang pangmatagalan ang dala" ayon ito kay
Mary Wortley Montagu. Sinasabing likas na tao ang maghanap ng materyal na bagay bilang pamantayan ng
kaligayahan. Minsan nga ang iba malungkot kapag binibigyan ng barya samantalang abot-langit ang tuwa
kung papel ang labot sa kaniya. NGunit ang taong nakakatagpo ng kasiyahan sa pagbabasa, walang
katumbas na pera ang sayang dulot sa kaniya. Kung sa materyal na bagay nagsasawa ka na, sa pagbabasa
tiyak na makukulangan ka pa. Tingnan bilang kongkretong mga halimbawa ang may mga digring PhD.
Napapakinabangan nila ito bilang mga tagapanayam kung saan-saan. Sa dami ng kanilang nabasa,
pangmatagalan ang dalang ginhawa. Napagkakakitaan nila ang lawak, dami, at lalim ng kanilang pinag-
aralang nakuha sa pagbabasa.

6
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

Ngayong nabatid mo na ang 10 kasabihan hinggil sa pagbasa, marahil sa sarili mo nasagot mo na, kung
bakit kailangan mong magbasa, magbasa, at magbasa. Malaking hamon sa iyo kung ngayon mo pa lamang
sisimulan ngunit ang mahalaga ay humakbang ka at alam mo ang iyong papatunguhan. Huwag kang mag-
alala sapagkat kung natapos mong basahin ang mga inilatag kong idea, nakapagsimula ka na at
ipagpapatuloy mo pa. Ang paglalakbay nang milya-milya ay nagsisimula sa isang hakbang ng ating mga paa.

10 Iba't Ibang Pagpapakahulugan sa Makrong Kasanayan sa Pagbasa

Ngayong natapos na nating isa-isahin ang mga kasabihan hinggil sa pagbasa batay sa iba't ibang
perspektibo ng mga kilalang tao, sa bahaging ito ay nais kong ibahagi sa iyo ang tiyak na pagpapakahulugan
sa makrong kasanayang ito.

Lahat ng mababanggit na idea ay kolektibo ng mga impormasyong dumaan sa pagbubuod, pagsasalin, at


pagrerebisa sa sariling pananalita ng may-akda mula sa mga nabasang aklat at impormasyon galing sa mga
website.

Ang makrong kasanayan sa pagbasa ay mailalarawan batay sa sumusunod na pagpapakahulugan:

1. Ang pagbasa ay isang makrong kasanayan.

- Bukod sa pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsusulat, ang pagbasa ay integral na bahagi ng


limang makrong kasanayan sapagkat sa pagbabasa ay nakakapagtamo tayo ng kaalaman.
Makakatulong din ito upang higit na mapalawak at mapaunlad ang apat pang kasanayan. Natututo tayo
sa pagbabasa. Pagbasa ang isa sa mga sekreto ng pinakamatatalinong tao. Ito rin ang lantad na lihim
ng pinakamahuhusay na manunulat.

2. Ang pagbasa ay isang aktibong proseso.

- Ang bawat bahagi ng katawan ng tao ay may partikular na kilos o tungkuling ginagampanan. Gayundin
ang isip ng tao, maituturing na aktibo ngunit abstrakto sa paraang ang kilos o proseso ay nagaganap
sa isipan nang hindi literal na nakikita at sarili lamang mismo ang nakakabatid. Tandaang ang tunay na
kilos ay nasa loob. Ito ay nagaganap mismo sa akto ng pagbabasa.

3. Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan.

- Ang ating pagkatao ay nahahati sa iba't ibang aspektong may kaniya- kaniyang pangangailangan.
Kabilang dito ang pisikal, emosyonal, sosyal. espiritwal, at mental. Ang makrong kasanayan sa
pagbasa ay bahagi ng aspektong maikakategorya sa ating mental na aktibidad.

4. Ang pagbasa ay pagkuha ng kaisipan sa mga simbolong nakalimbag.

7
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

- Ang pagbasa ay isang paraan upang himayin ang mga idea at kahulugang nakatago sa mga tekstong
nakalimbag. Karaniwang nagaganap ang pagkuha ng kaisipan pamamagitan ng pagtukoy sa ugnayan
ng bawat simbolo sa isa't isa gamit ang pag-unawa sa usaping pamponolohiya, pangmorpohiya,
pansintaksis, at pampragmatiks. Mahalaga ang simbolong nakasulat upang ang isang tao ay may
mabasa. Lalong mahalaga ang simbolong ito sa teoryang Baba-taas

5. Ang pagbasa ay pagsusuri, pagtataya, at paglilikha ng kahulugan sa mensahe ng awtor.

- Ang pagsusuri, pagtataya, at paglilikha ay nabibilang sa pinakamataas na antas ng taksonomiya ni


Bloom. Ang idea ng awtor ay dumaraan sa pagsisiyasat ng mga impormasyon batay sa katiyakan o
kawastuan, paghahatol ng mambabasa kung karapat-dapat tanggapin o hindi, at maaaring magkaroon
ng modipikasyon sa paglikha ng sariling interpretasyon. Mga taong may kakayahang matekognitibo at
pag-iisip na kritikal ang nakakagawa ng mga ito.

6. Ang pagbasa ay kapatid ng pag-unawa.

- Ang pag-unawa ang tuntungang bato sa higit na mataas na antas ng pagbabasa. Kung walang pag-
unawa ay hindi ito matatawag na kasanayan kundi kasalatan. Salat na sa kaalaman at salat pa sa
mapanuri o kritikal na pag-iisip kapag walang pag-unawang nagaganap sa akto ng gawaing ito.
Tandaang ang puso sa proseso ng pagbasa ay pag-unawa at ito rin ang ikalawang hakbang nito ayon
kay William S. Gray.

7. Ang pagbasa ay pakikipag-ugnayan ng sariling idea sa teksto.

- Ang pagbasa ay hindi lamang pawang pagtanggap ng idea mula sa teksto. Ang mambabasa ay
kailangang may ambag din sa teksto. Higit ang pag-unawa kung magkakaroon ng pagsasanib ng
dating kaaalaman sa panibagong impormasyong nababasa. Naitatama ang miskonsepsiyon at
nabibihisan ang lumang kaalaman. Mahalagang idiing ang pagbasa ay isang prosesong inter-aktibo.
Dapat na nagsasalikop at nag-uugnay ang isip ng awtor at mambabasa sa isa't isa.

8. Ang pagbasa ay paghahanap ng kasagutan.

- Ang bawat yugto ng buhay ng tao ay katumbas ng kasagutan sa mga tanong sa kaniyang isipan. Ang
taong walang tanong, katawan lamang ang lumalaki, at nababansot ang isip. Hindi mararating ang
kaganapan ng pagkatao kung hindi nasasagot ang katanungang maaaring matamo lamang sa
pagbabasa. Madalas na ang mga tanong ay matatagpuan sa mundo ng pagbabasa dahil marami nang
naunang danas kaugnay sa lahat ng mahalagang bagay sa buhay ng tao.

9. Ang pagbasa ay pagsukat sa mental na kakayahan.

- Ang pagtukoy sa kapasidad ng taong umunawa ng binasa, gumamit ng salita, sumuri ng sitwasyon, at
lumikha ng sariling pagpapakahulugan ay ilan lamang sa pamantayang maaaring gamitin sa pagsukat
8
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

ng antas ng kognitibong kakayahan ng tao. Hindi man makitang literal ang proseso ng pagbasa ngunit
ito ay nasusukat. Nagaganap ito lalo na sa larang ng akademya.

10. Ang pagbasa ay ang kabuluhan ng aklat at tekstong nakalimbag.

- Ang kabuluhan o katumbas sa Ingles ng salitang "essence" ay nangangahulugang kaganapan,


kalikasan, kaluluwa, o kaya elementong bumubuo sa isang partikular na bagay. Ang pagbasa ay ang
kabuluhan ng aklat o tekstong nakalimbag sapagkat ito ay ginawa sa layuning mailapat ang
kasanayang ito. Nawawala ang kabuluhan ng aklat o tekstong nakalimbag kung hindi binabasa. Sabi
nga ni Cordero (2021) sa isang webinar, kailangan nating makipag-usap sa mga patay.

Sa kabuoan, ang makrong kasanayan sa pagbasa ay isang aktibong prosesong pangkaisipang


nagaganap sa pamamagitan ng pag-unawa, pagsusuri, pagtataya, at paglilikha ng kahulugan sa mga tekstong
nakalimbag. Ito ang pinakatiyak na pagpapakahulugan mula sa 10 ideang inilahad.

Tandaang ang pagbasa ay hindi masusukat sa dami ng iyong alam at sauladong kahulugan mula sa iba't
ibang pananaw ng mga may-akda. Ang kabuluhan nito ay dapat isinasagawa nang may pag-unawa.

PAGTALAKAY SA NILALAMAN

Bago mo simulang pag-aralan ang komplikadong proseso ng pagbasa, subukin mong hanapin ang sarili
mo sa sumusunod na uri ng mambabasa. Saan ka nga ba nabibilang?

Mga Uri ng Mambabasa:


1. EDSA

Siya ang mga mambabasang parang trapiko sa EDSA na sa sobrang bagal umusad, halos ilang buwan o taon
bago matapos ang aklat

2. Kidlat

Siya ang tipo ng mambabasang simbilis ng kidlat kung magbasa. Kaya niyang tapusin ang isang nobela sa
loob ng ilang linggo o kaya isang upuan lamang.

3. Kolektor

Siya ang mambabasang hilig mag-ipon ng mga aklat kahit hindi naman binabasa. Sa oras ng pangangailangan
saka lamang ito bubuksan.

4. Wasuy

9
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

Ang mambabasang ito ang walang sawa at paulit-ulit sa pagbasa. Kung ang pagbabasa ay parang chewing
gum na niluwa na ng iba dahil walang lasa samantalang siya ay nasisiyahan pa

5. Anghel

Siya ang uri ng mambabasang nakasentro ang lahat ng binabasa sa pananampalataya. Laging ibinabahagi sa
kapuwa ang magandang balita

6. Robot

Siya ang mambabasang higit ang pagpapahalaga sa mga aklat ng Agham at Matematika. Nilalamon ng libro
ang wika niya kaya sinumang makakarinig ay mapapanganga.

7. Kiko

Hango mula sa unang pangalan ni Balagtas. Siya ang mambabasang labis ang pagpapahalaga sa mga
klasikong akdang pampanitikan. Malikhaing mag-isip tulad ng nababasang niyang akda.

Ngayong alam mo na kung saang uri ka ng mambabasa nabibilang, pag- usapan naman natin ang
mahahalagang konsepto kaugnay sa proseso sa pagbasa.

Batay sa pagpapakahulugang inilahad sa naunang pahina, ang makrong. kasanayan sa pagbasa ay


mailalarawan bilang aktibong proseso. Sa bahaging ito ilalahad ang mahahalagang salik sa prosesong ito na
kinakabilangan ng:

a. mga hakbang sa proseso ng pagbasa,


b. mga modelo sa proseso ng pagbasa, at
c. pamamaraan sa proseso ng pagbasa.

A. Apat na Proseso ng Pagbasa

Kung sa pagluluto ay may tamang proseso ng paggisa sa mga rekado at sangkap gayundin sa pagbabasa.
Kinakailangang dumaan ito sa apat na proseso ng pagbasang kinakabilangan ng sumusunod:

a. Persepsiyon
- Ito ang itinuturing na unang hakbang sa tuwing tayo ay nagbabasa. Sa hakbang na ito nagsisimula ang
pagkilala sa mga simbolong nakalimbag. Maihahalintulad ito sa pagbubuo ng isang imahen gamit ang
puzzle hanggang sa maging kongkreto ito at makilala nang buo. Tinatawag din itong rekognisyon.

b. Komprehensiyon

10
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

- Mula sa pagkikilala sa mga simbolong nakalimbag, nagaganap naman sa hakbang na ito ang pagkuha
ng kahulugan. May dalawang estilo sa pagkuha ng kahulugan ng salita na kung tawagin ay denotasyon
at konotasyon. Tinatawag din itong interpretasyon.
- Ang denotasyon ay kahulugang matatagpuan sa diksiyonaryo samantalang ang konotasyon ay
kahulugang nakabatay sa konteksto o gamit sa pangungusap.

c. Reaksiyon
- Matapos kilalanin ang simbolong nakalimbag at maunawaan ang kahulugan, sa hakbang namang ito
magsisimula ang pagtataya o paghahatol sa kawastuan, katiyakan, at kalinawan ng idea ng may-akda
Ito rin ang akto ng paglalapat o aktuwal na paggamit sa natutuhan mula sa binasa. Tinatawag din itong
aplikasyon.

d. Asimilasyon
- Ang mambabasa ay nagsisimulang buksan ang imbakan ng mga dating kaalaman sa upang maiugnay
sa mga bagong impormasyon. Samaktwid, maihahalintulad ito sa pagtatagpo ng kaalamang mula sa
nakaraan at sa kasalukuyan. Kumbaga, ito angs anib-puwersa ng dati at bagong alam. Tinatawag din
itong integrasyon.

B. Mga Modelo sa Proseso ng Pagbasa

Balikan nating muli ang pagluluto bilang halimbawa. Kung ang karneng manok ay maaaring ihain sa iba't
ibang putahe tulad adobo, tinola, letson, sinigang at ginataan ay gayundin sa pagbabasa. May iba't ibang
modelong pagbatayan kung paano magkaroon ng makabuluhang pag-unawa.

Sa bahaging ito, tatalakayin ang apat na modelo na sa ibang aklat ay kilala bilang teorya sa proseso ng
pagbasa. Kinakabilangan ito ng sumusunod:

a. Modelong Baba-Taas (Bottom-Up)


- Binibigyang-tuon ng modelong ito ang teksto. Ang pag-unawa ng mambabasa ay nagmumula sa teksto
patungo sa isipan. Kadalasang ang tungkulin ng mambabasa ay kilalanin at unawain ang
impormasyong nasusulat sa teksto. Kung walang simbolong nababasa ay walang pag- unawang
magaganap. Tinatawag din itong data-driven. b. Modelong Taas-Baba (Top-Down)
- Ang pokus ng modelong ito ang isipan ng mambabasa Sinasabing ang pag-unawa ay nagsisimula sa
isipan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga dating kaalaman sa impormasyong nababasa sa teksto.
Kahit hindi malinaw at /o buo ang simbolo, ang pinakamahalaga rito ay ang pagsapol sa kahulugan ng
binabasa. Tinatawag din itong conceptually-driven.

c. Modelong Inter-aktibo
- Ang modelong ito ay kombinasyon ng Bottom-up at Top-Down. Sa proseso ng pag-unawa ay
nagkakaroon ng parehong ugnayan ang isipan at ang teksto. Kung ikokompara sa dalawang nabanggit,
sirkular ang modelong ito dahil may inter-aksiyong nagaganap. Maituturing na ang mambabasa ay

11
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

mahusay na dekoder at interpreter. Nakapaloob sa teoryang ito ang tinatawag na metakognisyon.


Kailangang iniisip mo ang iyong iniisip sa proseso ng pagbabasa.

d. Modelong Iskema
- Karagdagan lamang ang modelong ito. Ipinapaliwanag nito ang mahalagang papel na ginagampanan
ng dating kaalaman sa proseso ng pag-unawa. Ang konsepto o idea ng bawat tao ay maihahalintulad
sa organisadong folder sa utak na anumang oras ay maaaring buksan ang dating kaaalaman para
maiugnay sa mga panibagong impormasyon. Napakamakabuluhan dito ang stock o prior knowledge
para mas maunawaan ang binabasa.

C. Mga Teknik sa Proseso ng Pagbasa

Ngayong natapos mong mabatid ang apat na modelo sa proseso ng pagbasa, matutunghayan mo naman
sa bahaging ito ang mga pamamaraan sa proseso ng pagbasa.

Kung nanonood ka ng anime na Naruto, para ka lamang matututo ng mga pangunahing teknik o estilo batay
sa iyong pangangailangan. Huwag kang mag-alala, walang ipinagbabawal na teknik dahil lahat ito ay maaari
mong gamitin:

I. Batay sa Layunin

a. Masaklaw na Pagbasa
- Ang pagbasang ito ay naglalayong tingnan ang kabuoang ideang nais iparating ng teksto. Halimbawa
nito ay sa pagbabasa ng balita, pagpili ng aklat na nais bilhin, at pagkuha ng pangkalahatang idea ng
isang akda.

b. Masusing Pagbasa
- Sinusuri ang mahahalang detalye o partikular na impormasyon ng teksto. Halimbawa nito ang
detalyadong pagsusuri sa mga dokumento o kasulatan, pag-iinterpret sa mga berso mula sa Banal na
Aklat, at pagsusuri sa mga artikulong nakasaad sa batas.

II. Batay sa Pamamaraan

a. Mabilis na Pagbasa
- Maaaring gawin sa pamamagitan ng iskaning at iskiming. Ang iskaning ay pagkuha ng mahahalagang
tiyak na detalye samantalang ang iskiming naman ay pagkuha ng pangkalahatang idea ng teksto.

b. Mabagal na Pagbasa
- Sa simpleng pananalita, maihahalintulad ang pagbasa sa pagnguya sa paborito mong pagkain na sa
bawat kagat ay sinusulit mo ang sarap. Samakatwid, nagkakaroon ang mambabasa ng pagnanamnam
sa bawat salita o pangungusap kaakibat ng ganap na pag-unawa.

12
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

III. Batay sa Pagbigkas

a. Tahimik na Pagbasa
- Ang pagbasang gamit lamang ang koordinasyon ng mata at isip. Sarado ang bibig at walang salitang
binabanggit.

b. Malakas na Pagbasa
- Ang pagbasang pasalitang binibigkas. Isinasaalang-alang ang wastong kalinawan sa pagbigkas ng
salita, paglalapat ng diin, pagbabago sa intonasyon, at pag-aantala o hinto.

IV. Iba pang Karagdagang Teknik:

- Pagtutulad at pagkokontrast
- Pagbibigay ng prediksiyon o paghuhula
- Pagtukoy sa pangunahin at pansuportang idea Pagtukoy ng opinyon sa katotohanan
- Paggamit ng graphic organizer
- Paggawa ng balangkas ng nilalaman
- Pagbibigay ng buod o lagom

Ang pagbabasa ay kapatid ng pag-unawa kaya nararapat lamang maunawaan natin kung paano ito
nagkakaiba batay sa tatlong dimensiyon nito.

Dimensiyon ng Pag-unawa

1. Batayang Antas
- Kilala rin ito bilang literal na pag-unawa dahil maituturing na pinakamababa sa tatlong antas.
Kadalasang sumasagot sa tanong na ano, sino, saan, ilan, at kailan.

2. Interpretatibong Antas
- Nagagawa ng mambabasang unawain ang kahulugan ng binabasang teksto at maaaring makagawa
siya ng paghuhula sa mga pangyayaring nakapaloob kahit hindi nailahad. Kadalasang sumasagot sa
tanong na bakit at paano?

3. Mapanuring Antas
- Kilala rin bilang Analitikal na Antas. Itinuturing na pinakamataas na antas dahil sa pag-unawang ito ang
mambabasa ay nagagawag lugnay ang kaniyang karanasan at dating kaalaman sa pag-unawa.
Mapanghamon din ang antas na ito sapagkat binibigyang pagkakataon ang mambabasang gumawa ng
sariling desisyon, kongklusyon, at rekomendasyon.

Mahalagang maging pamilyar tayo kung paano nagkakaiba ang bawat antas ng pag-unawa sapagkat ito ang
nagiging batayan sa pagpili ng angkop na estratehiya o estilong maaaring gamitin sa pagtuturo ng kasanayang
ito.
13
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

Napakalaking hamon sa larang ng edukasyon ang mahikayat ang mag- aaral na magbasa nang magbasa.
Hindi natin maitatanggi na hanggang ngayon ay may mga sumpa pa ring nakagawian ng ilang guro sa
pagtuturo ng pagbasang pangwika at pampanitikan.

Marahil, nakakayamot na sa ilan ang karaniwang pagbasa ng teksto kasunod ang pagtugon sa mga tanong na
inihanda ng guro. Nakakasawa na. Ang tanong ngayon ay kung ano ang bago?

Paano nga ba epektibong maituturo ang kasanayan sa pagbasa upang makuha ang interes ng mga batang
hindi palabasa? Narito ang sampung mungkahi o inobatibong pamamaraan sa pagtuturo kasanayang ito.

10 INOBATIBONG ETRATEHIYA NG PAGTUTURO NG MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Mahalagang maunawaan na ang bawat mag-aaral ay likas ang kakayahang magbasa at umunawa. Ang
malaking hamon ngayon ay kung paano maihahain ang makabagong putahe ng pagbasa na may kaakibat ng
pagsusuri sa kanilang pag-unawa. Narito ang mga maaaring gamitin

1. Pagmamapa ng Kuwento
- Ang pamamaraang ito ay sumusuri sa mahahalagang elemento o sangkap ng isang akda o teksto.
Angkop na gamitin ito sa panunuri ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
pangyayaring bahagi ng panimula tulad tauhan, tagpuan, suliranin, tunggalian, gayundin ang bumubuo
sa kasukdulan, kakalasan, at ang naging wakas. Maaari ding suriin ang paksang tinalakay
damdaminng nangingibabaw, at ang mahalagang aral na napulot ng mambabasa. Ang pamamaraang
ito ay tradisyunal na ginagamit sa pag-unawa ng binasa ngunit epektibong pamamaraan upang
maikintal sa isipan ng mambabasa ang mga mahahalagang impormasyon. Nakabatay na lamang ito sa
pagkamalikhain ng guro kung paano niya ihahain bilang bago sa mata at panlasa ng mambabasa.

2. Paggamit ng Grapikong Presentasyon


- Ang paglalahad ng mga bahagi ng binabasang akda o teksto ay maaaring ilahad sa pamamagitan ng
mga grapikong presentasyon tulad ng Venn diagram, Fishbone diagram, KWL chart, pagmamapa ng
konsepto, talahanayan ng pangyayari at marami pang iba. Ang nabanggit sa unang bilang hinggil sa
pagmamapa ng mga elemento ng kuwento ay maaaring lapatan ng ganitong pamamaraan upang
magkaroon ng kongkretong biswal na representasyon ang ugnayan ng mga inilahad na idea. Tandaang
nakakapagod sa mata ang pagbabasa ng purong talata kumpara sa tekstong may kombinasyon ng
hugis at grapiko dahil madali natin itong maaalaala.

3. Paggamit ng Komiks
- Laganap ngayon sa kabataan ang pagkahilig sa mga babasahing komiks na kung tawagin ay
"Manga." Maaaring ituring itong pagkakataon upang maituro ang pagbasa sa estilong komiks partikular
na sa panitikan. Maraming paraan upang maisakatuparan ito kahit walang kakayahan sa pagguhit.
Maaaring kumuha ng mga larawan o kaya sikat na mga personalidad upang gamiting tauhan sa
paglalahad ng pangyayari at gamitin ang diyalogong nakapaloob sa mismong akda. Sa pamamagitan
14
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

nito, tiyak na makukuha ang kawilihan ng mga mag-aaral na magbasa sapagkat angkop ito sa kanilang
panlasa.

4. Paggamit ng mga Imahen


- May kasabihan tayo na ang isang larawan ay katumbas ng libo-libong salita. Samakatwid, maaari din
itong gamiting estilo sa paglalahad ng ng teksto o kaya mga pangyayari sa isang akda. Ngunit
nararapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng preliminaryong pagbasa ng mga mag-aaral sa orihinal
na teksto sapagkat ang mga larawang gagamitin ay pantulong lamang sa pag- unawa ng akda. Hindi
magkakaroon ng kongkretong pag-unawa kung tanging larawan lamang ang pagbabatayan. Nararapat
na parehong may pagbatid sa teksto at imahen upang ganap na maunawaan.

5. Paghuhula ng mga Pangyayari


- Ang pamamaraang ito ay maaaring ilapat sa pamamagitan ng paghahati- hati ng paglalahad ng
pangyayari habang nagaganap ang pagbasa. Higit na mainam gamitin ang estratehiyang ito para sa
mga mga mambabasang wala pang alam o hindi pa nababasa ang teksto sapagkat susuriin nito ang
kanilang mapanuring pag-iisip. Isa pang alternatibong halimbawa nito ang paghula ng isang bagay o
simbolong maglalarawan sa kabuoan ng akda katulad na lamang ng ating karanasan sa panonood ng
Maalaala Mo Kaya (MMK). Kailangang tapusin ang panonood upang mahulaan.

6. Pagbubuod ng Binasa
- Nakasanayan na sa mga gawain sa pagsulat ang pagbibigay ng lagom o buod sa isang binasang
napakahabang teksto. Gayunpaman kabahagi ng ng estilong ito ang kasanayan sa pagsulat dahil
pagbabatayan nito ang pangkaisipan o input na prosesong natamo mula sa pagbasa. Ang pagbubuod
ng binasang teksto ay maihahalintulad sa paglilikha ng mabilis na ruta matapos ang pagtahak sa
mahabang daan ng paglalakbay. Sa madaling salita, nagagawa nitong makita ang pangkalahatang
pag-unawa sa mahabang akdang binasa.

7. Masining na Pagkukuwento
- Karaniwang nagaganap ang pagbasa sa paraang walang ingay at tanging koordinasyon lamang ng
mata at isip ang naggaganap. Sa estratehiyang namang ito ay magkakaroon ng panibagong sangkap
ng retorika o ang masining na pagpapahayag sa paraang pasalita. Sa pamamagitan nito. makikita ang
linyar na proseso ng ugnayan ng pag-unawang magsisimula sa teksto patungo sa isip ng mambabasa
at sa paglalahad ng naunawaan ng mambabasa patungo sa mga tagapakinig.

8. Pagrerekord ng Binasa
- Isang mabisa at epektibong estilo upang maunawaan at manatili ang mga impormasyong binasa ay
ang pagrerekord ng pagbasa. Katulad na lamang ng pagsulat madali nating maaalala ang mga
impormasyon batay sa mga ideang ating naitala. Ang kaibahan lamang nito, sa aktuwal na pagrekord
ng pagbasa, ang pakikinig ang ating daluyan bilang alternatibong paraan ng pag-alaala. Angkop ito
para sa mga mag-aaral na gahum ang kakayahang berbal kaysa biswal. Makatutulong din ito upang
masuri hindi lamang ang nilalaman o impormasyong binabasa bagkus maging ang katatasan sa
pagbigkas ng wika.
15
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

9. Pagtatanghal ng Binasa
- Ang pagtatanghal ng isang akdang pampanitikang binasa ang pinakakongkretong pruweba upang
masuri ang naunawaan ng mag-aaral. Makalumang estilo na marahil ang ganitong estratehiya sa
pagtalakay ng panitikan ngunit hanggang ngayon ay subok pa rin ng panahon. Bukod sa pagtatanghal
sa entablado ng pagsasadula, maaaring gamiting alternatibo ang paggawa ng maikling pelikula upang
ilahad ang bahaging pangyayari ng akda. Sa panahon ngayong laganap ang vlogging at mga bidyo sa
social media, nararapat lamang makipagsabayan sa teknolohiya upang bihisan ng panibagong anyo
ang pagtatanghal at pagbasa.

10. Palarong Pagbasa


- Likas na sa tao ang paglalaro. Ito ang maitutuiring na pinakamasayang bahagi ng karanasan kung
kaya nararapat lamang na iparanas ang pagbasa bilang isang nakalulugod at nakakalibang na
kasanayan. Ang estilong ito ay nakabatay sa tradisyonal na tanong-sagot na pamamaraan at
nagkakaiba-iba sa uri o antas ng tanong. Maaring gamitin ang pagbasa bilang motibasyon upang
mahikayat silang matugunan ang mga mapanghamong tanong. Nakakasalalay sa pagkamalikhain ng
guro kung anong uri ng laro o gameshow ang kaniyang gagamitin upang mahikayat silang magbasa.

Kahalagahan ng Makrong Kasanayan sa Pagbasa

Sa pagtatapos ng araling ito, nais kong ikintal sa inyong isipan ang kahalagahan ng pagbasa sa pamamagitan
ng 5K.

Kaalaman. Ang pagbabasa ang mag-aangat sa atin sa matayog na pader ng kamangmangan. Ang kaalaman
ay kapangyarihan at kalayaan sa kaaalipinan. Sa pagbabasa ay matatamo natin ang kalayaan. Madalas na
malaman at matalino ang palabasa.

Kasiyahan. Malupit ang daigdig at realidad. Isang kalbaryo sa napagkakaitan ng kapalaran ngunit sa
pagbabasa pansamantalang nalaangat ang anumang mabigat na pasan. Pagtakas man ito sa katotohanan
ngunit minsan kailangan ng ating isipang makalaya sa kalungkutan. Lagi nang may dulce sa akto ng
pagbabasa.

Kaugalian. Nagsisilbing pamantayan ng moralidad ang mga halagahang ating natututuhan sa mga karanasan
ng tauhan mula sa libro. Naitutuwid natin ang landas at nagkakaroon tayo ng bahagyang katiyakan sa
paggawa ng desisyon sa buhay.

Kasaysayan. Kung imposibleng mabalikan ang nakaraan gamit ang makina ng oras, sa pagbabasa malaya
tayo makatawid hindi lamang sa nakaraan kundi maging sa hinaharap. Nagagamit natin ang mata ng may-
akda upang masaksihan ang kanilang panahon kahit hindi pa tayo nabubuhay noon.

16
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

Kapakinabangan. Walang anumang halaga ang makakapantay sa kapakinabangan ng pagbabasa. May


kasabihan tayong katumbas ng kapangyarihan ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman. Sa lahat ng
pagkakataon ay magagawa mong makipagsapalaran. Lahat ng hamon ay iyong mapagtagumpayan.

Paglalahat:

Ang masaklaw na pagbasa ay tinitingnan ang kabuoan o pangkalahatang ideyang nais iparating ng teksto samantalang
ang masusing pagbasa ay nakapokus naman sa mahahalagang detalye o impormasyon. Ang mabilisang pagbasa ay
maaaring gawin sa pamamagitan ng iskaning at iskiming. Ang tahimik na pagbasa ay nangangailangan ng mata at isip
samantalang sa malakas na pagbasa naman ay pangunahing ginamit ang bibig.

Ang batayang antas ay kilala rin bilang Literal na antas ng pag-unawa samantalang ang mapanuring antas ay kilala rin
bilang analitikal na antas ng pag-unawa. Napakahalaga ng pagbabasa sapagkat ito ang mag-aangat sa atin sa pader ng
kamangmangan ito rin ang magbabalik sa atin sa nakaraang panahon upang malaman ang kasaysayan.

Paglalapat:

II. Pagtatapat-tapat Piliin sa loob ng kahon ang terminong tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang LETRA ng napiling
sagot sa nakalaang espasyo ng bawat bilang.

A. Asimilasyon G. Modelong Baba-Taas

B. Denotasyon H. Modelong Taas-Baba

C. EDSA I. Modelong Inter-aktibo

D. Kolektor J. Modelong Iskema

E. Konotasyon K. Persepsiyon

F. Komprehensiyon L. Reaksyon

_____1. Ang kahulugan ng salita ay matatagpuan sa diksiyonaryo.


_____2. Ang kahulugan ng salita ay nakabatay sa konteksto o gamit sa pangungusap.
_____3. Sa prosesong ito ng pagbasa, magsisimula ang pagtataya o paghahatol sa kawastuan, katiyakan, at kalinawan ng
ideya ng may-akda.

17
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

_____4. Sa prosesong ito, ang mambabasa ay nagsisimulang buksan ang imbakan ng mga dating kaalaman upang
maiuugnay sa mga bagong impormasyon.
_____5. Sa modelong ito, ang pag-unawa ng mambabasa ay nagmumula sa teksto patungo sa isipan.
_____6. Sa modelong ito, ang proseso ng pag-unawa nagkakaroon ng parehong ugnayan ang isipan at ang teksto. _____7.
Sa prosesong ito ng pagbasa, nagsisimula ang pagkilala sa mga simbolong nakalimbag.
_____8. Sa modelong ito, kinikilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng dating kaalaman sa proseso ng pag-
unawa.
_____9. Siya ang uri ng mambabasang mabagal ang pag-usad at halos ilang buwan o taon bago matapos ang aklat.
_____10. Siya ang uri mambabasang hilig lamang mag-ipon ng mga aklat kahit hindi naman binabasa.

Pagtataya:

Panuto: Tama o Mali

Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tumpak na idea. Isulat naman ang MALI kung nagtataglay ng
lihis o sablay na idea ang pahayag. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

_____1. Ang pagbasa ay makrong kasanayan sapagkat ginagamit nito ang ating limang senses o pandama.
_____2. Aktibo ngunit abstraktong proseso ang pagbasa.
_____3. Ang kasanayan ng tao sa pagbasa ay nasusukat.
_____4. Ang kabuluhan ng aklat o tekstong nakalimbag ay nakasalalay sa pagbasa nito.
_____5. Ang pagkilala sa simbolong nakalimbag ay maituturing na pagbasa.
_____6. Ang pag-unawa sa kahulugan ang pinakamataas na antas sa proseso ng pag-unawa. 7. Bahagi ng layunin ng
pagbabasa ng tao ang magkaroon ng kasagutan ang mga tanong.
_____8. Nakakatugon ang pagbasa sa pangangailangan ng pangangatawan.
_____9. Sa proseso ng pagbasa ay maaaring magmula sa sariling pag-unawa ang pagbuo ng kahulugan.
_____10. Walang pagbasang magaganap kung walang pagkilala at pag-unawa.

Kasunduan:

Panuto:

Suriin ang isang akdang pinamagatang "Nang minsang naligaw si Adrian" sa pamamagitan ng isang reaksyong papel.

18
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!
ASBURY COLLEGE, INC. Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Luna St., Anda, Pangasinan Medyor sa Filipino

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro A.Y. 2022-2023

Lit 106 – PANULAANG FILIPINO

19
Liga ng mga Nagpapakadalubasa sa Wikang Pambansa at Wikang Pambansa at Panitikang Filipino
Panitikang Filipino
ating mahalin, pati ako idamay mo na rin!

You might also like