You are on page 1of 15

GAWAING PAGKATUTO

REMEDIATION ACTIVITY
FILIPINO8

Karunungang-bayan
Bakas ng Lumipas

Pangalan: ____________________________________
Lebel: ____________________________________
Seksiyon: ____________________________________
Petsa: ____________________________________

A. Panimula

Sa gawaing ito, makikilala mo ang mga karunungang-bayan na iuugnay mo


sa tunay na pangayayari sa kasalukuyan ang mahahalagang kaisipan na
nakapaloob dito.

KARUNUNGANG-BAYAN
Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago
dumating ang espanyol ay ang salawikain, sawikain, kasabihan at bugtong.
Salawikain – karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago. Karaniwang
kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Halimbawa:
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Kapag may itinanim, may aanihin

Sawikain/kawikaan – ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng


mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ito ay mga
salitang eupemistiko, patayutay o idiomatiko na ginagamit upang magingn
maganda ang paraan ng pagpapahayag.

Halimbawa:
Malayo sa bituka itaga mo sa bato

Kasabihan – ay iba sa sikain sa dahilang ito ay hindi guagamit ng mga talinghaga.


Payak ang kahulugan.

Halimbawa :
Tulak ng bibiga, kabig ng dibdib
Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

Bugtong – isang pahulaan na may sukat at tugma. Madalas na ginagamit sa


paglilibang.

Halimbawa:
Kung tawagin sila “santo” hindi naman milagroso.
Sagot : santol
Huminto ng pawalan, lumakad ng talian.
sapatos

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa


mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

B. Panuto : Basahing mabuti ang mga panuto upang masagutan nang wasto ang
mga Gawain.

Pamaraan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Piliin ang letra sa pagpipilian ang mahalagang kaisipan isinasaad ng


mga karunungang-bayan at iugnay sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

1. Kapag lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

2. Ang bangang maingay, tiyak na walang laman.

3. Kapag may itinanim, May aanihin.

a. Noong nakalipas na buwan nagtanim ang mga tao dahil sa pandemya kaya
ngayon ay may napagkukunan na sila ng makakain.

b. Nagmadali siyang abutin ang pangarap kaya mabilis din ang pagbagsak niya.

c. Kapag masyadong madaldal sa klase madalas na hindi napakikinggan ang


sinasabi ng guro kaya hindi alam ang gagawin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Panuto: Ibigay ang angkop na karunungang-bayan sa bawat larawan. Iugnay


ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Sundin ang pormat sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.
Panuto: Pumili ng isang karunungang-bayan na may malaking kaugnayan sa inyong
buhay at ikuwento ang tunay na nangyari.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4.

Panuto: Maglahad ng pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan na may kaugnayan


sa isa sa mga karunungang-bayan na natutunan.

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____.

C. Rubrik sa Pagpupuntos

Rubriks sa pagmamarka: Puntos:


Naiugnay ang mahalagang kaisipan 4
Pangyayari sa buhay 2
Gumamit ng karunungang-bayan 4
KABUUAN 10 puntos

D. Mga Sanggunian

(PVOT 4A-Learners Material, Unang Markahan-Filipino)

E. Susi sa Pagwawasto

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

GAWAING PAGKATUTO
REMEDIATION PLAN
FILIPINO7
MINDANAO: SALAMIN NG KULTURA AT PANITIKAN

Pangalan: ____________________________________
Lebel: ____________________________________
Seksiyon: ____________________________________
Petsa: ____________________________________

A. Panimula

Magandang Araw! Kumusta ka? Nasa unang araw tayo pagkatuto sa bagong kaalaman.
Halika, samahan mo akong tuklasin ang panibagong karunungan na magdadala saiyo
ng masaya at makabuluhang karanasan ngayong taon.
Sa araling ito, mabibigyang hinuha mo ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng mga
lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa pangyayari at usapan ng mga
tauhan.
O, ano kayang-kaya ba? Tara! Umpisahan na natin.
B. Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan


ng kuwentong- bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng tauhan.
C. Panuto

Basahing Mabuti ang mga kaalamang nakapaloob sa karagdagang pahina sa


Gawaing Pampagkatuto.

Pamaraan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Basahin mo.
Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-bayan ng Maranao)
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang mga
nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya
nalimutan na niya ang mag-asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang
tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay.
Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng
matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na
magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa
dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Isa sa
dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang bata at totoong
napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal
na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya.
Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan upang
magmukhang bata ang asawa. “Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.
Sa ganitong paraan, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga
ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng
puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa. Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.
Tunay na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu.
Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang mga putting buhok ng datu. Tuwing
tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot
ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa
asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu. Ngunit gayon na lamang ang
kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang
kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa
pagmamahal nina Hasmin at Farida.

Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon
City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3
Pangwakas

D. Mga Sanggunian

(PVOT 4A-Learners Material, Unang Markahan-Filipino)

LM (Panitikang Rehiyonal 7), Read more on Brainly.ph -


https://brainly.ph/question/319218#readmore Pahina 12-15
Susi sa Pagwawasto

You might also like