You are on page 1of 12

7

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1

Paghihinuha sa Kwentong-bayan

Locally Developed Self-Learning Material


Modyul sa Filipino 7

Markahan: Unang Markahan (Aralin 1)


Pamagat: Paghihinuha sa Kwentong-
bayan Paksa: Kwentong-bayan ng Maranao

ALAMIN Una at ikalawang kasanayan na matatagpuan sa MELCS:

 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PN-Ia-b-1)
 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
(F7WG-Ia-b-1)

SUBUKIN

Maalab na pagbati sa iyo, kaibigan.Kamusta ka na? Alam kong mahihinuha mo


ang lugar na aking pinanggalingan. Tama ako nga ay isang datu. Marahil mahihinuha mo na ang
aming kaugalian at kalagayang panlipunan. Tara subukan mong sagutin ang mga katanungan ko.

1. Mahihinuha mo sa larawan na .
a. Isang Muslim ang binibigyan ng panalangin
b. Mga Muslim na nagsasagawa ng kanilang ritwal
c. Mga taong nagkakasiyahan
d. a at c

2. Mahihinuha sa larawan na .
a. Sila ay nagdarasal
b. Sila ay sumusunod sa kanilang tradisyon
c. May araw sila ng pagsamba
d. Mga taong nagkakasiyahan
e. Lahat ng nabanggit

Mahihinuha sa dalawang larawan na .


Patunay na

BALIKAN

Mahusay na iyong nasagutan ang mga katanungan. Kaya binabati kita. Ngayon naman
ay magbigay ka ng iyong hinuha tungkol sa salitang nakatala sa ibaba.
A. B.
MINDANAO DATU

1. 1.
2. 2.
Anu-anong kultura at tradisyong Maranao ang mahihinuha mo mula sa mga sumusunod na
larawan:

TUKLASIN

Matapos na magkaroon ka ng kabatiran/ kaalaman sa mga impormasyon


kaugnay sa pulo ng Mindanao. Ngayon naman, hinihikayat kitang basahin nang tahimik ang
isang kuwentong-bayan ng Maranao. Pagkatapos mong mabasa, inaanyayahan kita na
sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa tekstong iyong binasa.

NAKALBO ANG DATU


(Kuwentong-bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ilang paniniwala ng mga Muslim sa pag-aasawa.


Sa kanilang paniniwala , ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang higit sa is
apa kung may kakayahang sustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging
pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kaniyang pook kaya
nalimutan na niya ang mag-asawa. Dahil ditto, pinayuhan na siya ng matatandang
tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong nagging pihikan ang
datu dahil sa damin ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa
tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig
ang datu.Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay
na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa
ang higit niyang mahal.. Pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at totoong
napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na
mahal din siya ng datu kaya pinakalooban nito sa kaniya ang bawat hilinginniya. Dahil sa
pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang
asawa.
“ Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu, sa ganitong paraan, magmumukhang
kasinggulang ko lamang siya.”
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan
ni Hasmin ng putting buhok ang asawa. Dahil ditto, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa.
Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at
mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang
mga putting buhok ng datu.
Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil s aipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang
datu. Tunay na nagging maligayang maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi
kaagad siya nag-asawa.

Paglinang ng Talasalitaan

Basahin ang mga pangungusap. Unawain ang pagkakagamit ng sinalungguhitang salita sa


bawat bilang. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan gamit ang string
organizer.

1. Laging abala ang datu sa pamamahala sa kanyang pook kayanalimutan niyang


mag-asawa.

2. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa


pinamumunuang pamayanan.

3. Wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal.

4. Si Hasmin ay batang-bata at napakalambing.

5. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng
asawa.
Kasingkahulugan Kasalungat

Ngayong nabasa mo na ang kuwentong-bayan ng Maranao,


susubukin kong muli ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa
SURIIN mga katanungan tungkol sa iyong binasa. Handa ka na ba? Isulat ang sagot sa
bawat bilog.

1. Bakit nasabing mabuting pinuno ang datu? Kasagutan

2. Ano ang ipinayo sa datu ng mga matatandang tagapayo


hinggil sa kanyang pag-aasawa? Kasagutan

3.Paghambingin ang katangian ng dalawang napangasawa


ng datu.
Hasmin Kasagutan

Farida

4. Ano ang naisip na paraan ni Hasmin upang


magmukhang bata ang asawang datu? Kasagutan

5.Anong kultura ng Muslim ang ipinakikita sa ginawang


pagpapakasal ng datu sa dalawang babae? Kasagutan

Ngayon, ay nais kong ipagpatuloy mo ang iyong ginawa sa pagbibigay hinuha sa


pangyayari at usapan sa akdang sinuri.Ilagay sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang datu ay tumandang binata. Pinayuhan siya ng matatandang tagapayo . Ano ang
mahihinuha mo sa datu?
a. Ayaw mag-asawa
b. Hindi pa handang mag-asawa
c. Wala pa sa tamang edad para mag-asawa
d. Abala sa paglilingkod at pamamahala sa kanyang pook.
2. Napilitang mamili ang datu ng makakasama habambuhay.Ano ang mahihinuha mo sa
pahayag na ito?
a. Pinayuhan ng matatandang tagapayo ang datu
b. Naging abala sa paglilingkod sanasasakupan
c. Oras na para mag-asawa ang datu
d. Pinag-isipang mabuti ang payo ng mga matatandang tagapayo.

3. Sa kabila ng katandaan ng datu,minahal siya ang dalawang babae.


a. Mayaman
b. Sadyang minahal nila ang datu
c. Napilitang magpakasal
d. Dahil sa kapangyarihan

4. Ang datu ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa.


a. Siya ay may kalayaan sa pagpili kung ilan ang kaniyangmapapangasawa.
b. Siya ay sunud-sunuran sa kanyang magulang sa pag-aasawa.
c. Wala siyang kalayaan sa pagpili ng mapapangasawa.
d. Sariling kagustuhan ang susundin ngdatu.

5. Sina Hasmin at Farida ay parehong nagmamahal sa datu.


a. Nag-away sila para makuha ang pagmamahal ng datu.
b. Nagsiraan sila.
c. Hindi nagkibuan.
d. Binunot ang buhok ng datu para umangkop sa kanilangedad.

Magaling! Binabati kita ! Mahusay mong nasagutan ang mga


katanungan tungkol sa iyong binasa. Ngayon naman, nais kong mas
lalong mapagyaman mo ang iyong kaisipan at kaalaman tungkol sa
PAGYAMANIN mga salita / pahayag na nagbibigay patunay.
Basahin at unawain ang sumusunod na teksto:

Ang talaga, sadya, totoo, tunay nga, tiyak at iba pang kauri nito ay mga
salita , pahayag na nagbibigay patunay. Upang maging kapani-paniwala sa mga mambabasa o
tagapakinig, karaniwang sinasamahan ito ng ebidensiya, batayan o datos. Maaring gamitin din
ang mga katagang gaya, kahit pa, sapagkat, kasi at dahil sa pagbibigay-patunay.
Mga Halimbawa:

• Tunay ngang mayaman sa kultura ang mga Muslim tulad ng kaugalian na pag-
aayuno tuwing Ramadan.
• Totoong dapat ipalibing sa loob ng 24 oras ang isang namatay dahil sa bahagi na ito ng
turo ng relihiyong Islam.
• Sadyang sinusunod ang kahilingan ng isang mamamatay sapagkat bahagi ito ng kanilang
tradisyon.
• Talagang nakagawian na rin ng mga Muslim ang pagkakaroon ng ritwal sa
panggagamot kahit pa nagbabago na ang larangan ng medisina.
Matapos mong matutunan ang tungkol sa mga salita /
pahayag na nagpapatunay, nais kong subukin ang iyong kaisipan at
kaalaman sa pamamagitan ng pagbasa sa nilalaman ng teksto. Sagutin ang
mga sumusunod na tanong. Isulat sa guhit ang iyong kasagutan.

Sadyang hindi nagdudulot ng kabutihan ang pagsuway sa mga kautusan gaya ng nangyari
kay Subekat. Ito ay isang aral mula sa binasang kuwentong-bayang may pamagat na “Ang
Pilosopo”. Talagang nakalulungkot ang naranasan ni Subekat sapagkat hindi niya sinunod
ang utos ng pinunong Abed. Lagi rin siyang wala sa pagdarasal sa bawat pagtitipon. Isa ito sa
kaugalian ng mga Muslim, ang pagiging madasalin sa kanilang diyos na si Allah. Totoong
nagbibigay gabay sa anumang Gawain ang pagdarasal dahil si Allah ang kanilang patnubay.
Tunay ngang nakaawa si Subekat gaya nang naransan ng ilang taong hindi marunong
sumunod ng mga kautusan.

1. Bakit hindi dapat tularan si Subekat?

2. Paano nakatutulong ang pagdarasal sa isangtao?

Napakahusay! Dumating ka na sa pinakanakapananabik na bahagi ng iyong mga


gawain. Sa pagkakataong ito, may mga tanong ka pang sasagutin. Piliin sa binasang teksto ang
mga salitang may isang salungguhit. Isulat sa unang hanay sa kasunod na tsart, at sa ikalawang
hanay ang mga salitang may dalawang salungguhit.

TALAHANAYAN
Mga Salitang may salungguhit na Mga salitang may salungguhit na itiman
nakahilig (italized letters) ang pagkakasulat (bold letters)

1.

2.

3.

4.
Mula sa mga naitalang kasagutan sa talahanayan, piliin ang angkop na salita /
pahayag at isulat ito sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. ngang mayaman sa kultura ang mga Muslim tulad ng kaugalian na pag-


aayuno tuwing Ramadam.
2. sinusunod ang kahilingan ng isang mamamatay sapagkat bahagi ito ng
kanilang tradisyon.
3. dapat ipalibing sa loob ng 24 oras ang isang namatay dahil sa
bahagi ito ng kanilang tradisyon.
4. nakagawian na rin ng mga Muslim ang pagkakaroon ng ritwalsa
paggagamot kahit pa nagbabago na ang larangan ng medisina.
Binabati kita! Napakahusay mong nasagutan ang mga katanungan. Humanda ka muli sa
mga susunod na mga gawain.

ISAISIP

Muli mong sagutan ang mga patlang upang mabuo ang mga pahayag. Isulat mo sa iyong
sagutang papel ang iyong mga kasagutan.

Bilang isang kabataang Pilipino, mahalagang magkaroon ng kaalaman hinggil sa kultura ng


Mindanao sapagkat

Tunay na marami ka nang natutunan sa ating binasa at


ISAGAWA pagtalakay. Ngayon naman, nais kong ilapat mo sa
kasalukuyan ang iyong natutunan. Muli mong sagutan
ang mga sumusunod na gawain:

Piliin sa ibaba at isulat sa patlang ang angkop na salita / pahayag sa sumusunod na


pangungusap:
MgaPagpipilian:
Talagang Totoong Sadyang Tunay

1. ang mga Muslim na lalaki ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa pa


kung may kakayahang sustentuhan ang magiging pamilya nila.
2. ngang mayaman sa kultura ang mga Muslim tulad ng kaugalian na
pag-aayunot uwing Ramadan.
3. ang mga kababaihang Muslim ay para lamang sa kapwa Muslim din
pagdating sa pag-aasawa.
4. nakagawian na rin ng mga Muslim ang pagkakaroon ng ritwal sa
paggagamot kahit pa nagbabago na ang larangan ng medisina.
5. sinusunod ang kahilingan ng isang mamamatay sapagkat bahagi ito ng
kanilang tradisyon.
Narito pa ang huling gawaing susubok sa iyong mga
natutunan sa ating aralin. At tiyak kong sa gawaing ito’y
maipamamalas mo ang iyong husay at katalinuhan.
TAYAHIN
Isulat ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay patunay. Lagyan naman ng DP
kung hindi ito nag papatunay.

1. Totoong nagbibigay gabay sa anumang gawain ng mga Muslim ang


pagdarasal dahil si Allah ang kanilang patnubay.

2. Sadyang hindi nagdudulot ng kabutihan ang pagsuway sa mga kautusan ayon sa


paniniwala ng mga Muslim.

3. Kaya naman, pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan para sa


ikauunlad ng mga Pilipino.

4. Ang mga tradisyon at paniniwala ng mga taga-Maguindanao ay


nagpapatunay ng pagpapahalaga nila sa kanilang kultura.

I5S. A
kagamitang
TGunAaWy Aa malikhain ang mga taga-Maguindanao, patunay dito ang mga
panseremonya at mga inukit na instrumentong pangmusika na
ginagamit nila.
.

Mahusay! Binabati kita sa iyong pagtatagumpay sa ating


unang aralin.

SANGGUNIAN

KAYUMANGGI
BATAY SA KURIKULUM NA K-12
BAITANG 7 - UNANG MARKAHAN

1. Ang KAYUMANGGI SA FILIPINO ay inilathala ng


LEO- ROSS Publication na nasa No.1 Bromine St., Block 39
Lot 33, Phase III, Golden City, Imus , Cavite na may
telepono bilang (046) 450-800 1/ 0977-40911388.

ANA MARIA S. CABUHAT


Tagapaglathala

MAGDALENA O. JOCSON
Editor / Konsultant

PERLA GUERRERO,RUTH HERNANDEZ, NINA S. MAGALONG


Mga Manunulat

2. Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng mga


Maguindanaon at mga Maranao nina:
Nerissa Lozarito-Hufana,Ph.D.
Claaribel Diaz-Bartolome, Ph. D.

You might also like