You are on page 1of 10

FILIPINO

Unang Markahan
ARALIN 1.1
KUWENTONG-BAYAN
NG MINDANAO

Larawan mula sa: https://yhoo.it/30G6vPd

PAANO GAMITIN ANG SLeM

Bago simulan ang SLeM, kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang-pokus ang iyong gagawing pag-aaral gamit ang
SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa
paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng SLeM. 2. lsulat ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong kwaderno. Nagpapayaman ng
kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa SLeM.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan. 5. Pag-aralang
mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto.
lto ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa'y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang SLeM.

PANITIKANG REHIYONAL – ARALIN 1.1


KUWENTONG-BAYAN NG MINDANAO

A. INAASAHAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa mga kuwentong-bayan ng Mindanao. Binibigyang-diin nito ang
sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan (F7PN-Ia-b-1) 2.
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay (F7WG-Ia b-1)
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay inaasahang makapaglalarawan
ng mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng Mindanao batay sa sumusunod na
pamantayan: a) naglalarawan ng panimula, mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng
Mindanao; b) orihinal; c) masining; at makatotohanan.

B. PAUNANG PAGSUBOK
Sa bahaging ito, ating susukatin ang iyong nalalaman kaugnay sa paksang tatalakayin.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ito ay akdang
pampanitikan o salaysay tungkol sa likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayang may kakatwa o kaya'y kahanga-hangang katangian na
sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at paniniwala ng isang pook, rehiyon o
bansa.
A. alamat B. kuwentong-bayan C. mito D. pabula

2. Isla ito sa Pilipinas na tinaguriang “Lupain ng Pangako” o “Land of Promises”. A.


Luzon B. Visayas C. Mindanao D. wala sa nabanggit 3. Tawag ito sa grupo o pangkat ng
mga tagapagtaguyod ng Islam. A. Bisaya B. Ilocano C. Muslim D. Tagalog 4. Ito ang
tawag sa mga pinuno ng barangay o tribo sa Pilipinas noong katutubong panahon.
A. amo B. datu C. pangulo D. raha 5. Ang tribong ito ay naninirahan sa paligid ng
Lawa ng Lanao kaya naman tinatawag silang “mga tao sa dagat”.
A. Badjao B. Bagobo C. Maranao D. Tausug 6. Uri ng tauhan na hindi nagbabago
ang katauhan mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento
A. antagonista B. protagonista C. tauhang bilog D. tauhang lapad 7. Totoong
makulay ang kultura ng mga kapatid natin sa Mindanao sapagkat naninirahan doon ang
mga Kristiyano, Lumad at Muslim. Alin sa mga salita sa pangungusap ang naghuhudyat
ng patunay?
A. totoo B. kapatid C. kultura D. sapagkat 8. Ang pagmamahal nina Farida at
Hasmin sa kanilang asawa ay tunay na kahanga hanga. Ang salitang may salungguhit
ay naglalahad ng _____.
A. patunay B. opinyon C. ebidensya D. bunga 9. Sadyang nakaaaliw ang katauhan ni
Pilandok sapagkat ipinamamalas niya ang likas na katalinuhan at lakas ng loob. Alin sa
mga salita sa pangungusap ang naghuhudyat ng ebidensya sa naunang kaisipan?
A. sadyang B. nakaaaliw C. sapagkat D. likas 10. Alin naman ang salitang
naghuhudyat ng patunay sa pangungusap bilang 9? A. sadyang B. nakaaaliw C.
sapagkat D. likas

C. BALIK-TANAW
Halina at magbalik-tanaw sa mga araling natutuhan mo sa Baitang 6.

Panuto: Magtala ng mga impormasyong hinihingi sa dayagram na may kaugnayan sa


mga kapatid nating naninirahan sa Mindanao. Kopyahin ang dayagram sa ibaba at
isulat ang iyong sagot.
Pangkat / Tribo Wika

Mindanao

Relihiyon Kaugalian

D. MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN


Ang aralin 1.1 ay tungkol sa kuwentong-bayan ng Mindanao. Partikular na
tatalakayin sa araling ito ang kuwentong-bayan mula sa Maranao, isang tribo na
naninirahan sa Mindanao. Ito ay may pamagat na “Nakalbo ang Datu”. Sa
pamamagitan nito ay susulyapan natin ang kanilang mga paniniwala, katangian at
paraan ng pamumuhay. Tatalakayin din sa aralin sa wika ang mga pahayag na
nagbibigay-patunay upang malinang ang iyong kasanayan sa epektibong
komunikasyon.
Sa pamamagitan ng mga inihandang gawain at mga talakay, masasagot mo ang
mga pokus na tanong: 1) Masasalamin ba ang paniniwala at katangian ng mga taga
Maranao sa kanilang mga kuwentong-bayan? at 2) Bakit mahalaga ang paggamit ng
wastong pahayag sa pagbibigay-patunay sa pagpapahalaga sa mga kuwentong-bayan
ng Maranao?
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang makalilikha ka ng photo-collage na
magtatampok ng mga kaugalian, paniniwala at pamumuhay ng mga kapatid natin sa
Mindanao.

E. GAWAIN
1. Tribong Maranao, Kilalanin Natin!

Panuto: Piliin mula sa kahon ang mga salita o pahayag na tumutukoy sa tribong
Maranao.
malalaki ang bahay Islam pagkakaroon ng maraming
ngunit walang silid asawa
Muslim tinatawag na "mga tao sa
ang nakararami dagat"
barong ang
tradiyonal na
kasuotan naninirahan malapit sa ipinamamana ang
lawa ng Lanao pamumuno

bawal ang
nakasentro sa relihiyong pinamumunuan ng pangulo

2. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Panuto: Piliin mula sa kahon ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng
mga salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.
estranghero pasikreto magiliw hayagan eredero likas tagabigay
kaibigan makabago mailap mapaglaanan mapabayaan

1. Ang katutubong kultura ng mga taga-Mindanao ay napanatili ng kanilang tribo


sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan.
Kasingkahulugan: _______________ Kasalungat: ______________

3
2. Pinahihintulutan ang mga lalaking Muslim na mag-asawa ng dalawa o higit pa
kung may kakayahan siyang masustentuhan ang magiging pamilya.
Kasingkahulugan: _______________ Kasalungat: ______________

3. Inihahanda na ng datu ang kanyang anak na siyang magiging tagapagmana ng


kanyang pamumuno.
Kasingkahulugan: _______________ Kasalungat: ______________

4. Isa sa mga likas na katangian ng babaeng Muslim ay ang pagiging malambing.


Kasingkahulugan: _______________Kasalungat: ______________

5. Palihim na binubunot ni Farida ang mga puting buhok ng datu.


Kasingkahulugan: _______________Kasalungat: ______________

3. Pagbasa
Ngayon naman ay basahin at unawain ang kuwentong-bayan buhat sa Maranao.
Maaari rin itong mapanood sa link na https://www.youtube.com/watch?v=U
2nzmKiwr8

Nakalbo ang Datu


(Kuwentong-Bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating mga kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa
kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang
dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa
kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng
kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng
matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.
Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng
matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit
hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang
maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino
sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang
dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay


batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni
Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa
kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu,
umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.”
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang
datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito,
madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda,
mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag
nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang
magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na
ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya
sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya
kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang
kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kanyang sarili.
“Kalbo! Kalbo, ako!” sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Datu

4. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan bago sagutin. Isulat ang
sagot sa kuwaderno.
1. Ibuod ang binasang kuwento sa tulong ng graphic organizer.

_______________________________________
Pamagat
Pinagmulan: ____________________________

Mga Tauhan: Tagpuan:


______________________________ Simula: ________________ Wakas:

Gitna:

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong-bayan? Ilahad ang katangian


ng bawat isa.

3. Saan naganap ang kuwento? Ilahad ang mga kaugalian at kalagayang


panlipunan ng lugar batay sa mga pangyayari at mga tauhan sa
binasang akda.

_____________________________________________
Tagpuan
Pamilya: Pamahalaan: Kaugalian: Paniniwala:

4. Pumili ng dalawa sa mga katangian ng mga kapatid nating Muslim na sa


tingin mo ay dapat nating ipagmalaki bilang Pilipino. Pangatuwiranan
kung bakit ito ang napili mo.

5. Anong aral o mensahe ang iyong napulot sa binasang kuwentong


bayan? Ipaliwanag ang sagot.
6
F. TANDAAN

Ang Mindanao ay ikalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Tinatawag


itong “lupain ang pangako” o “land of promises” dahil sa taglay nitong likas na
kayamanan. Dito naninirahan ang marami sa ating mga kapatid na Muslim.
Naninirahan din dito ang mga kapatid nating Lumad at ang mga Kristiyanong
napadpad at nagpasyang dito na manirahan. Dahil dito, maituturing na totoong
makulay ang kultura, tradisyon at panitikang Mindanao.
Isa sa panitikang maipagmamalaki ng Mindanao ay ang nakatutuwang
mga kuwentong-bayan. Si Pilandok ang isa sa pinaka-kinagigiliwang tauhan ng
kuwentong-bayan ng Mindanao.
MGA KUWENTONG-BAYAN
Bahagi na ng panitikang Pilipino bago pa man dumating ang mga
dayuhang mananakop ang kuwentong-bayan. Ito ay kabilang sa mga
pasalitang panitikan bago pa man lumaganap ang panitikang pasulat.
Ang kuwentong-bayan ay pantikang pasalaysay tungkol sa mga tauhang
bunga ng kathang-isip na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan ng isang
pook o lugar. Ito ay maaaring matandang hari, mayamang lalaki, matalinong
bata o mapangaraping dalaga.
Naglalarawan ang kuwentong-bayan ng mga kaugalian, pananam
palataya, damdamin, pangarap at kalagayang panlipunan ng pook o lugar na
pinanggalingan. Bagamat ito ay kathang-isip lamang, ito ay kapupulutan ng
mahahalagang aral.
Ilan sa mga elemento ang kuwentong-bayan ay ang mga sumusunod:
a) Tauhan – ito ang nagbibigay-buhay sa kuwentong-bayan: maaaring (1)
protagonista (pangunahing tauhan); (2) antagonista (katunggali ng
protagonista); (3) tauhang bilog (nagbabago ng katuhan); at (4)
tauhang lapad (hindi nagbabago ng katauhan mula sa umpisa
hanggang sa wakas ng kuwento).
b) Tagpuan – tumutukoy sa panahon at lugar na pinangyarihan ng
kuwento.
c) Banghay – tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari

MGA EKSPRESYONG NAGLALAHAD NG PATUNAY


Ang mga salitang talagang, sadyang, totoong, tunay na ay kabilang sa
mga ekspresyong naglalahad ng patunay. Upang higit na maging kapani
paniwala, ito ay kadalasang pinatutunayan ng mga ebidensya na
pinangungunahan ng mga panandang sapagkat, dahil, kasi, gaya ng, kahit
pa at iba pa.

7
Halimbawa:
1. Tunay na matapang, malakas ang loob at magigiting ang mga Pilipinong
Muslim sapagkat hindi nila hinayaang mabago ang kanilang kultura sa
kabila ng pananakop ng mga dayuhan.
2. Sadyang mahal nina Hasmin at Farida ang datu dahil inaasikaso nila ito.

G. PAG-ALAM SA NATUTUHAN: Photo-Collage

Panuto: Ikaw ay kalahok sa isang paligsahan na magtatampok ng kultura at


panitikan ng Mindanao. Pumili ng isang tribo sa Mindanao at sa pamamagitan ng
photo-collage ay ilarawan ang kanilang mga tradisyon, paniniwala, kaugalian at
kalagayang-panlipunan.
Ang photo-collage ay isang sining mula sa pinagsama-samang
larawan na may magkakaugnay na paksa. Masining na inayos ang mga
larawan upang makapagbigay ng isang pangkalahatang impresyon. Narito
ang halimbawa ng photo-collage na nagpapakita ng mga kahanga
hangang kalikasan.
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/collage

Mula sa iyong gagawing photo-collage, bumuo ng dalawang talata na


maglalarawan sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng Mindanao.

Narito ang pamantayan sa iyong gagawing photo-collage:


a) naglalarawan ng panimula, mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng
Mindanao
b) orihinal
c) masining
d) makatotohanan

8
Mga Sanggunian:
Panitikang Rehiyonal – Modyul para sa Baitang 7. Pahina 11-
22 https://yhoo.it/30G6vPd
https://www.youtube.com/watch?v=U-2nzmKiwr8
https://tl.wikipedia.org/wiki/Datu
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/collage

Bumuo sa Pagsulat ng SLeM

Manunulat: Nerisa M. Roxas


Tagapagtayang Nilalaman: Jesire P. Bargayo / Maria Gypsy M. Camo
Tagapagtayang Pangwika: Austria M. Matreo
Teknikal: Winnaflor Gaspar / Gerson C. Mancio / Maria Joneva Carpio
Tagasuri: Cerilo P. Castillo Jr.
9

You might also like