You are on page 1of 1

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

IBP RD., BATASAN HILLS QUEZON CITY


FILIPINO 8

Pangalan: Macarimbor, Princess Jabbairah M. Petsa: _________________


Baitang: Walo/8_______ Seksiyon:_Almond A

PAHINA NG GAWAING PAGKATUTO


LEARNING ACTIVITY SHEET 2.3
SARSUWELA
TEKSTONG GAMIT ANG PANGANGATUWIRAN
I.TALANG KAISIPAN
Ang sarsuwela ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at Amerikano bagaman ipinakilala ito
noong panahon ng mga Kastila.Ang Tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa.Melodrama kung
ito ay tawagin o kaya tragikomedya.Ang diyalogong ginagamit ditto ay patula at paawit.
Severino Reyes o mas kilala bilang si lola Basyang, ay itinuturing na ama ng Sarsuwelaang Tagalog.
Nakasulat siya ng 26 na sarsuwela.Unang inilimbag ang “Walang Sugat “noong 1898 .

Kasanayang Pagkatuto: Nasusuri nang pasulat ang papel na ginampanan ng sarsuwela sa


pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng ibat-ibang rehiyon sa bansa
II.GAWAIN
A. Panuto: Suriin ang mga pangyayaring nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino sa
ibat-ibang rehiyon. Gumamit ng mga salitang naglalahad ng pagngangatuwiran. Isulat ang sagot sa
patlang. Bibigyan ng 2 puntos ang bawat bilang.( Kabuoan 10 puntos )

1. Pag-akyat ng ligaw ng binata sa dalaga-


Ang paraan ng mga kalalakihan na ipakita ang kanilang pagmamahal sa kababaihan upang malaman ng
mga kababaihan kung gaano katatag ang puso ng mga kalalakihan sa kanila.

2. Pag-aalay ng buhay para sa bayan-


Ang tunay na pag ibig sa bayan ay hindi ang pag aalay ng buhay dahil ang pag aalay ng buhay ng
walang kabuluhan ay parang sinisiraan lang natin ang ating inang bayan ang tunay na pag ibig sa ating
bayan ay ang paggawa ng makakabuti para sa ating bayan o lipunan.

3. Pagkakaisa para sa mithiing lumaya-


Pagkakaisa ito ay ang pagkakaroon ng pagkakaugnayan ng bawat mamamayan sa ating
bansa. Nagkakaroon tayo ng iisang layunin upang makamit ang ating hinahangad na pagbabago sa ating
bansa at makamit ang magandang buhay na ating inaasam.

4. Paano ipinakita sa akda ang pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino-


Ipinakita dito ang tradisyon at kultura natin sa panliligaw. Ipinakikita rin dito ang pagpapahalaga sa
pag-ibig. At ipinakita rin dito ang nakasanayang gawaing pagbuburda ng tela ng mga kababaihan.
Ipinakita ang pagpapahalaga nito sa pamamagitang ginagawa at ipinakikita nila ang mga tradisyon at
katutubong gawaing nakasanayan nating mga Pilipino.

5. Ano ang malaking ambag ng sarsuwela sa panahong naisulat ito –


Ang malaking ambag ng sarsuwelang ito ay naipapakita o naitatanghal nila sa mga tao ang mga
nagaganap noong panahon ng amerikano. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may
kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.

You might also like