You are on page 1of 94

Sa araling ito, inaasahang maisasalaysay

mo ang pinagmulan ng iyong sariling


komunidad, batay sa pagtatanong at
pakikinig sa mga kuwento ng mga
nakatatanda.
Pagmasdan ang larawan.

Ano ang na-obserbahan mo sa larawan?


Meron din bang lansangang ganito sa inyong
lugar?
Ano ang pinagmulan ng lansangang ito sa inyong
komunidad?
Ang Imus ay dáting bahagi ng Cavite el Viejo na
naging Kawit ngayon. Noong mga panahong iyon
ay wala pang mga sasakyan. Ang mga
mamamayan ay naglalakad lámang papuntang
Kawit upang magsimba at makipag-ugnayan sa
pamahalaan.
Mahigit na 100 taong tiniis ng mga tao ang hirap
ng paglalakad. Subalit noong 1762 ay may
itinayong simbahan sa Bayan Luma. Hindi rin ito
nagtagal dahil sinira ito ng bagyo noong
Setyembre 1779. Kayâ ito ay inilipat sa Baryo ng
Toclong at nang magtagal ay inilipat sa Sitio de
Balangon na ngayon ay Imus Plaza.
Noong 1774, ipinetisyon ni Padre Pedro
Buenaventura na ihiwalay ang mga nakatira
sa Imus sa pamamahala ng Cavite el Viejo.
Noong Oktubre 3, 1795 ay naaprubahan ito at
inihiwalay ang Imus.
Naging Kabisera ng Kabite o Cavite ang Imus
noong Hunyo 11, 1977 sa bisa ng Presidential
Decree no. 1163 ng dáting Pangulong
Ferdinand E. Marcos. Sinasabing nagmula
ang pangalan ng Imus sa salitang Tagalog na
nangangahulugang lupa na napapagitnaan ng
dalawang ilog.
Sa kaso ng Lungsod ng Imus, ito ang Ilog
Imus at Ilog Julian. Noon namang Hunyo
30, 2012 ang Imus ay naging ganap na
lungsod. Sa paglipas ng panahon,
masasabing malaki na ang ipinagbago ng
komunidad ng Imus.
Isa na rin itong ganap na maunlad na
lungsod dahil marami nang makikitang
bagong estruktura at mga industriyal na
gusali. Mayaman din ang Imus sa mga
makasaysayang lugar o bantayog
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang sagot sa
mga nasa loob ng kahon.

1. Anong komunidad ang inilarawan sa kuwento?


2. Ano ang kahulugan nito?
3. Kailan naging ganap na lungsod ang Imus?
4. Anong mga pagbabago ang naganap sa
Lungsod ng Imus?

May mga kuwento ang bawat komunidad,


kasama na rito ang pinagmulan ng pangalan
nito. Binubuo ang mga ito ng mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
Nadaragdagan pa ang mga ito ng mga
pangyayaring kasalukuyang nagaganap.
Ang pinagsama-samang kuwento ay
naitatala bilang kasaysayan ng
komunidad.
Talakayin ang pinagmulan ng
iyongsariling komunidad.
1. Ano-anong mga pangyayari ang
nagaganap sa inyong komunidad?
2. Saan ito nagmula at paano nabuo ang
pangalan nito?
3. Paano kaya nabuo ang iyongkomunidad?
4. Sino-sino ang mgapangkat etniko ng
bumubuo dito?
5. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
sarilingkomunidad? Ipaliwanag ang sagot
Panuto: Punan ang bawat patlang. Piliin ang
tamang sagot sa kahon.

Maaaring makakuha ng impormasyon tungkol sa


kuwento ng komunidad sa pamamagitan nang
______________ at ______________ sa mga
kuwento ng mga nakatatanda sa komunidad.
Ang pangalan ng isang komunidad ay maaring
mula sa pangalan ng mga bagay na makikita sa
komunidad gaya ng __________, ____________,
_________ o anumang bagay.
Punan ang graphic organizer. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Bakit mahalagang malaman at
maunawaan ang pinagmulan ng iyong
komunidad?
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang
pinagmulan ng iyong komunidad. May mga
pagkakataon na nababago ang pangalan ng
komunidad, batay sa pagbabago ng
pamumuhay ng mga tao at ng kapaligiran.
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang
masayang mukha 😊 kung sang-ayon ka sa isinasaad
ng pangungusap at malungkot na mukha ☹
naman kung hindi ka sumasang-ayon.

1. May kuwentong pinagmulan ang bawat


pangalan ng komunidad.
2. Maaring makakalap ng impormasyon
tungkol sa komunidad sa pakikinig ng
kuwento ng mga nakatatanda sa komunidad.

3. Hindi isinasali sa kasaysayan ang


pinagmulan ng pangalan ng isang komunidad.
4. Hindi na mahalagang malaman pa ang
kasaysayan ng komunidad.

5. Bawat komunidad ay may pangalan.


Magtanong sa iyong magulang o nakatatandang
kasapi ng pamilya tungkol sa pinagmulan ng
inyong komunidad. Hilingin mo na ikuwento sa
iyo ang pinagmulan nito. Pagkatapos ay isulat ang
mga mahahalagang impormasyong iyong
natutuhan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Pagwawasto at pagbabahagi ng
takdang aralin sa klase.
Alam mo ba ang kasaysayan ng inyong
komunidad?

Ano ang pinagmulan ng pangalan nito?

Isa sa mga probinsiya sa Rehiyon III ang Tarlac.


Alamin mo kung ano ang
pinagmulan ng pangalan nito.
Kasaysayan ng Lalawigan ng Tarlac

Ang pangalan ng Tarlac ay nanggaling sa


isang uri ng damo o talahib na kilala bilang
“malatarlak”. Ito ay itinatag nina Don Carlos
Miguel at Don Narciso Castaňeda noong
1788.
Ang lalawigan ng Tarlac ay kilala bilang
Melting Pot ng Gitnang Luzon. Binubuo
ng mga kultura ng mga Ilokano,
Kapampangan, Pangasinense, Tagalog at
mga Aeta.
Ang Tarlac ay dating bahagi ng mga
lalawigan ng Pangasinan at Pampanga. Ito
ang pinakabatang lalawigan na itinatag noong
panahon ng mga Kastila. Isa ito sa mga
walong (8) lalawigan na lumaban sa mga
Kastila.
Noong panahon ng Ikalawang Digmaan
Pandaigdigan ay naging himpilan at
pahingahan ng mga sundalo ang Camp
O’ Donnell sa Capas, Tarlac.
Upang mapalawak ang pagkilala sa isang
komunidad mahalagang malaman mo ang
kasaysayan o kuwento nito. Maaari itong gawin
sa pamamagitan nang pagsasaliksik o pagkuha ng
impormasyon gaya nang pagtatanong at pakikinig
sa mga kuwento ng mga nakatatanda.
Ang kuwento ng isang komunidad ay maaaring
magmula sa pangalan iba’t ibang mga bagay gaya
ng:

 Puno
 Halaman
 Hayop
 Anumang bagay
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang komunidad na inilarawan sa


kuwento?
2. Ano ang pinagmulan ng pangalan nito?
3. Ano ano ang mga maaaring pagmulan ng
pangalan ng isang komunidad?
4. Sa paanong paraan maaaring malaman ang
kuwento ng isang komunidad?
5. Bilang mag-aaral bakit nararapat na
pahalagahan mo ang kasaysayan ng inyong
komunidad?
Mula sa takdang aralin, ay nalaman mo ang
kuwento na pinagmulan ng inyong
komunidad. Sa iyong kuwaderno, iguhit mo
sa malikhaing paraan ang kuwento na
pinagmulan ng komunidad na iyong
kinabibilangan.
Sumulat ng maikling kuwentong
binubuo ng 2-4 na pangungusap
tungkol sa pinagmulan ng iyong
komunidad. Ikuwento ito sa mga
kaklase.
Bakit mahalagang malaman at
maunawaan ang pinagmulan ng iyong
komunidad?
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang
pinagmulan ng iyong komunidad. May mga
pagkakataon na nababago ang pangalan ng
komunidad, batay sa pagbabago ng
pamumuhay ng mga tao at ng kapaligiran.
Panuto: Iguhit ang puso sa iyong sagutang papel
kung ito ay karaniwang batayan ng pangalan ng
isang komunidad at ekis kung hindi.

Mga batayan sa pagbibigay ng pangalan sa


komunidad

_____1. batay sa puno


_____2. mula sa pangalan ng halaman

_____3. batay sa paborito ng nanunungkulan

_____4. mula sa pangalan ng hayop

_____5. ipinangalan sa isang bagay


Punan ang mga patlang upang makabuo ng
makabuluhang pangungusap tungkol sa araling
ito.
Ang bawat __________ ay may kani-kaniyang
__________ pinagmulan. Dapat alalahanin at
pahalagahan ang _________ ng pinagmulan ng
komunidad.
Basahin ang kuwento ng “Pinagmulan ng
Komunidad ng San Isidro”.

Isang munting baryo ang naitatag libo-libong taon


na ang lumipas. Ang mga unang tao na nanirahan
dito ay pinaghalong Tagalog at katutubong
Mangyan. Nabuhay sila sa pangingisda,
pagtatanim, paggawa ng bangka at
paglalala ng banig. Ang dalampasigan ng baryong
ito ang naging daungan ng mga dayuhang Tsino.
Dito nagaganap ang pagpapalitan ng produkto ng
mga katutubo at dayuhang Tsino. Ito ang dahilan
kung bakit itinuturing na makasaysayan ang
dalampasigang ito.
Batay sa kuwento ng mga matatanda, maraming
halamang lagundi ang
tumubo sa lahat ng sulok ng baryong ito na
siyang naging dahilan upang tawagin ang lugar na
Baryo Lagundian. Ayon pa rin sa kasaysayan, ang
lugar na ito ang unang naging kabisera ng
Mindoro.
Noong unang bahagi ng ika-20 dekada,ang Baryo
Lagundian ay napalitan ng San Isidro Labrador.
Mayroon itong limang sitio; ang
Lagundian, Minolo, Aninuan, Talipanan at
Alinbayan. Taong 1960, inihiwalay ang sitio
Aninuan at Talipanan at naging isang baryo. Ayon
pa rin sa mga matatanda, may tatlong malalaking
angkan na unang nanirahan dito. Ito ay ang
pamilyang Magbuhos, Caringal at Delgado. Sa
kanila nagmula ang mga taong nanirahan sa lugar.
Sa ngayon may mga Visaya, Ilokano, Bikolano at
iba pang nakatira sa lugar. Tagalog ang wika ng
mga tao at Katoliko ang relihiyon ng nakararami.
Sa ngayon, ang Barangay San Isidro ay mas kilala
sa tawag na “White Beach”. Dinarayo ito ng mga
lokal at dayuhang turista dahil sa nakabibighaning
ganda ng maputing dalampasigan nito.
Alamin.

1. Anong komunidad ang inilarawan sa


kuwento?

2. Ano ang unang pangalan ng komunidad ng


San Isidro? Saan nagmula ang pangalang ito?
3. Bakit nakilala sa katawagang “White
Beach” ang komunidad ng San Isidro?

4. Anong lugar sa San Isidro ang


makasaysayan? Bakit?
 Ang pangalan ng bawat komunidad ay
may kani-kaniyang kuwentong
pinagmulan.

 May mga makasaysayang bantayog,


estruktura, lugar at bagay sa bawat
komunidad na dapat ingatan at
pahalagahan
Basahin.
Ang Pinagmulan ng Komunidad ng Las Piñas

Ang bayang ito ay kilala dahil sa kahusayan


sa pagbuburda at paggawa ng mga dibuho sa
mga kimono at barong tagalog na yar isa
telang pinya. Sa bayang ito nakilala
ang telang pinya kung kaya’t Las Piñas ang
itinawag ng mga kastila sa pook na ito.

Sa bayang din ito makikita ang tanyag at


kaisa-isang organon a yar isa kawayan. Dito
rin mattagpuan ang mga linang na
mapuputing asin.
Sagutin ang mga tanong.

1. Anong komunidad ang inilarawan sa kuwento?


2. Saan nagmula ang pangalang ito?
3. Bakit makasaysayan ang lugar na ito?
4. Sa anong bagay kilala ang lugar na ito?
5. Ano ang linang na mapuputi na matatagpuan sa
lugar na ito?
Bakit mahalagang malaman at
maunawaan ang pinagmulan ng iyong
komunidad?
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang
pinagmulan ng iyong komunidad. May mga
pagkakataon na nababago ang pangalan ng
komunidad, batay sa pagbabago ng
pamumuhay ng mga tao at ng kapaligiran.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bayan ang kilala dahil sa kahusayan sa


pagbuburda at paggawa ng mga dibuho sa mga kimono
at barong tagalog?
a. Las Piñas
b. Las Pinya
c. Las Pena
2. Sa anong yari ng tela kilala ang bayang ito?
a. abaka b. pinya c. seda

3. Saan gawa o yari ang mga organong kilala


sa lungsod ng Las Piñas?
a. kahoy b. kawayan c. plastic
4. Ano ang mapuputing linang na matatagpuan sa
lugar na ito?
a. asin b. sampaguita c. singkamas

5. Sa anong larangan kilala ang bayang ito?


a. pagbuburda
b. pagsasayaw
c. pagtatanim
Saan maaring magmula ang
pinagmulan ng komunidad?

Mahalaga bang malaman ang mga


ito?
Pinagmulan ng Komunidad ng Lungsod ng
Pasig
Ayon sa mga sinaunang tala ng mga Prayleng
Agustino, ang “Pasig” ang unang binaybay na
“Pasi” noong 1584; naging”Pasik” noong 1587;
pinalitan ng
“Pasi” noong 1593; at naging “Passi” o “Passik”
bago naging “Pasig” noong 1596.
Ang salitang Pasig ay hango mula sa Sanskrit
na “passis” o buhangin na tumutukoy sa mga
pamayanang tribo sa buhanginan ng ilog
Pasig.
Ayon sa mga Historyan ay dati itong
tinatawag na mabagsik o mapaksik na naging
“Pasik na ngayon ay “Pasig”.
Ang ilog ay tinatawag na bitukang manok
noong panahon ng mga Kastila. Noong Hulyo
1994, ito ay naging lugar na urban,
Pinirmahan ni pangulong Fidel V. Ramos ang
batas na maging Lungsod ito ayon sa
kinalabasan ng plebisito noong Enero 1995.
Mga Tanong:

1. Anong komunidad ang tinutukoy sa


kuwento?
2. Ano ang unang pangalan ng komunidad ng
Pasig?
3. Saan hango ang ngalan ng Pasig?
4. Ano ang tawag sa ilog noong panahon ng mga
Kastila?
5. Paano naging ganap na Lungsod ang Pasig?
Tandaan:
Ang pangalan ng bawat komunidad ay may kani-
kaniyang pinagmulan na dapat ingatan at
pahalagahan.
Panuto: Tukuyin
ang nakatala sa
mga kahon sa
organizer at
isulat ang tamang
sagot bawat
bilang.
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat
ang titik sa patlang.

a. Unang tawag ng Pasig noong taon ng 1584


b. Bitukang Manok
c. Hango mula sa Sanskrit na “passis”
d. Enero 1995
e. Naging Urban
Panuto: Isulat sa talaan ang mga
impormasyon na nakalap.
Bakit mahalagang malaman at
maunawaan ang pinagmulan ng iyong
komunidad?
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang
pinagmulan ng iyong komunidad. May mga
pagkakataon na nababago ang pangalan ng
komunidad, batay sa pagbabago ng
pamumuhay ng mga tao at ng kapaligiran.
Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng
kahon at dugtungan ng tamang salita ang
bawat patlang upang maisalaysay ang kwento
ng sariling komunidad.
Ang salitang _______ ay hango mula sa
Sanskrit na _________ o buhangin na
tumutukoy sa mga pamayanang
tribo sa buhanginan ng ilog Pasig.
Noong Hulyo ________, ito ay naging lugar na urban.
Pinirmahan ni pangulong __________________ ang batas na
maging Lungsod ito ayon sa kinalabasan ng plebiseto noong
Enero ___________.
Pagbibigay ng panuto.

Ipakilala ang pinagmulan ng sariling komunidad


sa pamamagitan ng paglikha o pagguhit ng isang
Picture Story ng iyong komunidad. Isulat ang
mahahalagang detalye tulad ng dáting pangalan,
makasaysayang istruktura at lugar na mayroon sa
iyong komunidad.
Pagkatapos ay sumulat ng tatlo (3) hanggang
limang (5) pangungusap na nagpapakita ng
pagpapahalaga mo sa pinagmulan ng iyong
komunidad.

You might also like