You are on page 1of 2

Division of City Schools

NAGKAISANG NAYON ELEMENTARY SCHOOL


Quezon City, 5th District , Metro Manila

Name of Pupil: __________________________________________ Grade& Section: ___________________


Adviser: ________________________________________________ Date: ____________________________
Araling Panlipunan 2
I.Layunin
- Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad batay sa pagtatanong at pakikinig sa mga
kuwento ng
mga nakatatanda sa komunidadII.

Ang Kuwento ng Pinagmulan ng Aking Komunidad

Alam mo ba ang kasaysayan ng


May mga kuwento ang bawat komunidad, kasama na
inyong komunidad?
rito ang pinagmulan ng pangalan nito. Binubuo ang
Ano ang pinagmulan ng pangalan mga ito ng mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
nito?
Nadaragdagan pa ang mga ito ng mga pangyayaring
kasalukuyang nagaganap. Ang pinagsama-samang
kuwento ay naitatala bilang kasaysayan ng
komunidad.
Halina’t alamin natin ang kasaysayan ng Lungsod ng
Maynila.

 Ang Maynila ay lungsod na matatagpuan sa baybayin ng Look ng Maynila.


Makasaysayan at mahalagang ilog na matatagpuan dito ang Ilog Pasig.
 Nang sakupin ng mga Espanyol ang ating bansa, itinatag nila ang Maynila bilang
kabisera ng kanilang pamahalaan noong ika-24 ng Hunyo, 1571.
 Dahil sa magandang lokasyon nito, ang Maynila ay naging sentro ng kalakalan o
pagpapalitan ng produkto.
 Sa paglipas ng panahon, maging ang mga lugar na nasa labas ng pader ng Intramuros ay
naging bahagi na rin ng Maynila hanggang sa kasalukuyan.
 Ang pangalang Maynila ay mula sa salitsng “Nilad” isang uri ng halaman na tumutubo
sa ilog at sa baybaying look.
 Ipinagdiriwang ang Araw ng Maynila tuwing ika-24 ng Hunyo bilang paggunita ng
pagkatatag nito.
 Ang Maynila ay kinikilalang “Capital o Kabisera” n gating bansa dahil sa mayaman na
kasaysayan at maunlad na ekonomiya nito.
Division of City Schools
NAGKAISANG NAYON ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 5th District , Metro Manila

 Katulad noong unang panahon, ito pa rin ang sentrong daungan ng mga produkto mula
sa iba’t ibang lugar.
 Napakaraming uri din ng hanapbuhay ang maaaring pagkakitaan ng mga taong
naninirahan dito upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
 Bilang isang mabuting mamamayan, nararapat na ating pangalagaan at mahalin ang
komunidad na ating kinabibilangan.

Tandaan:
 Ang pangalan ng bawat komunidad ay may kani-kaniyang kuwentong pinagmulan.
 May mga makasaysayang bantayog, estruktura, lugar at bagay sa bawat komunidad na
dapat ingatan at pahalagahan.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang komunidad na inilarawan sa kuwento?
2. Ano ang pinagmulan ng pangalan nito?
3. Ano ano ang mga maaaring pagmulan ng pangalan ng isang komunidad?
4. Sa paanong paraan maaaring malaman ang kuwento ng isang komunidad?
5. Bilang mag-aaral bakit nararapat na pahalagahan mo ang kasaysayan ng inyong komunidad?

Gawain 2
Panuto: Punan ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Maaaring makakuha ng
impormasyon tungkol sa kuwento ng komunidad sa pamamagitan nang______________ at
______________ sa mga kuwento ng mga nakatatanda sa komunidad. Ang pangalan ng isang
komunidad ay maaring mula sa pangalan ng mga bagay na makikita sa
komunidad gaya ng __________, ____________,____________ o anumang bagay.

You might also like