You are on page 1of 8

Paaralan: Calayan Educational Foundation Inc.

Antas: Grade 3
Grade 1 to 12 Guro: Nicole G. Aranilla Asignatura: Araling Panlipunan
DAILY LESSON PLAN
Petsa: December 11, 2023 Markahan: Unang Markahan
I.LAYUNIN
1. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng kinabibilangang komunidad

2. Pamantayang Pagganap Malikhaing nakapagpapahayag/nakapagsasalarawan ng kahalagahan ng kinabibilangang komunidad

3. Kasanayan sa Pagkatuto Nauunawaan ang konsepto ng ‘komunidad’ AP2KOM-Ia- 1


1.1 Natutukoy at naipapaliwanag ang iba’t ibang uri ng komunidad
1.2 Nailalarawan ang sariling komunidad sa pamamagitan ng pag guhit ng larawan.
1.3 Napapahalagahan ang sariling komunidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan

`1
A. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang LM page 1-14


Mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Mga Larawan


portal ng Learning Resources o
ibang website
B. IBA PANG KAGAMITANG
PANTURO
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin/ Mahalaga na malaman natin kung ano ang komunidad at ang kahalagahan nito bilang isang naninirahan dito. Ang komunidad ay
Pagsisimula ng bagong aralin may iba’t ibang uri. Sa araling ito matutuklasan natin ang iba’t ibang uri ng komunidad at ang kahalagahan nito.

Bago tayo tumungo sa ating aralin. Subukin muna natin ang inyong kaalaman na kaugnay ang bagong aralin.

Suriin ang bawat larawan sa ibaba. Alin sa tingin mo sa mga larawan ang kabilang sa urban at alin ang sa rural? At Bakit?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Tayo ay kabilang sa isang komunidad. Binubuo ang komunidad ng pamilya, paaralan, pook-dalanginan, pamilihan, ospital at iba
pa. Maraming gawain sa komunidad ayon sa uri ng kapaligiran at ng panahon.
Mahalagang makilala natin ang sariling komunidad. Nakatutulong ito upang mapahalagahan natin ang mga bagay na nakikita rito.

Ang layunin ng aralin na ito ay malaman at maunawaan ang konsepto ng ‘komunidad’


Ano ang kahulugan ng komunidad? Ano ang kahalagahan nito? Ano ang mga uri ng komunidad?

1.1 Natutukoy at naipapaliwanag ang iba’t ibang uri ng komunidad


1.2 Nailalarawan ang sariling komunidad sa pamamagitan ng pag guhit ng larawan.
1.3 Napapahalagahan ang sariling komunidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa
bagong aralin Ano anong mga uri ng komunidad ang iyong alam? Mag bigay ng isa.

Mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng komunidad;


MGA KOMUNIDAD NA URBAN MGA KOMUNIDAD NA RURAL

MINAHAN
INDUSTRIYAL

LUNGSOD PANGISDAAN
SAKAHAN

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto


at paglalahad ng bagong kasanayan
#1

Ang komunidad ay naitatag sa pagtatayo ng mga tao ng kanilang tirahan sa isang lugar. Humahanap sila ng lugar na may
makukuhang pagkain, tubig, at iba pang kailangan. Ang komunidad ay maaaring ang pangkat ng mga taong may mga katangian o
interes na magkakatulad. Nakatira sila sa isang lugar at nabubuhay nang sama-sama ayon sa kanilang mga tuntunin. Maari ding
pook kung saan nagtagpo ang mga pamilya. Dito ay nagkasundo ang lahat na makikipamuhay sa isa’t isa ng payapa.

Ang mga Uri ng Komunidad

 May iba-ibang uri ng komunidad. Ang uri ng komunidad ay ayon sa kapaligiran


na mayroon ito. May komunidad na urban at komunidad na rural.

 Ang mga komunidad sa lungsod o siyudad ay kabilang sa komunidad ng urban.


Makikita rito ang maraming tao at sasakyan,mataas na gusali at malalawak na lansangan. Moderno ang pamumuhay ng mga
tao sa komunidad na urban.

 Narito sa pook na industriyal ang maraming pabrika at pagawaan ng iba’t ibang


produkto. Sa pook na industriyal ginagawa ang mga papel, lapis pagkaing de-lata,
inumin sa bote, tela, damit, sapatos, at marami pang iba.

 Ang sakahan ay kabilang sa komunidad ng rural. Matatagpuan ang mga sakahan


sa lambak o kapatagan.

 Ang pangisdaan ay isa ring komunidad na rural. Matatagpuan ang mga pangisdaan sa
tabi ng ilog, lawa at dagat.

 Kabilang din ang minahan sa komunidad ng rural. Karaniwang makikita ang minahan
sa mga bundok.
Tanong;

Ano ang natutunan niyo sa ating pinag aralan? Ipaliwanag


Bakit mahalaga ang pagkilala sa sariling komunidad?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto Gawain 1
at paglalahad ng bagong kasanayan Panuto : Lagyan ng palaso papunta sa larawan ng komunidad na nagpapakita ng kahalagahan sa komunidad.
#2

KOMUNIDAD
F. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan
#3

G. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Gawain 2:


Formative Assessment)
PANUTO: Iguhit ang larawan ng sariling komunidad sa isang papel. Pagkatapos, ibahagi ito sa klase at ipaliwanag kung paano
mo pinahahalagahan ang iyong komunidad.

H. Paglalapat ng aralin sa pang araw-


araw na buhay

I. Paglalahat ng aralin

J. Pagtataya ng aralin

K. Karagdagang gawain para sa


takdang aralin at remediation
IV. MGA TALA (Remarks)
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro/ superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

NICOLE G. ARANILLA ANNALISA JAMILANO


Guro Punong-Guro

You might also like