You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 2

IKALAWANG MARKAHAN

I. Layunin
Naihahambing ang katangian ng sariling komunidad sa iba pang
komunidad sa mga uri ng likas na yaman.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Paghahambing ng Katangian ng Sariling Komunidad sa Iba
Pang Komunidad
Sanggunian: AP2KNN-IIh-10, Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-
aaral, dd. 146-148
Kagamitan: mga larawan ng iba’t- ibang komunidad, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan 2
Pagpapahalaga:
Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga katangian ng bawat
komunidad.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Balitaan tungkol sa magagandang lugar sa komunidad.

2. Pagganyak
Pagbabahagi ng karanasan sa pagbisita sa iba’t-ibang
komunidad.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-anong mga lugar sa inyong komunidad ang nabisita o
napasyalan mo na?
2. Ano-ano ang mga makikita at maipagmamalaki sa mga lugar
na ito?

PAGSAGOT SA ANA

A N NA
Paksa (Alam na) (Nais Malaman) (Nalaman Na)

Mga Likas na
Yaman sa Iba’t-
ibang
Komunidad
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
Pagbasa ng talata.

Maraming biyaya ang Diyos sa ating komunidad. Ang lupa,


gubat, mineral at tubig ay mga likas na yaman na kaloob ng
Diyos sa atin.
Ang likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sa kalikasan
tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, mga ilog at lawa
maging ang mga deposito ng mineral. Ang mga ito ay tinatawag na
kayamanang mana ng bansa.
Dalawa sa ating likas na yaman ay makikita sa mga anyong lupa
at anyong tubig. Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa
ay tinatawag na yamang lupa.
Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong tubig ay tinatawag
na yamang tubig.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang kahulugan ng likas na yaman?
2. Ano ang tawag sa mga bagay na nakukuha sa mga anyong
lupa? sa anyong tubig?
3. Ano-anong anyong lupa mayroon sa iyong kumunidad? Anong
yaman ang nakukuha rito?
4. Ano-anong anyong tubig mayroon sa iyong komunidad?
Anong yaman ang nakukuha rito?
5. Paano pinangangalagaan ng iyong komunidad ang mga
anyong lupa at anyong tubig?

Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-aaral, dd.147-


148
Gawain 2
Pangkatang Gawain
Paghahambing ng mga likas na yaman ng mga
komunidad.

Komunidad A Komunidad B Komunidad C

Pangkat 1- Komunidad A at B
Pangkat 2- Komunidad B at C
Pangkat 3- komunidad A at C

Pagsagot sa venn diagram.

Komunidad Komunidad
Pagkakatulad

Pangkatang pag-uulat.

2. Pagsusuri
1. Mula sa mga natapos na gawain, ano-ano ang mga
pagkakatulad ng mga komunidad?
2. Ano-anong pagkakaiba ang makikita sa komunidad?
3. Alin sa mga paglalarawang ito ang katulad ng komunidad na
iyong kinabibilangan?
C. Pangwakas na Gwain
1. Paghahalaw
Ano-anong katangian ng sariling komunidad ang kaiba o
katulad ng sa iba pang komunidad sa uri ng mga likas na yaman?

2. Aplikasyon
Iguhit ang mga likas na yamang mayroon sa iyong sariling
komunidad. Ihambing ito sa komunidad na nasa larawan.
Mga Likas na Yaman ng Mga Likas na Yaman ng
Komunidad A Sariling Komunidad

IV. Pagtataya
Paghambingin ang iba’t-ibang uri ng komunidad. Isulat ang TAMA
sa patlang kung wasto ang pahambing na pahayag at MALI naman
kung hindi wasto.

_____1. Ang mga komunidad ay magkakatulad.


_____2. Ang likas na yaman ng komunidad ay naaayon sa lugar o
lokasyon ng isang komunidad.
_____3. May iba’t-ibang angking likas na yaman ang bawat komunidad.
_____4. Ang mga magagandang tanawin o lugar sa isang komunidad
ay mga halimbawa ng mga likas na yaman nito.
_____5. May mga likas na yamang maipagmamalaki sa bawat
komunidad na ating kinabibilangan.
V. Takdang Aralin
Iguhit ang mga likas na yamang maipagmamalaki sa iyong
komunidad. Ihambing ito sa iginuhit ng kamag-aral kinabukasan.

Inihanda ni:

AILEEN P. JAMONER
Teacher I/Demo Teacher

Inobserbahan ni:

LIZA T. BERNALTE
Principal II

You might also like