You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII – SOCCSKSARGEN
Schools Division of South Cotabato
Surallah 2 District
VALERIANA L. BARBER ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


I. LAYUNIN:
1. Naibibigay ang kahulugan na Komunidad
2. Nalalaman ang kahalgahan ng Komunidad
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Komunidad(AP2KAP-IVj-14)(Unang Araw)
b. Sanggunian: MELC, Modyul 1, Aralin 1.1
b. Kagamitan: Krayola, Papel,
c. Integrasyon: Pagpapahalaga sa kalikasan, sining
III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain:
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Lumiban
d. Pagbibigay ng Alituntunin
e. Balik-Aral
f. Pagganyak
*Magpapakita ang guro ng mga larawan at ipapakulayan sa mga mag-
aaral.
2. Paglalahad:
Ipakita ang larawan ng komunidad.

A B C D
3. Pagtatalakay:
Pag-usapan ang mga larawan. Itanong:
a. Ano-ano ang mga makikita sa larawan A? Ano-ano naman ang makikita sa
larawan B? Sa larawan C? Sa larawan D?
b. Sino-sino ang mga makikita na sa larawan A? sa larawan B? Sa larawan C? Sa
larawan D?
c. Ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan A?
d. Saan kaya makikita ang mga lugar na nasa larawan A? Sa larawan B? Sa
larawan C? Sa larawan D?
e. Anong uri ng lugar ang inilahad ng bawat larawan?
f. Sino-sino sa inyo ang nakatira sa komunidad na katulad ng nasa larawan A? B?
C? D

* Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na namumuhay at


nakikisalamuha sa isa’t isa at naninirahan sa iisang pook na magkatulad ang kapaligiran
at kalagayang pisikal.
4. Pagpapayamang Gawain

-Isulat sa mga biluhaba ang mga nawawalang titik upang mabuo ang tamang
sagot tungkol sa mga bumubuo ng komunidad .

5. Paglalahat
*Ano ang Komunidad??
* Ano ang bumubuo sa Komunidad?
IV. Pagtataya
Punan ng sago tang mga patlang.
Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga ____ na sama-samang
naninirahan sa iisang _______na magkatulad ang kapaligiran at kalagayang
_________.
V. Takdang Aralin
Pag-aralan ang susunod na leksyon

Prepared by:
Dea Mae M. Cercado
Grade 0ne-Adviser

Checked by:

Carlito B. Dionedas
TII/Teacher In-Charge
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII – SOCCSKSARGEN
Schools Division of South Cotabato
Surallah 2 District
VALERIANA L. BARBER ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad:
a. mga taong naninirahan
b. mga institusyon
c. at iba pang istrukturang panlipunan
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Ang Komunidad(AP2KOM-la-1)(Pangalawang Araw)
b. Sanggunian: MELC, Modyul 1, Aralin 1.1
c. Kagamitan: Larawan, Papel, Modyul 1, Aralin 1.1
d. Integrasyon: Pagpapahalaga sa kalikasan, sining
III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain:
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Lumiban
d. Pagbibigay ng Alituntunin
e. Balik-Aral
f. Pagganyak
*Magpapakita ang guro ng mga larawan at ipapasagot sa mga mag-aaral.
2. Paglalahad:
Ipakita ang larawan ng komunidad.

3. Pagtatalakay:
Pag-usapan ang mga larawan. Itanong:
a. Ano-ano ang mga makikita sa larawan?
d. Saan kaya makikita ang mga lugar na nasa larawan ?
e. Anong uri ng lugar ang inilahad ng bawat larawan?
* Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na namumuhay at
nakikisalamuha sa isa’t isa at naninirahan sa iisang pook na magkatulad ang kapaligiran
at kalagayang pisikal.Ito ay binubuo ng paaralan, pamilihan, sambahan, pook libangan,
sentrong pangkalusugan at mga panahanan.
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain. Iguhit ang larawan ng inyong komunidad. Ipaulat sa bawat
pangkat tungkol sa larawang komunidad na iginuhit.
5. Paglalahat
*Ano-ano mga institusyon na bumubuo sa Komunidad?
* Ano-ano ang mga istrakturang bumubuo sa Komunidad?

IV. PAgtataya
Punan ng sagot ang mga patlang.
Ang komunidad ay binubuo ng mga
1.__________________ 4.____________________
2.__________________ 5.____________________
3.__________________
V. Takdang Aralin
Gumuhit ng sariling gusting komunidad.

Prepared by:
Dea Mae M. Cercado
Grade 0ne-Adviser

Checked by:

Carlito B. Dionedas
TII/Teacher In-Charge

You might also like