You are on page 1of 4

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
Lupi District
BELWANG ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY-ARALIN
SA
ARALING PANLIPUNAN II
FOURTH Quarter

I. LAYUNIN
A. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko bilang pakikibahagi sa mga
layunin ng sariling komunidad
B. Napahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad sa sariling pag-unlad at nakagagawa
ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad
C. Natatalakay ang kahalagahan ng mga paglilingkod/serbisyo ng komunidad upang matugunan
ang pangangailangan ng mga kasapi sa komunidad

II. PAKSA
Pagpapahalaga sa mga Serbisyong Naibibigay ng Komunidad

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: K to 12 Gabay sa Pangkurikulm sa Araling Panlipunan II, p.253-264
B. Iba Pang Kagamitan sa Pagtuturo: tsart, video clip, projector,laptop

IV. PAMAMARAAN
A. Balik- Aral
Ipakita ang larawan ng mga katulong natin sa komunidad. Sabihin kung sa anong
pangkat ng komunidad sila nabibilang.

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin


( Ang guro ay maglalagay ng tsart sa pisara na may nakasulat na awit na ang pamagat ay
“Komunidad” na nakatono sa awiting sitsiritsit).
 Itanong: Ano ang tawag sa lugar na tinitirhan ng mga tao?
 Sabihin: Ngayong araw, muli nating aalamin ang mga taong nagbibigay serbisyo
sa ating komunidad.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Aralin
Itanong: Bakit importante sa komunidad ang bawat isa?
Ang iyong pamilya ba ay bahagi ng komunidad?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


( Ang guro ay gagamit ng graphic organizer at talakayin ang mga taong nagbibigay
Serbisyo sa komunidad).
Mga Taong Nagbibigay ng Serbisyo sa Komunidad

 Itanong: Paano nakatutulong sa atin ang doktor? Saan sila matatagpuan?


Ano ang naitutulong ng mga guro sa mga kabataan?
Sino ang dumadating upang sugpuin ang sunog sa isang lugar?
Ano ang serbisyong ibinibigay ng kapitan sa barangay?

E. Paglinang sa kabihasnan tungo sa Formative Test


Itanong: Paano tumutugon ang mga serbisyo ng bawat pangkat ng komunidad?

F. Paglapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay


( Hatiin sa 3 pangkat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng gawain na kaugnay ng
mga taong nagbibigay serbisyo sa komunidad. Gawin ito sa loob ng 15 minuto).
 Sabihin: Bago natin simulan ang inyong pangkatang gawain, anu-ano ang mga
dapat isaalang-alang ng bawat pangkat para sa matagumpay na
gawain?
a) Kooperasyon at partisipasyon
b) Magbahagi ng ideya ang bawat miyembro ng pangkat
c) Tulong-tulong sa paggawa
d) Iwasan ang mag-ingay

( Ilahad sa mga bata ang iskor kard o rubriks sa pagbibigay marka sa awtput ng bawat
grupo).
ISKOR KARD

Grupo Excellent Average Fair


( Mahusay na ( Mahusay ngunit ( Hindi
naipakita ang may kaunting maayos ang
serbisyo) pagkakamali) gawa)
95-100% 90-94% 85-90%
I
II
III

 UNANG PANGKAT
Isulat kung anong serbisyo ang ibinibigay ng bawat pangkat ng komunidad.
Barangay Hall- _______________________________________________
Paaralan - ___________________________________________________
Hospital - ____________________________________________________
Himpilan ng Pulis - _____________________________________________
Fire Station/ Istasyon ng mga Pamatay Sindi - _______________________

 IKALAWANG PANGKAT
Pagkabitin ang mga tao sa hanay A at pangkat na kanilang kinabibilangan.
A B
1. kapitan a. Inaayos niya ang mga
problema sa isang barangay
2. guro b. pinapanatili niyang tahimik at
payapa ang ating kapaligiran
3. doktor c. sinusugpo niya ang sunog sa isang
lugar
4. pulis d. tinuturuan niyang magbasa, magsulat
magbilang ang mga bata

5. bumbero e. ginagamot niya ang mga maysakit

 IKATLONG PANGKAT
Isulat sa patlang kung sino ang kasapi ng komunidad ang tinutukoy.
_________ 1. Dinadakip ang mga taong nagnanakaw
_________ 2. Pinapatay ang sunog
_________ 3. Nagtuturo sa mga bata na magbasa
_________ 4. Nag aayos sa barangay ng mga problema
_________ 5. Nagbibigay lunas o gamot sa mga maysakit

G. PAGLALAHAT

 Ano ang kahalagahan ng pagbibigay serbisyo sa ating komunidad?

H. PAGTATAYA

Pagtambalin ang mga taong nagbibigay serbisyo sa Hanay A sa mga paglilingkod


na ibinibigay nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

_______ 1. Doktor a. Nagtuturo sa mga bata

_______ 2. Kapitan b. Ginagamot ang mga maysakit

_______ 3. Guro c. Inaayos ang mga suliranin sa


barangay
_______ 4. Pulis d. Tinuturo ang mga salita ng
Diyos
_______ 5. Pari e. pinapanatiling payapa ang
ating kapaligiran
J. KARAGADAGANG GAWAIN/ PANGPAPAHUSAY
1. Mag interbyu sa mga magulang/ kakilala kung anog serbisyo ang kanilang
Ibinibigay sa komunidad. Isulat ang sagot sa kwaderno.

V. MGA TALA
_________________________________________________________________
________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng ag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ng pagpapahusay? ( remedial)
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
pagpapahusay?
E. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epktibo?
F. Ano- ano ang aking nagging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit/ natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?
Prepared by:

ALONA P. ATIENZA
T-1 Grade II Adviser

Noted:
EMMANUEL A. VERAS
School Head

Approved:
JULIA O. JORNALES
Public Schools District Supervisor

You might also like