You are on page 1of 145

2

Ang Aking Komunidad


Noon at Ngayon
Kagamitan ng Mag-aaral

SHEILA MARIE R. MARTIN


May-Akda 1
Talaan ng Paggamit ng Aklat

Paaralan:

Purok:

Sangay:

Rehiyon:

Kailan Natanggap sa Paaralan:

Pangalan ng Kailan Kondisyon Kailan Isinauli Kondisyon


Humiram Ipinahiram

Gamitin ang mga sumusunod na mga titik sa pagtatala ng kondisyon ng aklat:

A (Bago)

B (Gamit na ngunit maayos na)

C ( May Kaunting Sira)

2
Mahal na mag-aaral,

Ang aklat na ito ay malugod na


inihahandog sa mga mag-aaral na nasa
Ikalawang Baitang sa Barangay ng Yeban
Sur. Ang mga aralin na napapaloob sa aklat na
ito ay ibinatay sa bagong K to 12 Basic
Education Curriculum ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Inaasahan na ang aklat na ito ay malaki
ang maitutulong sa mga mag-aaral upang lalo
pang mapalawig ang kanilang kaalaman tungkol
sa pinagmulan ng kanilang sariling komunidad.
Nawa’y makapag-bigay ng kasiyahan at
karunungan ang aklat na ito. Ingatan at mahalin
ito.
Nagmamahal,

May-akda

3
Pasasalamat

Ang may-akda ay lubos na nagpapasalamat sa


lahat ng taong tumulong lalong lalo na sa Maykapal na
nagbigay ng walang kapantay na karunungan upang
maging matagumpay at maisakatuparan ang aklat na
ito. Sa kanyang pamilya na lubos na sumuporta at
umunawa habang isinasakatuparan ang aklat na ito, sa
punong barangay ng kanilang komunidad sa walang
sawang nagbigay ng mga impormasyon na siyang
nagamit sa aklat na ito, sa kanyang mga kapwa guro na
walang sawang sumoporta habang ginagawa ang aklat
na ito at sa kanyang Punong Guro na walang sawang
nag antabay sa may-akda hanggang sa matapos nito
ang aklat.

TO GOD BE ALL THE GLORY!!!!

4
Mga Nilalaman

Yunit 1: ANG AKING KOMUNIDAD


Kabanata 1: Pagkilala sa Komunidad
Aralin 1: Ang Komunidad…………………………12
Aralin 2: Ang kahalagahan ng Komunidad…..17
Aralin 3: Ang Mga Bumubuo ng Komunidad…19
Aralin 4: Ang Gawain at Tungkulin ng
Bumubuo ng Komunidad……………...28

Kabanata 2: Ang Anyo ng Komunidad


Aralin 1: Kasapi Ako ng Komunidad……………33
Aralin 2: Ang Lokasyon ng Aking Komunidad..35
Aralin 3: Ang Mapa ng Aking Komunidad…….37
Aralin 4: Ang Panahon sa Aking Komunidad…40
Aralin 5: Ang Komunidad Mo at
Komunidad Ko…………………………..42

Yunit 2: ANG AKING KOMUNIDAD NOON


AT NGAYON
Kabanata 1: Ang Kwento ng Aking Komunidad Aralin
1: Ang Pinagmulan ng Aking
5
Komunidad…………………………........53
Aralin 2: Ang Makasaysayang Pangyayari sa
Aking Komunidad………………….……56
Aralin 3: Ang Pagbabago sa Aking
Komunidad…………………………...…..58
Aralin 4: Mga Natatanging Sagisag at
Bantayog………………………….………61
Aralin 5: Populasyon…………………………….…71

Kabanata 2: Ang Kultura ng Aking Komunidad……


Aralin 1: Ang Pagkakakilanlang Pang Kultura..75
Aralin 2: Ang Pagdiriwang at Tradisyon
Sa Aking Komunidad………………….79

Yunit 3: PAMUMUHAY SA KOMUNIDAD


Kabanat 1: Kabuhayan sa Komunidad………………
Aralin 1: Mga Produkto at Hanapbuhay sa
Aking Komunidad……………………….92
Aralin 2: Pangangalaga Ko sa Aking
Komunidad………………………………98
Aralin 3: Kabuhayan sa Komunidad….….……101

6
Kabanata 2: Pamumuno at Paglilingkod sa
Komunidad
Aralin 1: Ang Pamumuno sa Aking
Komunidad………………………...……105
Aralin 2: Ang Mabuting Pamumuno……….….108
Aralin 3: Ang Huwaran sa Pamayanan………110
Aralin 4: Pamumuno ng Tama, Maayos at
Makatwiran………………………….….113

Yunit 4: PAGIGING BAHAGI NG


KOMUNIDAD
Kabanata 1: Kabahagi Ako ng Aking Komunidad
Aralin 1: Kahalagahan ng Paglilingkod ng
Komunidad………………………...……123
Aralin 2: Mga Naglilingkod sa Aking
Komunidad………………………...……125
Aralin 3: Pagtugon sa Karapatan ng Bawat
Kasapi ng Komunidad…………..……131
Aralin 4: Kahalagahan ng Disiplinang
Pansarili…………………………...……...135
Aralin 5: Kagalingang Pansibiko…………….…138

7
8
Unang Yunit

9
Sa yunit na ito natatalakay
Nilalaman
at nauunawaan ang konsepto at
kahalagahan ng komunidad.
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 pag-unawa sa kahalagahan ng
kinabibilangang komunidad;
 nasasabi ang payak na kahulugan ng
‘komunidad’ ;
 nasasabi ang mga halimbawa ng
‘komunidad’;
 naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga
bumubuo ng komunidad sa sarili at sariling
pamilya;
 nasasabi na ang bawat bata ay may
kinabibilangang komunidad;
 nasasabi ang batayang impormasyon tungkol
sa sariling komunidad; at
 nailalarawan ang sariling komunidad.

10
Kaban
1
ata
Pagkilala sa Komunidad

11
Aralin Ang Komunidad
1 Ano Ang Komunidad?
Ang komunidad ay binubuo ng mga naninirahang
pangkat ng mga tao, karamihan mga magkakamag-anak
na nasa iisang lugar o pamayanan.
Binubuo rin ito ng iba’t-ibang mga istruktura at iba’t
ibang mga taong may sariling hanapbuhay.

12
Mga Halimbawa ng Komunidad
Ang komunidad ay maaaring makita o matagpuan
sa mga sumusunod:

Kapatagan Kabundukan

Lungsod

13
Ang isang komunidad ay binubuo ng paaralan,
sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at
mga panahanan. Hindi lahat ng mga ito ay makikita sa
isang komunidad. Mayroong mga komunidad na walang
sariling sambahan, pook libangan at iba pa ngunit
maaari itong makita sa karatig din nitong komunidad.
Ang mga sumusunod na larawan ay halimbawa ng
mga bumubuo sa isang komunidad.

Paaralan Simbahan

Barangay Hall Mga Bahay

14
Sagutin:
1. Ano ang komunidad?
2. Ano-ano ang mga bumubuo rito?
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng komunidad?
4. Tignan ang mga larawan. Mayroon ba ito sa
inyogn komunidad?

Gawin Mo
A. Iguhit sa papel ang mga larawang bumubuo sa
isang komunidad. Kulayan ito.

15
B. Kulayan ang mga sumusunod na larawan na
matatagpuan sa komunidad at halimbawa ng
komunidad.

Paarala Pamiliha
n n

Barangay
Hall

16
Aralin Ang Kahalagahan ng
Ano Ang Kahalagahan Komunidad
ng Komunidad?
2
Ang komunidad ay napakahalaga sapagkat ito ay
binubuo ng mga tao na siyang dahilan kung bakit
mayroong iba’t ibang istruktura sa isang komunidad.
Sa isang komunidad, dito makikita ang mga kultura ng
mga tao, at kung ano ang mga pagkakaiba ng mga ito.

17
Sagutin:

Ano ang kahalagahan ng


komunidad sa atin? Ano ang
meron sa ating komunidad kaya ito
ay mahalaga?

18
Aralin Ang Mga Bumubuo ng
3 Komunidad

Pagmasdan ang mga larawang nasa ibaba.

19
Ang isa sa mga makikita at bumubuo ng ating
komunidad ay ang paaralan. Ang paaralan ay isang
pook kung saan nag-aaral ang mga mag-aaral.

20
Ang Barangay Hall ay isa sa makikita sa ating
komunidad. Ito ang tanggapan n gating mga pinuno.
Dito nagaganap ang mga pagpupulong na ginagawa ng
mga opisyales g barangay.

21
Ito ang Simbahan sa aming pamayanan. Dito kami
nagpupuri at sumasamba sa Panginoon tuwing sasapit
ang linggo. Ito rin ang namumuno sa mga
ipinagdiriwang na panrelihiyon sa komunidad.

22
Ito ang mga Tirahan ng mga mamamayan sa isang
komunidad. Dito nakatira ang bawat pamilya na siyang
dahil kung bakit nabubuo ang isang komunidad.

23
Ito ang Health Center sa aming komunidad. Dito
nagpapagamot ang mga mamamayan sa amin lalo na
ang mga supling. Dito sila binabakunahan at
nagpapatingin.

24
Sagutin:
1. Ano-ano ang mga bumubuo ng komunidad?
2. Mayroon bang ginagampanan ang mga bumubuo
ng komunidad?
3. Gaano kahalaga ang ng mga bumubuo sa
komunidad?

Gawin Mo
Piliin ang titik ng tamang sagot.
A B

1. Barangay a.
Hall

2. Tirahan b.

25
3. Health c.
Center

4. Simbahan d.

5. Paaralan e.

26
Ang Gawain at Tungkulin ng
Arali bumubuo ng Komunidad
n
4

Malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga


bumubuo ng komunidad gaya ng paaralan, simbahan,
pamilihihan, health center, tirahan at barangay hall.
Ang paaralan ay may malaking ginagampanan sa
ating komunidad sapagkat dito pumapasok ang mga
mag-aaral upang matutong bumasa at sumulat, at
magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ang pook sambahan naman ay kung saan rito
nagsasama-sama ang mga tao upang magbigay papuri sa
Panginoon.
Ang pamilihinan ay nahahati sa dalawa, ang wet at
dry market. Sa Wet Market, dito makikita ang mga
produkctong itinitinda ng mga mamamayan tulad ng
gulay, prutas at iba’t-ibang uri ng mga karne. Sa Dry
Market naman dito nabibili ang mga gamit pambahay,
pampaaralan, at mga damit at sapatos.

27
Ang health center naman ay may malaking
ginagampanan sa ating komunidad. Dito nagpapagamot
ang mga tao sapagkat sila ay nagbibigay ng mga libreng
gamot at pagpapakunsulta.
Ang tirahan naman ng mga tao ay makikita rin sa
ating komunidad. Sila ang bumubuo sa isang
komunidad. Karamihan sa mga tirahan na sa komunidad
ay mga konkreto bihira na ang gumagamit ng mga
bahay kubo.
Ang barangay hall naman ay napaimportante sa
isang komunidad. Dito nakatalagang mag opisina ang
punong barangay ng komunidad. Dito rin inaayos ng
mga opisyales ang mga taong mayroong hindi
pagkakaunawaan. Ang barangay hall ng komunidad ay
isang tanggapan na kung saan malaki ang naitutulong sa
mga mamamayan. Dito nila nailalabas ang kanilang
hinaing kung mayroon man silang problema sa kanilang
kapwa mamamayan.

28
Sagutin:
1. Gaano kalaki ang ginagampanang tungkulin ng
bumubuo ng komunidad?
2. Mayroon bang kinalaman sa isa’t isa ang mga
bumubuo nito?
3. Magbigay ng importansiyang makukuha sa mga
bumubuo ng komunidad.

Gawin Mo
Iguhit ang mga bumubuo ng komunidad. Kulayan
ito.

29
Sa yunit na ito natatalakay
Nilalaman
at nauunawaan ang kahalagahan
ng kinabibilangang komunidad.
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 nasasabi na ang bawat bata ay may
kinabibilangang komunidad;
 nasasabi ang batayang impormasyon
tungkol sa sariling komunidad: pangalan ng
komunidad; lokasyon ( malapit sa tubig o
bundok, malapit sa bayan), mga namumuno
dito, populasyon, mga wikang sinasalita,
atbp;
 nailalarawan ang sariling komunidad gamit
ang mga simbolo sa payak na mapa;
 Nailalarawan ang panahon at kalamidad na
nararanasan sa sariling komunidad; at
 Nasasabi ang pagkakapareho at pagkakaiba
ng sariling komunidad sa mga kaklase.

30
Kaban
2
ata
Ang Anyo ng Komunidad

31
Aralin Kasapi Ako ng Aking
1 Komunidad

Ang Aking Komunidad


Ako ay nakatira sa barangay ng Sevillana. Marami
ang pamilyang nakatira rito. Malinis at maaliwalas ang
hangin dito sa aming komunidad. Ang mga mamamayan
ay nagtutulong-tulong upang mapaunalad at mapaganda
pa ang aming komunidad. Nagkakaisa ang mga
mamamayan dito. Si Ginoong Arnel P. Quesada ang
kasalukuyang pinuno dito sa aming komunidad.
May iba’t ibang grupo ng mga tao ang makikita
dito sa aming barangay, mayroong ilokano at mayroon
ding tagalong. Ngunit pagkagayon, silang lahat ay
nagkakaisa. May iba’t ibang relihiyon din sa aming
komunidad, ang Kristiyano, Iglesia Ni Cristo at ang
Born Again Christian. Ang pagkakaiba ng kanilang
relihiyon ay hindi hadlang upang sila ay higit na
magkakaunawan at magtuutlungan.

32
Sagutin:
1. Ano ang masasabi mo sa kanyang sariling
komunidad?
2. Ano ang ugali mayroon ang mga mamamayan sa
kanilang komunidad?
3. Marami bang mga pangkat etniko sa kanyang
komunidad? Ibigay ang mga ito.
4. May iba’t-ibang relihiyon ba sa kanilang
komunidad? Ibigay ang mga relihiyon dito.

Gawin Mo
Gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa
iyong sariling komunidad. Isulat ito sa papel.

33
Aralin Ang Lokasyon ng Aking
2 Komunidad

Nasaan ang Aking Komunidad?


Kung titignang mabuti mula sa Ilog ng
Pinacanauan, Yeban Sur ang natatanging daanan ng
ibang mga barangay na nasa Kanlurang bahagi ng
poblasyon. Sa Kanlurang bahagi nito ay makikita ang
Yeban Norte, at sa Hilagang bahagi naman nito
matatagpuan ang Maluno Norte at Maluno Sur. May
tinatayang distansyang umaabot sa 2.50 kilometro ang
layo ng naturang komunidad mula sa poblasyon.

34
Sagutin:
1. Saan ang kinalalagyan ng iyong komunidad?
2. Ano ang makikita sa bandang kanluran nito?
3. Ano ang makikita sa bandang silangan nito?
4. Malayo ba ito sa poblasyon? Gaano ito kalayo?

Gawin Mo
Iguhit ang direksyon sa ibaba. Sabihin ang
mgakaratig na komunidad na makikita sa itinuturo ng
mga pangunahing direksyon. Isulat ito sa papel.

35
Aralin Ang Mapa ng Aking
3 Komunidad

Ang Timeline
Ang Timeline ay listahan ng mga
importanteng pangyayari sa isang lugar na nangyari na
makalipas ang marming taon.
Dito makikita ang mga naganap na
mahahalga o importanteng bagay sa iyong komunidad.
Napakahalaga nito sapagkat ipinapakita nito
ang mga pangyayaring hinding hindi kailanman
makakalimutan ng mga mamamayan sa isang
komunidad.
Tignan ang mapa ng iyong komunidad sa
susunod na pahina. Pag-aralan ng mabuti ang mapa pati
narin ang timeline na nakalagay sa mapa.
Alamin ang mga importanteng naganap sa
mga taong nagdaan at alamin din kung kalian ito
nangyari sa pamamagitan ng paggamit ng timeline na
makikita sa tabi ng mapa ng iyong komunidad.

36
.

3
0
0
1 1 1 1 2
9 9 9 9
Naging munisipalidad
6 Umupo ang
6 unang Naipatayo8ang Yeban Naipatayo ang9 Barangay Tuluyang naging Yeban Sur
ang Benito
7 Soliven Kapitan ng8Komunidad Elementary School
2 Annex Hall at Day Care
9 Center sa Elementary School ang
Komunidad paaralan

37
Sagutin:
1. Ano ang timeline?
2. Ano-ano ang makikita mo sa timeline?
3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng timeline? Bakit?
4. Mahalaga ba ang magkaroon ng mapa ang iyong
sariling komunidad? Bakit?

Gawin Mo
Iguhit mo ang mapa ng iyong komunidad. Kulayan
ito.

38
Aralin Ang Panahon sa Aking
4 Komunidad

Mga Panahon sa Aking Komunidad


Sa aking komunidad, ay mayroon lamang dlawang
panahon. Ang Panahon ng Tag-init at Panahon ng Tag-
ulan. Ang tag-init ay nararanasan mula buwan ng
Nobyembre hanggang buwan ng Abril. Ang tag-ulan
naman ay nararanasan tuwing buwan ng Mayo
hanggang buwan ng Oktubre.
Maraming mga sakit ang naidudulot ng sobrang
init o sobrang lamig ng panahon. Sa aking komunidad
tuwing tag-init ay maraming mga sakit na pwedeng
makuha tulad ng bulutong-tubig, sore eyes,
pagkakaroon g mga rashes sa katawan, at bungang araw.
Tuwing tag-ulan naman ang mga sakit na makukuha ay
ubo, sipon, at paglalagnat.
Anu man ang uri ng panahon na nararanasan natin,
kalian tayong maging alerto sa mga sakit na nakapaligid
sa atin. Ugaliing maging malinis ang pangangatawan
upang hindi agad kapitan ng mga ganitong mga sakit.

39
Sagutin:
1. Ano ang mga uri ng panahon na nabanggit sa
iyong binasang teksto?
2. Anong buwan nararanasang ang tag-init?
3. Anong buwan nararanasan ang tag-ulan?
4. Ano-ano ang mga sakit na makukuha tuwing tag-
ulan? Tuwing tag-araw?
5. Paano maiiwasan ang mga sakit na ito?

Gawin Mo
Magobserba mula Lunes hanggang Linggo ukol sa
klima na mararanasan mo sa mga susunod na araw.
Lagyan ng tsek ( √ ) ang kolum.
Mga Araw

Lunes
Martes
Myerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo

40
Aralin Ang Komunidad Ko At
5 Komunidad Mo

Ang Pagkakaiba ng Komunidad Mo sa


Komunidad Ko
Ang topograpiya ng komunidad ay mayroong
pahabang hugis, may mga likong daanan at
napapaligiran ito ng mga bundok. Ang nagiisang
pinagkukunan ng tubig dito sa komunidad ay ang ilog
Pinacanauan na nasa silangang bahagi nito, ang ilog
Pinacanauan. Ang ilog na ito ay mayaman sa lamang
tubig gaya ng tilapia, carpa, amlid, golden fish, ipon,
dalag, hito, susay, kurilao, bukto at lalong-lalo na sa
isdang bihira nang Makita, ang ikan na siyang
pinakapaboritong kainin ng mga nakatira sa naturang
komunidad.
Sa ibang komunidad mayroon silang malalaking
gusali, marami ang mga nagtitinda, at maraming mga
sasakyan ang mga dumadaan. Maraming mga
establishimentong naipatayo sa kanyang komunidad at
dikit dikit na mga bahay ang makikita rito.

41
Sagutin:
1. Ano ang topograpiya ng iyong komunidad?
2. Ano ang nagiisang anyong tunig na makikita
malapit sa iyong komunidad? Ano ang pangalan
nito?
3. Ano-ano ang mga makukuhang isda sa ilog na ito?
4. Ano ang pagkakaiba ng kanilang komunidad?

Gawin Mo
Isulat ang kung tama at naman
kung mali.
1. Ang topograpiya ng komunidad ay
mayroong pahabang hugis.
2. Ang nagiisang pinagkukunan ng tubig dito
sa komunidad ay dagat.
3. Ang ilog Pinacanauan na nasa silangang
bahagi ng komunidad.
4. Ang ilog na ito ay hindi mayaman sa
lamang tubig.
5. Ang ikan na siyang pinakapaboritong
kainin ng mga nakatira sa naturang komunidad

42
Unang Markahang Pagsusulit

I. Tukuyin ang panglan ng mga sumusunod na


larawang bumubuo sa iyong komunidad.

1.

2.

43
3.

4.

44
5.

45
II. Tukuyin ang kinalalagyan ng nasa larawan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.

a. Lungsod
b. Kabundukan
c. Kapatagan
2.

a. Talampas
b. Kabundukan
c. Karagatan

46
3.

a. Lungsod
b. Kabundukan
c. Kapatagan

III. Iguhit ang kung ang isinasaad ng


pangugusap ay tama at kung mali. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Ang komunidad ay binubuo ng mga


naninirahang pangkat ng mga tao, karamihan mga
magkakamag-anak na nasa iisang lugar o pamayanan.
2. Ang komunidad ay maaaring makita o
matagpuan sa kapatagan,kabundukan o maging sa
lungsod.

47
3. Ang isang komunidad ay hindi mahalaga.
4. Ang paaralan ay isang pook kung saan nag-aaral
ang mga mag-aaral.
5. Ang Health Center ay isa sa makikita sa ating
komunidad. Ito ang tanggapan n gating mga pinuno.
6. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga
bumubuo ng komunidad gaya ng paaralan, simbahan,
pamilihihan, health center, tirahan at barangay hall.
7. Yeban Sur ang natatanging daanan ng ibang
mga barangay na nasa Kanlurang bahagi ng poblasyon.
8. Sa Kanlurang bahagi nito ay makikita ang
Yeban Norte, at sa Hilagang bahagi naman nito
matatagpuan ang Maluno Norte at Maluno Sur.
9. Ang Timeline ay listahan ng mga importanteng
pangyayari sa isang lugar na nangyari na makalipas ang
marming taon.
10. Sa aking komunidad, ay mayroong tatlong uri
ng panahon. Ang taglamig, tag-init at tag-ulan.

48
49
Sa yunit na ito naipamamalas ang
Nilalaman pag-
unawa sa kwento ng pinagmulan
ng sariling komunidad batay sa konsepto ng
pagbabago at pagpapatuloy at pagpapahalaga sa
kulturang nabuo ng komunidad.
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 nauunawaan ang pinagmulan at kasaysayan
ng komunidad;
 nabibigyang halaga ang mga bagay na
nagbago at nananatili sa pamumuhay
komunidad;
 nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng
sariling komunidad;
 naiuugnay ang mga pagbabago sa pangalan
ng sariling komunidad;
 Nakasusuri ng pagkakaiba ng kalagayan ng
kapaligiran ng sariling komunidad; at
 Nailalarawan ang pagkakakilanlang kultural
ng komunidad.

50
Kaban
1
ata
Ang Kwento ng Aking
Komunidad

51
Ang Kwentong
Aralin Pinagmulan ng Aking
1 Komunidad

Pinagmulan ng Aking Komunidad


Noong unang panahon, ang lugar ng Yeban Sur ay
mayroong napakaraming mga puno at iba’t ibang mga
hayop na siyang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga
unang taong naninirahan dito, ang mga Ita. Ang
pangunahing pangkabuhayan ng mga Ita noon ay
pangangaso at pangingisda. Ang kanilang mga pinuno
ay kilala sa tawag na Tyê at Bant na kung saan
nanggaling ang pangalan ng naturang barangay na
“YEBAN”. Nilinis nila ang lugar at nagpatayo sila ng
kanilang bahay at nagtanim ng mga bagbag (isang uri ng
puno) sa paligid ng kanilang tirahan.
Dahil sa maganda nitong tanawin at masaganang
mga lupain, nagkaroon ng interes ang mga Espanyol sa
lugar na ito. Dahil naging magkaibigan ang dalawa,
pumayag ang mga Ita na magkaroon sila ng barter
(pakikipagpalitan ng isang bagay) para sa lugar.

52
Ipinagpalit ng mga Ita ang lugar sa mga Espanyol
sa dalawang rolyong telang kundiman. Ginawa ng mga
Espanyol ang lugar na isang Hacienda sa pamumuno ni
Señor Ambrosio Santos, isang kilalang mestisong-
Esapanyol na nakatira sa Maynila na siyang namuno sa
lugar sa loob ng maraming taon.
Ang Yeban ay dating baryo ng Ilagan, hanggang
noong Marso 18, 1967 sa bisa ng R.A. No. 4873 na
pinangunahan ni Melanio T. Singson at mga
representatib ng lalawigan ng Isabela, ang Benito
Soliven ay naging isang munisipalidad. Ang Yeban na
dating iisa ay nahati sa dalawa, ang Yeban Sur at Yeban
Norte na dati ay parte ng Ilagan na ngayon ay naging
parte na ng Benito Soliven dahil sa naturang batas.
Ang komunidad ng Yeban Sur ay mayroong
lawak na 300.1050 ektarya, walumpung porsyento
(85%) nito ay lupang pang agrikultura at labin-limang
porsyento (15%) nito ay lupang pang komersyal.

53
Sagutin:
1. Ano ang tawag sa kanilang pinuno noong unang
panahon?
2. Saan nanggaling ang pangalan ng baragay na
Yeban?
3. Bakit naging enteresado ang mga Espanyol sa
lupain ng Yeban noon?
4. Saan ipinagpalit ng mga tao ang kanilang mga
lupain?
5. Sino na ang namuno sa kanilang lupain ng
naipagpalit na nila ito?

Gawin Mo
Batay sa sinabi ng iyong guro na pinagmulan ng
iyong komunidad, gamitin ang iyong imahinasyon
upang maiguhit ang iyong komunidad noong unang
panahon. Kulayan ito.

54
Ang Makasaysayang
Aralin Pangyayari sa Aking
2 Komunidad

Mga Makasaysayang Pangyayari sa aking


Komunidad
Basahin ang nasa ibaba.

TAON PANGYAYARI

Naging munisipalidad ang


1967
Benito Soliven

Umupo ang unang


1968
Kapitan ng Komunidad

Naipatayo ang Yeban


1982
Elementary School Annex

Naipatayo ang Barangay


1999 Hall at Day Care Center
sa Komunidad

Tuluyang naging Yeban


2003 Sur Elementary School
ang paaralan

55
Sagutin:
1. Ano-ano ang mga makasaysayang pangyayari sa
iyong komunidad?
2. Gaano kahalaga ang mga pangyayaring ito?

Gawin Mo
Pag-ugnayin ang mga taon sa mga makasaysayang
pangyayari sa iyong kmunidad.
A B
1. 1967 a. Umupo ang unang
Kapitan ng Komunidad
2. 1968 b. Naipatayo ang
Barangay Hall at Day Care
Center sa Komunidad
3. 1982 c. Naging munisipalidad
ang Benito Soliven
4. 1999 d. Naipatayo ang Yeban
Elementary School Annex
5. 2003 e. Tuluyang naging Yeban
Sur Elementary School ang
paaralan

56
Ang Pagbabago sa Aking
Aralin
Komunidad
3

Ang Aking Komunidad Noon at Ngayon


Ang aking komunidad noon at ngayon ay ibang
iba na mula sa transaportasyon hanggang sa mga bahay
at kalsada.
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

Noon

57
Photograph by Maam Racquel
Agbulig

Ngayon

58
Sagutin:
1. Ilarawan ang pagkakaiba ng mga ilaw sa iyong
komunidad noon at ngayon.
2. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa iyong
komunidad?
3. Ilarawan ang ang sumusunod:

Pagpapadala ng Mensahe

Mga Ilaw

Transportasyon

Mga Damit

Mga Bahay

59
Mga Natatanging Sagisag
Aralin
at Bantayog
4
Ang mga Sagisag at Bantayog sa Aking Komunidad
Ang aking komunidad ay mayroon ding mga
natatanging sagisag at bantayog.
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

60
Ang Watawat

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay


isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing
sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay
na tatsulok sa unahan; sa gitna ng tatsulok ay may isang
gintong araw na may walong pangunahing sinag, na
kumakatawan sa unang walong lalawigan ng Pilipinas
na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban
sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may
gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa
tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Kabisayaan,
at Mindanao. Maaari rin maging watawat pandigma ang
watawat na ito kapag ibinaligtad.

61
Ang Bangus

Ang bangus ay isdang madalas ay kulay


pilak.Ito ang Pambansang isda ng Pilipinas.Tinatawag
itong milkfish sa Ingles.Madalas itong makita sa medyo
maalat na katubigan,maliit na lawa at manaka-naka sa
tubig tabang.Humahaba ito hanggang 1.7
metro.Madalas mamataan sa Indian Ocean at Dagat
Pasipiko.

62
Ang Puno ng Narra

Ang narra ay isang puno na pinahahalagahan dahil


sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad.
Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra,
ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito
ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito
alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag
din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga
Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng
mga Pangasinense.

63
Ang Mangga

Ang mangga ay matatagpuan at nagbubunga ang


mga puno ng mangga kahit saan sa Pilipinas. Ito din ang
isa sa mga pinakainaangkat na produkto dito sa Pilipinas
dahil sa matamis at masarap na lasa ng mangga mula
dito sa Pilipinas. Ang mangga na galing sa Pilipinas ay
talagang tinatawag na Carabao Mango dahil sa kanyang
orihinal na napakalaking sukat na katulad ng katawan
ng carabao na ginagamit ng mga magsasaka sa palayan.

64
Ang Baro’t Saya

Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang


damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang
pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro
at saya. Isa sa mga uri ng baro't saya ay ang mga
uring Maria Clara, na may dagdag
na alampay o pañuelo, na nakabalot sa balikat at
ang ternó, na may mataas na manggas. Ang uring terno
ay pinatanyag ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

65
Ang Barong Tagalog

Ang Barong Tagalog ay isang binurdahang


pantaas na baro at kinikilalang pambansang kasuotang
panlalaki sa Pilipinas. Unang tinawag na baro
ngTagalog, ang kasuotang ito ay may apat na siglo na
ring ginagamit sa bansa at patuloy na pinapaganda
upang masabayan ang pagbabago ng lipunan. Kabilang
ito sa mga popular na kasuotan para sa mga
mahahalagang pagdiriwang at kasiyahan sa Pilipinas,
gaya ng kasal, mga sagala, maging sa burol at
paglilibing. Sadyang tanyag ang kasuotang ito kaya
naman inaangkat ito sa iba't ibang bansa upang suotin
ng mga dayuhang naakit sa angking ganda ng Barong
Tagalog.

66
Ang Kalabaw

Ang Kalabaw ay ang matalik na kaibigan ng


magsasaka at ang masasabing pinakamahalagang hayop
sa mga palayan. Ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga
produkto patungo sa pamilihang-bayan at isa ring
magandang pinagkukunan ng gatas at karne. Anuwang
ang katawagan nito sa lumang Tagalog at Nuwang
naman sa mga Ilokano.

67
Sagutin:
1. Ano-ano ang mga natatanging sagisag na makikita
sa iyong komunidad?
2. Ano-ano ang kanilang mga pagkakaiba?
3. Mahalaga ba ang ang mga sagisag na ito sa uyong
komunidad? Bakit?
4. Nakikita mo pa ba ang mga ito? Mayroon pa ba ito
sa inyong komunidad?
5. Ano kaya ang mangyayari kung ang mga ito ay
mawawala?

Gawin Mo
Sabhin ang pangalan ng larawan sa ibaba.
1.

2.

68
3.

4.

5.

6.

7.

69
Aralin Populasyon
5
Ang Populasyon ng Aking Komunidad

Ang populasyon ay ang bilang ng dami ng taong


nakatira sa isang lugar.

Ang komunidad ng Yeban Sur ay mayroong


tinatayang populasyon na umaabot sa 1,537 ayon sa
2010 sensus ng populasyon na naganap noong Mayo 1,
2010.

70
Sagutin:

1. Gaano kalaki ang populasyon ng iyong komunidad


ayon sa nakuhang sensus noong Mayo 1, 2010?
2. Ano ang kahalagahan ng populasyon sa isang
komunidad?
3. Ano ang populasyon?

71
Nilalaman Sa yunit na ito naipamamalas at
maipag-
mamalaki ang kultura ng sariling komunidad.
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 nakabubuo ng maikling salaysay tungkol sa
mga bagay na hindi nagbago sa komunidad;
 nakasusuri ng pagkakaiba ng kalagayan ng
kapaligiran ng sariling komunidad;
 nailalarawan ang pagkakakilanlang kultural
ng komunidad;
 naihahambing ang katangian ng sariling
komunidad sa iba pang komunidad tulad ng
likas na yaman, produkto at hanap- buhay,
kaugalian at mga pagdiriwang, atbp.;
 nasusuri ang kahalagahan ng mga
pagdriwang at tradisyon na nagbubuklod ng
mga tao sa pag-unlad ng sariling komunidad

72
Kaban
2
ata
Ang Kultura ng Aking Komunidad

73
Ang Pagkakakilanlang
Aralin
1 Pangkultura

Mga Anyong Lupa sa Aking Komunidad


Mayroong iba’t- ibang anyong lupa na makikita sa
aking komunidad. Ito ang mga sumusunod:

1. Lambak – isang patad ngunit napapaligiran ito ng


mga bundok at burol.

74
2. Bundok – uri ng anyong lupa na mataas at
hamak na mas mataas kaysa sa burol.

Sagutin:
1. Ano-ano ang mga anyong lupa na makikita sa
iyong komunidad?
2. Ano ang Lambak?
3. Ano ang Bundok?
4. Iguhit ang mga anyong lupa na makikita sa iyong
komunidad. Kulayan ito.

75
Mga Anyong Tubig sa Aking Komunidad

Ang nag-iisang anyong tubig na makikita sa


komunidad ay ang ilog. Ilog ang itinuturing na
pinagmulan ng kabihasnan. Ang ilog na tanging
matatagpuan sa barangay ay ang Ilog Pinacanauan.

Ang Ilog Pinacanauan ay isa sa mga ilog sa


Cagayan na siyang pinakamalawak at pinakamahabang
ilog sa Pilipinas.

76
Sagutin:

1. Ano-ano ang mga anyong tubig na makikita mo sa


iyong komunidad?
2. Ano ang pangalan ng anyong tubig na makikita
mo rito?
3. Ano ang meron sa anyong tubig na ito?
4. Iguhit sa loob ng kahon ang anyong tubig na
makikita mo sa iyong komunidad. Kulayan ito.

77
Ang Pagdiriwang at
Aralin Tradisyon sa Aking
2 Komunidad
Mga Tradisyon/Kaugalian ng Aking
Komunidad

Bawat lugar ay may kanya-kanyang paniniwala o


opinion na naisalin mula sa mga kanunu-nunuhan
hanggang sa ngayon. Ang mga Pilipino ay sadyang
mahilig sumunod sa mga nakagawian na. Ang
komunidad ng Yeban Sur ay mayroong mga tradisyong
sinusunod na nagpasalin-salin na sa maraming
henerasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Simbang Gabi – isa sa mga tradisyong hindi


nawawala sa mga tao ang simbang gabi.
Naniniwala sila na kapag nakompleto nila ito ay
matutupad ang kanilang mga kahilingan.

78
2. Pamamanhikan – isa ito sa mga hindi
nawawalang tradisyon sa komunidad. Pormal na
hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa mga
magulang nito bago ikasal. Kung minsan
isinasama nila ang ibang mga opisyales ng
komunidad sa kanilang pamamanhikan.

Nagkakaroon din ng konting salo-salo sa


hapag. Pinag-uusapan dito ang petsa at pook ng
kasal ng magsing-irog, maging ang iba pang
detalye katulad ng kanilang ninong at ninang, mga
abay, at ang paring magkakasal.

79
3. Dote – o bigay-kaya. Ito ay ibinibigay ng pamilya
ng lalaki sa pamilya ng babaeng pakakasalan.
Maaring alagang hayop ang ibigay, lupa o pera.

4. Harana – ito ay isang tradisyonal na hindi pa


nawawala sa komunidad na kung saan isa itong
tradisyonal na pagkanta ng binata sa dalagang
kanyang nililigawan.

Mga Pagdiriwang sa Aking Komunidad

1. Piyesta – ipinagdiriwang nila ito tuwing ika-29 ng


Hulyo. Ginagawa nila ito bilang pasasalamat sa
kanilang dalawang patron na sina San Pedro at San
Pablo.

80
2. Mahal na Araw/Senakulo – ipinagdiriwang ang
mahal na araw ng mga Katoliko bilang pag-alala
sa kabutihang ginawa ni Hesus, ang pag-ako sa
ating mga kasalanan.

81
3. Flores de Mayo – ito ay tinatawag ding
Santacruzan. Ito ay pista ng mga bulaklak na
ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo bilang
pagbibigay parangal sa Birheng Maria.

82
Sagutin:
1. Ano-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig na
makikita sa iyong komunidad?
2. Ano-ano ang mga tradisyon ng iyong komunidad?
3. Ano-ano ang pagkakaiba ng mga tradisyon sa
iyong komunidad?
4. Mamili ng isang tradisyon sa iyong komunidad.
Iguhit ito at kulayan.
Gawin Mo
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang numero.
A B
1. Simbang Gabi a. pagkanta ng
binata sa dalagang
kanyang nililigawan.
2. Pamamanhikan b. kapag
nakompleto nila ito ay
matutupad ang
kanilang mga
kahilingan.
3. Harana c. Pormal na
hinihingi ng lalaki ang
kamay ng babae sa
mga magulang nito
bago ikasal.

83
Ikalawang Markahang Pagsusulit

I. Lagyan ng kung tama at


Kung mali.

1. Ang pangunahing pangkabuhayan ng mga Ita noon


ay pangangaso at pangingisda.
2. Ang kanilang mga pinuno ay kilala sa tawag na
Tyê at Bant na kung saan nanggaling ang pangalan
ng naturang barangay na “YEBAN”.
3. Ipinagpalit ng mga Ita ang lugar sa mga Espanyol
sa dalawang rolyong telang kundiman.
4. Si Señor Ambrosio Santos, isang kilalang
mestisong-Esapanyol na nakatira sa Maynila na
siyang namuno sa lugar sa loob ng maraming taon.
5. Ang Yeban ay dating baryo ng Ilagan, hanggang
noong Oktubre 18, 1967 sa bisa ng R.A. No.
4873.
6. Ang Yeban na dating iisa ay nahati sa dalawa, ang
Yeban Sur at Yeban Norte.

84
II. Pag-ugnayin ang mga taon sa mga
makasaysayang pangyayari sa iyong kmunidad.
A B
1. 1967 a. Umupo ang unang
Kapitan ng Komunidad
2. 1968 b. Naipatayo ang
Barangay Hall at Day Care
Center sa Komunidad
3. 1982 c. Naging munisipalidad
ang Benito Soliven
4. 1999 d. Naipatayo ang Yeban
Elementary School Annex
5. 2003 e. Tuluyang naging Yeban
Sur Elementary School ang
Paaralan

III. Sabhin ang pangalan ng larawan sa ibaba.

1.

2.

85
3.

4.

5.

6.

7.

86
IV. Iguhit ang mga anyong lupa at anyong tubig na
makikita sa iyong komunidad.

87
Ikatlong Yunit

88
Sa yunit na ito naipamamalas ang
Nilalaman kahala-
gahan ng mabuting paglilingkod
ng mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing
hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng mga
kasapi ng sariling komunidad.
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 natatalakay ang mga produkto at mga
kaugnay na hanapbuhay na nalilikha mula sa
likas yaman ng komunidad; at
 naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa
sa pangangalaga sa likas na yaman at
pagpanatili ng kalinisan ng sariling
komunidad;

89
Kaban
1
ata
Kabuhayan sa Komunidad

90
Mga Produkto at
Aralin Hanapbuhay sa Aking
1 Komunidad

Mga Hanap Buhay sa Aking Komunidad

91
1. Ang Pagsasaka
Pagsasaka ang karamihang hanapbuhay ng mga
mamamayan sa komunidad kaya ito tinawag na
Komunidad para sa Agrikultura. Walumpung porsyento
(80%) kasi ng bahagi ng lupa ay para sa agrikultura.

92
2. Ang Pangingisda

Sa kadahilanang ang ilog Pinacanauan ay malapit


lamang sa komunidad, isa ang pangingisda ang isa sa
kanilang ikinabubuhay. Nanghuhuli ang ilan ng mga
lamang dagat tulad ng tilapia, carpa, amlid, golden fish,
ipon, dalag, hito, susay, kurilao, bukto at lalong-lalo na
sa isdang bihira nang Makita, ang ikan, upang ibenta o
siyang ipapakain sa kanilang mga pamilya.

3. Ang Pananahi
Isa sa mga ikinabubuhay ng mga mamamayan sa
komunidad ay ang pananahi. Pananahi ng mga
uniporme ng mga mag-aaral at iba pang mga damit na
ginagamit ng mga bata tuwing may okasyon sa paaralan
o sa mismong komunidad.

93
4. Ang Pagkakarpintero

Gumagawa o nagkukumpuni ng bahay, upuan,


mesa at iba pang kagamitang yari sa mga kahoy. Ito ang
trabaho ng mga karpintero sa isang komunidad.

5. Ang Pagtitinda
Pagtitinda ng mga bigas, gulay, manok, baboy at
iba pang mga kailangan ng mamamayan sa isang
komunidad ang isa sa mga hanapbuhay ng ibang
mamamayan sa komunidad.

94
6. Ang Pagtuturo

Ang mga guro ang nagtuturo sa mga batang mag-


aaral upang matuto silang magbasa, sumulat at
magbilang. Nasa mahigit limang porsyento (5%) ang
mga mamamayan na ang hanapbuhay ay pagtuturo.
Karamihan sa kanila ay nasa pampublikong paaralan.

95
Gawin Mo

Isulat ang mga hanapbuhay na makikita sa iyong


komunidad sa loob ng mga kahon.

96
Pangangalaga Ko sa
Aralin
Aking Komunidad
2

Pangangalaga sa Likas na Yaman sa Aking


Komunidad

Ang pangangalaga sa ating mga likas na yaman


ang isa sa pinakamahalagang tungkulin natin bilang
isang mamamayan. Mayroong mga hindi magandang
epekto na maidudulot ng hindi pag-alaga sa ating mga
likas na yaman. Ang mga sumusunod ay ang mga sanhi
at bunga ng pagkasira ng ating likas na yaman.

a. Pagputol ng mga punong-kahoy


Ang pagputol ng mga punong-kahoy ay
isang pangunahing sanhi na kung saan
nagkakaroon ng mga pagbaha at landslide sa
ating komunidad.

97
b. Pagtatapon ng mga basura at kemikal sa ilog
Ang pagtatapon ng mga basura sa ilog at iba
pang mga kemikal ay magiging sanhi ng
pagkamatay ng maraming lamang tubig na
siyang isang pinagkukunan ng pagkain ng ibang
mamamayan.

c. Hindi pagpapahalaga ng mga tao sa likas na


yaman
Ang hindi marunong magpahalaga sa likas
na yaman ay hindi rin nito pinapahalagahan ang
obrang ginawa ng Panginoon.

98
Sagutin:
1. Ano ang kahalagahan ng pag-aalaga ng kalikasan
sa komunidad?
2. Mayroon ba tayong tungkulin bilang mamamayan
sa pag-aalaga ng kalikasan sa ating komunidad?
3. Mayroon bang mga sanhi at bunga ng pagkasira ng
ating mga kalikasan? Ano-ano ang mga ito?

Gawin Mo
Gumuhit ng isang larawan kung paano ka
makakatulong sa pagpigil ng pagkasira ng kalikasan?

99
Kabuhayan sa
Aralin
Komunidad
3

Kabuhayan sa Komunidad

Ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa


komunidad. Ang pangunahing mga produkto sa
komunidad ay ang palay at mais. Ngunit mayroon parin
namang mga mamamayan na nagtatanim ng tabako.
Dahil sa pabago-bagong klima sa komunidad, marami
narin ang nagtatanim ng kamoteng-kahoy sa
komunidad.

100
Sagutin:
1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan sa komunidad?
2. Ano-ano ang mga pangunahing produkto sa
komunidad?
3. Ano ang kinalaman ng pabago-bangong klima sa
komunidad sa kanilang pagtatanim?

Gawin Mo
Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Magbigay ng
kaunting opinyon tungkol dito.

101
Sa yunit na ito nakapagpapahayag
Nilalaman ng
pagpapahalaga sa pagsulong ng
mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa
komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng
mga kasapi ng sariling komunidad
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 nailalarawan kung paano natutugunan ang
pangangailangan ng mga tao mula sa likas
yaman ng komunidad;
 naiuugnay ang epekto ng pagkakaroon ng
hanapbuhay sa pagtugon ng pangangailangan
ng komunidad at ng sariling pamilya;
 nakikilala ang mga namumuno sa sariling
komunidad at ang kanilang kaakibat na
tungkulin at responsibilidad; at
 Nasasabi ang kahalagahan ng mabuting
pamumuno sa pagtugon ng pangangailangan
ng mga tao sa komunidad.

102
Kaban
2
ata
Pamumuno at Paglilingkod
sa Komunidad

103
Ang Pamumuno sa Aking
Aralin
Komunidad
1

Ang mga Pinuno sa Aking Komunidad

Mula nang mapagbisa ang batas na nagsasabing


kasama ang lupain ng Yeban sa munisipalidad ng
Benito Soliven at nahati sa dalawa ang Yeban, ang
Yeban Sur at Yeban Norte, nagkaroon na ng normal na
pamumuno ang mga mamamayan ng Yeban Sur.

Ang mga sumusunod ang mga naihalal na kapitan


ng komunidad mula noon hanggang sa kasalukuyan:

1. Antolin Reyes (1968-1971)


2. Apolonio Languido (1971-1977)
3. Pedro Maranion (1977-1980)
4. Efren Reyes (1980 – 1986)
5. Wenseclao Quesada (OIC, 1988-Mayo 1989)
6. Alfeo Tagapan (1989-Hulyo 1989)

104
7. Arnel Quesada(1997-Hunyo 2000)
8. Carlito Reyes (Hulyo 2000-Nob. 2013)
9. Arnel Quesada (2013 - Kasalukuyan)

Ang mga sumusunod naman ang mga


kasalukuyang pinunong nakaupo.

Punong Barangay
Arnel P. Quesada
Mga Kagawad
Dominador I. Go
Luisito G. Reyes
Erlindo Quesada
Bobby V. Lapastora
Jose M. Maramag Jr.
Lolita D. Ramos
Salome D. Maleta

105
Sagutin:
1. Sino-sino ang mga naihalal na kapitan ng naturang
komunidad?
2. Sino sa kanila ang may pinakamatagal na
nanilbihan bilang pinuno?
3. Sino ang kasalukuyang nakaupo na punong
barangay ng komunidad?
4. Sino-sino naman ang kanyang mga kagawad?
Gawin Mo
Isulat sa talaan ang pangalan ng mga naging
kapitan sa inyong komunidad at ang taon ng kanilang
pagupo.
Pangalan Taon

106
Aralin Ang Mabuting Pamumuno
2

Tungkulin at Kahalagahan ng Isang Namumuno sa


Komunidad

Ang pagiging isang pinuno ay mayroong malaking


kaakibat na responsibilidad at tungkulin. Ang Punong
Barangay o Kapitan ang siyang itinuturing na
pinakamakapangyarihang opisyal sapagkat siya mismo
ang taga-gawa at tagapagpatupad ng mga batas sa
kanyang nasasakupang komunidad. Siya rin ang
tagapaghukom kaugnay sa mga idinudulog na mga
problema ng mga mamamayan sa kanyang nasasakupan.
Mahalaga na magkaroon ang isang komunidad ng
isang pinuno sapagkat;
a. siya ang nangunguna sa kaayusan ng isang
komunidad;
b. siya ang nangunguna sa mga proyekto sa
kanyang komunidad; at
c. siya at ang kanyang mga konsehales ang
nagbibigay ng alternatibong pangangailangan
ng kanilang mga mamamayan.

107
Sagutin:
1. Ano ang kahalagahan ng isang pinuno sa isang
komunidad?
2. Sino ang itinuturing na pinakamakapangyarihang
opisyal sa isang komunidad?
3. Bakit kailangang magkaroon ng pinuno ang isang
komunidad?

Gawin Mo
Isulat sa ibaba ang kahalagan ng pagkakaroon ng
isang pinuno sa isang komunidad.

108
Aralin Ang Huwaran sa
3 Pamayanan
Ang Pinunong Huwaran

Ang pamumuno ay isang bihira at mahalagang


katangian ng isang tao. Kung walang mga pinuno na
mangunguna at mangangasiwa para hubugin ang isang
pangkat o samahan, ng mga tao, ang isang komunidad
ay walang patutunguhan. Ganito din ang nangyayari
kung hindi matino at walang pagmamalasakit sa
kapakanan ng mga nasasakupan ang namumuno.
Ang Mga Katangian
Ang mahusay na pinuno ay mas malinis na moralidad at
matibay ang paninindigan.
Ang mahusay na pinuno ay hindi pabaya at nakatuon
lagi sa tama para sa ikauunlad ng komunidad.
Ang mahusay na pinuno ay pinangangalagaan ang
kanyang pangalan at karangalan.
Ang mahusay na pinuno ay huwaran sa kanilang
komunidad.

109
5. Ang mahusay na pinuno ay tunay na Pilipino na
makaDiyos, makaPamilya, makaKalikasan,
maKatarungan, at makaBayan.

Sagutin:
1. Bakit kailangan ng isang pinuno sa isang
komunidad?
2. Mayroon bang mga katangiang dapat taglayin ang
isang pinuno?
3. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng
isang pinuno sa isang komunidad?
4. Pumili ng isang katangian ng isang pinuno at
iguhit. Kulayan ito.

110
Gawin Mo
Iguhit ang kung ang sinasabi ng
pangungusap ay tama at naman kung mali.
1. Ang mahusay na pinuno ay mas malinis na
moralidad at matibay ang paninindigan.
2. Ang mahusay na pinuno ay pabaya at nakatuon
lagi sa mali para sa ikauunlad ng komunidad.
3. Ang mahusay na pinuno ay pinangangalagaan ang
kanyang pangalan at karangalan.
4. Ang mahusay na pinuno ay hindi huwaran sa
kanilang komunidad.
5. Ang mahusay na pinuno ay tunay na Pilipino na
makaDiyos, makaPamilya, makaKalikasan,
maKatarungan, at makaBayan.

111
Aralin Pamumuno ng Tama,
4 Maayos at Makatwiran
Ang Tamang Pamumuno

Bilang isang pinuno upang mapaunlad nito ang kanyang


pinaglilingkurang komunidad kailangang maayos, tama
at makatwiran ang kanyang pamumuno. Isa sa dapat
pagtuunan nito ay ang pagkakagawa ng kanyang mga
ordinansa.
Ang ordinansa ay ang mga kautusan o batas na
ginagawa ng mga opisyal upang lalo pang mapaunlad
ang kanyang komunidad.
Halimbawa ng mga ordinansang karaniwang
naipapatupad sa isang komunidad ay ang mga
sumusunod:
bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong
lugar o kahit sa tabi ng kalsada.
bawal na pagbili ng alak sa dis oras ng gabi.
bawal lumabas sa loob ng bahay mula ika-10 ng gabi
hanggang ika-4 ng umaga.

112
Ilan lamang ito sa mga ordinansang ipinapatupad
ng mga pinuno sa isang komunidad.
Napakahalaga ang pagpapatupad ng mga
ordinansa ng isang pinuno sapagkat dito nagmumula
ang pagiging maunlad at maayos ng isang komunidad.

Sagutin:
1. Ano ang ordinansa?
2. Ano ang kahalagahan ng isang ordinansa?
3. Sino ang nagpapatupad nito?
4. Ano-ano ang halimbawa ng ordinansa?
5. Ano ang mangyayari sa isang komunidad kung
hindi nagpatupad ang isang pinuno ng mga
ordinansa?

Gawin Mo
Magbigay ng iba pang halimbawa ng ordinansa
lalo na sa inyong sariling komunidad maliban sa mga
halimbawang nabanggit na ng iyong guro.

113
Ikatlong Markahang Pagsusulit

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang karamihang hanapbuhay ng mga


mamamayan sa komunidad kaya ito tinawag na
Komunidad para sa Agrikultura.
a. Pananahi
b. Pagsasaka
c. Pagkakarpintero
2. Isa ito sa hanap buhay ng mamamayan sa
komunidad sa kadahilanang malapit lamang ang
ilog ng Pinacanauan dito.
a. Pagsasaka
b. Pangingisda
c. Pagtuturo
3. Isa rin ito sa ikinabubuhay ng mga mamamayan sa
komunidad na kung saan gumagawa sila ng mga
uniporme ng mga mag-aaral at nag oopisina.
a. Pagtuturo
b. Pagkakarpintero
c. Pananahi
4. Paggawa o pagkukumpuni ng bahay, upuan, mesa
at iba pang kagamitang yari sa mga kahoy.

114
a. Pananahi
b. Pagkakarpintero
c. Pagtitinda
5. Paglalako ng mga bigas, gulay, manok, baboy at
iba pang mga kailangan ng mamamayan sa isang
komunidad.
a. Pagtitinda
b. Pagsasaka
c. Pagtuturo
6. Ang mga guro ang nagtuturo sa mga batang mag-
aaral upang matuto silang magbasa, sumulat at
magbilang.
a. Pagtitinda
b. Pagtuturo
c. Pagkakarpintero
7. Isang pangunahing sanhi na kung saan
nagkakaroon ng mga pagbaha at landslide sa ating
komunidad.
a. Pagputol ng mga punong-kahoy
b. Pagtatapon ng mga basura at kemikal sa ilog
c. Hindi pagpapahalaga ng mga tao sa likas na
yaman
8. Ito ang magiging sanhi ng pagkamatay ng
maraming lamang tubig na siyang isang
pinagkukunan ng pagkain ng ibang mamamayan.

115
a. Hindi pagpapahalaga ng mga tao sa likas na
yaman
b. Pagtatapon ng mga basura at kemikal sa ilog
c. Pagputol ng mga punong-kahoy
9. Ang hindi marunong magpahalaga sa likas na
yaman ay hindi rin nito pinapahalagahan ang
obrang ginawa ng Panginoon.
a. Pagtatapon ng mga basura at kemikal sa ilog
b. Pagputol ng mga punong-kahoy
c. Hindi pagpapahalaga ng mga tao sa likas na
yaman
10. Ang pangunahing mga produkto sa
komunidad.
a. Palay at mais
b. Tabako at palay
c. Mais at kamoteng kahoy
II. Isulat ang T kung Tama at M naman kung Mali.
1. Ang mahusay na pinuno ay mas malinis na
moralidad at matibay ang paninindigan.
2. Ang mahusay na pinuno ay hindi pabaya at
nakatuon lagi sa tama para sa ikauunlad ng
komunidad.

116
3. Ang mahusay na pinuno ay hindi
pinangangalagaan ang kanyang pangalan at
karangalan.
4. Ang mahusay na pinuno ay mayabang sa kanilang
komunidad.
5. Ang mahusay na pinuno ay tunay na Pilipino na
makaDiyos, makaPamilya, makaKalikasan,
maKatarungan, at makaBayan.
6. Bilang isang pinuno upang mapaunlad nito ang
kanyang pinaglilingkurang komunidad kailangang
maayos, tama at makatwiran ang kanyang
pamumuno.
7. Ang ordinansa ay ang mga kautusan o batas na
ginagawa ng mga mamamayan upang lalo pang
mapabagsak ang kanyang komunidad.
8. Napakahalaga ang pagpapatupad ng mga
ordinansa ng isang pinuno sapagkat dito
nagmumula ang pagiging maunlad at maayos ng
isang komunidad.
9. Ang pamumuno ay isang bihira at mahalagang
katangian ng isang tao.
10. Kung walang mga pinuno na mangunguna at
mangangasiwa para hubugin ang isang pangkat o
samahan, ng mga tao, ang isang komunidad ay
walang patutunguhan.

117
Ika-apat na Yunit

Komunidad

118
Sa yunit na ito naipamamalas ang
Nilalaman pag-
papahalaga sa kagalingang pansibiko bilang
pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.
Sa yunit na ito, inaasahang maipapamalas ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
 natatalakay ang kahalagahan ng mga
paglilingkod/ serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga
kasapi sa komunidad;
 natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod
at ang kanilang kahalagahan sa komunidad;
 naiuugnay ang pagbibigay serbisyo/
paglilingkod ng komunidad sa karapatan ng
bawat kasapi sa komunidad;
 Naipaliliwanag na ang mga karapatang
tinatamasa ay may katumbas na tungkulin
bilang kasapi ng komunidad;

119
 naisasagawa ang disiplinang pansarili sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin
bilang kasapi ng komunidad;
 napahalagahan ang kagalingan pansibiko sa
sariling komunidad

120
Kaban
1
ata
Kabahagi Ako ng Aking Komunidad

121
Kahalagahan ng
Aralin Paglilingkod ng
1
Komunidad
Ang Paglilingkod ng Komunidad

Ang paglilingkod sa komunidad ay isang gawain


na isinasagawa ng isang tao para sa kapakanan ng
nakararami.
Ang paglilingkod ng isang tao sa isang komunidad
ay napakahalaga sapagkat ginagawa nila ito hindi
lamang ito ang trabaho nila kundi ito ang kagustuhan
nila, kagustuhan nila na tumulong sa kapwa at sa
komunidad nila upang mapaunlad pa ito.
Ang paglilingkod ng komunidad sa kanyang
mamamayan ay napakahalaga sapagkat natutugunan
nito ang mga sumusunod:
1. pangangailangan ng mga mamamayan;
2. natutulungan ang kanilang mga suliranin;
3. nabibigyan sila ng karagdagang kaalaman;
4. naaalagaan sila sa anumang karamdaman;

122
5. nagiging maganda ang kanilang
seguridad; at
6. pagkakaron ng maayos na komunidad;

Sagutin:
1. Ano ang kahalagahan ng paglilingkod sa
komunidad?
2. Ano ang kahalagahan ng paglilingkod ng
komunidad sa kanyang mamamayan?
3. Gaano kahalaga ang paglilingkod ng komunidad
sa kanyang mamamayan?

Gawin Mo
Isulat ang mga kahalagahan ng paglilingkod ng
komunidad sa kanyang mamamayan.

123
Aralin Mga Naglilingkod sa
2 Aking Komunidad

Mga Taong Naglilingkod sa Aking Komunidad


Napakahalaga ang pagbabahagi ng ating serbisyo
sa ating komunidad nang walang hinihinging anu mang
kapalit. Ang pagtulong sa ating kapwa ay isa sa mga
bagay na kasiya-siya hindi lamang sa mata n gating
kapwa kundi pati rin sa mata n gating Poong Maykapal.
Ang mga sumusunod ay ang mga taong
karaniwang naglilingkod sa mga mamamayan ng isang
komunidad.
1. Guro
Ang mga guro sa ating komunidad ang siyang
nagtuturo sa atin upang tayo ay matutong magbasa,
magsulat at magbilang upang magandang kinabukasan
ay ating makamtan.

124
2. Doktor
Ang doktor ang nag-aalaga sa ating kalusugan,
lalong lalo na kung tayo ay mayroong sakit. Siya ang
nagbibigay kung anong mga gamot ang pwedeng
inumin ng mga maysakit.

3. Nars
Siya ang katulong ng doctor sa pag-aalaga ng mga
maysakit sa komunidad.

125
4. Kapitan

Ang namumuno sa isang komunidad. Siya ang


nangunguna sa kaayusan, mga proyekto at iba pang
pangangailangan ng mga mamamayan sa isang
komunidad.

5. Brgy. Tanod

Ang katulong ng Kapitan sa pagpapanatili ng


katahimikan at kaayusan sa isang komunidad.

126
6. Inhinyero

Ang inhinyero ang tumutulong sa paggawa ng


mga gusali at mga kalsada sa ating komunidad.

7. Pulis

Ang pulis ang nangangalaga sa katahimikan at


kapayapaan ng ating komunidad. Sila ang humuhuli sa
mga taong nagkasala sa batas.

127
8. Karpintero
Ang karpintero ang nagkukumpuni at gumagawa
ng mga sirang upuan, mesa, bahay, aparador at lahat ng
mga bagay na gawa sa kahoy sa isang komunidad.
.

128
Sagutin:

1. Sino-sino ang mga taong naglilingkod sa iyong


komunidad?
2. Ano ang kahalagahan ng mayroong maglilingkod
sa isang komunidad?
3. Ano ang iyong mararamdaman pag nakatulong ka
sa iyong kapwa? Bakit?
4. Ibigay ang mga karaniwang naglilingkod sa iyong
komunidad.

Gawin Mo

Mamili ng isa sa mga karaniwang naglilingkod


samga mamamayan sa inyong komunidad. Iguhit ito sa
loob ng kahon at ibigay ang kanyang tungkulin sa iyong
komunidad.

129
Pagtugon sa Karapatan ng
Arali Bawat Kasapi ng Komunidad
n
3
Mga Karapatan ng Bawat Kasapi ng Komunidad
Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa
payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na
matanggap o matamasa ng lahat ng mga mamamayan sa
isang komunidad.
Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan
dapat matamasa ng mga kasapi ng isang komunidad na
kailangang pangungunahan at tugunan ng mga pinuno
nito ay ang mga sumusunod:
a. karapatang mamuhay
b. karapatang maging malaya sa pagsasalita
c. karapatan sa pagkain
d. karapatang matulungan
e. karapatang makapaghanapbuhay
f. karapatang mabigyan ng edukasyon at
g. pagkapantay-pantay sa harap ng batas

130
a. Karapatang mamuhay
Ang lahat ng mamamayan sa isang
komunidad ay mayroong karapatang mamuhay ng
tahimik at wagas.

b. Karapatang maging malaya sa pagsasalita


Lahat tayo ay may karapatang maging
malaya sa pagsasalita maliban lamang kung ito ay
nakakasakit na sa ating kapwa.
c. Karapatan sa pagkain
Ang mga mamamayan sa isang komunidad
ay may karapatang kumain ng anumang nais nila
lamang ito ay nararapat na makabubuti sa kanilang
kalusugan. Karapatan ng mga mamamayan na
mabigyan sila ng pagkain.

d. Karapatang matulungan
Lahat ng mamamayan sa isang komunidad
ay may karapatang dapat matulungan. Hindi
lamang dapat pinipili ang mga taong natutulungan
kundi lahat ng ngngangailangan ay dapat
matulungan.

131
e. Karapatang makapaghanapbuhay
Ang lahat ng mamamayan ay may
karapatang pumili at magkaroon ng sariling
hanapbuhay lamang ito ay dapat hindi makakasira
sa kanilangdangal. Lahat sila ay may karapatang
mabigyan ng trabaho upang maitaguyod nila ang
kanilang mga sariling pamilya.

f. Karapatang mabigyan ng Edukasyon


Ang mga mamamayan sa isang komunidad
ay mayroong karapatang mabigyan ng edukasyon,
karapatan nila ang makapagtapos at makapag-aral
tungo sa maganda nilang kinabukasan.
g. Pagkapantay-pantay sa harap ng batas
Sa harap ng batas ang mga mamamayan ng
isang komunidad ay dapat pantay-pantay,
kaylangang manaig ang katotohan at walang
pinapanigan ang mga pinuno ng isang komunidad.
Walang mayaman o mahirap sa harap ng
batas, kung nagkasala kaylangan itong managot at
ang biktima ay kaylangang mabigyan ng hustisya.

132
Sagutin:
1. Ano-ano ang mga karapatan ng bawat kasapi ng
isang komunidad?
2. Mahalaga bang malaman ng isang mamamayan
ang kanilang mga karapatan?
3. Ano ang magiging epekto pag ang isang
mamamayan ay hindi nakatamasa ng kanyang mga
karapatan?
4. Ano naman ang magiging epekto pag ang isang
mamamayan ay nakatamasa ng kanyang mga
karapatan?
Gawin Mo
Pumili ng isa sa mga halimbawang nabanggit ukol
sa mga karapatang pantao na dapat taglayin ng isang
mamamayan at ibigay ang iyong sariling opinyon dito.

133
Kahalagahan ng Disiplinang
Arali
Pansarili
n
4
Disiplinang Pansarili
Sa nakaraang aralin iyo ng napag-aralan ang iba’t
– ibang mga karapatan na dapat matamasa ng isang
mamamayan sa isang komunidad.
Sa araling ito, matatalakay ang ang iba’t-ibang
mga tuntunin at mga batas na dapat ipatupad sa isang
komunidad.
Upang lalong umunlad ang komunidad ay
kailangang maging isa mabuti at responsableng
mamayan.
Ang pagsunod sa mga tuntunin at batas na
ipinapatupad sa komunidad ay isang dahilan upang ito
ay magkaroon ng mapayapa at maunlad na pamayanan.
Bilang isang mamamayan, kailangan nating gawin
ang ating mga tungkulin at responsibilidad sa ating
pamayanan upang magkaroon ng maganda, tahimik, at
maunlad na pamumuhay.

134
May mga babala at mga batas na sinusunod ang
aking komunidad. Narito ang ilan sa mga ito.
Mga Babala/ Mga Batas
a. Bawal magtapon ng basura kung saan-saan;
b. Bawal ang lumabas kung dis oras na ng gami
maliban kung talgang kaylangan;
c. Bawal ang mag-eskandalo;
d. Bawal ang magsugal;
e. Bawal uminom ng alak sa mga pampublikong
lugar;
f. Bawal ang mga asong gala sa kalsada;
g. Bawal ang paggamit ng mga illegal na droga;
h. Bawal magpasok sa komunidad ng mga illegal
na kahoy.

135
Sagutin:
1. Ano ang kahalagahan ng disiplinang pansarili?
2. Ano ang magiging epekto ng pagpapatupad ng
mga batas sa isang komunidad?
3. Ano ang kahalagahan ng mga batas o babala sa
isang komunidad?
4. Bilang isang mamamayan bakit kailangan nating
gawin ang ating mga tungkulin sa ating
komunidad?
5. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga batas
na alam mo.

Gawin Mo
Sumulat ng mga babalang alam mo na
ipinapatupad sa iyong komunidad.

136
Arali Kagalingang Pansibiko
n
5
Mga Gawaing Pansibiko
May mga natatanging tradisyon na ang mga
mamamayan upang mapagbuklod-buklod ang isa’t-isa
sa pamamagitan ng pagtutulungan at paglutas ng mga
suliranin sa kanilang mga komunidad.
Naipapakita rito ang iba’t-ibang paraan ng
pagtutulungan ng mga kasapi ng komunidad sa
pagibigay ng solusyon sa kanilang mga problema at
nakakalahok sa mga anumang proyekto sa kanilang
komunidad para sa ikauunlad ng kanilang pamayanan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga
sumusunod:
1. Pangkalikasan
Nagtutulungan ang mga mamamayan sa
komunidad sa pagtatanim ng mga punong
kahoy upang maiwasan ang pagbaha at pagguho
ng lupa sa kanilang lugar.

137
Kasama rin dito ang oplan linis sa kanilang
komunidad sa pangunguna ng kanilang mga
barangay kagawad sa kanilang mga purok.

2. Pangedukasyon
Ang mga mamamayan ay nagtutulong-tulong
upang maging kaaya-aya ang paaralan ng kanilang
mga anak sa pamamagitan ng pagtulong sa mga
guro sa paglilinis ng paaralan sa kanilang
komunidad.

138
3. Pangkalusugan
Ang mga opisyal ng komunidad ay mayroong
ginagawang medical mission bilang pagtulong sa
mga mamamayan sa kanilang komunidad.
Ang mga nars at midwife ang siyang
pumupunta sa kanilang komunidad upang
makapagbigay ng libreng check-up, gamot at
pagbabakuna ng mga bata at buntis.
Sila rin kung minsan ang nagsisimula ng
pageehersisyo sa mga komunidad upang lalong
gumanda ang kalusugan ng mga mamamayan.

139
Sagutin:
4. Ano ang gawaing pansibiko?
5. Gaano ito kahalaga sa isang komunidad?
6. Ano ang ipinapakita ng gawaing pansibiko sa
isang komunidad?
7. Anu-ano ang mga halimbawa ng gawaing
pansibiko?
8. Kung maipapatupad ito ng maayos, ano ang
mangyayari sa inyong komunidad? Bakit?
Gawin Mo
Iguhit ang kung tama at
naman kung hindi.
1. May mga natatanging tradisyon na ang mga
mamamayan upang mapagbuklod-buklod ang
isa’t-isa.
2. Naipapakita rito ang iba’t-ibang paraan ng
pagtutulungan ng mga kasapi ng komunidad sa
pagibigay ng solusyon sa kanilang mga problema.
3. Sa gawaing pansibikong pan-eddukasyon,
nagtutulungan ang mga mamamayan sa
komunidad sa pagtatanim ng mga punong kahoy.

140
4. Sa gawaing pansibikong pangkalusugan, ang mga
mamamayan ay nagtutulong-tulong upang maging
kaaya-aya ang paaralan ng kanilang mga anak.
5. Sa gawaing pansibikong pangkalikasan, ang mga
opisyal ng komunidad ay mayroong ginagawang
medical mission bilang pagtulong sa mga
mamamayan sa kanilang komunidad.

141
Ika-apat na Markahang Pagsusulit
I. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A B

1. Guro a. ang nagkukumpuni at


gumagawa ng mga sirang upuan,
mesa, bahay, aparador at lahat ng
mga bagay na gawa sa kahoy sa
isang komunidad.

2. Doktor b. ang nangangalaga sa


katahimikan at kapayapaan ng
ating komunidad.

3. Nars c. ang tumutulong sa paggawa ng


mga gusali at mga kalsada sa
ating komunidad.

4. Kapitan d. ang katulong ng Kapitan sa


pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan sa isang komunidad.

142
5. Barangay e. ang namumuno sa Tanod
isang komunidad.

6. Inhinyero f. ang katulong ng doctor sa


pag-aalaga ng mga
maysakit.

7. Pulis g. ang nag-aalaga sa ating


kalusugan, lalong lalo na
kung tayo ay mayroong
sakit.

8. Karpintero h. ang siyang nagtuturo sa


atin upang tayo ay matutong
magbasa, magsulat at
magbilang upang
magandang kinabukasan ay
ating makamtan.
II. Isulat ang T sa patlang kung ito ay tamaat M
naman kung ito ay mali.
1. Upang lalong umunlad ang komunidad ay
kailangang maging isa mabuti at responsableng
mamayan.

143
2. Ang pagsunod sa mga tuntunin at batas na
ipinapatupad sa komunidad ay isang dahilan upang ito
ay magkaroon ng mapayapa at maunlad na pamayanan.
3. Bilang isang mamamayan, kailangan
nating gawin an gating mga tungkulin at
responsibilidad sa ating pamayanan upang magkaroon
ng maganda, tahimik, at maunlad na pamumuhay.
4. Ang lahat ng mamamayan sa isang
komunidad ay mayroong karapatang mamuhay ng
tahimik at wagas.
5. Ang mga mamamayan sa isang
komunidad ay walang karapatang kumain ng anumang
nais nila.
6. Lahat ng mamamayan sa isang komunidad
ay may karapatang dapat matulungan.
7.Ang mga mamamayan sa isang
komunidad ay mayroong karapatang mabigyan ng
edukasyon.
8. Sa harap ng batas ang mga mamamayan
ng isang komunidad ay hindi dapat pantay-pantay.

144
9. Upang lalong umunlad ang komunidad ay
kailangang maging isa mabuti at responsableng
mamayan.
10. Naipapakita rito ang iba’t-ibang paraan
ng pagtutulungan ng mga kasapi ng komunidad sa
pagibigay ng solusyon sa kanilang mga problema.
11. Sa gawaing pansibikong pangkalikasan,
ang mga opisyal ng komunidad ay mayroong
ginagawang medical mission bilang pagtulong sa mga
mamamayan sa kanilang komunidad.
12. May mga natatanging tradisyon na ang
mga mamamayan upang mapagbuklod-buklod ang isa’t-
isa.

145

You might also like