You are on page 1of 1

Name: ___________________________ Grade & Section: ___5___________Score: __________________

School:_________________________Teacher: _________________________ Subject: Araling Panlipunan 5


LAS Writer: ERA D. TANION Content Editor: KRISTINE MARIE S. OLIVAR
Lesson Topic: Pagbubukas ng Suez Canal at Pag-usbong ng Panggitnang Uri
Quarter 4 Wk.2 LAS 2
Learning Targets: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalimong Pilipino.
( AP5PKB-IVd- 2 ).
a. Napahahalagahan ang pagbubukas ng Suez Canal.
b. Natatalakay ang pag-usbong ng panggitnang uri.
Reference(s): K to 12 MELCs AP5 Quarter 4 week 1 & 2
Gabuat,M.; Mercado, M.; and Jose, M; 2016. Araling Panlipunan 5. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing Company, pp. 251-252
Nilalaman
Pagbubukas ng Suez Canal

Nobyembre 17, 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal. Higit na napadali
ang pag-aangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europa patungo sa ibang panig ng
daigdig, sa pagbubukas ng kanal na ito. Napadali sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europe patungo
sa Maynila. Dahil dito ay dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala ang sariling pananaw,
kaisipan, at kultura, gayundin ang mga Pilipinong nakapaglakbay palabas ng bansa. Ang mga aklat,
pahayagan, at iba pang babasahin mula sa Europa at Amerika na naglalaman ng mga kaisipang liberal na
may kaugnayan sa kalayaan, pagkakapantay- pantay, at pagkakapatiran ay nakarating din sa Pilipinas.

Pag-usbong ng Panggitnang Uri


May ilang mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang pamumuhay dala ng
paglago ng agkilutura at pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Sila ang kabilang sa panggitnang
uri sa lipunan sa Pilipinas, karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish mestizo. Dahil sa nakamit
nilang kasaganaan ay nagkaroon ang mga nasa panggitnang uri ng kakayahang pag-aralin ang kanilang mga
anak sa Maynila o sa Europa partikular sa Espanya. Mula sa pag-aaral sa Maynila o Europa nakamit ng mga
‘’naliwanagang ‘’ kabataan, o mga ilustrados, ang liberal na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na
kalagayan noon ng Pilipinas. Isang halimbawa ng mga ilustrados ay ang ating pambansang bayani na si Dr.
Jose Rizal. Siya ay nakapag-aral sa ibang bansa at namulat ang kanyang isipan sa mapaniil na pamamalakad
ng mga Espanyol, isinulat niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang magising ang damdamin ng
kanyang mga kababayan na ipaglaban ang kasarinlan.

Gawain: Basahin at sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.

A. Ano ang naging epekto sa Pilipinas ng pagbubukas ng Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan?
( 5 puntos )
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

B. Paano nakaapekto sa mga nasa panggitnang uri ang pag-aaral nila sa ibang bansa? ( 5 puntos )

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka
Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Wasto at sapat ang mga naibigay na detalye o 3
nilalaman.
Maayos ang organisasyon at tama ang mga bantas. 2
Kabuuang Puntos 5

You might also like