You are on page 1of 1

ACTIVITY SHEET 1

ARALING PANLIPUNAN 6
Pangalan:______________________________________ Baitang at Seksyon:________
Petsa:______________ Guro sa AP:_____________________
I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo.
(AP6PMK-Ib-4)
Layunin:
1. Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sap ag-usbong ng damdaming nasyonalismo
2. Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan.
3. Naipaliliwang ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo at ang pagpapatibay ng Dekretong
Edukasyon ng 1863
Paksa: Pag-usbong ng Liberal na Ideya

II. Sanggunian: Kayamanan 6


Bansang Pilipinas, Lahing Pilipino 6
III. Pamamaraan:
TUKUYIN MO!
PANUTO: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinion.
Isulat ang K sa patlang bago ang bilang kung ito ay may katotohanan at O kung opinion.

______ 1. Ang pagkakaroon ng estratehikong lokasyon ng Pilipinas ay nakatulong nang


Malaki hindi lamang sa pagsulong ng kabuhayan nito kundi maging sa pagsibol ng
malayang kaisipan sa bansa.
______ 2. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa ay mayroon nang konsepto
ng bansa o nasyon ng mga Pilipino.
______ 3. Sa pamamagitan ng Suez Canal ay napaikli ang ruta ng paglalakbay sa pagitan
ng Silangan at Kanluran.
______ 4. Dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig ay nagkaroon ng
pagkakataon ang mga mga Pilipinong maunawaan ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula
sa Europa.
______ 5. Si Carlos Maria de la Torre ay kinatatakutan ng maraming Pilipino dahil sa
pagiging malupit nito.
______ 6. Ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak ng mga
Pilipinong kabilang sa panggitnang uri ay nakatulong nang malaki sa pagsulong ng nasyonalismo
sa bansa.
______ 7. Sa pagpapatibay ng Dekreto ng Edukasyon 1863, nagsimulang magkaroon ang
mga Pilipino ng karapatang makapag-aral sa mga paaralang Espanyol.
______ 8. Ang mga anak ng clase media na nakapag-aral sa ibang bansa ay
naimpluwensyahan ng mga kaisipang Kanluranin na naging daan upang limutin nila ang lupang
kanilang sinilangan.
______ 9. Ang Rebolusyong Pranses ay nagdulot ng malaking takot sa mga Pilipino
kaya’tpinili na lamang nilang sundin ang mahigit na pamamahala ng mga Espanyol.
______ 10. Magkaiba ang mga paaralan para sa kababaihan at kalalakihan noong panhon
ng Espanyol.

You might also like