You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 6

QUARTER 1
S.Y. 2022-2023
HOMEBASED ACTIVITIES
Pangalan:_______________________________________________ Guro: _______________________
Baitang at Pangkat: __________________

 Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa


lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan
sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino

 Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon


nito sa mundo

 Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. AP6PMK-Ib-4

Monday
Sa araling ito, pag-aaralan at susuriin ang pagsibol ng kamalayang nasyonalismo. Inaasahan na masusuri mo ang epekto
ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo, matalakay ang epekto ng pagbukas ng mga daungan ng
bansa sa pandaigdigang kalakalan at maipaliwanag ang naging mga ambag ng pag-usbong ng uring mestiso at ang
pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863.

Basahin ang teksto at sagutan ang sumusunod na tanong:


Nang mabuksan ang Suez Canal ng Egypt para sa sasakyang pandagat, naging maikli ang paglalakbay at napadali ang
komunikasyon at ang pagpasok ng mga dayuhang may dalang iba’t-ibang ideya at kaisipang liberal. Nagkaroon ng
pagbabagong pampulitika, pangkabuhayan, panrelihiyon, at pang-edukasyon. Ito ang tinawag na Panahon ng Kaliwanagan o
Enlightenment na gumising at nagpamulat sa isipan ng mga Pilipino.
Nagbago ang antas ng katayuan ng tao sa lipunan. Marami na ang nakapag-aral ngunit nanatili pa rin na pinakamataas na
uri ang kolonyalistang Espanyol na kilala din sa tawag na peninsulares at ang insulares naman ang tawag sa Espanyol na dito
na ipinanganak sa Pilipinas. Mestizo naman ang tawag sa anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino. Ang
mayayamang Pilipino ay tinawag bilang principalia at ang mga nakapag-aral naman ay tinawag na ilustrado. Ang may
pinakamababang antas at uri ng pamumuhay ay ang mga katutubong Pilipino ay binansagang mga indio.
Kahit na ipinag-utos ng Hari ng Espanya na ituro ang wikang Espanyol sa mga Pilipino, ito ay hindi nasunod dahil sa
pangamba ng mga Espanyol na magkaroon ng isang wikang pambansa ang mga Pilipino na maaaring magbuklod at magamit
upang humingi ng pagbabago o magamit upang labanan sila. Ngunit namulat pa rin ang mga ito sa kaisipang liberal at sa
mapaniil na pamamalakad ng mga Espanyol. Sumibol ang kanilang diwang makabayan at gumawa ng iba’t- ibang hakbang
upang maging malaya. Ang kaisipang ito ay ikinagalit ng mga Espanyol at tinawag nilang mga filibusterismo o may
subersibong kaisipan ang mga Pilipino na pinamumunuan ng mga Propagandista at mga Katipunero. Sila ang naging
instrumento sa pag-usbong ng damdaming Nasyonalismo sa Pilipinas.

Gawain 1:
Panuto: Punan ang mga puwang ayon sa iyong napag-alaman.
1) Anong S C ang binuksan upang mapaikli ang paglalakbay at mapadali ang komunikasyon?
Sagot: _______________________
2). Anong E ang tawag sa Panahon ng Kaliwanagan? Sagot: _____________________
3). Sinong P at I ang ipinalagay na may pinakamataas na uri sa panahon ng pananakop ng Espanyol?
Sagot: _________________ at _________________
4). Anong I ang ibinansag sa mga katutubong Pilipino na may pinakamababang uri ng pamumuhay? Sagot:
__________________
5). Anong M ang anak ng Pilipino na may dugong Espanyol o Tsino? Sagot: ______________
6). Sinong P ang mga kilala at mayayamang Pilipino? Sagot: ______________________
7). Sinong I ang mga nakapag-aral na Pilipino? Sagot: ______________________
8). Anong W P ang pinangangambahan na magkaroon ang mga katutubong Pilipino?
Sagot: ______________________ _______________________
9). Anong F ang itinawag sa mga Pilipinong may subersibong kaisipan? Sagot: ___________
10). Anong L na kaisipan ang nadama ng mga Pilipino? Sagot: ______________________

Tuesday
Gawain 2:

Suriin: Ano ang nasyonalismo at paano ito umusbong?


Ito ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng kamalayang makabansa, pagkakilanlan ng may pagmamalaki sa
kultura at tradisyon, at paghahangad ng pambansang pagsulong. Sa Pilipinas, ang nasyonalismo ay nagsimula lamang sa ika-
19 na siglo, resulta ng mahigit tatlong siglong pananakop ng mga Espanyol. Sa pamamagitan ng panulat ng samahang
“Kilusang Propaganda” na pinamumunuan nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal, at iba pang ilustrado
ay lumawak ang nasyonalismo sa loob at labas ng Pilipinas. Inilimbag nila, ang La Solidaridad at itinatag ang La Liga Filipina
na may layuning pangreporma na nakatulong ng malaki sa pagmulat ng mga Pilipino sa kamalayang nasyonalismo.
Panuto: Ano pa ang iyong maidadagdag na kaalaman ayon sa kasaysayan? Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1). Dahilan ng pagkaroon ng kaisipang liberal _________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
2). Epekto nito sa antas ng pamumuhay sa bansa ______________________________________
____________________________________________________________________________________________________
3). Dahilan ng paglimbag ng La Solidaridad ____________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
4). Sa paanong paraan nila ipinabatid ang kanilang saloobin? ______________________________
____________________________________________________________________________________________________
5). Paano umusbong ang nasyonalimo? Makatwiran ba ito? _______________________________
____________________________________________________________________________________________________

You might also like