You are on page 1of 10

BERRIEN SPRINGS ACADEMY, INC.

19 Fuschia St., Springville North, Molino III, Bacoor 4102

Paksa: Ang Aking Komunidad


Layunin
 Mauunawaan ang konsepto at kahulugan ng komunidad.
 Maipaliwanag ang kahalagahan ng komunidad
 Masasabi ang halimbawa ng komunidad

Basahin
Ano ang Komunidad?
Ang komunidad ay isang tiyak na lugar kung saan namumuhay ang iba’t ibang pamilya. Lahat
tayo ay kabilang sa isang komunidad.

May dalawang uri ng komunidad. Ito ay ang komunidad na rural at ang komunidad na urban.

Komunidad na Rural
Ang komunidad na rural ay matatagpuan sa mga lalawigan o sa mga liblib na
pook. Malapit ito sa kalikasan kung saan dito nakakukuha ang mga mamamayan ng kailang
kabuhayan.
Isang uri ng komunidad na rural.
Tatlong uri ng komunidad na rural: sakahan, pangisdaan, at minahan.

1. Komunidad na Sakahan

2. Komunidad na Pangisdaan

3. Komunidad na Minahan
Komunidad na Urban

Ang komunidad na urban ay matatagpuan sa mga pangunahin at mauunlad na lungsod


o bayan. Higit na marami ang naninirahan dito kaysa sa komunidad na rural. Kalimitang
mga nagtataasang gusali ang makikita sa komunidad na urban.

Isang uri ng komunidad urban

Dalawang uri ng komunidad na urban: komunidad na industriyal at komunidad na komersiyal.

1. Komunidad na industriyal – Ang paggawa ng mga pagkaing de lata at paggawa ng mga


damit ay kadalasang sa komunidad na industriyal matatagpuan.
2. Komunidad na komersiyal - Isang halimbawa ng komunidad na komersiyal ay ang
Bonifacio Global City.

Gawain
Isulat ang uri ng komunidad na inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin ang kombinasyon ng
mga letra na nasa kahon sa pagsulat ng iyong sagot.

KP – Komunidad na Pangsakahan
KS – Komunidad na Pangisdaan
KM – Komunidad na Minahan
KB – Komunidad na Urban
KR – Komunidad na Rural
KL – Komunidad na Industriyal
KK – Komunidad na komersiyal

_____ 1. Dito matatagpuan ang naglalakihang gusali tulad ng paaralan at mga tanggapang
pamahalaan.
_____ 2. Mga sariwang isda ang nais bilhin ng nanay ni Joseph. Saan niya mabibili ito?
_____ 3. Nais makita ni Rosie ang pagawaan ng masarap na kape. Saan siya maaaring pumunta?
_____ 4. Mahalaga ang pagkain ng sariwang gulay. Saan tayo maaaring mag-ani nito?
_____ 5. Tanging pangarap ni Mang Ando ang mamuhay nang simple sa isang lugar na tahimik
at may sariwang hangin. Anong komunidad ang dapat sa kanya?
_____ 6. Makikita na rin ni Mariella ang kanyang pinsan sa Sabado. Mamamasyal sila sa parke
at bibisita sa mall at museo. Saan ang lakad ni Mariella at ng kaniyang pinsan?
_____ 7. Iniingatan ni Belle ang hikaw na nanggaling sa kaniyang lola. May halo itong ginto na
pinagawa ng kaniyang lola noong bata pa si Belle. Saan nakukuha ang ginto?

Paksa: Mga Bumubuo sa Komunidad at Tungkuling Ginagagampanan


Layunin
 Matukoy ang mga bumubuo ng komunidad
 Maiugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad sa sarili at sariling
pamilya

Alamin Natin
Bawat komunidad, rural man o rural, ay binubuo ng mga mamamayan at mga
institusyon. Ang mamamayan ay tumutukoy sa mga taong bumubuo sa komunidad. Sila ang
mga taong nakatira ditto o mga taong nagtatrabaho sa mga institusyong makikita sa
komunidad.
Ang institusyon ay tumutukoy sa mga tanggapan at organisasyon na tumutulong sa mga
mamamayan sa komunidad. Tunghayan natin ang mga institusyon at ang mga pangunahing
taong bumubuo rito.

Pamilya
Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan. Ang isang pamilya ay binubuo ng
tatay, nanay, mga anak, tiyo, tiya, mga pinsan, at lolo at lola.
Barangay Hall
Ang barangay hall ang tanggapan ng pinuno ng komunidad na kung tawagin ay Barangay
Captain, Kapitan, o Barangay Chairman. Ang pinuno ang barangay at mga tanod ang bumubuo
sa barangay hall.
Ang barangay ang pangunahing nagsasagawa ng mga panukala, programa, at
proyektopara sa ikabubuti ng isang komunidad.

Paaralan
Tungkulin ng paaralan na bigyan ang kabataan ng maayos na edukasyon. Ang punong-
guro ang namamahala sa paaralan. Sinisiguro niya ang maayos na pagpapatakbo nito.
Ang punong-guro, mga guro, at mag-aaral ang bumubuo sa paaralan.

Pagamutan
Mayroong mga health center at ospital na matatagpuan sa mga komunidad. Dito
tinutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamayanan. Tungkulin nilang
tulungan ang mga biktima ng aksidente at sakuna, o kalamidad.
Ang mga taong bumubuo sa pagamutan ay ang doctor at nars.
Pamilihan
Iba’t ibang uri ng pamilihan ang makikita sa komunidad. Mayroong tindahan, palengke,
grocery, at mga mall. Tungkulin ng mga nagtitinda na maging tapst ay magalang sa mga
mamimili. Maaring makabili ng pangangailangan ng mga tao sa mall, palengke at grocery.

Istasyon ng Pulis
Sa istasyon ng pulis pumupunta ang mga mamamayan kapag sila ay nagging biktima ng
masasamang loob. Kapag nangyari ito, tungkulin ng pulis na mag-imbestiga. Tungkulin din ng
pulis na panatilihin ang kapayapaan ng komunidad.

Istasyon ng Bombero
Matatagpuan sa istasyon ng bombero ang mga bombero na tumutulomg kapag
nagkakaroon ng sunog. Inaapula nila ang apoy at inililigtas ang mga tao. Bukod ditto,
tumutulong din sila sa mga biktima ng kalmidad tulad ng lindol at baha.

Pook-sambahan
Ang sambahan ay binubuo ng pari o ministro, mga madre, pastor, imam, mga
mananampalataya. Sa mga pook-sambahan nagsasama-sama ang mga mamamayan upang
manalangin.
Tumutugon ang mga sambahang Kristiyano tulad ng simbahang Katolika, Jehova’s
Witnesses, Iglesia ni kristo, at iba pa sa pangangailangang espiritwal ng mga Kristiyano.
Tunutugon naman ang mga mosque sa pangangailangang espiritwal ng mga Muslim.
Gawain 1
Pagtambalin ang mga institusyon na matatagpuan sa komunidad sa hanay A sa tungkulin nito sa
hanay B. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang numero.

A B
_______1. ospital a. tumutulong sa may sakit
_______2. pook-sambahan b. nagtuturo ng kaalaman
_______3. paaralan c. dito nabibili ang mga
pangangailangan
_______4. pamilihan d. nagpapanatili ng kaayusan
_______5. barangay hall e. nangangaral tungkol sa relihiyon

Gawain 2
Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng
tamang sagot at isulat sa patlang.

a. komunidad g. pook-sambahan
b. institusyon h. urban
c. rural i. pook-sambahan
d. pagamutan j. Barangay Chairman
e. mamamayan k. urban
f. komunidad na industriyal

_______1. Lugar kung saan sama-samang naninirahan at namumuhay ang iba’t ibang uri ng
pamilya.
_______2. Mga taong bumubuo ng isang komunidad.
_______3. Komunidad na matatagpuan sa mga lalawigan o liblib na pook.
_______4. Isang komunidad kung saan matatagpuan ang mga pagawaan o pabrika.
_______5. Binubuo ng mga gusali o tanggapan na umaalalay o tumutulong sa isang komunidad.
_______6. Tungkulin nitong pangalagaan ang kalusugan ng mga kasapi ng komunidad.
_______7. Dito sama-samang nananalangin at nagdarasal ang mga mamamayan.
_______8. Isang komunidad kung saan makikita ang mga gusaling pangkalakalan.
_______9. Dito tinuturuan ang mga bata na magbasa, magsulat, at magbilang.
_______10. Siya ang namumuno at nagngangalaga sa komunidad.

Paksa: Pagkakakilanlan ng Aking Komunidad


Layunin
 Naibibigay ang batayang impormasyon tungkol sariling komunidad
 Nailalarawan ang sariling komunidad gamit ang mga simbolo ng payak na mapa
 Nailalarawan ang dami ng tao sa sariling komunidad sa pamamagitan ng graph

Alamin
May mga mahalaga o batayang impormasyon na nagpapakita sa isang komunidad. Ito ay
ang pangalan ng komunidad, lokasyon, pinuno, at wikang ginagamit.

Gawin ito:
Punan ang information sheet sa ibaba. Pagkatapos, pag-usapan ang inyong komunidad.

Pangalan:___________________________________________
Pangalan ng Komunidad:_______________________________
Lokasyon: __________________________________________
Mga Wikang Ginagamit:_______________________________

Dagdag Kaalaman
Ang populasyon ay bilang o dami ng tao sa isang lugar o komunidad. Binubuo ito ng mga
bata, matanda, lalaki, babae, at iba pa.

You might also like