You are on page 1of 10

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
Sinaunang Pamumuhay ng mga
Filipino
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Sinaunang Pamumuhay ng mga Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michael M. Mercado Michael V.


Editor: Lorenzana Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Jhoseplex M. Inocalla
Lynn C. Demafeliz
Tagaguhit:
Tagalapat:

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong


Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Isang magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito ay iyong matututuhan ang “Sinaunang
Pamumuhay ng mga Filipino”. Patutunayan ng modyul na ito na ang ating mga ninuno ay may
natatangi at kahanga-hangang paraan ng pamumuhay tulad ng ipinakikita sa larawan.
Hangaan ang sinaunang kulturang Filipino.
Ang modyul na ito ay nahahati sa
tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Ang Sinaunang Barangay
Aralin 2 – Antas Panlipunan ng
Sinaunang Barangay
Aralin 3 – Kababaihan sa Sinaunang
Lipunan
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito, inaasahang makakamit mo
ang pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto (most essential learning
competency- MELC) at mga kaugnay na
layunin:

1. Nailalarawan ang sinaunang barangay ng Pilipinas;


2. Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Filipino sa panahong Pre-
kolonyal (MELC);
3. Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunang Filipino; at
4. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng matatag na lipunang Filipino noon at ngayon.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Organisado ang pamumuhay ng mga sinaunang Filipino. Ano ang tawag sa yunit
pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan ng mga Filipino noong panahong Pre-
kolonyal?
A. barangay
B. sanduguan
C. sultanato
D. timawa
2. Mayroong antas panlipunan ang mga sinaunang Filipino. Ano ang tawag sa pangkat ng
mga sinaunang Filipino na nasa pinakamababang kalagayan sa barangay mula sa
Visayas?
A. alipin namamahay
B. alipin saguiguilid
C. maginoo
D. oripun
3. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa paraan ng pamumuhay ng mga Filipino
sa panahong Pre-kolonyal?
A. Ang datu at maginoo ang pinakamatataas na tao sa barangay.
B. Ang bawat antas panlipunan noon ay may gampanin sa lipunan.
C. Mayroong isang pangkat ng tao sa sinaunang lipunang Filipino.
D. Mahalaga ang papel ng kababaihang Filipino sa lipunan ng
sinaunang barangay.
4. Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangkat ng tao sa lipunang
barangay mula sa unang antas hanggang ikatlong antas?
A. datu at maharlika – maginoo at timawa – alipin
B. datu at timawa – maginoo at maharlika – alipin
C. datu at maginoo – maharlika at timawa – alipin
D. maginoo at datu – maharlika at alipin – timawa
5. Namuhay ang mga sinaunang Filipino sa barangay. Aling mga titik ang may wastong
paglalarawan sa sinaunang barangay?
A. Nagmula ang salitang “barangay” sa isang sasakyang pandagat.
B. Binubuo ang barangay ng mga tao na nagmula sa isang pamilya.
C. Ang bawat barangay ay may nagsasariling pamahalaan.
D. Nakikipagkasundo ang pinuno ng barangay sa pamamagitan ng sanduguan.

1
Modyul
Sinaunang Pamumuhay
4 ng mga Filipino
Mahusay at organisado ang naging pamumuhay ng mga sinaunang Filipino bago pa
man dumating ang mga mananakop na Espanyol. Ang mga pamayanang itinatag ng ating mga
ninuno ay tinawag na barangay. Sa panahong ito, kinakitaan nang maayos na lipunan ang
mga sinaunang Filipino. Pinatutunayan din sa sinaunang barangay ang malaking
pagpapahalaga ng lipunan sa kababaihan. Ito ay ipinakikita sa mahahalagang tungkulin ng
mga sinaunang babaeng Filipino sa lipunan.

Balikan
Unawain ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng dalawang larawan at sagutin ang mga
nakalaang tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ano ang ipinakikita sa mga pinili mong larawan?


2. Paano nagkaroon ng tao sa Pilipinas batay sa mga pinili mong larawan?

Tuklasin

2
Suriin

Ang Sinaunang Barangay


Ang mga sinaunang Filipino ay nabuhay sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
pamilya at pangkat ng tao upang maging isang komunidad. Tinawag itong barangay. Ang
barangay ay nagmula sa salitang “balangay” na ang ibig sabihin ay “sasakyang pandagat”. Ito
ang bangkang ginamit ng mga sinaunang Filipinong nanirahan sa mga kapuluan ng Pilipinas.

Ang barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at


pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas. Ang mga
barangay noong panahong Pre-kolonyal ay may sariling
pamahalaan, populasyon, at tiyak na teritoryong nasasakop.

Mailalarawan din ang sinaunang barangay bilang


nagsasariling pamayanan. Ibig sabihin ay nagtataglay ito ng
kapangyarihang pangasiwaan ang sariling barangay at hindi
nasasakop ng ibang barangay. Umaabot sa 30 hanggang 100
pamilya ang bumubuo sa isang barangay.
Pinagkunan: https://creativecommons.org/
licenses/by-nc-sa/2.0/
Nagkakaroon lamang ng ugnayan ang mga barangay kapag
Ang panahong Pre-Kolonyal bumuo ang mga datu o maginoo ng alyansa. Ipinakikita ng mga
ay panahon na hindi pa kaalyadong datu o maginoo sa pamamagitan ng isang seremonya
nasasakop ng mga Espanyol na tinatawag na “sanduguan”. Ito ay ang pag-inom ng alak na may
sariling dugo ng dalawang mag-aalyadong datu. Kapag
ang kapuluan ng Pilipinas.
magkaalyado na ay maaari nang magtulungan ang kani-kanilang
barangay.
Antas Panlipunan ng Sinaunang Barangay

Maginoo at Datu Maharlika at Timawa Alipin at Oripun

Namuhay ang ating mga ninuno sa mapayapa at maayos na lipunan. Ito ay dahil sa
organisado nitong lipunan na binubuo ng iba’t ibang pangkat ng tao. May tatlong antas sa
lipunan ang mga sinaunang Filipino.

Ang unang antas ay ang datu at maginoo. Sila ang pinakamataas na tao sa lipunang
Tagalog at Bisaya. Karaniwang matapang, matalino, at mayaman ang mga pinuno na nasa
unang antas. Maaari ring namana ng datu o maginoo ang kaniyang posisyon mula sa pamilya
nito. Sa lipunang Tagalog, idinagdag ang salitang “Gat” o “Lakan” sa pangalan ng datu. Ito ay
bilang tanda ng paggalang at pagkilala sa kaniya bilang pinakamataas na tao sa lipunang
Filipino. Sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao, ang datu ang nangunguna sa kalakalan at
nararapat na mapaunlad ito.

Ang ikalawang antas sa lipunang Filipino ay maharlika at timawa. Sila ang


pinagkakatiwalaan ng datu sa barangay. Dahil dito, naging katuwang niya ang mga maharlika
sa pangangasiwa ng barangay. May mga maharlika rin na nagsilbing mga mandirigma.
Tinawag silang mga “Bagani”. Tungkulin nilang tulungan ang datu upang ipagtanggol at
mapanatili ang kapayapaan sa barangay. Kinikilala naman ang mga timawa bilang mga
karaniwang tao o malalayang tao. May mga timawa rin na dating alipin ngunit naging malaya.
Ang ikatlong antas
ay ang alipin o oripun. Sila
ang pangkat ng tao na may
pinakamababang
kalagayan sa lipunan ng
mga sinaunang barangay.
Alipin ang tawag sa mga
Tagalog. Samantalang
oripun sa mga Bisaya. Ang
mga alipin sa rehiyon ng
mga Tagalog ay nahahati sa
dalawang uri. Sila ang
aliping namamahay at
aliping saguiguilid.

3
Sa rehiyon ng Visayas, ang mga oripun ay nasa pinakamababang antas ng lipunang
Filipino. Nahahati sila sa ayuey, tumarampuk, at tumataban. Halos katumbas ng mga oripun
ang kalagayan ng mga alipin. Sa kabilang dako, ang mga oripun ay maaaring lumaya kapag
nabayaran nila ang kanilang pagkakautang.

Isa sa mahalagang katangian ng lipunang Filipino noong sinaunang barangay ay ang


pagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na mapabuti ang kanilang antas. Maaaring tumaas ang
antas ng isang tao kung magsusumikap ito. Halimbawa nito ay ang isang alipin na maaaring
maging timawa kung nabayaran niya ang kaniyang pagkakautang. Sa kabilang banda, ang
mga taong nagkaroon ng pagkakasala o hindi makabayad ng utang ay maaaring bumaba ang
antas sa lipunan.

Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa kababaihan noong sinaunang


barangay. Hindi katulad sa panahon ng mga Espanyol, ang mga sinaunang babae ay may
mahahalagang gampanin sa sinaunang barangay. Ang sumusunod ay ilang karapatan ng
sinaunang kababaihang Filipino:

Naging gampanin din ng katalonan o babaylan ang magbigay ng payo sa barangay.


Halimbawa nito ay kung kailan simulant ang pagtatanim o pagkakaingin, Sila rin ang
nagbibigay ng payo sa mga may karamdaman.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Sinaunang Pamumuhay ng mga


Filipino”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

4
Gawain 1
Pagbuo ng Dayagram. Pumili ng hugis (halimbawa ay bilog, tatsulok, o nais na hugis) at
gawin itong dayagram na nagpapakita ng mga antas panlipunan ng mga sinaunang Filipino at
mga katangian o tungkulin nito. Gawin ito sa isang papel o kuwaderno.

Gawain 2
Pagkompleto ng Graphic Organizer. Iguhit ang dayagram at kompletuhin ito sa
pamamagitan ng paglagay ng mga salita tungkol sa sinaunang barangay. Gawin ito sa isang
papel o kuwaderno.

Ihanda rin ang sarili na maipaliwanag ang nabuong graphic organizer at makipagtalastasan
sa guro at kamg-aral sa klase o virtual classroom.

Isaisip

Gawain 3
Tanong-Sagot. Ipinaliwanag sa modyul na ito ang pamumuhay ng mga Filipino sa sinaunang
barangay. Unawain ang sumusunod na tanong at isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno o
hiwalay na papel.

5
Napag-aralan mo rin ang iba’t ibang antas panlipunan sa sinaunang barangay at kababaihang
Filipino. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno o hiwalay na
papel.

Isagawa

Gawain 4
Agree or Disagree. Ikaw ay miyembro ng Sangguniang Barangay sa inyong lugar. Binigyan
ka ng pagkakataon na magsaliksik tungkol sa sinaunang barangay ng mga Filipino. Mula sa
iyong natutuhan ay kailangan mong pumili ng limang katangian o paglalarawan mula sa
sinaunang barangay, antas panlipunan, at kababaihan ng sinaunang lipunan. Isulat ito sa
unang kolum ng talahanayan.
Pagkatapos ay isulat sa Kolum 2 kung ikaw ay “Agree” (sang-ayon) o Disagree (hindi
sang- ayon) na maipatupad sa iyong barangay sa kasalukuyan ang bawat pangungusap sa
Kolum 1. Isulat naman sa Kolum 3 ang iyong paliwanag. Gawin ito sa isang papel o
kuwaderno.
Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.

Katangian ng sinaunang barangay, Agree o Paliwanag kung bakit nais ipatupad o


antas panlipunan at sinaunang Disagree hindi dapat ipatupad
kababaihan

1.

2.

3.

4.

5.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Kompleto at wasto ang limang isinulat na katangian
Nilalaman 10
tungkol sa paksa.
Paliwanag Mahusay at makatotohanan ang mga paliwanag. 10
Kabuuan 20

6
Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang barangay ay sinaunang komunidad ng mga Filipino. Ano ang tawag sa bangkang
ginamit ng mga sinaunang Filipino at ipinangalan sa komunidad na itinatag sa mga
kapuluan ng Pilipinas?
A. balangay
B. bapor
C. barko
D. beranda

2. Tinawag na datu ang pinuno ng sinaunang barangay. Ano ang isang katangian ng datu?
A. Inaangkin niya ang kayamanan ng kaniyang nasasakupan.
B. Bihira siyang lumahok sa mga labanan.
C. Nagmula siya bilang alipin hanggang maging maharlika.
D. May kapangyarihan siyang gumawa at magpatupad ng batas.

3. Matatagpuan ang hindi mabilang na barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas. Alin sa


sumusunod ang hindi katangian ng sinaunang barangay?
A. Mayroong 30 hanggang 100 pamilya ang isang barangay.
B. Sinasamba si Allah at karaniwang mga Muslim ang kasapi nito.
C. Gumagalang ang mga tao sa namumunong datu.
D. Maaaring magkaroon ng ugnayan ang mga barangay.

4. Mahalaga ang gampanin ng kababaihan sa sinaunang barangay. Paano ipinakita ng


sinaunang lipunang Filipino ang mataas na pagpapahalaga sa kababaihan noon?
A. Pinagawa sila ng mga mabibigat na gawain.
B. Mayroon silang karapatang makipag-away sa kalalakihan.
C. Maaari silang magmay-ari ng ari-arian.
D. Pinalabas ang mga babae sa kanilang tahanan.

5. Paano mapatutunayang may maayos at organisadong pamumuhay ang mga Filipino


noong sinaunang panahon?
A. Ang mga sinaunang barangay ay may sariling pamahalaan ngunit limitado ang
kakayahang paunlarin ang pamumuhay ng tao.
B. Nagsasarili ang mga sinaunang barangay at nakikialam ang datu sa ibang
barangay kung nais niya itong kalabanin at sakupin.
C. Bawat tao sa sinaunang lipunang Filipino ay may tungkulin at pagpapahalaga
anoman ang antas o kalagayan nito sa buhay.
D. Bagamat nahahati sa iba’t ibang pangkat ng tao ang sinaunang barangay, marami
pa rin ang nagnanais na mamuno dito.

7
Karagdagang Gawain

Gawain 5
Noon at Ngayon. Iguhit ang venn diagram at kompletuhin ito sa pamamagitan ng pagtukoy
ng pagkakatulad at pagkakaiba ng kababaihang Filipino noong sinaunang lipunang Filipino at
sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa isang papel o kuwaderno.

Pagkatapos ng venn diagram, kapanayamin ang isang miyembro ng


pamilya o kakilala. Itanong sa kaniya ang kahalagahan ng papel ng
kababaihan sa lipunan, politika, at ekonomiya ng bansa. Isulat sa
papel ang naging resulta ng iyong panayam.

Gawain 6
Patunayan Mo. Iguhit sa papel ang dayagram. Punan ang bawat kahon ng mga patunay na
mayroong matatag na lipunang Filipino noon at ngayon.

You might also like