Professional Documents
Culture Documents
DEPARTMENT OF EDUCATION
NCR
Division of Caloocan City
IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE
Soldiers Hills III, Barangay 180, North Caloocan City
________________________________________________________________
“KASAYSAYAN NG KAPILIPINUHAN”
___________________________________________________________
Presented to
Mrs. Ginalyn Tan
the DALUMATFIL professor of BSCS in
Immaculada Concepcion College.
In Partial Fulfillment
of the Requirements in
DALUMATFIL
Submitted by:
Vegilla, Justine Kim R.
BAYAN (1588-1913)
Estadong kolonyal
Sa panahong ito tayo ay sinakop na ng mga espanyol.
Mayroong tatlong sangay, ito ang Pueblo, Villa at Ciudad.
Inang bayan, layuning pinanghahawakan ni Bonifacio.
Nacion (akulturadong elit na bilang mga Pilipino na nakahulma sa kulturang kanluranin).
Hiniling ng grupo ni Rizal na maging pantay ang trato sa mga Pilipino at mga Espanyol.
Pansamantalang nag-anib ang bayan at nacion.
Naideklara ang "independencia"
II. Sumulat ng isang sanaysay batay sa iyong natutunan sa mga impormasyong iyong nakalap sa pagsasaliksik
tungkol dito.(15 -20 pangungusap)
“KASAYSAYAN NG KAPILIPINUHAN”
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong panahon, ito ang Pamayanan, Bayan at Bansa. Una, ang
pamayanan at tumatalakay sa paglitaw ng sinaunang Pilipino at paglitaw at pamamalagi ng mga Austronesyano sa
Pilipinas. Sa panahon na ito nagsimula ang pakikipag-ugnayan natin sa mga karatig na bansa, kalaunan ay nagsimula na
ring lumaganap ang Islam sa mga lugar sa Mindanao, samantalang ang Kristiyanismo naman ay lumaganap sa mga lugar
sa cebu. Dahil dito, nagsimula ang pakikibahagi natin ng pananampalataya at ideyang ekonomiya at politika. Nang
tumagal nabuo ang konsepto ng Balangay, ito ay isang komunidad na pinamumunuan ng iaang datu na kasama ang
kamag-anakan at aliping saguiguilid. Ang sistema ng pamahalaan ng pamayanan ay pinamumunuan ng isang Hari o
Punong Bayan na may katuwang na mga Datu, ang mga Datu ay ang siyang namumuno sa isang balangay.
Pangalawa, ang Bayan, nakatuon ito sa estadong kolonyal, sapagkat sa panahong ito tayo ay sinakop ng mga
espanyol. Mayroong tatlong sangay ang sistema ng pamahalaan ng bayan, ito ang Pueblo, Villa at Ciudad. Ang Pueblo ay
isang organisadong bayan, ang Villa ay mas malaki sa pueblo ngunit mas komplikado ang sistema ng pamamahala. Ang
huli ay ang Ciudad na mas malaki sa villa ngunit higit na mas komplikado ang administrasyon. Nakaugat ang tradisyon ng
bayan sa "Inang bayan" dahil binibigyang halaga nito ang kapatiran, damayan at pantay na karapatan na tungo sa
kasarinlan. Naitatag ni Bonifacio ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan o KKK noong panahon ng
himagsikan dahil sa pinanghahawakan niyang layunin, at ito ang Inang bayan. Sa panahong ito nabuo ang nacion/nasyon
ng mga akulturadong elit na bilang ng mga pilipino ngunit nakabase sa kulturang kanluranin, ito ang grupong
kinabibilangan ni Rizal. Hiniling nila sa mga eapanyol na maging probinsya ng pilipinas ang espanya at kanilang hiniling
ang pantay na trato sa mga Pilipino at Espanyol. Ito ang naging ugat ng pansamantalang pagaanib ng Bayan at Nacion, at
sa huli ito ay nagtagumpay ito at naideklara ang "independencia" ng pilipinas.
Ang huli ay ang Bansa, ang konsepto naman nito ay nabuo dahil sa mga pangyayari noong 1913 hanggang
kasalukuyan. May dalawang tema ang bansa, ito ang kalayaan at kasarinlan. Higit na nakatuon sa kasarinlan ang Inang
bayan dahil ito ay ang kakayahang hindi dumipende sa ibang bansa, samantalang mas mahalaga namam ang kalayaan
dahil ito ang estado ng pagiging malaya at pagkakaroon ng kasarinlan. Ang bansa ay may adhikaing mapalaya ang sarili at
mapagkaisa ang kapilipinuhan, ito ay naganap noong kinakaharap natin ang Batas Militar na naging suliranin ng ating
bansa. Ngunit kalaunan ay napalaya natin ang sariling bansa at natamasa ang pinapangarap na demokrasya sa
pamamagitan ng People's Power. Subalit hindi dito natapos ang suliranin ng ating bansa, dahil marami pang suliranin ang
kinaharap ng Pilipinas sa ibat-ibang administrasyon, kabilang dito ang administrasyon ni Cory, Ramos, Estrada at Arroyo.
Sa kabila ng mga suliraning ito, ginawa ng mga pilipino ang lahat ng kanilang makakaya upang maging isang ganap na
malayang bansa ang Pilipinas.