You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: IM-GEMSRIZAL-1STSEM-2020-2021
V. LEARNING ACTIVITY

Pangalan: JANNREY JOSHUA N. GARCIA Marka:____________


Kurso/ Seksyon: BSMATH2 Petsa: 04-24-23

Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Kung walang mali sa pahayag isulat sa patlang ang
salitang WASTO at DI-WASTO kung may mali sa pahayag.

WASTO 1. Ang mga Kastilang may katungkulan ay ganadong nagpapalaganap ng


pananamplatayang Kristiyano kaya lang hindi naman nila naisasabuhay ang mga aral mula rito.
WASTO 2. Ang mga guardia sibil sa mga panahong ito ay sumisimbolo sa pagmamalupit ng
mga dayuhang Kastila.

DI-WASTO 3. Ang katangian ng pulitika noon sa Pilipinas sa pamamahala ng mga Kastila ay


ang hindi pagsasanib ng Estado at Simbahan.
WASTO 4. Tinatawag na gobernador-heneral ay siya ring bise-patron ng Simbahan, ibig sabihin
may karapatang pansimbahan.
WASTO 5. Itinuring ni Gandhi si Rizal bilang tagapagsimula at martir ng kalayaan.

VI. ASSIGNMENT
Gamit ang batayang aklat at sariling pagsasaliksik, gumawa ng graphic organizer o
talahanayan/ timeline tungkol sa ganapang pulitikal, kabuhayan, panlipunan, pangkultura noong
ika-19 na siglo na nagpapakita ng paghantong sa malawakang pagbabago. Gamitin ang
puwang sa ibaba para sa iyong sagot.

Ideyang Liberalismo sa Bansang Europa


 Liberalismo o Enlightenment sa ingles, na ang kahulugan ay isang malawak na uri ng
pilosopiyang politikal na kung saan ito ay nagbibigay din sa kahalagahan ng kalayaan at
pagkakapantay- pantay. Sa nagana na himagsikang Pranses umusbong ang kaisipang liberal. Sa
pamamaritan ng mga simulain ng mga Pranses na, "Pagkakapantay- panaty, kalayaan, at
kapatirian" ay naging inspirasyon ng mea Pilipino upang makarit at simulan ang kanilang
minimithing bagong reporma.
Konatitusyon ng Cadiz sa Espanya
 Dahil sa hangarin ng mga Espanya na wakasan ang mga pang- aabusong dala ng sistemang
konserbatibong umiral sa bansa, kanilang nilikha ang Cadiz Constitution noong 1812. Ang
konstitusyon na ito ay nagbibigay halaga sa mga ideyang liberal tulad ng karapatan sa pagboto
ng mga kalalakihan, monarkiyang konstitusyonal, pambansang soberanya, reporma para sa lupa,
kalayaan sa paramahayag at ang malayang kalakalan. Ito rin ay naging ugat ng paggising ng
bansang Pilipinas sa hangarin na maging malaya sapagkat sa sistemang ito ay nagkaroon ng
direktang epekto sa kalagayan ng Pilipinas bilang isang kolonya.

Kabuhayan
Kalakalang Gayon
 Ang monopolyong Kalakalang na ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa Maynila at sa
Acapulco ay kanilang tinawag na Kalakalang Galeon. Mula sa malaking barkong Galeon
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: IM-GEMSRIZAL-1STSEM-2020-2021
nagmula ang pangalan ng kalakang ito na karamihan ay ginamamit at ipinapagawa ng
mga Espanyol sa lalawigan ng Cavite at ibang lugar sa Pilipinas.
 Sa pamamagitan ng kalakalang Galyon, nailuluwas sa Maynila ang mga mamahaling
bagay tulad na nga ng kasangkapan, porselana na bulak at pilak na nagbigay daan sa
pagbabago ng kultura at pag- usbong ng kabuhayan ng dalawang bansa.
Ang Pagbukas ng Kalakalang Pandaigdig sa Bansang Pilipinas
 Noong taong 1869, ay ang pagbubukas nito na naging dahilan ng pagbilis na pagpasik
sa bansa ng mga kaisipang liberal gaya ng kalayaan, pagkapantay- pantay, kapayapaan
at ang pagmulat sa kanilang karapatan.
 Ito rin ang naging daan upang mapabilis na paglabas- masok ng mga mangangalakal at
pati na rin ang sistema ng komunikasyin sa Pilipinas. Ito rin ay nagresulta madaling
pagpasok g babasahing aklat na nagbigay kaisipang liberal at rebolusyonaryo.
 Dahil na rin sa mga magagandang epekto ng kalakalang Pandaigdig, maraming mga
Pilipino ang yumaman sa pagtatanim at pakikipagkalakalan

Panlipunan
Edukasyong Kontrolado ng mga Kastilang Prayle
 Bago pa man dumating ang mga Espanyol, may sariliring kabihasnan ang mga
Pilipino.Noong sakupin at nakarating ang mga misyonerong prayle at kanilang inusbong
ang kristyanismo sa bansa, kanilang pinalitan at binago ang edukasyon sabay nito ang
pagsunog sa mga tala nakasulat sa mga dahon, banakal at punong kahoy na kanilang
paniniwala na gawa o likha ng mga masasamang espiritu.
 Naging patakaran ng Espanya ang magturo sa mga Pilipino ng doktrina Kristiyana at
maitatag ang mga paaralan na magtuturo nito. Sapagkat ang relihiyon ang namamayani
sa kanilang isipan upang maging mabuting mamamayan sa kabilang buhay.
 Ang unang mga naging paaralan ay ang mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng
mga kura. Na kung saan dito tinuturuan ang mga bata ng relihiyon, kastila, pagsulat,
pagbasa, pagbilang, musika at paghahanap buhay.
 Sila rin ay nagtatag ng mga paaralan para sa sekundarya upang maihanda ang mga
mag-aaral sa mataas na paaralan. Nagtatag din ang mga pari ng mga kolehiyo tulad ng
kolehiyo para sa mga babae noong 1594 ang Santa Potenciana ang kauna- unahang
kolehiyo para sa mga babae.
 Noong 1865 naitatag din ang Paaralang Normal na para sa mga babae't lalaki. Sa
kadahilan na dumarami ang mga estudyante nagtayo din ang mga prayle ng Paaratang-
Bayan. Sa ikalawang hati ng 19 dantaon dito lamang nabuksan ang paaralan, kolehiyo
at unibersidada sa mha Pilipino.

Pangkultura
Kultura sa ilalim ng Ideya ng Klasiko
 Ang mga artista ay nagpipinta ng kanilang gawain na kung saan karamihan ay may
kaugnayan sa mga pangyayari na naaayon sa tema ng bibliya.

Kulturang Russian
 Ang Klasralismo ay unti-unting pinalitan ng sentimentalismo at pagkatapos ay
romantismo. Ang romantismo ay nagsimulang mahati sa progresibo at konserbatibo.
Sumunod ng panibagong yugto ng panitikan ang realismo.
Kulturang European
 Ang nangingibabaw o ang pangunahing papel dito ay ginagampanan ng politika.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: IM-GEMSRIZAL-1STSEM-2020-2021

VII. EVALUATION (Note: Not to be included in the student’s copy of the IM)

Panuto: Ang mga sumusunod na pangalan o paksa ay may kinalaman sa kasaysayan ng buong
mundo at nakaapekto sa bansang Pilipinas noong Ika-19 siglo. Ibigay ang pagkakakilanlan ng
bawat paksa at ipaliwanag ang sagot sa loob ng isang makabuluhang pangungusap lamang. 3
puntos bawat numero.

1. Giyera Sibil
Ang giyera sibil ay isa sa mga pinakamadugong pangyayari sa mundo, ito ay tunggalian sa
pagitan ng mga kasapi ng isang bansang o pamayanang pampulitikal maging ang isang
emperyo o republika na kung saan ang mga malalakas na bansa ay nais agkinin ang mga
bansang humihina o mahina upang sila maging makapangyarihan sa ibang bansa.
2. Imperyalismong Kanluranin
Ito ang paghihimasok, pag-impluwensya o pagkontrol ng mga bansang kanluranin tulad ng.
Estados Unidos sa mga mahihinang bansa tulad ng mga bansang nasasakupan ng Asya
sapagkat ang mga bansa dito ay kaakit-akit na lugar upang sakupin ng mga bansang kanluranin
at ang imperyalismong kanluranin ito ay maaring tuwiran o di- tuwirang pananakop
3. Matthew C. Perry
Si Matthew C. Perry ay isang opisyal ng hukbong-dagat na namuno sa ekspedisyon na nagpilit.
or pimilit sa bansang Japan taong 1853-54 upang pumasok sa pakikipagkalakalan at
magkaroon ng diplomatikong pakikipag-ugnayan sa mga bansa sa Kanluran pagkatapos ng
mahigit dalawang siglong paghihiwalay, sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap ang Estados
Unidos ay naging pantay sa kapangyarihan ng bansang Britanya, Pranses, at Rassia sa
pagsasamantala sa ekonomiya ng Silangang Asya.
4. Canal Suez
Ang suez canal ay daluyan ng tubig na gawa ng tao upang magdugtong sa dagat ng
Mediteraneo sa karagatang Indian sa pamamagitan ng dagat na Pula, ang suez canay ay
nagbibigay daan sa isang mas direktang ruta sa kalakalan sa pagitan ng mga bansang nasa
Europa at Asya na naging epektibong nagbibigay daan din sa pagpasa mula sa Hilagang
Atlantiko hanggang sa dagat ng Indian na hindi kinakailangang luminot sa kontinente ng Africa
at ito ay binuksan noong 1869 para sa internasyonal na kalakalan.
5. Rabindranath Tagore
Si Rabindranath Tagore ay isang polimatong Bengali na marahil ang pinakamahalagang tao sa
panitikan ng Bengal at kinatawan ng kalinangang Indian na ang hikayar at pagkakakilala sa
buong mundo ay maihahambing lamang kay Mohandas Gandhi, ang kanyang mga ginawang
akda tuad ng maiikling kwneto at nobela ay pinuri sa kanilang lyriscismo, kolokyalismo,
naturalism at kontemplasyon.

6. Konstitusyong Cadiz
Ang konstitusyong Cadiz ng 1812 ay nilikha dahil sa hangarin ng Espanya na tapusin ang mga
pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa, ang mga
Espanyol ay ninais na ito ay ipatupad sa bansang Pilipinas ngunit hindi sila nagtagumpay at sa
ilalim.ng. konstitusyon na ito nabigyan ng halaga ang mga ideyang liberal at ito rin ang
nagbukas sa kaisipan ng mga Pilipino sa karapatang pantao.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: IM-GEMSRIZAL-1STSEM-2020-2021
7. Inquilino
Ang Inquilino ay ang mga mangagawang may utang sa mga taong may pagmamay-ari sa lupa
o mga makakapangyarihan tao tulad ng prayle na nagpapahintulot sa kanila na bumuo ng isang
sakahan sa mga bahagi ng kanilang ari-arian at sila ay nagtratrabaho nang walang bayad ang
mga inquilino naman ay pinapaupahan ang lupang ito kung kaya't madaming tao ang baon ang
utang sa inquilino na kung saan sila ay kumikita ng malaking halaga at nakikinabang biyaya ng
lupa kahit hindi magsaka.

8. Kastila o Mestizo
Ang mga kastila ay ang sumakop sa bansang Pilipinas sa loob ng tatlong daan at tatlumpung
tatlong taon na naging malaking bahagi sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas ay galling sa mga.
Espanyol, ang mga kastila ang nag-impluwensya sa bansang Pilipinas ng relihiyong
Kristiyanismo na kanilang pangunahing hangarin kung kaya't kanilang sinakop ang Pilipinas at
sila rin ang namuno sa bansang Pilipinas sa matagal na panahon na ginamitan nila ng
pagmamalupit at dahas ang kanilang sistema.

9. Prayle
Ang mga prayle ay ang mga miyembro ng mga misyonaryo na karamihan ay mga kastila na ang
hangarin ay maibahagi ang Katolisismo sa bansang Pilipinas, sila rin ay nagkaroon ng mataas
na katungkulan o naging makapangyarihan noong sakupin ng mga kastila ang bansang
Pilipinas na kung saan hindi lamang pangrelihiyon ang kanilang kontrolado pati na rin sa
usaping sibil ay nagkaroon sila ng kapangyarihan na naging dahilan ng paghihirap ng buhay ng
mga Pilipino.

10. Jose Rizal


Si Dr. Jose Rizal ay tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas, isa siya sa mga magigiting na
Pilipinong bayani na nagbuwis ng buhay at nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas sa
kamay ng mga kastila, ngunit hindi gumamit ng dahas upang ipaglaban ang bansa kundi sa
pamamagitan ng kaniyang mga salita na isunulat niya sa kaniyang mga akda na kilala sa Noli
Me Tangere at El Filibusterismo na kung saan kanyang isiniwalat ang kalapastanganan,
karahasana at korupsiyon na ginawa ng mga prayle at ang opisyal na Espanyol sa mga Pilipino.

You might also like