You are on page 1of 3

Mindanao State University

SIAWADATO COMMUNITY HIGH SCHOOL


Maguing, Lanao Del Sur
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 10

Pangalan: _________________________________ Seksyon: __________Petsa: _________ Iskor: /100


Pangkalahatang Panuto: ANG ANUMANG URI NG PAMBUBURA O ALTERASYON SA SAGOT AY MALI!!!

TEST I. PAGPIPILI: Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang patlang ang LETRA
na mapipili mula sa kahon upang mabuo ang pahayag. (40 puntos)
a. tula f. nobela k. Ciboney p. bisa sa damdamin u. dagli
b. tayutay g. panunuri l. Spain q. bisa sa isip v. Christopher Columbus
c. Readers Theater h. buod m. Denmark r. Teoryang Pampanitikan w. Arrogante
d. mitolohiya i. paksa n. Santiago s. talumpati x. Dr. Reuel Molina Aguila
e. mito g. mensahe o. Ernest Hemingway t. Komplemento/Kaganapan y. Atalia
z. inklitik
__1. Ito ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
__2. Tinatawag ding palamuti ng tula dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
__3. Ito ay isang pandulang pagtatanghal ng isang akdang pampanitikan na ginagamitan ng maraming tinig na
pinag-isa sa pagbigkas.
__4. Tumutukoy sa isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.
__5. Mula sa salitang ito hinango ang salitang mitolohiya na unang nangangahulugang “talumpati” subalit sa
katagalan ay nangangahulugang “pabula” o “alamat”.
__6. Ito’y itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng
mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao.
__7. Ito ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining. Hindi lamang ito
nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao
__8. Ito ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang pangungusap.
__9. Samantalang ito naman ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
__10. Ito’y tumutukoy sa kung ano ba ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gustong
sabihin ng sumulat ng teksto.
__11. Ang tatlong pangunahing tribo sa isla ng Carribean ay ang Caribs, Arawaks, at ano?
__12. Anong bansa ang orihinal na umangkin sa isla ng Caribbean?
__13. Ang mga bansang nag-agawan sa isla ng Carribean ay ang Netherland, France at ano?
__14. Sino ang matandang naglalayag?
__15. Sino ang may-akda ng “The Old Man and the Sea”?
__16. kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa
__17. Tumutukoy sa kung paano naimpluwensyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng pag-iisip ng mambabasa
__18. Ito ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.
__19. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
__20. Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap ng kilos ng pandiwa.
__21. Uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan
ngunit walang aksiyong umuunlad, at mga paglalarawan lamang.
__22. Siya ang unang European na nakarating sa isla na sinasabing nagkaroon ng dramatikong pagbabago sa
kasaysayan ng Caribbean.
__23. Ayon sa kanya, ang dagli ay mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong
umuunlad at mga paglalarawan lamang.
__24. Sinasabi naman niyang naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng
katawagang flash fiction na umusbong noong 1990.
__25. Para sa kanya, walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli. Higit na kailangan ang
pagkontrol ng mga salita. At siya din ang nagbigay ng mga mungkahing paraan sa pagsusulat ng dagli.
__26. Ito’y ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangalan, panghalip, pandiwa,
pang-uri o pang-abay.
*** Para sa bilang 27-30
a. Ingklitik b. Komplemento/ kaganapan c. Pang-abay
__27. Tinitiyak ng ating pamahalaan na labanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin ang lumikha ng
mga pagkakataon para sa lahat.
__28. Nananatili sa kahihiyan an gating bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga
hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mga mabuting mamamayan.
__29. Hindi ako at ang taga-Brazil titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may
mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng pag-asa, at habang may mahihirap
na batang tuluyan nang inabandona sa lansangan.
__30. Matibay ang aking masidhing paniniwala sa kasalukuyan na nang inflationang talagang nagdudulot ng
kaguluhan sa ating ekonomiya at sumisira sa kita ng ating mga manggagawa.

1
*** Para sa bilang 31-40
a. Realismo b. Romantisismo c. Klasisismo d. Eksistensyalismo e. Feminismo f. Arkitaypal g.
Marxismo
__1. Maaaring tingnan ang imahen, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda. Layon nitong labanan ang
anomang deskriminasyon sa kababaihan.
__2. Gumagamit ng modelo upang masuri ang elemento ng akda at diin dito ay mga simbolismong ginamit upang
maipabatid ang pinakamensahe ng akda.
__3. Ipinakikita ang pagtutunggalian ng dalawang magkasalungat na puwersa; malakas at mahina, mayaman at
mahirap, kapangyarihan at naaapi.
__4. Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay.
__5. Umusbong noong 1900. Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa at nag-iiwan nang malinaw na
larawan sa isipan ng mambabasa.
__6. Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura, kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag
(sukat,
tugma, kaisahan ng mga bahagi).
__7. Makikita ang takbo ng isip ng may-akda; antas ng buhay, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at ang
kamalayan ng may-akda.
__8. Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan.
__9. Sumusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit, pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at
kaayusang
nakapaloob sa akda.
__10. Layon nitong labanan ang anomang deskriminasyon, exploitation, at operasyon sa kababaihan gaya nina
Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo.
TEST II. TAMA O MALI. Isulat sa inilaang patlang ang salitang TAMA kung tama ang pahayag at ibigay ang
wastong sagot kung ito ay mali. (15 puntos)
_______1. Ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay napapabatid ng marubdob na pagmamahal ng isang tao sa
kanyang minamahal.
_______2. Ang piyesang dapat piliin sa sabayang pagbigkas ay may paksang napapanahon, makabuluhan at
angkop sa okasyon o pagdiriwang.
_______3. Mahalagang isa-iskrip ang piyesa upang mabigyang-diin ang bigkas, kumpas at ang paglalapat ng
wastong musika at tunog. Dapat isaalang-alang ng susulat ng iskrip ang mga pananda at simbolong
kanyang gagamitin.
_______4. Ang tagapagsanay ng sabayang pagbigkas ay dapat makapili ng mga mambibigkas na bubuo ng isang
koro.
_______5. Sinasabing sa anyong mga dagli, sa Ingles sketches, nagmula ang maikling kuwento.
_______6. Ang layunin ng dagli ay gumising sa diwa at damdamin, nanawagan sa talino ng guniguni, upang
mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
_______7. Ang bida sa nobela na si Manolin ay isang matandang manginigsda.
_______8. Kaibigan ni Santiago si Marlin, isang batang lalaki. Siya ay tapat na tagapaglingkod ni Santiago.
_______9. Ang Isla ng Caribbean batay sa kasaysayan ay kilala sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa aspektong
sosyal, ekonomiko, at kultural at sumailalim sa dalawampu’t isang taong pamamalakad na diktaturyal.
_______10. Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo matapos manalo sa eleksiyon
noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff.
_______11. Si Dilma ay naugnay sa isang militanteng sosyalistang grupo, nakasama niya si Luiz de Silva na
kinalaunan ay siya’y naging pangalawang asawa.
_______12. Noong 1973, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal ng tatlong
taon.
_______13. Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977) at pumasok sa lokal na politika
bilang kasapi ng Democratic Labor Party.
_______14. Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang
secretary noong 2005.
_______15. Ang tema ng kuwentong “Ako Po’y Pitong Taong Gulang” ay nagpapakita ng pakikibaka ng isang tao
laban sa kalikasan at sa hamong dumarating sa buhay natin.

TEST III. Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit at bilugan ang paksa ng pangungusap. Pagkatapos ay
isulat ang pokus ng pandiwa (pokus tagaganap o pokus sa layon). (30 puntos)
Halimbawa: Pokus sa layon 1. Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang maiwan.
__________1. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
__________2. Ipinagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga.
__________3. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino.
__________4. Habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah ay ginupit ng mga kalaban ang buhok
nito.
2
__________5. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim.
__________6. Gumawa ng paraan si Utgaro-Loki upang hindi sila madaig ng kapangyarihan ni Thor.
__________7. Inihampas ni Thor ang kaniyang maso sa natutulog na higante.
__________8. Nilagok ni Thor nang malaki ang lalagyan ng alak ngunit tila wala pa rin itong bawas.
__________9. Tumakbo nang mabilis si Thjalfi upang mahabol ang kalaban.
__________10. Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang maiwan.

TEST V. PAGPAPALIWANAG. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong na nasa ibaba.(15 puntos)

1. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ilarawan ang iyong magiging damdamin kapag nalaman
mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?

2. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. “Ang pag-ibig ay buhay, ang buhay ay pag-ibig.
Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal sapagkat sapol pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao
ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.”

3. Paano nakaapekto sa pamumuhay at kultura ng mga taga-isla sa Caribbean ang pananakop sa kanila
ng iba-ibang bansa?

Prepared by:
Hadya B. Guro
Subject Teacher/Filipino Coordinator

Noted by: Approved by:

Dr. Dayamon T. Magdara-Mocsir Prof. Norhanna H. Cana


School Principal OAVCAA

You might also like