You are on page 1of 2

Punan ng tamang sagot ang mga patlang sa bawat bilang.

1. Ang ______ ay isang mapanuring pagpapakahulugan hinggil sa isang napapanahong isyu


o pangyayari upang magbigay kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga
mambabasa
2. Ang _________ naman ay isang uri ng sanaysay na naglalahad ng mga makatotohanang
pangyayari batay sa karanasan, pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at
isinusulat sa isang kawili-wiling pamamaraan.
3. Ang_____ ay isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko. Ito ay ang
pagpapahayag ng kaisipan o opinyon tungkol sa isang paksa na maaaring mula sa
pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan.
4. Isang mahabang kathang pampanitikan ang _______ na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila. Iisa ang balangkas nito at maikling kuwento ngunit nagkaiba lamang
ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay rito ay may kaugnayan sa
lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng bawat bansang
pinanggalingan nito.
5. Ito ay tawag sa mga katagang paningit. Ito ay walang kahulugan kung mag-isa ngunit
nakapagpapabago ng kahulugan ng isang pangungusap
6. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
7. isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko.
8. Ang ____ ay isang anyo ng maikling kuwento at ang sitwasyon ay may mga nasasangkot
na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay at pawang mga
paglalarawan lamang.
9. Napagkakamalang flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang ______.
10. Ang dagli ay may twist o punchline sa ______.
11. Ang pamagat ng dagli ay ________.

Tukuyin ang dalawang salitang magkaugnay sa bawat pahayag.

12. Madalas abala ang pamilya nila sa kanilang negosyo, nakalaan ang buong oras nila sa
hanap-buhay kaya di nakararating sa mga pagpupulong sa paaralan ang kanilang
magulang.
13. Maaga akong nagbanat-buto dahil wala akong maaasahan na iba kaya kailangan kong
magtrabaho agad sa buhay.
14. Masayang nagkita muli ang magkasintahan na matagal nang pinaghiwalay ng kanilang
mga magulang at ngayon halos walang paglagyan ang kanilang kaligayahan.

Tukuyin kung Tauhan, Tagpuan, o Pangyayari ang ipinapahayag ng bawat talata sa


bawat bilang.
15. Hello! Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla ng Caribbean. Ako
po’y pitong taong gulang. –
16. Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at
gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga
damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina.
Mga Teoryang Pampanitikan
A. Teoryang Realismo (Anong konkretong sitwasyon sa tunay na buhay o sa lipunan ang
ipinakikita sa nobela?)
B. Teoryang Eksistensiyalismo (Anong mga desisyon sa buhay ang ginawa ng tauhan
para sa kaniyang sarili?)
C. Teoryang Humanismo (Ano-ano ang kalakasan at mabuting katangian ng pangunahing
tauhan?)

Panuto: Tukuyin kung anong Teoryang Pampanitikan ang bahagi ng kuwento sa bawat
bilang.

Ang Kuwento ni Mabuti


Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa
suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon,
sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong
pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.- ________

Ang Kuwintas
Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya
sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.
May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang
anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.-_________

Ang Matanda at ang Dagat


“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya.
Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit
ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa
kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.-__________

You might also like