You are on page 1of 6

Kabanata 3: ANYO AT URI NG PANITIKAN

Tatalakayin sa kabanatang ito ang iba’t ibang anyo at uri ng panitikan. Tatalakayin din
ang mga dahilan kung bakit kailagan nating pag-aaralan ang panitikan at kung paano nga ba
natin mapapanatiling buhay ang panitikang Pilipino.

Learning Outcomes
Pagkatapos ng kurso ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kahulugan at anyo ng panitikan.
2. Napapahalagahan ang panitikan
3. Nakalilikha ng isang uri ng panitikan

Introduksyon
Sino ang nasa larawan? Ano ang ginagawa nila?

Ang susunod na seksiyon ay naglalaman ng mga esensyal na impormasyon ng mga paksang


mula sa learning outcomes. Basahin at unawain ang nilalaman ng modyul na ito. Sana ay
matuwa ka habang sinasagutan ang iba’t ibang inihandang gawain.

Panitikan

Ang Panitikan ay mula sa "pang-titik-an" titik - literatura (literature), Literatura - galing sa


Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ito ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag.
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao.
Uri ng Panitikan
1. Piksyon - ang mga akda na mula sa imahinasyon ng manunulat.
2. Di-Piksyon - ito ay mga akdang batay sa tunay na pangyayari.
Anyo ng Panitikan (Modern Times)
a. Pasalin-dila
b. Pasulat
c. Pasalintroniko
Bakit Kailangang Pag-aralan ang Panitikang Pilipino
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan
at taglay na katalinohan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay
sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’ti bang mga bansa
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto
ang mga ito.
4. Upang malamana ng ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikap ang ito ay mapagbuti
at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat
nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa
sariling atin.
ANYO NG PANITIKAN
1. Akdang Tuluyan - nagpapahayag ng kaisipan na isinulat ng patalata.
2. Mga akdang Patula - Ito ay nagpapahayag ng damdamin na isinulat ng pasaknong.
Mga Akdang Tuluyan
a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay
na mga tao at pook at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga
mito at kwentong-bayan.
b. Anekdota - Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanayg na tao. Ito rin ang mga ginagawa
ng mga pagpapaliwanag sa mga ginawa ng mga tao.
dalawang uri:
1. Katakata
2. hango sa totoong buhay
c. Nobela - isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinahahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
pagkakalabas ng hangarin sa bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
d. Pabula - isang maikling kwento na nagmula noong unang panahon kung saan ang mga
tauhan ay hayop na nagsasalita.
e. Parabula - isang maikling sanaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniang batayan ng mga kwento ay nasa karaniang batayan ng mga kwento ay nasa Banal na
Kasulatan.
f. Maikling Kwento - isang maigsing salaysay sa isang mahalagang pangyayaring
kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan.
g. Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. nahahati sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
h. Sanaysay - isang maiksing komposisyong na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.
i. talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayn ng buhay ng isang tao
hango sa mga tunay tala, pangyayari o impormasyon.
Mga Akdang Patula
a. Tulang Pasalaysay

 Epiko
 Awit Korido
b. Tulang Pandadamin o Liriko

 Awiting-bayan
 Soneto
 Elehiya
 Dalit
 Pastoral
 Oda
c. Tulang Padula o Pantanghalan
 Senakulo
 Moro-moro
 Sarsuela
 Tibag
 Panunuluyan
 Salubong
d. Tulang Patnigan
 Karagatan
 Duplo
 Balagtasan
Blancia College Foundation Incorporated
Mabini Street, Molave, Zamboanga del Sur
blanciacollege@yahoo.com

ANYO NG PANITIKAN
Lesson 3

Pangalan: _______________________________________________________________

Gawain #1
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
______1. Ginagamit ng manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsusulat ng mga
akdang bunga ng isip lamang.
______2. Ito ay.isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
______3. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa
mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may akda.
______4. Bumabatay ang may akda sa mga tunay na balita at pang kaganapan.
______5. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t ibang anyo at estilo.
______6. Isang makata,sanaysayista at kuwentista tinaguriang”Ama ng Makabagong
Tulang Tagalog”.
______7. Kilala sa kanyang sagisag panulat na Rio Alma,isang makata kritiko, tagasalin,
editor, guro at tagapamahalaang pangkultura ng Pilipinas.
______8. Isang Pilipinong manunulat at kabilang sa tatlong tungkong batong panulaang
Filipino kasama sina Virgilio S.Almario at Rogelio G.Mangahas.
______9. Isang bantog na manunulat kritikong pampanitikan at nobelista ng
komiks.Naging co-founder at naging unang historyador at naging unang Presidente ng
Panitikan noong 1935.
______10. Ito ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan.
Blancia College Foundation Incorporated
Mabini Street, Molave, Zamboanga del Sur
blanciacollege@yahoo.com

ANYO NG PANITIKAN
Lesson 3

Pangalan: ______________________________________________________________

Gawain # 2 Pagsubok sa Kaalaman


Panuto: Hindi naiiba ang Pilipino noong bata pa ang daigdig. May mga katanungan siyang
nabuo sa isip tungkol sa pinagmulan ng kapaligiran. Ang tanong na iyan ay sinagot n gating
mga ninuo sa paraang gumigising ng guniguni. Sa pagbibigay ng paliwanag ng pinagmulan
ng mga pangyayari ay waring ito ay totoo at hindi isang likhang-isip lamang. Kaya nabuo
ang mga unang kwento at tinawag na ALAMAT.
Ngayon ay mag-isip kayo. Tumimgin sa paligid, at lumikha ng isang kwentong ibabatay
sa isang bagay o pangyayari. Subukin ang sarili kung makabubuo kayo ng isang wentong
may uring alamat. Tandaan na ang bawat kwentong lilikhain ay dapat masalamin ang
magagandang pagpapahalaga sa buhay, o ang tinatawag na “value.”

__________________________________________
Pamagat
Blancia College Foundation Incorporated
Mabini Street, Molave, Zamboanga del Sur
blanciacollege@yahoo.com

ANYO NG PANITIKAN
Lesson 3

RUBRICS PARA SA PAGSULAT NG ALAMAT

Pamantayang Marka

Kaugnayan sa Tema 25%

Nilalaman 30%

Pagkakabuo 25%

Kalinisan 20%

KABUUAN 100%

You might also like