You are on page 1of 24

Aralin 7:

Pag-uugnay ng
Kaisipang Nakapaloob
sa Binasang Teksto
PANGKAT 7
Halina’t basahin ang teksto at alamin ang kaisipang hatid nito.

“Ako ay Laking Lungsod ng Angeles, Pampanga”


By RESIDENTPATRIOT

Lokasyon ng Angeles sa Pampanga

Sinasabi ng iba na ang aming lalawigan ang pinakamalayong i-byahe sa buong


Pilipinas dahil ang itlog na dala mo mula sa iyong bayan ay magiging “ebun”
pagdating sa amin. Ang kapampangan kasi ng itlog ay “ebun” na katunog ng “ibon”.

TUKLAS
Ang korni ano? Hindi ko inimbento ‘yan ha?

Naging kilala dati ang aking lungsod bilang bagsakan ng mga PX goods, kuta ng mga

IN sundalong Amerkano at pugad ng mga panggabing bahay aliwan.

Malaki na ang ipinagbago ng aking lungsod mula ng pumutok ang bulkang Pinatubo
at tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerkano ang kanilang base militar sa aming
bayan. Dahil sa pangyayaring ito, natagpuan ng aming bayan ang mga bagong
oportunidad para sa ibang uri ng hanapbuhay na hindi umaasa sa mga banyagang
sundalo.
Ang aking lungsod ngayon ay mas marami ng maihahandog sa mga nais bumisita
rito. Dayuhan man o kababayan ay pawang matatagpuan ang mga bagong
karanasan na maihahandog ng aming bayan.

Nayong Pilipino Clark

Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa aming bayan ay matatagpuan


sa loob ng Clark (ang dating base militar ng Amerika sa Pampanga) gaya ng: Nayong
Pilipino, sanktuwaryo ng mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo (hot air
balloon) na ginaganap taun-taon, ang mga resort, palaruan ng golf, piknikan, at

TUKLAS kung mahilig ka sa sugal, meron ding Casino na matatagpuan sa loob ng Clark.
Siyempre, meron ding mga mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.

IN Lumang Mansyon ng mga Pamintuan

Ang iba pang mga matatandang gusali ay ang Bale Herencia (ginawa: 1860), Camalig
(ginawa: 1840), Bale Matua (ginawa: 1824) at ang isa mga pinakamatandang
simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang Simbahan ng Santo Rosario na ginawa mula
nuong 1877 hanggang 1896.174
Meron din kaming museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga
lumang larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga
at iba pang mga pagpapamalas (exhibit) tungkol sa kasaysayan ng Angeles.
Hindi tinaguriang Kapital ng Pagluluto sa Pilipinas ang aming lalawigan ng walang
dahilan. Kaya nga maraming matatagpuang masasarap na kainan sa aming lungsod.
Gusto mo ba ng inihaw, pagkaing dagat o katutubong lutong Pilipino at
Kapampangan? O ‘di naman kaya ay mga pagkaing Intsik, Koreyano, Mongolyan,
Hapon, Amerkano, Italyano at iba pang putaheng banyaga? Kahit ano pa ang trip
mong pagkain (basta totoong “pagkain” ha?), malamang meron kami n’yan.

TUKLAS Mga nagpipinetensya tuwing Mahal na Araw

IN
Makikita din sa aming bayan at sa kalakhan ng Pampanga yaong mga nagpapahirap
sa kanilang mga sarili tuwing sumasapit ang Mahal na Araw. Kung tawagin sila ay
mga nagpipinetensya.
Madalas dayuin ‘di lang ng mga karatig-bayan kundi pati ng mga dayuhan mula sa
ibang bansa ang taunang pagpapahirap sa sarili na ito, ngunit sana nga ay mahinto
na ang tradisyong ito balang araw dahil nagiging idolo sila ng ilang mga kabataan.
Halimbawa ng isang Koreyano

Dumami na rin ang mga Koreyanong naninirahan sa aming bayan. May mga ilan na
panandalian lamang ang pananatili at meron din namang mga pangmatagalan.
Sa dami ng mga Koreyano ay nakagawa na sila ng sarili nilang komunidad sa aming
bayan. Nakapagtayo na sila ng mga pamilihan, kainan, paaralan at pook sambahan
sa napakaliit naming bayan. Marami sa mga kabataang Koreyano sa amin ay mga
estudyanteng nag-aaral ng Inggles.

TUKLAS Daan papuntang Clark

Ang pagpapabuti sa Paliparan ng Diosdado Macapagal ay maghahatid ng ibayong


IN interes sa komersyo sa aming bayan na maghahatid ng bagong mga oportunidad sa
negosyo at lilikha ng mga bagong trabaho na mag-aangat naman sa kaledad ng
buhay ng mga mamamayan sa aming bayan. Plano pa lang lahat ‘yan subalit marami
ang naghahangad na ang mga ito ay matupad.
Halimbawa ng sikat na Kapampangan

Hindi rin kami nagpapahuli sa mga sikat kagaya nina Lea Salonga, Apl d Ap, Efren
Bata Reyes, Donita Rose at Baron Geisler (sikat pa ba si Baron?). Marami pang ibang
mga sikat na Angelenyo subalit tinatamad na akong mag-saliksik ng iba pa.
Malapit lang ang Angeles sa mga lalawigang may dagat at iba pang pook pasyalan
gaya ng Bundok Arayat, mga dagat ng Zambales at Pangasinan, Baguio, Olongapo,
Maynila at ang bulkang Pinatubo.

Nang sumabog ang bulkan

TUKLAS Isang ‘di ‘ko makakalimutang karanasan sa aking buhay sa Angeles ay ang pagputok
ng bulkang Pinatubo. Pininsala nito ang napakaraming buhay, bahay, ari-arian at

IN lupain. Subalit tinuruan ako nito kung paano lumaban para mabuhay (survival).
Kung paanong mabuhay sa isang kalagayan na walang mabibiling pagkain, walang
agarang maiinom na tubig at walang kuryenteng magagamit.
Ito ang aking lungsod, ito ang tahanan ng aking mga magulang at ng aking mag-ina.
Dito ako ipinanganak, dito ako nagtapos ng pag-aaral, dito ako nakahanap ng
trabaho at malamang ay dito na rin ako sasapitin ng katandaan.

https://thepinoysite.com/2012/09/19/ako-ay-laking-lungsod-ng-angelespampanga
Matapos mong mabasa ang tekstong may pamagat na “Ako laking Lungsod ng
Angeles, Pampanga ay masasagot mo ba ang mga katanungan inihanda?

1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa?

TUKLAS 2. Maliwanag ba ang pagkakaulat ng bawat kaisipan nais ihatid ng nagpapahayag?


3. Paano kaya maiuugnay ang mga kaisipan hatid ng teksto sa sarili? pamilya?
komunidad? bansa? daigdig?
IN
IBA’T – IBANG URI
SURII NG TEKSTO
N
SURIIN  Tekstong Impormatibo – ito naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.

IBA’T –  Halimbawa: “Mamamayan pinayuhan ng


IBANG URI Kagawaran ng Kalusugan na manatili sa bahay
upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na
NG COVID-19”.

TEKSTO
SURIIN  Tekstong Deskriptibo – naglalarawan ito sa
bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
IBA’T –
 Halimbawa: “Magandang puntahan ang bayan ng
IBANG URI Angeles, Pampanga dahil sa magagandang
pasyalan”
NG
TEKSTO
 Tekstong Persuweysib - isang uri ng di-piksyon
SURIIN na pagsulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na aumang-ayon sa manunulat
hinggil sa isang isyu.
IBA’T –
IBANG URI  Halimbawa: “Mainam na gamitin ang Brand Y Plus
dahil mas nakapagpapaputi ito ng mga damit kaysa
NG sa Brand X. Kaya’t gamitin ang Brand Y Plus. Para
sa puting walang katulad
TEKSTO
 Tekstong Naratibo - layunin nito ang
SURIIN magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak
na pangyayari totoo man o kathang-isip.

IBA’T –  Halimbawa: “Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang


IBANG URI pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan
nina Alden Richard at Kathryn Bernardo. Ito rin ang
NG itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino
sa kasaysayan”.
TEKSTO
 Tekstong Argumentatibo – ito ay ang tekstong
nangngailangang ipagtangol ng manunulat ang
SURIIN posisyon sa isang paksa o uspin gamitn ang mga
ebidensya mula sa pesonal na karanasan,
kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensyang
IBA’T – kasaysayan at resulta ng empirikal na
IBANG URI pananaliksik. Ito ay my dalawang elemento.

NG Proposisyon - pahayag na inilalan upang


pagtalunan
TEKSTO
SURIIN Argumento - paglalatag ng mga dahilan at
ebidensya upang maging katwiran

IBA’T –  Halimbawa: “Hindi totoo ang mga nanghuhula sa


IBANG URI Quiapo dahil lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto
na raket o modus lamang ito ng mga manloloko
NG
TEKSTO
 Tekstong Prosidyural - isang uri ng paglalahad
na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at
SURIIN instruksyon kung paanong isasagawa ang isang
tiyak na bagay
IBA’T –  Halibawa: Upang mapabilang ang establisyemento
IBANG URI at mga empleyado sa programang CAMP (COVID-
19 ADJUSTMENT MEASURES PROGRAM
NG (CAMP) at TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa
ating Disadvantaged/ Displaced Workers, sundin
TEKSTO ang mga sumusunod na hakbang:
SURIIN 1. Pumunta sa website ng Department of Labor and
Employment (DOLE)
IBA’T – 2. Hanapin ang downloadable forms.
3. I-click ito at i-download
IBANG URI 4. Punan ang mga patlang at ipadala sa e-mail ng
DOLE
NG
TEKSTO
Sagutin ang mga tanong ukol sa tekstong iyong binasa.

1. Ano-anong kaisipan sa teksto na maaring maiugnay sa iyong sarili


bilang isang Angeleňos? Ipaliwanag

pagyamanin 2. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nakikitaan mo ng katulad na


kaugaliang Angeleňos sa iyong pamilya?

3. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nagpapakita ng mga


kaganapang nangyayari sa buong komunidad ng Angeles na
nararapat bigyang pansin?
pagsasanay 1
4. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na sa iyong tingin ay tumatak sa
lipunang Pilipino na batid na ng nakararami tungkol sa Angeleňos?

5. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na nagpapakita ng kagalingan ng


mga Angelenos sa buong mundo?
Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.

1. Hindi apektado ang Lungsod ng Angeles nang pumutok ang bulkang


Pinatubo at tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerikano ang Base
Militar na ditto nakahimpil.
pagyamanin
2. Layunin ng tekstong deskriptibo na maialok ang produktong itinitinda.

3. “Ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga lumang larawan,
mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga” ay
pagsasanay 1 halimbawa ng tekstong naratibo.

4. Ang tekstong deskriptibo ay walang pinagkaiba sa tekstong impormatibo.

5. Matatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng malalaking


bahaging maaaring makita lamang sa pananaw ng naglalarawan.
Sumulat ng tekstong deskriptibong maglalarawan sa ambag mo bilang
indibidwal sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

1. Sa iyong sarili

isagawa 2. Sa iyong pamilya

3. Sa iyong komunidad

4. Sa ating bansa

5. Sa ating mundo
tayahin
tayahin
tayahin
karagdagang
Gawain

pagsasanay 1
karagdagang
Gawain

pagsasanay 1

You might also like